DLP 5

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Masusing Banghay Aralin sa Pagtuturo ng

Araling Panlipunan 9

Ugnayan ng Kita, Pagkonsumo at Pag-iimpok

Inihanda ni:

Russelle Jane U. Marcos


Mag-aaral na Nagsasanay

Sinuri ni:

Junelle Richee P. Tagle


Tagapagturo

1
Masusing Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Araling
Panlipunan Grade 9
I. Layunin
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Naipapahayag ang kaugnayan ng kita sa pagkonsumo at pag-iimpok;
b. Nasusuri ang katuturan ng consumption at savings sa pag-iimpok.
II. Paksang Aralin
Paksa: Ugnayan ng Kita, Pagkonsumo at Pag-iimpok.
Kagamitan: Laptop, TV, Powerpoint Presentation, kahon na naglalarawan ng mga tanong,
video clip.
Mga Sangunian: Balitao, Bernard R. et.al. Ekonomics. Ugnayan ng pangkalahatang kita,
Pag-iimpok at Pagkonsumo pp. 259-268.

III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
Magandang umaga Binibining Marcos.
Magandang umaga naman mga mag-aaral!
Bago tayo magsimula sa ating klase, maaaring
pulutin ang mga kalat at ayusin ang inyong (Pinulot ng mga mag-aaral ang mga kalat at
mga upuan. iniayos ang mga upuan)

2. Pagdarasal
Janine, maaari mo bang pangunahan ang ating
panalangin.
Klas, tayo’y tumayo at manalangin. (Tumayo ang mag-aaral para sa panalangin)
Pwede na kayong umupo.

3. Pagtatala ng Liban sa Klase


Klas, sino ang lumiban sa ating klase ngayon?

Mabuti naman kung ganon.


Wala po Ma’am.
4. Balik Aral
Bago tayo magsimula sa ating aralin, ating
balikan ang ating nakaraang paksa, mayroon
akong inihandang “Mystery Box” na
naglalaman ng mga tanong.
Mayroon din akong inihandang bola na inyong
gagamitin sa larong ito. Kapag nagsimula na
ang musika, magsisimula na ring ipasa ang
bola sa katabi hanggang sa tumigil ang tugtog.
Kung sino ang nakahawak sa bola kapag
tumigil ang tugtog, ay siyang bubunot sa
mystery box na naglalaman ng mga
2
katanungan.
Ano ang Gross National Product, JM?
Ang Gross National Product ay ang mga tapos
na produkto na gawa ng mga Pilipino.
Ano ang tatlong paraan sa pagsukat ng GNI?
Ang tatlong paraan sa pagsukat ng pambansang
kita ay ang paraan batay sa paggasta, paraan
batay sa pinagmulang industriya at paraan
batay sa kita.
Ano ang Gross Domestic Product?
Ang Gross Domestic Product ay mga tapos na
produkto na gawa dito sa Pilipinas ma’am.
Tama!
Ano ang pormula sa pagkomput ng Growth
Rate?
Ang pormula para sa Growth Rate ay GNI sa
kasalukuyang taon ibawas sa GNI ng
nakaraang taon at hatiin sa GNI sa nakaraang
taon pagkatapos ay imultiplika ito sa isang
daan.
Mahusay.
B. Pagganyak
Bago tayo dumako sa ating aralin, panoorin
muna ang aking inihandang bidyo.

C. Paglalahad
Klas, pakilahad sa ating klase ang
ipinaparating na mensahe mula sa bidyo na
inyong napanuod.
Ang ipinaparating na mensahe mula sa bidyo
na aming pinanuod ay may kinalaman sa pag-
iimpok at pagkonsumo.
Sino pa sa inyo ang may iba pang kasagutan?
Ang ipinaparating na mensahe mula sa bidyo
ay ang tamang paraan ng pagkonsumo at pag-
iipon
Mahusay!
Ang napanuod na bidyo ay may kaugnayan sa
paksang ating tatalakayin sa araw na ito ang
3
tungkol sa ugnayan ng kita, pagkonsumo at
pag-iimpok.

