Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 31

REPUBLIKA NG PILIPINAS

KOMISYON SA LALONG MATAAS NA EDUKASYON


DR. RUBY LANTING-CASAUL EDUCATIONAL FOUNDATION, INC.
Tomas Cabiles St. Tabaco City, Albay

MC FIL 109

(INTRODUKSYON SA
PAMAMAHAYAG)
IKALAWANG SEMESTRE
IKATLO – IKALIMANG
LINGGO
MODYUL 3-5

Inihanda ni:

Gng. JUVELLIE CALLEJA-DACAME


Instraktor, Filipino
YUNIT 2
KASAYSAYAN
NG
PAHAYAGAN SA
PILIPINAS

LAYUNING PAMPAGKATUTO:
1. Naisasalaysay ang mga mahahalagang kaganapan sa kasaysayan ng
pamamahayag sa Pilipinas;
2. Naiisa-isa ang mga pamahayagang lumitaw sa bawat panahon;
3. Nakikilala ang mga batikang mamamahayag ng bawat panahon;
4. Natatalakay ang mga mahahalagang gampanin ng mga pamahayagang
pampaaralan ng mga nagdaang panahon;
5. Nakapagbibigay reaksyon sa mga tinalakay na paksa.

TALAKAYIN NATIN !

UNANG ANYO NG UNANG PAHAYAGAN

(1637)
SUCCESOS FELICES
Nagsimula ang pamamahayag sa Pilipinas sa
paglathala ni Tomas Pinpin, isang Pilipinong
manlilimbag ng Succesos Felices, isang polyeto
(newsletter) sa Maynila.
Natutuhan ni Pinpin ang sining ng paglilimbag
buhat sa mga prayle at mga intsik ngunit di niya
nailagay kung kailan ang tiyak na petsa ang unang
pagkakalimbag nito at kung gaano kalimit
ang paglabas niyon.
Inilathala niya sa Kastila ang pangunahing mga
kuwento ukol sa mga tagumpay ng La Naval laban
sa mga Ducth sa Ternate.
Nagtagal ito hanggang 1809.

(1799)
AVISO AL PUBLICO
Isang Hojas Volantes or “flying sheets” ang
Aviso Al Publico (Notices to the Public) na
Noong Pebrero 27, 1799.

Sinasabing ang sukat nito ay gay ang isang


malaking kwaderno.

Ito ay tungkol sa kampanya labang sa mga


Moslem at pagkabihag ng mga pirate sa
Sulu nang mga hukbong Kastila sa pangu-
nguna ni Jose Gomez.

(1811)
DEL SUPERIOR GOBVIERNO
Ang kauna – unahang pahayagan sa
Pilipinas na lumabas ng palagian sa
patnugot ni Governador – Heneral
Manuel Fernandez de Folgueras
noong Agosto 8, 1811.
Siya ang naging patnugot at naglathala dito
ng mga gawain ng Spanish Cortes, pati
digmaan ng Espanya at Pransya.
Dahil sa higpit ng sensura ng mga Kastila
hinggil sa mga lathalaing nakasisira sa
kanila, ang pahayagang ito ay umiral
lamang sa maikling panahon at pagkatapos
ng labinlimang labas ay kusa nang
namatay.

(1846)
LA ESPERANZA
Disyembre 1, 1846 ay kinikilalang unang
pahayagang pang – araw – araw maliban
lamang sa araw ng lunes ang La Esperanza
sa patnugot nina Felipe Lacorte at Evarisco
Calderon.

Malaking bahagi nito ay mga talakayang pam-


Pilosipiya, panrelihiyon, at pangkasaysayan.

Tumagal ito ng tatlong taon at nagbukas


upang maging pang – araw – araw na
pahayagan.

(1847)
LA ESTRELLA
Nahinto na ang publikasyon noong 1849.

(1848)
DIARIO DE MANILA
Sa patnugot ni Felipe del Pan
at tumagal hanggang 1852.

