Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

KOMPAN

BALITA
Naglalarawan ng mga kasalukuyang pangyayari sa loob at labas ng bansa.

LATHALAIN
Isang sanaysay batay sa tunay na pangyayari na nagpapaliwanag at may sanligan at impresiyon ng
sumulat.

PELIKULA
-Ang pelikula ay kilala rin bilang sine sa pinilakang-tabing ay isang larangan na nagpapakita ng mga
gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan.
-Iba-iba ang uri ng pelikulang tinatangkilik ng mga manonood. Naaayon ito sa kaniyang ibig panoorin at
nagugustuhan. Nariyan ang aksiyon, animation, dokumentaryo, drama, pantasya, historikal, katatakutan,
komedya, musikal, science fiction, at iba pa.
-Ang panonood ng pelikula ang pinakamura at abot-kayang uri ng libangan ng lahat na
uri ng tao sa lipunan.

DULA
-Isang akdang sa pamamagitan ng kilos at galaw sa tanghalan ay naglalarawan ng kawil ng mga
pangyayaring naghahayag ng kapana-panabik na bahagi ng buhay ng tao.
-Sinasabi ring isang genre ng panitikan na sa anyong tuluyan and dula, na dapat na itanghal sa
entablado, may mga tauhang gumaganap na nag-uusap sa pamamagitan ng kilos at galaw sa tanghalan.
-Ito ay isang sining ng panitikan na ang layunin ay maipakita sa pamamagitan ng pagtatanghal sa ibabaw
ng entablado o tanghalan.
-Ang dulang Pilipino ay pagpapakita ng tunay sa kulay at damdamin ng isang Pilipino na binibigyang
buhay sa ibabaw ng entablado sa pamamagitan ng makasining na pag-arte. (Desiderio, 1988)

Halimbawa ng mga kilalang dulang Pilipino ay:


"Sa Pula, Sa Puti" ni Francisco "Soc" Rodrigo
"Walang Sugat" ni Severino Reyes

KOMIKS
-Ang komiks ay isang grapikong midyum na binubuo ng diyalogo, mga salita, at larawan na siyang
nagsasalaysay sa diwa ng kuwento.
-Sa Pilipinas, sinasabing si Dr. Jose Rizal ang kauna-unahang Pilipinong sumulat ng komiks na
pinamagatang "Pagong at Matsing".

Mga Bahagi ng Komiks


1. Kuwadro (frame) - ito ay naglalaman ng isang tagpo sa kuwento.
2. Kahon ng salaysay (caption box) - ang tawag sa kinasusulatan ng maikling salaysay tungkol sa
tagpo sa kuwento.
3. Larawang guhit ng mga tauhan sa kuwento - ang tawag sa mga guhit ng tauhan na binibigyan ng
kuwento.
4. Pamagat ng kuwento - tawag sa pamagat ng komiks.
5. Lobo ng usapan - ang tawag sa kinasusulatan ng diyalogo ng mga tauhan sa komiks; may iba't ibang
anyo ito batay sa inilalarawan ng dibuhista.

Iba't ibang Anyo ng Lobo ng Usapan


1. Lobong pansarili (thought bubble) - ang ginagamit kapag ang diyalogo ay sinasabi sa sarili.
2. Lobong pabulong (whisper bubble) - ang ginagamit sa usapang pabulong
3. Lobong pasigaw (scream bubble) ito ang ginagamit kapag ang sinasabi ay pasigaw, pagalit, o
pabulyaw.
4. Lobong Pangkaraniwan (speech bubble) - ang ginagamit sa karaniwang usapan.
5. Lobong mahina - ang ginagamit kapag ang diyalogo ay sinasabi ng mabagal o marahan.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagbuo ng Komik Istrip


1. Alamin ang sariling hilig o istilo.
2. Tukuyin ang pangunahing tauhan.
3. Tukuyin ang balangkas ng kuwento.
4. Ipokus ang atensyon sa diyalogo at daloy ng kuwento.
5. Ayusin at pagandahin ang gawa.

Mga Uri ng Komiks


1. Alternative comic books - karaniwang naglalahad ng istorya base sa realidad
2. Horror - mga istoryang katatakutan
3. Manga - ito ay mga komiks na nanggaling sa Japan
4. Action - ay naglalahad ng mga istorya ng mga superhero"
5. Romance/adult - ang komiks na ito ay naglalahad ng LOVE istorya ng pag-ibig
6. Science fiction/fantasy - ang komiks na ito ay karaniwang naglalaman ng mga bagay mula sa
imahinasyon

ADBERTISMENT
Isang maikling pelikula o isang nakasulat na pabatid/impormasyon na ipinalalabas o ipinakikita sa publiko
upang makatulong na mabili ang produkto.