D. Pagtatalakay
Kung kayo ay nakahawak ng malaking halaga
ng pera, saan mo ito ginagamit? Sa mga
kailangan mo ba o sa mga gusto mo?
Kung ako ay may malaking halaga ng pera na
hawak ginagamit ko ito pagbili ng mga gusto
ko tulad ng mga damit, sapatos at iba pa.
Kung ganon ikaw ay masasabing nabibilang sa
pagiging impulsive buyer.
Sino pa sa inyo ang may ibang kasagutan?
Pinapamahalaan ko ang aking pera sa
dalawang paraan ang pagpagbili ko ng mga
kailangan ko sa pag-aaral at kapag may natira
aking inilalagay sa aking alkansya.
Mahusay!
Ang salapi o pera ay ginagamit sa
pagpapatakbo ng mga pagnenegosyo.
Bakit mahalaga ang pera o salapi sa ating
pamumuhay?
Ang pera o salapi ay may malaking bahaging
ginagampanan sa pamumuhay ng mga tao dahil
sa pera nabibili natin ang ating mga
pangangailangan at maging ang ating
kagustuhan.
Magaling, Wayne!
Oh tungkol sa kahalagahan ng salapi sa pang-
araw-araw ng pamumuhay ng tao?
Ang salapi ay ating ginagamit kapalit ng
pagkonsumo natin sa ating mga
pangangailangan.
Tama!
Sa ating pagkonsumo gamit ang salapi ay
kinakailangan din ng matalinong
pagdedesisyon upang mapakinabangan ng
husto at walang nasasayang.
Saan nagmumula ang mga salapi na ating
ginagamit sa pang-araw-araw klas?
Ang mga salapi ay nanggagaling sa kita ng
mga magulang sa kanilang pagtratrabaho.
Tama!
Ang salapi ay nanggagaling sa kita ng mga
manggagawa mula sa kanilang pagtratrabaho
klas.
Ano ang kita, Francine?
Ang kita ay halagang natatanggap ng tao
4
kapalit ang produkto at serbisyong kanilang
ibinigay.
Mahusay, Francine!
Ang kita ay tinatawag ding sweldo o sahod na
bunga ng pagtratrabaho.
Bukod sa pagkonsumo o paggasta ng pera, ano
pa ang maaaring gawin dito?
Ang pera o salapi ay maaaring itago o itabi
bilang savings o ipon.
Magaling, Bea!
Ano ang nakasaad sa Macroeconomics ni
Roger E.A. Farmer ng 2002 tungkol sa
savings?
Ang savings ay paraan ng pagpapaliban ng
paggastos ayon kay Roger E.A. Farmer sa
kanyang Macroeconomics 2002.
Mahusay!
Ano naman ang savings ayon kina Meek,
Morton, Schug?
Ang savings o ipon ay kitang hindi ginagamit
sa pagkonsumo o hindi ginastos sa
pangangailagan ayon kina Meek, Morton,
Schug.
Tama!
Ang ipon o savings ay ginagamit upang
kumita. Ano ang tawag dito ay investment.
Dito nagkakaroon ng economic investment.
Ano ang economic investment?
Ang economic investment ay ang paglagak ng
pera sa negosyo. Ang isang indibiduwal ay
maaaring maglagay ng kanyang ipon sa mga
financial asset katulad ng stocks, bonds o
mutual funds.
Mahusay!
Saan inilalagak ang pera na iyong naipon
bilang savings?
Amg pera na naipon bilang savings ay
maaaring ilagak sa Financial Intermediaries
tulad ng mga bangko.
Magaling!
Bakit mahalaga ang mga bangko at iba pang
financial intermediaries?
Ang banko at mga Financial Intermediaries ay
nagsisilbing tagapamagitan sa nag-iipon ng
pera at nais umutang o mag-loan ma’am.
Tama!
Saan maaaring gamitin ang inutang o hiniram
na pera mula sa bangko?
5
Ang umutang ay maaaring gamitin ang pera sa
karagdagang puhunan o pagbili ng mga asset o
pagmamay-ari tulad ng lupa at mga materyales
na may ekonomikong halaga.
Magaling!
Ang mga pera na inilagak sa bangko ay
maaaring kumita, ano ang tawag dito?
Ang kita na inilagak mula sa mga bangko ay
tinatawag na interes o dibidendo.
Tama, Dave!
Dumako naman tayo sa. pitong nakaugalian
upang matutong magbadyet.
Anu-ano ang pitong nakaugalian upang
matutong magbadyet klas?

Napakahusay!
Ngayon ating alamin ang kahalagahan ng pag-
iimpok at pamumuhunan sa pag-unlad ng
ekonomiya sa bansa.
Ano ang kahihinatnan ng pagkakaroon ng
matatag na sistema ng pagbabangko?
Ang kahihinatnan ng matatag na sistema ng
pagbabangko ay nagkakaroon ng mataas na
antas na pag-iimpok at kapital.
Magaling, Carl!
Ang magsiglang economic activities ng bansa
ay indikasyon na mayroong pagsulong ng
pambansang ekonomiya.
Ano ang mahalagang ginagampanan ng
Philippine Deposit Insurance Corporation? Sa
mga gustong maglagak ng kanilang salapi o
ipon sa bangko klas?
Ang Philippine Deposit Insurance Corporation
ay ahensiya ng pamahalaan na nagbibigay ng
proteksyon ng mga depositor sa bangko sa
6
pamamagitan ng pagbibigay seguro sa kanilang
deposito hanggang sa halagang Php250,000
bawat depositor.
Tama, Pauline!
Ano ang magandang dulot kapag maraming tao
ang nag-iimpok sa mga bangko?
Kapag maraming tao ang nag-iimpok
nagdudulot ito ng paglakas ng sektor sa
pagbabangko at tumitibay ang tiwala ng
publiko sa katatagan ng pagbabangko.
Mahusay!
Ano naman ang nakapaloob sa Statement of
Assets, Liabilities and Net Worth o SALN ng
bawat manggagawa ng pamahalaan maging
ang mga pribadong indibidwal?
Ang Statement of Assets, Liabilities and Net
Worth ay deklarasyon na lahat ng pag-aari,
pagkaka-utang, negosyo at iba pang financial
interest ng isang empleyado ng gobyerno,
kasama ang kanyang asawa at mga anak na
wala pang 18 taong gulang.
Magaling!
E. Paglalahat
Upang mataya ko ang inyong kaalaman sa
ating paksa, mayroon akong inihandang laro na
Spin a Wheel, kung saan mayroon kayong mga
pangalan sa loob ng roleta, papaikutin ko ang
roleta at kung kaninong pangalan ang naitapat
sa pana ay siyang sasagot sa aking mga
katanungan patungkol sa ating napag-aralan
ngayon.