(1849)
EL INSTRUCTOR FILIPINO EL DESPERTADOR
Ang El Instructor Filipino ay may lingguhang paglilimbag samantalang araw
– araw naman ang El Despertador na di naglaon at nagsama’t naging isa,
subalit tumagal lamang ng ilang buwan at araw.

(1850)
DIARIO DE AVISOS Y NOTACIAS
Ang paglilimbag nito ay tumagal lamang ng ilang buwan at linggo.

(1851)
EL OBSERVADOR FILIPINO
Hindi man nakatala kung ito ay lingguhan o arawan ang paglilimbag
ngunit ito ay nakapaglabas lamang ng ilang isyu ar naglaho na.

(1852)
BOLETIN OFICIAL DE FILIPINAS
Mula sa dating Diario de Manila isinaayos itong muli at pinangalanang
Boletin Oficial de Filipinas.
Binigyang oportunidad nito ang kanilang mga sabskrayber na
mailathala ang kanilang patalastas nang hanggang anim na linya
lamang.
Ito ay tumagal hanggang taong 1860.

(1858)
EL COMERCIO
Isang pahayagang pang – hapon mula sa
patnugot ni Ulpiano Fernandez at
kalaunan ay pinamumunuan ni
Gobernador – Heneral Soler y Ovejero.N

(1859)
ILUSTRACION FILIPINA
Unang nailathala noong March 1, 1859 at naglabas ng dalawang beses
na isyu kada buwan. Ito’y tumagal lamang hanggang Disyembre 15,
1860.

(1861)
GACETA DE MANILA
Mula sa dating Boletin de Oficial ay muling
nirebisa ang mga nilalaman ng pahayagang
ito at pinangalanang Gaceta de Manila.
Ilang opisyal ng pamahalaan ang inobligang
magsabskrayb dito ni Gobernador – Heneral
Blanco.
Naglathala dito ng mga batas militar para sa
8 lalawigan ng Luzon, mga patalastas ang
gobyerno, opisyal na kautusan, mga court
orders at iba pang mahahalagang
impormasyon.
Ito ay nanatili hanggang Agosto 8, 1895
limang araw bago tayo sakupin ng mga
Amerikano. Dahil sa ito’y namayagpag ng
38 taon at itinuturing na pinakamatagumpay
na pahayagan sa panahon ng Kastila.

(1862)
LA ESPAFIA OCEANICA
Una itong pinangalanan na Revista de Notascias y Anuncios noong
1861 na di kalaunan ay naging La Estafia Oceanica.

EL CATOLICO FILIPINO
Ito ang tinaguriang kauna – unahang relihiyosong pahayagan mula sa
patnugot ni Mariano Sevilla.

EL PASIG
Tagalog upang magbigay edukasyon sa mambabasa. Dalawang beses
sa loob ng isang buwan ito kung maglathala ngunit di rin nagtagal at
tuluyang nawala.

(1863)
LA OCEANA CATOLICA EL CORREO DE FILIPINAS

(1864)
BOLETIN DEL EJERCITO
Ito ay pahayagang nakatutok sa mga
sandatahang lakas at di gaanong binigyang
interes ng publiko kaya tuluyan rin naglaho.

PANAHON NG HIMAGSIKAN

(1865)
EL PORVENIR FILIPINO
Labindalawang taon (1865-1877) na nakipagsapalaran
ang pahayagan na ito na laging muntik – muntikan nang
bumagsak dahil hindi pagkakasundo ng mga patnugot.

Naging babasahin ito ng mga mambabasang tumutu-


tok sa linguhang bull fighting na pinangungunahan ni
Lorenzo Sanchez (isang bantog na toreador) na nag-
simula noong June 10, 1871.

REVISTA MERCANTIL
Isahang linguhang pahayagang
pangkomersyo na pinangunahan ni Joaquin
de Loyzaga na di kalaunan ay nakipagsanib
sa El Commercio bilang kontributor.