Iba't ibang paraan ng pagpahahatid ng adbertisment at halimbawa nito.

Adbertisment sa Bus
Karaniwang mga pelikula o isang produkto ng gadget, pagkain, gamit pangmedikal, at iba pa ang
makikitang adbertisment sa bus, Naniniwala ang mga adbertayser na malaking panghikayat kung sa bus
ay maglalagay rin sila ng adbertisment sapagkat bawat makakikita nito ay hindi maaa hindi mapalingon
lalo na kung maganda ang pagkakagawa, na bentahe para magkaroon ng interes at lumaon ay
mahikayat na bilhin ang isang produkto. Madali ring maunawaan ang gamit ng wika. Bukod sa
nakapanghihikayat ang adbertisment sa bus, nakapagdudulot din ito ng karagdagang kagandahan sa
disenyo ng bus,

Adbertisment sa Telebisyon
Ang bawat komersiyal sa telebisyon ang nagsisilbing adbertisment. Ito ang sinasabing pinakaepek- tibong
uri ng adbertisment sapagkat halos lahat ng tao ay may panahon sa panonood ng telebisyon Iba-iba ang
register na gamit nang ayon sa produkto o sitwasyon.
Ginagawang kaaya-aya, maayos, at malinaw ang pagpapahayag na nais iparating sa adber ment sa
telebisyon upang mabigyang-tuon ito ng mga manonood

Adbertisment sa Radyo
Epektibo ring paraan ang radyo upang mahikayat sa isang produkto ang isang mamimil. T din sa
telebisyon kailangan ang airtime sa estasyon o network upang marinig ang mga komersi kaugnay ng
adbertisment. Sa radyo ay nagkukuwento o parang nakikipag-usap na daan sa man bisang pag-
aadbertays ng anumang produkto.
Di tulad ng ibang uri ng adbertisment, ang adbertisment sa radyo ay di na kailangan pang Pagtuunan ng
paningin upang ganap na maunawaan ang mensahe, at bawat detalye ng a sment, pakikinggan mo
lamang.

Adbertisment sa Online
isang paraan ng promosyon ang adbertisment sa online garnit ang Internet at World Wide We upang
balayag ang husay at ganda ng produktong inaadbertays.

Adbertisment sa Billboard
Malalaking estruktura ang billboard na makikita sa mga pampublikong lugar na nagpapakita ng
adbertisment sa mga motorista at pedestrian na dumaraan tungkol sa isang produkto. Karaniwang
makikita sa mga pangunahing lansangan kung saan dumaraan ang maraming tao. Makikita rin ang mga
ito sa mga lugar na matao tulad ng terminal ng bus, sa mga mall, mga gusaling pinagtatraba- huhan, mga
stadium, at marami pang iba.

Register at Barayti ng Wika sa Iba't Ibang Sitwasyon


Register ang partikular na gamit ng wika sa iba't ibang sitwasyon. Isang panlipunang salik na isina-
saalang-alang ng baryasyon ng pananalita ng indibiduwal ay depende sa mga sitwasyon ng paggamit.
Halimbawa, may sariling register ang Medisina, Batas, Media, Social Media, Inhenyeriya, Negosyo, at iba
pa.
MEDISINA BATAS MEDIA SOCIAL INHENYERIYA NEGOSYO
MEDIA

• injection • reclusion • dyornalismo • yahoo • sukatin • presyo


• prescription perpetua • adbertisment • google • dimensiyon • bonus
• ob-gyne • bail • tagapakinig • fb • anggulo • kita
• aspirin • akusado • tagatangkilik • Ig • digri • kapital
• rehab doctor • abogado de • diyaryo • basher •sirkumperensi • trabaho
• therapist campanilla • telebisyon • skype ya • franchise
• CBC • impeachment • radyo • internet • kilometro • food stall
• X-ray • penology • air time • blog • heometrikal • networking
• insulin • kongklusyon • komersiyal • social • distansiya • nalugi
• pulmonary • testigo • ulat panahon account • hugis ng lupa • branches
• hustisya • e-mail • patayong
• hukuman linya

