4TH Periodical 2022 2023fLORANTE AT LAURA

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV – A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
GOV. FELICIANO LEVISTE MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL

IKAAPAT NA PANAHUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO BAITANG 8 (SY-2022-2023)

I.PAKIKINIG:
Layunin: F8PN-Iva-b-33:Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura batay sa mga
napakinggang pahiwatig sa akda.
Panuto: Basahing mabuti ang talata at piliin ang wastong sagot sa loob ng kahon.Isulat ang wastong letra sa
bawat bilang.
A.Florante at Laura B. Francisco “Balagtas” Baltazar E.Dr. Jose P. Rizal
C.Apolinario Mabini D.Huseng Sisiw F. Selya
Bakit kaya antagal ni Ma’am? Eksayted pa naman ako palagi sa aming klase sa Filipino. Ayon sa kanya,
ang Ikaapat na Markahan ay nakapokus sa araling 1._______na sinulat ni 2. ___________.Mula sa aking
sinaliksik, naisulat niya ito sa loob ng kulungan at inihahandog niya kay 3._________.Napahanga ako sa husay
at galling ng manunulat at ito’y pinatunayan ng isang bayaning saulado ang buong aklat na si
4.__________.Isang hamon mula kay 5._________ang nagpabago ng buhay ng dakilang manunulat.
B.Tukuyin ang uri ng pagmamahal na ipinapahayag sa pangungusap.Piliin sa loob ng kahon ang wastong sagot
sa bawat bilang.Isulat ang wastong letra.
A.Pagmamahal sa Magulang B.Pagmamahal sa Kaibigan C.Pagmamahal sa
Bayan D. Pagmamahal sa Kabilang Kasarian E. Pagmamahal sa
Panginoon
_____6.Ang pag-aalala ni Florante kay Duke Briseo sa kasamaang naghahari sa Albanya.
_____7.Ang patuloy na pagtawag ni Florante sa Panginoon sa kabila ng kanyang kalagayan.
_____8.Ang pagliligtas ni Menandro kay Florante sa isang dula-dulaan.
_____9.Ang pag-aalala ni Florante sa kaharian ng Albanya sa ipinakitang bangis ni Konde Adolfo.
_____10.Ang naisip na pagpapakasal ni Flerida kay Sultan Ali-adab para sa kaligtasan ni Aladin.
Layunin: F8PN-IVf-g-36:Nailalarawan ang tagpuan ng akda batay sa napakinggan.
Panuto: Isulat sa unahan ng bilang ang wastong tagpuan na tinukoy sa aralin.
_____11.Ang paaralang pinasukan ni Florante at Konde Adolfo.
_____12.Lugar kung saan iniligtas ni Aladin si Florante.
_____13.Kahariang pinagmulan ng mga Muslim o mga Moro.
_____14.Kahariang pinanggalingan ni Reyna Floresca.
_____15.Kahariang pinamumunuan ni Haring Linseo.
II.PAGBASA
Layunin:F8PB-IVc-d-34:Nasusuri ang mga pangunahing kaisipan ng bawat kabanatang binasa.
Panuto: Basahing mabuti ang mga piling saknong na halaw sa Florante at Laura. Piliin ang wastong sagot na
angkop sa mga katanungan.
Baguntaong basal ang anyo’t tindig, kahit nakatali kamay, paa’t liig,
Kundi si Narciso’y tunay na Adonis, mukha,y sumilang sa gitna ng sakit.
16.Anong kaisipan ang ipinapakita sa saknong na ito?
A.katangiang pisikal ni Florante C.katangiang pisikal ni Sultan Ali-Adab
B.katangiang pisikal ni Aladin D.katangiang pisikal ni Duke Briseo
Katiwala ako’t ang iyong kariktan, kapilas ng langit anaki’y matibay,
Tapat ang puso mo’t di nagunam-gunam, na ang paglililo’y nasa kagandahan.
17.Inilalahad sa saknong na ito ang kaisipang_______
A.Kataksilan ni Laura C.Pagmamahal ni Laura
B.Kagandahan ni Laura D.Pag-aalaga ni Laura
At kung Kay Flerida’y iba ang umagaw, at di ang ama kong dapat na igalang
Hindi o masabi kung ang pika kong tanga’y, bubuga ng libo’t laksang kamatayan.
18.Sino ang tinutukoy na kaagaw sa saknong na ito?
A.Duke Briseo C.Adolfo
B.Sultan Ali-adab D.Heneral Osmalik
O, Pagsintang labis ang kapangyarihan, sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw!
Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman, hahamaking lahat masunod ka lamang.
19.Ilahad ang kaisipang nakapaloob sa naturang saknong.
A.Ang taong umiibig ay bulag C.Ang taong umiibig ay nagpaparaya
B.Ang taong umiibig ay nagsasakripisyo D.Gagawin lahat-lahat ang anumang bagay ng taong umiibig
Dito na nahubdan ang kababayan ko, ng hiram na bait na binalatkayo
Kahinhinang asal na pakitang-tao, nakilalang hindi bukal kay Adolfo.
20.Ipinakita rito ang katangian ni Adolfo na________
A.mapagkunwari B.masayahin C.manloloko D.mabait

Layunin:F8PB-IVf-g-36:Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa aralin.