(1866)
REVISTA DE ADMINISTRACION
Si Joaquin de Loyzaga rin ang nagpasimula ng pahayagang ito na kung saan
lahat ng patnugot at mga kontributor ay pawang empleyado
ng pamahalaan.
Sa kanila rin nakapokus ang interes ng mga artikulo ngunit tumatagal
lamang ng ilang buwan.

(1868)
EL DIARIO DE AVIOS
Unang nakapaglathala ng sipi noong
Pebrero 1, 1868 at naging huli
na noong Oktubre 11, 1869.
(1869)
EL COMERCIO
Isang pahayagang pang – hapon ang muling binuo
ni Joaquin de Loyzaga at Francisco Diaz Puertas
gamit ang kaparehong pangalan (El Comercio) ng
pahayagang unang lumabas noong 1858.
Kasabay man ng Diario de Manila at El Porvenir,
ang El Comercio ang may pinakamatatag at
episyenteng naglathalang pahayagan sa buong kalupaan
sa loob ng 56 taon (1858-1925) nang parehong
pangalan.
Ito ang pinakaprogresibong pahayagan noong
panahon ng Kastila na binili ng Senator Ramon
Fernandez at isinamansa La Opinion. Ang unang
patnugot nito at si Joaquin de Loyzaga at nang
pumanaw siya, si Francisco Diaz Puertas ang
pumalit. Nang siya’y pumanaw na rin ay si Jose de
Loyzaga na anak ni Joaquin de Loyzaga ang
naging patnugot.

(1874)
EL TRAVADOR FILIPINO
Naglathala ng mga tula ng isang beses sa loob ng isang linggo.

(1875)
REVISTA DE FILIPINAS EL ORIENTE
Linguhang pahayagan na naglahala Linguhang pahayagan
ng mga kaalamang may kaugnayan naglathala ng iba’t
sa agham at mga literaryong gawain. ibang mga rebyu at
ilustrasyon.
(1876)
EL CORREO DE MANILA
BOLETIN ECLESIASTICO DEL ARZOBISPO DE MANILA

(1877)
LA OCEANIA ESPANOLA
Pumalit sa El Povernir at nagpatuloy hanggang 1899.

EL AVISADOR DE MANILA
Nabuo ilang buwan matapos maganap ang Treaty of Paris.

(1877)
LA LIRA FILIPINA

(1879)
REVISTA DEL LICEO – ARTISTICO – LITRATO DE MANILA
Naglathala ng linguhan ay di naglaon ay naging dalawang beses sa loob
ng isang buwan na may huling isyu noong Disyembre 1881.

(1880)
DIARIO DE FLIPINAS
Tumagal lamang ng anim na buwan.
(1881)
LA LINTERNA ECUESTRE
Naglathala ng linguhan ngunit sandaling panahon lamang.

BOLETIN DE AVISOS
Naglathala ng dalawang beses sa loob ng isang linggo ngunit
panandalian lamang din.

(1882)
BOLETIN DE LA REAL SOCIEDAD ECONOMICA FILIPINA DE
AMIGOS DEL PAIS
Ito ang pahayagang nakaukol sa Agrikulturang mga sulatin at anunsyo
buwan – buwan na tumagal hanggang 1899.

REVISTA FILIPINA DE CIENCIAS Y ARTES REVISTA


DEL LICEO
Mga pahayagang nagsara rin matapos ng labindalawang isyu dahil sa
kakulangan ng interes nang mga tao sa Sining at Agham.

BOLETIN DE LA LIBRERIA ESPAFIOLA


Naglathala lamang ng ilang isyu at sa pinakahuli ay nakasaad na ang kanilang
paghinto at mga pananalitang “Here we have another demonstration of how
few people in the Philippines read.”
PANAHON NG PAGBABAGO

DIARIONG TAGALOG
Ikaapat na pahayagang lumabas
sa taong 1882 na may islogang “It is
possible to love the Philippines
without hating Spain and to love
Spain without hating the
Philippines.” Ito’y tumagal lamang
ng limang buwan at sinasabing
hindi ito nakahimok ng malaking
bahagdan ng tagapagtangkilik sa
nasabing ideya ng islogan.

