Professional Documents
Culture Documents
Ap5 Ikalawang Markahang Pagsusulit With Answer Key 1
Ap5 Ikalawang Markahang Pagsusulit With Answer Key 1
Ap5 Ikalawang Markahang Pagsusulit With Answer Key 1
Department of Education
Region X – Northern Mindanao
DIVISION OF LANAO DEL NORTE
Gov. A. Quibranza Prov’I Gov’t Compound
Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte
I. Basahin ang mga sumusunod na pahayag at isulat sa patlang ang TITIK ng tamang sagot.
______ 1. Aling mga bansa sa Europa ang nanguna sa pagtuklas ng ibang lugar o bansa sa mundo?
A. Portugal at Amerika C. Portugal at Espanya
B. Espanya at India D. Italya at Espanya
______ 3. Ano ang tumutukoy sa isang patakaran ng tuwirang pagkontrol ng malakas na bansa sa
isang mahinang bansa?
A. Imperyalismo C. Kolonyalismo
B. Merkantelismo D. Pasismo
______ 4. Ang mga sumusunod ay mga pangunahing layunin ng Espanya sa pagtuklas ng mga
lupain MALIBAN sa isa. Alin ito?
A. Ninais ng mga Espanyol na makuha ang mga kayamanang taglay ng mga masasakop
na lupain.
B. Layunin ng mga Espanyol na maipalaganap ang relihiyong kristiyanismo.
C. Gusto ng mga Espanyol na makipagkaibigan sa ibang mga bansa para sa
kapayapaan.
D. Hinangad ng mga Espanyol na makamit ang karangalan at kapangyarihan bilang
nangungunang bansa sa paggalugad ng mga lupain.
______6. Si Ferdinand Magellan ay isang Portuges. Bakit naglingkod siya sa ilalim ng bandila ng
Espanyol?
A. Dahil mas makapangyarihan ang Espanya sa Portugal.
B. Dahil hindi siya sinuportahan ng hari ng Portugal ukol sa kanyang hiling.
C. Dahil mas malaki ang ibinayad sa kanya ng Espanya kaysa sa Portugal.
D. Dahil mas malalakas ang mga armas ng Espanyol kaysa sa Portugal.
______ 10. Sino ang nagbigay ng pangalang Las Islas Filipinas sa kapuluan ng Pilipinas bilang
parangal kay Haring Felipe II ng Espanya?
A. Antonio Pigafetta C. Miguel Lopez de Legazpi
B. Ferdinand Magellan D. Ruy Lopez de Villalobos
______ 11. Ano ang patunay na may mga katutubong Filipinong naging magiliw sa pagdating ng
mga Espanyol sa kanilang pamayanan?
A. Sapilitang sumunod ang mga katutubo sa mga patakarang ipinatupad nila.
B. Dinalhan ng mga katutubo ng pagkain at inumin ang mga tauhan ni Magellan.
C. Ninakawan ng bangka ang mga Espanyol sa Guam.
D. Maraming katutubo ang nag-alsa laban sa mga Espanyol.
______ 13. Bakit nabigo ang mga katutubong Filipino sa pagpigil ng mga dayuhang Espanyol na
sakupin ang kanilang mga pamayanan?
A. Hindi nagkakaisa ang mga katutubo at marami ang tumulong sa mga Espanyol upang
sakupin ang mga pamayanan.
B. Mas marami ang mga mandirigmang Espanyol kumpara sa mga katutubong Filipino.
C. Muntik nang matalo ng mga katutubo ang mga Espanyol.
D. Mas malakas ang pwersa ng mga katutubo kaysa mga Espanyol.
______ 14. Ano ang pangunahing tungkulin ng mga prayle sa pagpapasailalim ng Pilipinas sa
Espanya?
A. Turuan ng iba’t ibang paghahanapbuhay ang mga katutubong Pilipino.
B. Tiyaking maging kristiyano ang mga katutubo.
C. Makipagkaibigan sa mga katutubo.
D. Turuan ang mga katutubo sa pagsasalita ng wikang Espanyol.
______ 15. Sino ang mananakop na Espanyol na nagtagumpay na sakupin ang Pilipinas para sa
Spain? Siya rin ang kauna-unahang gobernado heneral sa panahon ng mga Espanyol?