Bakit mahalagang alamin at kilalanin ang


bangko kung saan magdedeposito ng salapi?
Mahalagang alamin at kilalanin ang bangko
kung saan magdedeposito ng salapi upang
masiguro na ang ating pera ay nasa tamang
7
bangko at ingatan ang ating mga pera at upang
maparami pa ito.
Bakit mahalaga ang matalinong
pagdedesisyon sa pagkonsumo?
Mahalaga ang matalinong pagdedesisyon sa
pagkonsumo dahil nakakatulong ito upang
mapamahalaan ng maayos ang paggastos at
inuuna ang mga pangangailangan at hindi
binibili ang mga gusto lamang na hindi naman
nakakatulong sa pang araw-araw na
pamumuhay.
Napakahusay!

F. Paglalapat
Mayroon akong inihandang laro na kung saan
sasabihin niyo ang inyong paboritong numero.
Magsisimula akong bumilang sa mga nakaupo
sa harap hanggang sa natapat ang nabanggit na
numero sa isa sa inyo na siyang sasagot sa
aking katanungan.

Mga katanungan:
Bakit mahalaga ang pag-iimpok?
Ang kahalagahan ng pag-iimpok ay na
paghahandaan nito ang kinabukasa.

Magaling!
Bilang isang mag-aaral o kabataan , paano mo
ibabadyet ang iyong baon sa araw-araw na
inyong pangangailangan?
Bilang isang mag-aaral, maibabadyet ko ang
baon ko sa pang-araw-araw sa pamamagitan ng
pagbili na mga bagay na nakabase sa aking
mga pangangailangan.
Bakit mahalaga ang pag-iimpok at
pamumuhunan sa ating bansa?
Mahalaga ang pag-iimpok at pamumuhunan sa
ating bansa dahil masasalamin dito ang
magandang pamumuhay ng bawat mamamayan
na hindi lamang may madudukot sa oras ng
pangangailangan kundi may oportunidad na
makapagsimula ng isang negosyo na
nakapagbibigay trabaho sa mga mamamayan at
mapasigla ang kalakalan ng isang bansa.
G. Pagpapahalaga
Sa inyong palagay , ano ang mas mainam na
gawin kapag nag-iipon, ilagay sa alkansya o sa
8
bangko. Bakit?
Ang mas mainam gawin kapag nag-iipon ay
ideposito ito sa bangko, dahil kpag sa bangko
inilagay ang pera kikita ka sa pamamagitan ng
interes na ibinayad ng humiram.
Magaling!
H. Pagtataya
Ngayon ay lubos na ninyong naunawaan ang
ating aralin. Maghanda ng ¼ na papel na
magsisilbing inyong sagutang papel.
Basahin ang bawat tanong piliin ang sagot sa
kahon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

a. Pera/ salapi
b. Savings/ ipon
c. Impulse buyer
d. Roger E.A. Farmer
e. Philippine Deposit Insurance
Corporation
f. Investment
g. Kita
h. Pagkonsumo
i. Financial Intermediaries
j. Interes
k.
1. Ang tawag sa isang tao na basta my
pera ay bili lang ng bili na wala sa
plano.
2. Ano ang tawag sa instrumeto upang
mabili ng mga bagay na kinakailangan
upang mapunan ang pangangailangan at
kagustuhan ng tao?
3. Ano ang tawag sa kita na ibinigay ng
banko mula sa naipong pera nainilagak
sa loob ng isang buwan?
4. Ano ang tawag sa kitang hindi na
ginagamit sa pagkonsumo o hindi
ginastos sa pangangailangan inilalagak
na sa bangko?
5. Ano ang tawag sa pagbili ng mga bagay
na kinakailangan upang mapunan ang
pangangailangan at kagustuhan ng mga
tao?
6. Ano ang tawag sa halagang
natatanggap ng tao kapalit ang
produktoo serbisyong kanilang
ibinibigay?
9
7. Anong ahensya ng pamahalaan ang
nagbibigay ng proteksyon sa mga
depositor sa bangko?
8. Ano ang tawag sa pagbili ng mga
pangangailangan at kagustuhan?
9. Ano ang tawag sa tagapamagitan sa
nag-iipon ng pera at sa nais umutang?
10. Sino angnagsabi na ang savings ay
paraan ng pagpapaliban ng paggastos?
Mga inaasahang sagot:
1. c
2. a
3. j
4. b
5. f
6. g
7. e
8. h
9. i
10. d
I. Kasunduan
Basahin ang Aralin 4: Implasyon sa pahina
272.

10

You might also like