EL FORO JURIDICIO RE’VISTA DE LEGESLACION Y


JURISPRUNDENCIA
Isa sa pinakaimportanteng pahayagan ay itinayo ni Jose Maria Perez Rubio.
Ito ay nakadisenyo para sa sirkulasyon ng mga abogado at patnubay para sa
mga hustisya at kapayapaan. Ipinasara ito ng Gobernador – Heneral noong
1888 dahil umano sa kawalan ng lisensya sa pamahalaan matapos ang ilang
taong pakikipaglaban sa korte ay muli itong binuksan noong 1893 sa
pangalang,

CONSULTOR DE LOS JUECES DE PAZ,


ngunit di nagalaon ay nagsara dahil sa pagkamatay nang nagtayo ng
pahayagan.

(1884)
EL ECO DE VIGAN
Unang pamprobinsyang pahayagan na inilathala sa labas ng Maynila ngunit
nahinto rin sa parehong taon.

LE SEMANA ELEGANTE
Itinayo noong ika – 1 ng Marso 1884 ni Pedro Groizard na may panulat -
kamay na “Larra.” Dahil sa mga eksposisyon at negatibong lamang lagi ng
pahayagan, ito’y nagdulot ng kaguluhan at may dalawampung linggo bago
tuluyang isinara.

EL POVENIR DE VISAYAS EL ECO DE PANAY


Itinayo sa Iloilo ni Diego Jimenez, isang agresibong manunulat nang
pahayagang ito na nagsisiwalat ng iba’t ibang katiwalian na naging
dahilan upang magkaroon siya ng maraming kaaway. Noong 1886 ay
itinayo rin nya ang El Eco de Panay na nagpatuloy hanggang sa
masakop tayo ng mga Amerikano noong 1899.

(1886)
EL POVENIR DE VISAYAS (CEBU)
Itinayo sa pinakamatandang syudad ng Pilipinas ni Eduardo Jimenez,
kapatid ng Diego Jimenez, ang lingguhang pahayagan sa Cebu na tumagal
hanggang sa panahong bago masakop ng Amerikano ang bansa.

EL CHIFLADO MANILA ALEGRE EL TEMBLOR


MANALILA LA PUYA
Mga agresibong pahayagan na nagsulputan mula 1885 hanggang 1886.

LA REGENERACION – Katolikong pahayagang itinayo noong Oktubre


1886.
DIARIO CATOLICO EL FENIX

(1887)
 Ito ang panahon ng sinasabing pagbabago mula sa impluwensiya ng
pamumuno ni Gobernador – Heneral Eulogio Despujol na naging liberal
sa pamamahala.

LA OPINION
Pahayagang naglathala ng hayagang
pagsasalungat sa mga prayle, pagpapaalis
at paghingi ng reporma sa pamumuno ni
Benito Quiroga na sinunandan ni Jesus Polanco
na tumagal hanggang 1889. Ito ay muling binuhay

noong 1890 sa pangalang EL ECO DE FILIPINOS.

LA VOZ DE ESPAFIA
Binuo noong ika – 4 ng Hulyo bilang pangontra sa mga pahayag ng La
Opinion sa patnugot ni Agustin Alfonso Moseras. Nang magretiro si Moseras
kalaunan ay pinamunuan ito ni Jose dela Rosa. Noong 1892 pinangalan itong
LA VOZ DE ESPANOLA sa pamumuno nina Federico at Antonio Hidalgo at may
islogan na “The Philippines by Spain and for Spain.”