A. Ruy Lopez de Villalobos C. Miguel Lopez de Legazpi
B. Juan Garcia Jofre de Loaisa D. Alvaro de Saavedra
______ 16. Maliban sa Kristiyanismo , ginamit din ng mga Espanyol ang espada upang mapasailalim
sa kanilang kapangyarihan ang mga Filipino. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?
A. Paggawa ng Espada ang pangunahing hanapbuhay ng mga Espanyol sa Pilipinas.
B. Itinuro ng mga Espanyol ang paggamit ng espada bilang isang uri ng pampalakasan.
C. Pinalaganap ng mga Espanyol ang kristiyanismo at nagpatupad ng mga patakarang
pananakop gamit ang dahas.
D. Ang mga Espanyol ay nagsama ng mga tauhang magaling sa espada.
______ 17. Alin sa sumusunod ang walang kaugnayan sa paraan ng pagpapasailalim ng mga
Espanyol sa Pilipinas?
A. Pinagsama-sama ang kanilang tirahan sa ilalim ng pamamahala ng mga Espanyol.
B. Ipinatupad ang paniningil ng tribute upang may magamit para sa pangangailangan
ng kolonya.
C. Pinangasiwaan ng encomendero ang mga katutubong nagpasakop na sa Spain.
D. Binigyan ang mga katutubo ng karapatan sa pagpili ng kanilang relihiyon.
______ 18. Anong relihiyong ang nais ipalaganap ng mga Espanyol kung kaya’t hinangad nilang
manakop ng ibang lupain?
A. Paganismo B. Protestante C. Kristiyanismo D. Filipinista
______ 19. Bakit naging madali sa maraming katutubo ang tanggapin ang Kristiyanismo bilang
bagong relihiyon?
A. Naging marahas ang mga misyonero sa pagpapalaganap ng bagong relihiyon.
B. Pinili ng mga prayle na ipagpatuloy ang katutubong tradisyon at iniangkop ang mga
ito sa paniniwalang Kristiyano.
C. Ibinilanggo ng mga Espanyol ang mga katutubong tumanggi sa Kristiyanismo.
D. Winakasan ng mga misyonero ang papel ng kababaihan sa pangunguna sa mga
ritwal ng simbahan.
______ 20. Ano ang tawag sa sapilitang pagpapatira sa mga katutubo mula sa orihinal nilang tirahan
tungo sa bayan na tinatawag na pueblo?
A. Reduccion B. Ayuntamiento C. Encomienda D. Poblacion
______ 21. Ito ang tawag sa mga pamayanan na naaabot ng tunog ng kampana ng simbahan.
A. Encomienda B. Kabisera C. Pueblo D. reduccion
______ 22. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI kabilang sa layunin ng reduccion?
A. Upang mas maging madali ang pagpapatupad ng mga batas sa mga katutubo at
pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
B. Upang maging madali ang pangongolekta ng buwis.
C. Upang mabantayan ang mga katutubo at mahuli ang lumalabag sa batas.
D. Upang ipakita sa mga katutubo ang kanilang pagkamalikhain sa pagpapagawa ng
mga bahay.
______ 24. Ano ang tawag sa teritoryong ipinagkatiwala sa mga conquistador o mga Espanyol na
nakatulong sa pagpapalaganap ng pananakop ng Espanya?
A. Hacienda B. Encomienda C. Pueblo D. Poblacion
______ 27. Ano ang nagpapatunay na ang sistema ng pagbubuwis noong panahong kolonyal ay
patuloy pa rin ipinatutupad sa kasalukuyan?
A. Reales pa rin ang gamit na pananalapi ng mga Filipino ngayon.
B. Walang paniningil ng tribute sa kasalukuyan.
C. Mayroon pa ring cedula personal ang mga Filipino ngayon.
D. Paghihinalaan kang tulisan kung wala kang maipakikitang cedula personal.
_______ 28. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa mabuting naidulot ng
sapilitang paggawa?
