Professional Documents
Culture Documents
General Guidelines
General Guidelines
A. Dagliang Talumpati
● Ang bawat departamento sa kolehiyo ng unibersidad ay hinihikayat na
magkaroon ng isa ngunit hindi hihigit sa dalawa na kumakatawan sa kanilang
departamento.
● Ang bawat kalahok ay inaasahan na darating 15 minuto bago magsimula ang
patimpalak upang isagawa ang palabunutan ng pagkasunod sunod ng mga
mag tatalumpati. Ang hindi tumalima sa oras ay hindi na tatanggapin.
● Sa takdang oras ng patimpalak, ang bawat kalahok ay pabubunutin ng paksa.
Siya ay bibigyan lamang ng tatlong (3) minuto upang mag isip ng mga
kaisipan hinggil sa paksang napili habang nagtatalumpati ang ibang kalahok.
Magsisimula ang oras ng kalahok sa hudyat ng moderator.
● Ang paksa o tema na pag-uusapan ay tungkol sa mga napapanahong isyu ng
ating lipunan.
● Ang pagmumura o ano mang kabastusan na salita ay hindi maaaring gamitin
sa kompetisyon.
● Ang bawat kalahok ay bibigyan ng 3 minuto upang magtalumpati. Kailangan
tumigil ang kalahok na magtalumpati sa pag hudyat ng mga moderator.
Pamantayan:
Pamantayan:
C. Harana at Kundiman
● Ang mga mag-aaral sa iba’t-ibang departamento at taon ay maaaring sumali
sa patimpalak na ito.
● Isang kalahok lamang bawat departamento ang pwedeng sumali.
● Ang miyembro ng Glee Club ng University of Nueva Caceres ay HINDI
maaaring sumali sa patimpalak na ito upang magbigay tyansa sa mga
mag-aaral na may natatagong talento rin sa pagkanta.
● Ang kanta na napili ng kalahok ay dapat OPM (Original Pilipino Music) .
● Dapat na magsumite ang kalahok ng Minus 1 ng kanilang kanta, isang araw
bago ang aktibidad. Maaari rin magdala ng sariling accompaniment gaya ng
gitara ( Magdala rin ng sariling konektor)
● Ang pagbabasehan ng paghuhusga ay nasa ibaba:
D. Comedy Skit
● Ang mga mag-aaral sa iba’t-ibang departamento at taon ay maaaring sumali
sa patimpalak na ito.
● Pinapahintulutan na bumuo ng grupo na galing sa iba’t ibang departamento.
Hinihikayat na ang bawat grupo ay magkaroon ng malikhaing pangalan.
● Maaari lamang magkaroon ng tatlo (3) hanggang limang (5) miyembro ang
grupo na sasali.
● Ang skit ng bawat grupo ay dapat pumapatungkol kung paano payayabungin
ang pagmamahal at pag gamit ng Wikang Filipino.
● Ang Comedy skit ay dapat tumagal nang apat (4) na minuto hanggang limang
(5) minuto lamang. Bawat minuto na lalampas sa itinakdang oras ay
babawasan ng isang puntos ang kabuuhan ng kanilang iskor.
● Ang pagmumura o ano mang kabastusan na salita ay hindi maaaring gamitin
sa kompetisyon. Babawas ng limang puntos ang kabuuhan ng limang puntos.
● Maaaring gumamit ng background music o sound effects para sa mas
epektibong paglalahad.
● Ang pagbabasehan ng paghuhusga ay nasa ibaba:
𝗗𝗮𝗴𝗹𝗶𝗮𝗻𝗴 𝗧𝗮𝗹𝘂𝗺𝗽𝗮𝘁𝗶
1st Place: P1,500
2nd Place: P1,200
3rd Place: P1,000
𝗛𝗮𝗿𝗮𝗻𝗮 𝗮𝘁 𝗞𝘂𝗻𝗱𝗶𝗺𝗮𝗻
1st Place: P1,500
2nd Place: P1,200
3rd Place: P1,000
𝗠𝗮𝘀𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮 𝗣𝗮𝗴𝗸𝘂𝗸𝘄𝗲𝗻𝘁𝗼
1st Place: P1,500
2nd Place: P1,200
3rd Place: P1,000
𝗖𝗼𝗺𝗲𝗱𝘆 𝗦𝗸𝗶𝘁
1st Place: P2,500
2nd Place: P2,000
3rd Place: P1,500