Katuturan ng Pananaliksik
• Ayon sa mga dalubhasa, ang pananaliksik ay paraan ng paghahanap ng teorya, pagsubok ng teorya, o
paglutas ng isang suliranin.
• Ayon kay Fred Kerlinger (1973), ang pananaliksik ay isang sistematiko, kontrolado, empirikal, at kritikal
na imbestigasyon ng mga proposisyong haypotetikal tungkol sa mga natural na pangya
yari.
• Ang pananaliksik ay isang sining. Maraming paraan ang maaaring gamitin sa pananaliksik.
• Pagtuklas sa mga teorya na gamit sa komprehensibong pag-aaral.
• Mula sa depinisyon na inilahad at iba pang iskema, maaaring ganito mabigyan ng lagom ang
mahalagang konsepto na dapat tandaan sa pananaliksik.
Katangian ng Pananaliksik
1. Obhetibo
2. Mayaman sa ginagamit na mga datos
3. May angkop na pamamaraan o metodolohiya
4. Maayos ang dokumentasyon
5. May sinusunod na tamang proseso sa pagsulat
6: Kritikal

Mga Layunin sa Pagsasagawa ng Pananaliksik


Sa pagsasagawa ng pananaliksik, dapat na alam kung ano ang layunin ng gawaing ito. Dapat na:
• makatuklas ng mga bagong impormasyon, ideya, at konsepto,
• makapagbigay ng bagong pagpapakahulugan o interpretasyon sa dati nang ideya;
• mabigyang-linaw ang isang mahalagang isyu o paksa:
• makapagbigay ng mungkahing solusyon sa suliranin:
• makapagpatotoo o makapangatuwiran sa tulong ng mga mapananaligang materyales o dokumento
tungkol sa mga paksang nangangailangan ng paglilinaw; at
• makapagbigay ng mga ideya o mungkahi batay sa pangkasaysayang perspektibo para sa isang
pangyayari o senaryo.

Responsibilidad ng Mananaliksik
Gaya nga ng nabanggit na sa mga unang talakay, isang komprehensibong gawain ang pananaliksik lalo
na sa mga mag-aaral. Tunghayan ang ilang responsibilidad ng isang mananaliksik.

1. Pagkamatiyaga
2. Pagkamapamaraan
3. Pagkamasistema sa gawain
4. Pagkamaingat
5. Pagkamapanuri o kritikal
6. Pagkamatapat
7. Pagiging responsable

Uri ng Pananaliksik
1. Empirikal o Mala-siyentipiko
Nangangailangan ng malalim na pagsusuri ng mga ebidensiya at aktuwal na mga datos. Ito'y naila-
larawan, naihahambing, at natutuos upang makita ang relasyon ng hipotesis sa panukalang tesis o
disertasyon na isang trabahong siyentipiko.

2. Applied Research
Gumagamit ng sopistikasyon, sapagkat ito'y kongklusyon at estadistika. Karaniwang ito'y bunga ng
madaling pagsasagawa ayon sa hinihinging panahon. Ang isang mahusay na halimbawa nito'y sa
panahon ng eleksiyon. Gumagamit ito ng prediksiyon na nagkakatotoo. Ginagawa rin ito sa benta ng
kalakal sa ilalim ng adbertisment. Ang mabisang resulta nito ay depende sa sarbey at mga napiling
sampling

3. Pure Research
Ginagawa ito sa sariling kasiyahan ng isang tao upang maunawaan ang isang bagay na gumugulo
sa kaniyang isipan. Maaari naman itong gawin ayon sa hilig ng mananaliksik.
Mga Paraan ng Pananaliksik
A. PALARAWAN (Descriptive Method)
Ito'y idinisenyo para sa mananaliksik tungkol sa isang kalagayan sa kasalukuyan. Ipinaliwanag ni Best
(1963) na ang palarawang pananaliksik ay isang imbestigasyon na naglala- rawan at nagbibigay
kahulugan tungkol sa isang bagay o paksa. Ito ay may kinalaman sa mga kondisyon ng mga ugnayang
nagaganap, mga gawaing umiiral, paniniwala at prosesong naga- ganap, mga epektibong
nararamdaman, o mga kalakarang nalinang

Uri ng Palarawang Paraan

1. Pag-aaral ng Kaso (Case Study)


Ang paraang ito ay detalyadong pag-aaral tungkol sa isang tao o yunit sa loob ng sapat na panahon.

2. Sarbey
Ang mga sarbey na pag-aaral ay ginagamit para sukatin ang umiiral na pangyayari nang hindi
nagtatanong kung bakit ganoon o ganito ang isang bagay, paksa, o pangyayari.
Lawak ng Sarbey
• Sensus-Isang sarbey na sumasaklaw sa buong target na populasyon.
• Sarbey-Isang bahagi lamang ng populasyon.