A. Pagkakahiwalay ng pamilya.
B. Kahirapan ng maraming Pilipino.
C. Nakapagpatayo ng maraming simbahan, tulay at lansangan.
D. Pag-bagsak ng ekonomiya sa Pilipinas.
______ 29. Ano ang hindi magandang epekto ng sapilitang paggawa sa mga Filipino noong
panahon ng Espanyol?
A. Ang Laws of the Indies ay nagbigay proteksyon sa mga polista.
B. Maraming kalsada at tulay ang naipagawa dahil sa Polo y Servicio.
C. Nahiwalay ang mga polista sa kanilang pamilya dahil sa paggawa sa malayong lugar.
D. Pinagdadala ang mga Filipino ng materyales sa paggawa ng kalsada.
_______30. Ang Polo y Servicios o sapilitang paggawa ay labis na kinamuhian ng maraming mga
katutubo sa bansa. Ito ay ang nagging dahilan ng ilang mga rebelyon dahil sa hindi natupad ang
mga totoong nakalagay sa batas na pagpapaptupad dito. Ano ang tawag sa pagbabayad ng isa
at kalahating real upang makaiwas dito?
______ 31. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga naging reaksyon ng mga Pilipino sa Kristiyanismo
MALIBAN sa isa, ano ito?
A. Sumampalataya nang lubos.
B. May nag-aalsa bunsod ng kalabisan at pang-aabuso ng mga prayle.
C. Binihag ang mga prayle ng mga katutubo.
D. Ang mga Muslim ay hindi sumampalataya sa Kristiyanismo dahil matatag ang kanilang
paniniwala sa relihiyong Islam.
_______ 32. Ano ang tawag sa ugnayan ng simbahan at pamahalaan kung saan ang pamahalaan
ay may mahalagang papel sa pangangasiwa at pagsuporta sa simbahan?
A. Patronato Real B. Ayuntamiento C. Orden D. Real Audiencia
_______33. Ang mga prayle ang siyang nangunang magpalaganap ng Katolisismo sa kanayunan sa
bansa. Sinuong nila ang makakapal na kagubatan, matatarik na kabundukan at mapanganib na
mga lugar. Alin sa mga sumusunod na misyonero ang hindi maituturing na prayle?
______ 34. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa pang-aabuso ng mga prayle?
A. Ang mga serbisyo sa simbahan at sakramento ay tinapatan ng kabayaran.
B. Pagtuturo ng Te Deum.
C. Pagkakaroon ng misa at pagrorosaryo.
D. Pagbibigay ng sakramento sa mga mamamayan
______ 35. Ito ay samahan ng mga pari o prayle na mayroong tungkulin na mamuhay ayon sa
tuntunin o patakaran ng buhay. Ano ito?
A. Misyonero B. Prayle C. orden D. Patronato Real
______ 36. Ito ay isang pangkawanggawang pundasyon na itinatag ng Simbahan upang
tumanggap ng mga donasyon.
A. Obras Pias B. Hacienda C. Tributo D. Banco Filipino
_______ 38. Bakit nagkaroon ng kapangyarihang politikal ang mga misyonerong katoliko sa
pamahalaang kolonyal?
A. Dahil paborito sila ng Hari ng Espanya
B. Dahil sila ang kinatawan ng hari dito sa Pilipinas
C. Dahil sa Patronato Real
D. Dahil hinirang sila ng hari bilang encomiendero
______ 39. Paano nahikayat ng mga misyonero ang maraming katutubo na maging katoliko?
A. Itinuro ng mga misyonero ang kanilang wika.
B. Hanapbuhay ang pinalit sa pagsanib ng mga katutubo sa relihiyong katolisismo.
C. Pwersahang pinasunod ng mga misyonero ang mga katutubo.
D. Ang pagiging tapat at dalisay ng karamihan sa mga misyonero ang nag-udyok sa
mga katutubo na maging katoliko.