(1888)
LA ESPANA ORIENTAL
Itinayo ni Manuel Schiednagel bilang pamahayagang laan sa pagbibigay
papuri sa mga Espanyol ukol sa nagawa nila sa bansa gay ang tungkol sa
relihiyon, edukasyon at kung ano – ano pang ikinabuti nang buong
sambayanan dulot ng kanilang pamamahala. Tuluyang natalo at nadaig nito
ang La Opinion.
REVISTA CATOLICO
Hunyo 1888 lumabas ang pahayagan na may isyu sa dalawang lenggwahe na
di kalaunan ay naging dalawang beses lamang na isyu sa loob ng isang
buwan hanggang 1896.

REVISTA POPULAR DE FILIPINAS


Pahayagang pang – relihiyon na lumabas nang linguhan na nagsimula noong
Setyembre 1888 na may halong mga anunsyong sibil. Noong 1896 ang huling
isyu.

EL ENUCIADOR ILONGGO
Nabuo noong Marso 1888 ngunit di rin nagtagal.

(1889)
LA CORRESPONDENCIA DE MANILA
Ibenenta at inilako sa kalsada sa halagang 2 sentimi ngunit umiral lamang
ito ng tatlong buwan.

BOLETIN DE LA CAMARA COMERCIO DE MANILA


Itinayo ng kumpanyang The Manila Chamber of Commerce na nagpatuloy
hanggang sa panahon ng Amerikano hanggang sa tuluyang mawala.

GACETA NOTARIAL EL ILOCANO


Sinimulan ng Mayo 1889 at nag – Sinimulan ni Isabelo delos
patuloy hanggang 1896. Reyes noong Hunyo 1889
bilang neytib na pahayagan ng
mga Ilocano na may halong
wikang Espanyol. Dalawang
beses kada buwan maglabas
ng isyu.

LA ALHAMBRA
Binuo noong Hulyo 3, 1889 ni Jose Moreno de Lacalle, isang mayamang
abogadong Espanyol na naglathala ng mga sulatin sa sining, agham at sosyal
na interes. Dalawang isyu kada buwan ang paglathala na umiral hanggang ika
– 30 ng Hunyo 1890.

ANALES DE AGRICULTURA
Unang lumabas noong ika – 27 ng Hulyo 1889.

LA SOLIDARIDAD
Unang lumabas noong ika – 15 ng Pebrero
1889 sa Madrid, Spain na ginastusan ni Dr.
Pablo Riazares mula sa patnugot ni
Graciano Lopez – Jaena.

(1890)
EL CANECO EL PAPELITO MERCANTIL
Ika – 21 ng Hunyo 1890 ang unang isyu ng La Caneco, ngunit di rin
nagtagal sa industriya tulad mg nangyari sa El Papelito Mercantil.

PATNUBAY NANG CATOLICO


Unang Tagalog na publikasyon noong Abril 1890 sa patnugot ni Pascual H.
Pblete, ngunit di rin nagtagal.
EL AVISADOR FILIPINO
Ika – 5 ng Abril 1890 ang unang lathala ngunit isang buwang lamang
tumagal.

EL RESUMEN
Ika – 10 ng Hulyo 1890 ang unang lathala at nakatuon sa pulitika.

EL DOMINGO
Ika – 3 ng Agosto 1890 ang unang lathala at huli na ng Oktubre.

EL PAJARO VERDE
Ika – 4 ng Setyembre 1890 ang unang labas sa patnugot ni Vicente Garcia -
Valdez. Ito ay inilathala sa luntiang papel na may ilustrasyon at paalala
upang maglibang ng mga mambabasa at makalimot sa kanilang mga
problema.

LA LILLIPUTENSE
Ika – 6 ng Nobyembre 1890 nabuo na may linguhang isyu patungkol sa mga
kabataan ng bansa. Huling lathala ay noong ika – 12 ng Marso 1891.

LA LECTURA POPULAR
Pahayagang patungkol sa mga katutubo mula sa patnugot ni Isabelo delos
Reyes na naglabas lamang ng ilang isyu.