3. Mga Pag-aaral na Debelopmental


Sa paraang debelopmental, nagtatakda at kumukuha ng mapanghahawakang impormasyon tungkol sa
pangkat ng mga tao sa loob ng mahabang panahon.

Dalawang Teknik na Ginagamit sa Pagsasagawa ng Pananaliksik na Debelopmental


• Longitudinal o Mahabang Panahong Paraan
Sa paraang ito, pinag-aaralan ang prosesong sampol ng mga kalahok sa loob ng mahabang panahon.
• Kros-seksiyonal na Paraan (Cross Sectional Method)
Tungkol ito sa pag-aaral ng mga kalahok na may iba't ibang gulang at iba pang mga katangian.

4. Mga Pasubaybay na Pag-aaral (Follow-up Studies)


Ginagamit ito kung ibig na masubaybayan ang isang tiyak na prediksiyon. Ang pasubaybay na pag- aaral
ay kailangan kung ibig tiyakin ang maaaring bunga ng isang pag-aaral.
Halimbawa: Ibig tiyakin ng mananaliksik kung paano makatutulong ang gamit ng wikang Filipino sa mga
sabjek na nasa disiplinang Agham Panlipunan.

5. Dokumentaryong Pagsusuri (Documentary Analysis)


Nangangailangan ng pagkalap ng mga impormasyon sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga na- kasulat
na rekord at mga dokumento upang malutas ang suliranin.

6. Patakarang Pagsusuri (Trend Analysis)


Isang popular na paraan ng palarawang pag-aaral na tinatawag din ng iba na feasibility study. Gina-
gamit na datos sa pag-aaral na ito ang mga kondisyong umiiral sa kasalukuyan

7. Mga Pag-uugnay na Pag-aaral (Correlational Studies)


Isang palarawang pag-aaral na idinisenyo para alamin ang iba't ibang baryabol na magkakaugnay o may
relasyon sa isa't isa sa target na populasyon.
B. EKSPERIMENTAL NA PARAAN
Sinabi ni Gay (1976), na ito ang pamaraan ng pananaliksik na tunay na makasusubok sa palagay o
hipotesis tungkol sa ugnayang sanhi at bunga. Idinagdag ni Ary at mga kasama (1972), na ang
eksperimento ay kadalasang itinuturing na pinakasopistikadong pamaraan ng pananaliksik para subukin
ang mga palagay o hipotesis.

Mga Hakbang sa Pananaliksik


1. Pagpili at Paglilimita ng Paksa
2. Pagbuo ng Konseptong Papel
3. Paggamit ng Iba't ibang Sistema ng Dokumentasyon
4. Pagbuo ng Balangkas
5. Pagkuha, Paggamit, at Pagsasaayos ng mga Datos
6. Pagsulat ng Burador
7. Pagsulat ng Pinal na Sipi

Sa pagpili ng paksa/suliranin ng sulating pananaliksik, hindi dapat maging masyadong masaklaw ang
sakop nito.

Narito ang ilang batayan na maaaring magamit sa paglilimita ng paksa/suliranin.

Sakop ng Panahon
Ang pagtiyak sa sakop ng panahon ng paksa ay nakapagpapadali at nakapagpapabilis sa isinagawang
pag-aaral.
Halimbawa: Ang Naitutulong ng Internet sa Pananaliksik 2014-2018

Sakop ng Edad
Nakatatawag-pansin ang paksang natutukoy agad ang edad o kaya'y ayon sa partikular na gulang.
Halimbawa: Ang Pagtatrabaho ng mga Batang Nasa Edad 8-12: Epekto at Bunga Nito

Sakop ng Kasarian
Ang tiyak na kasarian ay higit na malinaw kaysa sa masaklaw na paglalarawan.
Halimbawa: Mga Tungkulin at Gawain ng mga Babaeng Naging Pangulo ng Pilipinas sa Pag-un-lad ng
Bansa

Sakop ng Propesyon o Pangkat na Kinabibilangan


Maaaring maging batayan sa paglilimita ang mga trabaho o grupong sosyal, etnolingguwistiko,o
pampropresyonal.
Halimbawa: Pag-aaral ng Wikang Gamit ng mga Newscaster sa Larangan ng Pagbabalita sa Radyo at
Telebisyon

Sakop ng Anyo o Uri


NaritoMaaaring gamitin ang anyo, kalagayan sa lipunan, pigura, o estruktura.
Halimbawa: Pag-aangkop ng Kulturang Batak ng Palawan sa Kulturang Ginagawa sa kalunsuran.