______ 40. Ano ang pangunahing layunin ng mga misyonero sa pagdating nila sa ating bansa?
A. Palaganapin ang relihiyong katolisismo.
B. Makipagpulong sa Santo Papa ng Roma.
C. Maipakita ang kasaganaan ng kapuluan.
D. Makapagtrabaho at kumite ng salapi.
______ 41. Sa inyong palagay, mahalaga ba ang ginampanan ng mga misyonero sa pagkakatatag
ng pamamahala ng mga Espanyol sa Pilipinas?
A. Oo, dahil naipalaganap nila ng tapat ang relihiyong katolisismo.
B. Oo, dahil maraming katutubo ang nagpaalipin sa kanila.
C. Hindi, dahil walang tiwala ang mga katutubo sa kanila.
D. Hindi, dahil sandal lamang silang nanatili sa bansa.
______ 42. Sa pagdating ng mga misyonerong prayle sa ating bansa marami silang naitulong sa mga
Pilipino. Ang mga sumusunod ay kanilang naitulong o nagawa MALIBAN sa isa, alin dito?
A. Pagpapalaganap ng Katolisismo.
B. Nagtatag sila ng mga paaralan.
C. Nagturo ng bagong paraan ng pagtatanim.
D. Tinuruan nila tayo ng pakikipagkalakalan.
______ 43. Alin sa mga sumusunod ang patuloy pa rin gampanin ng mga pari sa kasalukuyan?
A. Pagiging inspector sa aspektong pang-edukasyon at pangkalusugan.
B. Tagapaningil ng buwis sa mga mamamayan.
C. Maaaring maging kapalit sa mga opisyal ng pamahalaan.
D. Tagapagturo ng mga aral at katuruan ng Simbahan.
______ 44. Ano ang iyong konklusyon tungkol sa kapangyarihang taglay ng mga prayle noong
panahong kolonyal?
A. Limitado ang kapangyarihan ng mga prayle.
B. Naging sunud-sunuran ang mga prayle sa kagustuhan ng mga opisyal ng pamahalaan.
C. Malawak ang kapangyarihan at impluwensiyang dulot ng mga prayle.
D. Tanging pagmimisa lang ang tungkulin nila
______ 45. Patuloy na naging maimpluwensiya ang relihiyong Kristiyanismo sa pamumuhay ng mga
Pilipino. Alin sa mga sumusunod na mga paniniwala o tradisyon na nananatili pa rin sa kasalukuyan?
A. Ang mga pari ay may posisyon pa rin sa pamahalaan.
B. Sapilitan pa rin ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa mga pamayanan.
C. Ipinagdiriwang ang mga kapistahan bilang parangal sa patron ng isang lugar.
D. Patuloy na maghihirap ang mga taong hindi nabinyagan sa Kristiyanismo
______ 47. Sino sa mga sumusunod ang sa palagay mo ang mas malaki ang papel na ginampanan
sa tuluyang pagkasakop ng Espanya sa Pilipinas sa matagal na panahon?
A. Ang hari ng Espanya C. Mga prayle
B. Mga kawal ng Espanya D. mga gobernador heneral
_______ 48. Ito ay sapilitang pagtatrabaho ng lahat ng kalalakihan na may gulang 16 hanggang 60.
A. Reduccion C. Polo y Servicio
B. Encomienda D. Tributo
_______ 49. Uri ng pari na karaniwang mestizo at walang kinabibilangan na anumang orden o
samahang relihiyoso.
A. Paring regular C. Prayleng misyonero
B. Paring secular D. Prayleng Conquestador
Answer Key
1. C
2. B
3. C
4. C
5. B
6. B
7. D
8. B
9. C
10. D
11. B
12. C
13. A
14. B
15. C
16. C
17. D
18. C
19. B
20. A
21. C
22. D
23. A
24. B
25. D
26. B
27. C
28. C
29. C
30. B
31. C
32. A
33. D
34. A
35. C
36. A
37. A
38. C
39. D
40. A
41. A
42. B
43. D
44. C
45. C
46. C
47. C
48. C
49. B
50. B