Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 2

13/138

000
K sa
ding
ment
rong at ng
mga para mga n; 3)
at 4)
on o
bing ang
nasa
mga
mga own l, at
aling
bing
bing
raan
tyur
klas
tag guna
son
na
ng
ito.
na
Fonoloji 47
tinatanggap sa wika. Ang mga kombinasyon na ito ang nagbubuo ng tinatawag na mga
kowd ng mga tunog ng wika.
Ang relasyon ng isang tunog sa iba pang tunog ang pangunahing konsiderasyon ng
aprowch na ito. Samantala, sa aprowch na deskriptiv straktyuralis, ang fonetik na
deskripsyon ng mga tunog na relevant sa alofown ang pangunahing konsiderasyon.
Ipinapakita ng mga distingtiv-fityur ng kahit anong wika ang oposisyon o
pagkataliwas ng mga katangian. Kaya nilalagyan ng + o - ang awat fityur ng tunog.
Sa katunayan, pamimili ito ng isa sa dalawang katangian na magkaiba sa lahat ng iba
pang katangian na magkasalungat sa wika. Naririnig ang pagkakaiba ng mga katangian
ng isang kategori, halimbawa ang pagkakaiba ng mga tunog na dinaan sa ilong (+
neysal) at ang mga hindi (-neysal). Ididitermin ng nakakarinig kung ipinadaan sa
ilong o sa bibig ang hanging nagresulta sa tunog na narinig nya. Ang pagdaan o
hindi pagdaan sa ilong ang magkasalungat na katangian na namamagitan sa mga neysal
at lahat ng mga di neysal sa wikang pinag-uusapan.
Ayon key Jakobson at Halle mey labindalawang oposisyon ng mga distingtiv-fityur ng
mga wika sa mundo. Ito'y nabago nang konti ng mga ibang linggwist. Ang kelangan
lang sabihin ay mey mga sariling kombinasyon ng mga fityur ang bawat wika.
Samakatwid sa Filipino, distingtiv-firyur ang voys ng mga tunog na oral at stap, o
mga tunog na pinipigilan ang hangin sa isang Tegar mula glotis hanggang sa labi,
mga +voys ang / b, d, g/ at mga -voys ang /k, t, p/. Pero sa mga +neysal na /m, n,
n/ hindi distingtiv-fityurg voys dahil ang lahat ng mga tunog na ito'y mey voys,
kaya hindi ang fityur na voys sa mga tunog na + neysal. Ang lebyal na /m/ ay mey
yunal fityur na +neysal na taliwas sa iba pang tunog na lebyal, /b, p, w/. Sa
Franses, fangsyunal ang fityur ng neysal sa mga vawel dahil bukod sa mga oral ha
vawel mey mga vawel na nagkakaron ng fityur na neysal na nabanggit na sa ibang
seksyon.
3.5 Ang silabol
Mey kinalaman din ang straktyur ng silabol sa fonoloji. Maaring pag-aralan ito
batay sa mga vawel at konsonant na nilalaran ng silabol. Nalalaman natin na ang
vawel ay tunog na resulta ng paglabas ng hangin sa bibig mula baga, na walang
hadlang maliban sa pagvaybreyt ng mga vokal-kord. Ang konsonant naman ay resulta ng
paghadlang ng hangin sa
до

You might also like