Sakop ng Lugar
Nagagamit sa paglilimita ng paksa ang partikular na lugar o sa mas malawak na lugar
Halimbawa: Ang Pagtanggap ng Gamit ng Wikang Filipino sa mga Kursong Matematika ng mga Mag-
aaral sa San Beda College sa Maynila
Pagbuo ng Konseptong Papel
Ang konseptong papel ay isang paglalagom ng kabuuang ideya o kaisipan na tumatalakay sa ibig
tuklasin, linawin, a tukuyin Layunin ng pagbuo ng konseptong papel na maging bunga ng pananaliksik.
Sa tulong ng konseptong papel, nagsisilbi itong proposal na maihahanda ang binabalak na pananaliksik.

May apat na bahagi ang konseptong papel.


1. Rasyonal - Inilalahad sa bahaging ito ang kaligiran o pinagmulang ideya kung bakit napiliang isang
partikular na paksa.

2. Layunin - Isinasaad sa layunin ang mga dahilan ng pananaliksik o kung ano ang ibig mata- mo
pagkatapos maisagawa ang pananaliksik sa napiling paksa. Maaaring panlahat at tiyak ang mga layunin.
Panlahat ang layunin kung nagpapahayag ito ng kabuuang layon o nais matamo sa pananaliksik. Tiyak
ang layunin kung nagpapahayag ito ng mga partikular na pakay sa pananaliksik sa paksa.

3. Metodolohiya - Tumutukoy sa paraan na gagamitin sa pagkuha ng datos at pagsusuri sa piniling


paksa. Ang pangangalap ng datos ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng sarbey, interbyu, paggamit
ng talatanungan, obserbasyon, at iba pa. Iba't ibang paraan naman ang maaaring gamitin sa pagsusuri
ng datos na gaya ng empirikal, komparatib, at iba pa.

4. Inaasahang Ibubunga - Sa bahaging ito ng konseptong papel, inilalahad ang inaasahang bunga ng
pananaliksik. Binabanggit din dito ang bilang ng pahinang mabubuo ng panana liksik

Paggamit ng Iba't Ibang Sistema ng Dokumentasyon


Kailangang maingat ang gagawing dokumentasyon. Sa pagsasama-sama ng hinangang ideya mula sa
iba't ibang pinagkunan ng impormasyon at mga datos, nagiging maayos ang dokumentasyon sa tulong
ng talababa sistemang parentetikal, bibliyograpiya, at iba pang mga sanggunian. Sa pama magitan ng
dokumentasyon, maipakikita ang pag-unawa na may mataas na antas, pagsunod sa prinsipyo ng pagbuo
ng sulating pananaliksik, at makaiwas sa gawaing plagiarism.

Pagbuo ng Balangkas
Sinasabing ang balangkas ay larawan ng mga hakbang na dapat bigyang-pansin.
Ayon sa ilang mananaliksik, ang balangkas ay ang iskeleton ng anumang sulatin. Sa balangkas dapat
makita kung paano hinahati-hati ang mga kaisipan na isasama ang pagsulat mula sa pinaka- maliit
hanggang sa pinakapangunahing kaisipan na dapat isulat

Pagkuha, Paggamit, at Pagsasaayos ng mga Datos


Mahalaga ang mga datos sa isang pananaliksik. Kailangang alam ng mananaliksik kung paano gagamitin
at isaayos ang mga datos na nakalap. Tunay na hahamon sa pagiging matiyaga ang isang mananaliksik
kung papaano magiging makabuluhan ang mga datos na nakuha.
May ilang konsiderasyon sa pangangalap at paggamit ng mga datos. Ito ang sumusunod: layunin sa
isasagawang pananaliksik o pag-aaral; mga inaasahang mapatutunayan sa gagawing pag-aaral at mga
kapakinabangang makukuha sa pag-aaral gaano man ito kalawak.

Pagsulat ng Burador
Mahalaga ang pagsulat ng burador sa isang pananaliksik, sapagkat makikita ang kahulugan sa nakalap
na mga datos; maaaring marebisa nang mas maaga ang ilang kamalian, pagkakaayos. estilo ng
nilalaman ng sulatin; at makapagdaragdag pa ng mas mabisang ideya, gayundin makita ang ilang
kahinaan at kalakasan ng isinusulat na pananaliksik.

