Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

KARAHASAN SA PAARALAN

TUKLASIN

Panuto: Bigyang-pansin ang bawat sitwasyon at pagkatapos ay magbigay ng iyong

opinyon kung paano ka makatutulong upang maiwasan itong mangyari sa loob ng
paaralan.

Sitwasyon 1: Nakita mo ang iyong matalik na kaibigan na sinusuntok ng tatlong

kabataan sa loob ng inyong School Campus. Ano ang iyong gagawin?
Sitwasyon 2: Nakita mo ang isang grupo na mga estudyante na gumawa ng
vandalism sa isang gusali ng inyong eskwelahan. Ano ang iyong gagawin?

SURIIN

Ang Pambubulas o bullying ay isang sinasadya at madalas na malisyosong

pagtatangka ng isang tao o pangkat na saktan ang katawan o isipan ng isa o mahigit
pang biktima sa paaralan. Ang mga batang nambubulas ay ginagamit ang kaniyang
kapangyarihan, na nakahihigit sa kaniyang binubulas-pisikal na lakas, pagkakaroon ng
kaalaman sa mga nakahihiyang impormasyon tungkol sa binubulas o kaya
naman ay popularidad-upang kontrolin o magdulot ng panganib sa kapwa. Matatawag
lamang na pambubulas kung ito ay isasagawa nang paulit-ulit o may potensiyal na maulit
sa takdang panahon.

Uri ng Pambubulas

1. Pasalitang Pambubulas. Pagsasalita o pagsusulat ng masasamang salita laban sa

isang tao. Kasama rito ang pangangantyaw, pangungutya, panunukso, panlalait,
pang-aasar, paninigaw, pagmumura, pang-iinsulto, pagpapahiya sa iyo sa harap ng
maraming tao at iba pa.
2. Sosyal o Relasyonal na Pambubulas. Ito ay may layuning sirain ang reputasyon at
ang pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Kasama rito ang hindi pagtanggap sa isang tao
o sadyang pang-iiwan sa kaniya sa maraming pagkakataon, panghihikayat sa ibang
mag-aaral na huwag makipagkaibigan sa isang partikular na indibidwal o pangkat,
pagkakalat ng tsismis, pagpapahiya sa isang tao sa gitna ng nakararami at iba pa.
3. Pisikal na Pambubulas. Ito ay ang pisikal na pananakit sa isang indibidwal o
pangkat at paninira ng kaniyang mga pag-aari. Kasama rito ang panununtok,
paninipa, pananampal, pangungurot, o ang biglang pag-alis ng upuan habang
nakatalikod upang matumba ang nakaupo. Kabilang din dito ang pagkuha at pagsira
sa gamit o pagpapakita ng hindi magagandang senyas ng kamay.

Epekto ng Pambubulas

1. May mga pag-aaral na makapagpapatunay na ang mga biktima ay may posibilidad na

magkaroon ng labis na pagkabalisa, kalungkutan, suliranin sa pagtulog (sleep
difficulties), mababang tiwala sa sarili, maging sakit ng ulo at tiyan, pangkalahatang
tensiyon, stress, mahinang pangangatawan at nagiging sakitin.
2. Kawalan ng interes sa pag-aaral at hindi pagpasok sa school.
3. Ang biktima ay madalas kakaunti ang kaibigan o maaaring walang kaibigan.
4. Pagkukunwaring may sakit para hindi makapasok sa school. Gusto laging nag-iisa.
5. May pasa, gasgas o sugat na hindi masabi sa magulang ang kadahilanan. At ang
maaaring mangyari sa isang biktima ay maaaring magpakamatay, masisiraan ng ulo
o di kaya’y papatay.
6. Ang pinakamalala ay ang pagpapakamatay na dulot ng depresyon dahil sa
pambubulas. Kadalasan, ang binubulas ay may ibang pisikal na kaanyuhan, tahimik
o di kaya naman ay galing sa mahirap o magulong pamilya. Dahil dito, maraming
pwedeng ipintas ang mga tao sa kanya.
7. Minsan ay tinatawag ng kung ano-anong pangalan, kinukuhanan ng pera o baon,
o kaya naman ay sasaktan ng pisikal. Patuloy na mabubulas ang isang tao kung
ipagwawalang bahala lang niya ang mga ginagawa sa kanya ng nambubulas.
8. Ang biktima ay may posibilidad na sila mismo ay maging marahas, maaaring sa
panahon ng pambubulas o sa hinaharap. Ang karahasang ito ay maaari nilang gawin
sa kanilang sarili, sa paaralan o maaaring sa taong nambubulas sa kanila.

Mga Pamamaraan Upang Maiwasan ang Karahasan sa Paaralan

Ang layunin ng iba’t ibang pamamaraan na nabuo bunga ng mga pag-aaral sa

ibang bansa pangunahin na ang Estados Unidos, ay pigilan ang pagkakaroon ng
karahasan sa paaralan. May apat na antas kung saan maaaring pakilusin, ang
programa laban sa karahasan sa paaralan: sa lipunan, sa paaralan, sa tahanan,at
sa indibidwal.
Ang mga pamamaraan sa antas na panlipunan ay nakatuon sa sosyal at
kultural na pagbabago dito upang mabawasan ang karahasan saan man ito
nagaganap. Halimbawa ay ang regulasyon ng media upang mabawasan ang
pagpapalabas at paglalathala ng karahasan dito,ang paghuhubog ng mga
pamantayang sosyal, pagbabago sa sistema ng edukasyon. Ang mga programa sa
antas na ito ay nangangailangan ng mahabang panahon at higit na mahirap
ipatupad kaysa sa alinmang antas.
Ang programa sa antas na pampaaralan ay nakadisenyo upang baguhin ang mga
kalagayan sa paaralan sa kaugnay ng karahasan. Ito ay maisasagawa sa
pamamagitan ng pagsasaayos at pagkakaroon ng sistema sa loob ng klase,
cooperative learning at wasto at sapat na pamamatnubay ng mga guro sa mga
magaaral.
Sa mga paaralang elementarya ang pamamaraan o istratehiyang tinawag na
Good Behavior Game ay nakatutulong upang mabawasan ang pagkaantala ng klase
at magkaroon ng mabuting interaksyon sa loob ng klase. Nakatutulong naman ang
Second Step Curriculum upang sanayin ang mga mag-aaral sa ikalawa at ikatlong
baitang na magkaroon ng pagpipigil sa sarili at empathy upang mabawasan ang
agresyon sa kanilang pagkilos at pakikitungo sa kapwa mag-aaral. Karamihan ng
mga programa sa paaralan upang mabawasan o mawala ang karahasan ay
nakatuon sa pagsugpo sa pambubulas sa loob ng paaralan.

You might also like