Panuto:Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa Florante at Laura sa pamamagitan ng paglalagay ng letra na
A-E.
_____21.Nag-aral si Florante sa Atenas at nakilala si Adolfo.

Address: Igualdad St., Lemery, Batangas


(043) 321-6046
301102@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV – A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
GOV. FELICIANO LEVISTE MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL

_____22.Narinig ng dalawa na may mga babaeng nag-uusap sa gubat.


_____23.Sumisigaw ang lalaking nakagapos sa gubat at sinasabi ang lahat ng kanyang hinaing.
_____24.Nakubkob ng mga Moro ang Albanya at ikinulong si Haring Linseo, Duke Briseo at Adolfo.
_____25.Pinaalalahanan ni Antenor si Florante sa pagbabalik niya sa Albanya.

Layunin:F8PB-IVg-h-37:Nasusuri ang mga sitwasyong nagpapakita ng iba’t ibang damdamin at motibo ng


mga tauhan.
Panuto:Basahing mabuti ang pangungusap. Isulat ang wastong letra ng tamang sagot na angkop sa bawat
bilang.
26.Pinaninibughuan ni Florante.
A.Laura B.Konde Adolfo C.Aladin D.Flerida
27.Bintang ni Florante kay Laura
A.nanuyo B.naglimot C.nakalimot D.nagtaksil
28.Ang tanging ligaya ni Florante
A.ang mahal na magulang B.alaala ni Laura C.mga kaibigan D.ang pagkabuhay niya
29.Nais ni Florante
A.maalaala siya ni Laura B.makawala sa pagkakagapos C.makaligtas D.mamatay
30.Maririnig sa gubat
A.sigaw ni Florante B.halakhak ni Florante C.bulong ni Florante D.sigaw ni Aladin
III.Pagsasalita
A.Panuto:Piliin sa hanay B ang kahulugan ng pahayag na isinasaad sa hanay A.
31.Kahilingan ni Balagtas sa mga mambabasa A.399 na saknong
32.Bilang ng pahina ng Florante at Laura B.kulungan o karsel
33.Lugar kung saan nabuo ang Florante at Laura C.higera
34.Malaking puno na pinaggapusan sa sawimpalad D.pagpapakintab ng baluti
35.Paraan ng pag-aalala ni Laura kay Florante E.huwag baguhin ang berso
B.WIKA AT GRAMATIKA:F8WG-IVf-g-38:Nagagamit nang wasto ang mga salitang nanghihikayat.
Panuto:Basahing mabuti ang pangungusap at isulat sa bawat bilang ang ginamit na salita sa panghihikayat.
_____36.Ang pag-aaral ng Florante at Laura ay walang duda na angkop sa mga mag-aaral ng Grade 8.
_____37.Tunay na dakilang ama si Duke Briseso sa ipinakita sa akdang Florante at Laura.
_____38.Ang mga tagpo sa araling ito ay totoong nagaganap sa riyalidad.
_____39.Tama ang mga guro natin sa Filipino na ang wagas na pag-ibig ay darating sa tamang panahon.
_____40.Sigurado ako na babaunin ko sa aking pagtanda ang mga aral na nakuha ko mula sa aralin.
C.Layunin:F8PU-IVi-j-40:Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga gamit ang mga salitang
naghahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat.
Panuto:Basahing mabuti ang pahayag.Isulat ang tama o mali sa bawat bilang.
_____41.Nagpakasal si Sultan Ali-Adab at si Flerida.
_____42.Naghari sa Persya si Florante at Laura.
_____43.Iniligtas ni Flerida si Laura sa kamay ni Adolfo.
_____44.Dalawang ibon ang nais na dumagit kay Florante noong siya ay bata pa.
_____45.Nagdamit , Moro si Flerida upang makatakas sa kasal nila ni Sultan Ali-adab.
IV.PAGSULAT
Layunin:F8PU-IVg-h-39:Nakasusulat ng isang islogan na tumatalakay sa paksang aralin.
Panuto:Nabibigyang paliwanag ang islogan tungkol sa pagtulong sa kapwa.(5 puntos)

Ang Pagtulong ay Walang


Hinihintay na Kapalit

Inihanda:

JOSEPHINE D. MENDOZA
Dalubguro I
Binigyang pansin:

JOCELYN R. UMALI
Ulongguro VI,Kagawaran ng Filipino
Pinagtibay:

APRILITO C. DE GUZMAN EdD


Punongguro IV

Address: Igualdad St., Lemery, Batangas


(043) 321-6046
301102@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV – A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
GOV. FELICIANO LEVISTE MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL

Address: Igualdad St., Lemery, Batangas


(043) 321-6046
301102@deped.gov.ph

You might also like