Pagsulat ng Pinal na Sipi


Ilalahad sa bahaging ito ang kabuuan ng sinasagawang pananaliksik batay sa wastong pormat.
kawastuhan ng mga pamaraan, at dokumentasyon Sa bahaging ito, dapat na makita kung nasunod ng
isang mananaliksik ang mga bahaging kailangan sa pananaliksik.

Mga Konseptong Pangwika


(Register, Barayti, Homogenous, at Hetero-genous)

Register
Maraming naghahambing ng register sa diyalekto. Ang register ay baryasyon batay sa gamit,
samantalang ang diyalekto ay batay sa taong gumagamit.

Tinatawag ding estilo sa pananalita ang register. Ang isang tao ay maaaring gumagamit ng iba't ibang
estilo sa kaniyang pagsasalita o maging sa pagsulat upang maipahayag ang kaniyang nadarama.

Iba ang register ng guro kapag kausap niya ang punong-guro, iba rin ang gamit niyang register kapag
kausap niya ang mga kasama ang guro, at lalong naiiba ang register niya kung kaharap ang kaniyang
mga mag- aaral.

Isang pinanggagalingan ng mga bar- yasyon ng pananalita ng indibiduwal ay depende sa mga sitwasyon
ng paggamit. Hindi lang kaso ito ng kung sino tayo kun- di kung anong mga sitwasyon ang
kinapapalooban natin. Tradisyonal na nilalapitan ang tipong ito ng baryasyon sa konsepto ng register.

Halimbawa ng ilang sitwasyon:


1. Bibigyan kita ng reseta para sa sakit.
Pagsusuri: Mahihinuhang doktor - sa pasyente ang usapan.

2. Igisa ang bawang, sibuyas, at kamatis.


Lagyan ng kaunting tubig, pakuluin, timplahan, ilagay ang giniling, huli ang patatas.
Pagsusuri: Mula naman sa isang resipe.

3. Alis mantsa, alis amoy, malambot sa damit.


Pagsusuri: Isang adbertisment.

Barayti
Ipinahayag ni Alonzo (2002) na ang barayti ng wika ay isang maliit na grupo o pormal o makabuluhang
katangian na na- uugnay sa partikular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyonal. Ayon kay Catford may
dalawang malalaking uri ng barayti. Una, ang humigit-kumulang ay permanente para sa
tagapagsalita/tagabasa (performer). Ika- lawa, humigit-kumulang ay pansamantala dahil nagbabago kung
may pagbabago sa sitwasyon ng pahayag.

Binubuo ng idyolek at diyalekto ang permanenteng barayti. Idyolek ang tawag sa kabuuan ng mga
katangian sa pagsasalita ng tao. May iba't ibang salik na nakapaloob dito kung bakit ito nagaganap. Ang
mga salik na ito ay ang gulang, kasarian, hilig o interes, at istatus sa lipunan.
Diyalekto naman ang barayti na batay sa lugar, panahon, at katayuan sa buhay. Kaya't may tinatawag na
diyalektong heograpiko. diyalektong temporal, at diyalektong sosyal. Ito ang barayti ng wika na nakikita
sa pormal o substantibong katangiang kaugnay ng pinanggalingan ng tagapagsalita o grupo ng
tagapagsalita sa isa o sa tatlong dimensiyon: espasyo, panahon, at katayuang sosyal.

Halimbawa ng diyalektong heograpiko: bilang na lima. Sa Rehiyon Tagalog ang diyalekto sa Bulacan at
Bataan; may bahagi sa Tarlac na Ilocano ang diyalekto ngunit ang nasabing mga lugar ay pare-parehong
ginagamit ang salitang lima. Magkakatabi ang mga nasabing lalawigan na nasa isang rehiyon, ngunit
dahil sa heograpikong kalagayan ay may mga salita na pareho lamang ang gamit at baybay.

Halimbawa ng diyalektong temporal, ang salitang banas ng mga taga-Quezon sa Rehiyon IV-A ay
nagpapahayag na mainit ang panahon.

Halimbawa ng diyalektong sosyal, ang salitang sugba sa Visayas ay ihaw ang ibig sabihin. Ang daga sa
Bicol ay lupa, samantalang sa Tagalog ito ay isang uri ng hayop.

Ang pansamantalang barayti ng wika ay kaugnay sa kagyat na sitwasyon ng pahayag. Nabibilang dito
ang register, mode, at estilo.
Ang register ay barayting kaugnay ng higit na malawak na panlipunang papel na gina- gampanan ng
tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag.

You might also like