(1891)
EL BELLO SEXO
Pahayagang laan para sa mga kababaihan.

EL ASUANG LA ILLUSTRACION FILIPINA


Mga lingguhang pahayagan na maiksing panahon lamang naglathala ng mg
isyu.

(1893)
Bukod sa BOLETIN OFICIAL DEL ARZOBISPADO na muling naglathala,
may mga bagong pamahayagan din ang umusbong tulad ng EL EJERCITO
DE FILIPINAS, EL CONSULTOR DEL PROFESORADO, MADRID –
MANILA, TODA EN BROMA, EL FORO ADMINISTRATIVO, LA PAVERA,
PERIODICO FESTIVO, LA PUYA (naglathala ng may kaugnayan sa
Pilipinas), LOS MIERCOLES (naglathala ng isang isyu lamang) , REVISTA
MERCANTIL DE FILIPINAS, POLICHINELA (naglathala ng isang isyu
lamang) at THE BOLETIN DE LA COMPANIA DE EXPLOTACION Y
COLONIZACION DE LA ISLA DE PARAGUA.

(1894)
APOSTOLADO DE LA PRENSA, naglathala sa Tagalog. EL HERALDO
MILITAR , sumunod ay linguhang pahayagang tinawag na EL EJERCITO
DE FILIPINAS. MANILA – SANTANDER, BOLETIN OFICIAL AGRICOLA
EL CONSULTOR DE MUNICIPIOS, MANALILLA – SPORT (buwanan), LA
LEGISLACION (dalawang beses kada buwan maglabas ng isyu at ukol sa
pamahalaan at korte ang nilalaman), EL MUNICIPIO FILIPINO (patnugot
– Isabelo de los Reyes) at APOSTOLADO DE LA PRENSA (itinayo ng mga
prayle para sa mga pangrelihiyong gawain sa wikang Tagalog), EL ALBUM
MILITAR (itinayo ng sundalong opisyal). EL CINFE AND SORPRESAS –
CHICAGO ay dalawang komiks na itinayo ngunit nawala rin ng sumunod na
taon. EL ESPAFIOL na naglathala hanggang 1898.

(1895)
BOLETIN DEL MUSEO BIBLIOTECA sa patnugot ni Pedro A. Paterno na
bumalik mula Espanya. BOLETIN OFICIAL DEL MINISTERIO FILIPINO,
na nakatuon sa edukasyon at mga propesyon ang nilalaman LA
EXPOSITION, LA CAMPANA, LA MOSCA at LA VIDA INDUSTRIAL DE
FILIPINAS na itinayo ni Jose Martin Martinez.
(1896)
ANG KALAYAAN
Kauna – unahang rebolusyonaryong pahayagan ng
Kataastaasang Kagalang – galangang Katipuna ng
mga Anak ng Bayan, na itinayo noong ika – 18 ng
Enero 189. Naglalayon itong ipahayag lahat ang
kasamaan at kasakiman ng mga prayle at mga
Kastilang opisyal upang makapag – organisa ng
isang rebolusyon. Nakalathala rin sa mga artikulo
ng pahayagan ang ilang ebidensya upang
makahikayat nang mambabasa. Itinuturing itong
isa sa pinakamahalagang pahayagan sa kasaysayang
ng Pilipinas.

 Iba pang pahayagang nalathala sa taong ito ay THE BOLETIN DE


ESTADISTICA DE LA CIUDAD DE MANILA sa patnugot ni Padre
Faura at iba pang mga paring Heswita bilang opisyal na publikasyon at
nagtagal hanggang 1902 na di kalaunan ay naging wikang Ingles ang
ginamit, EL CORREO, EL COSMOPOLITA na naglathala ng dalawang
kopya kada buwan sa loob ng anim na buwan lamang at EL
NOTICIERO DE MANILA bilang pahayagang pang – hapon. LA
HOJA DOMINICAL, itinayo naman ng mga paring Dominikano.
Lumabas din ang mga pahayagang Tagalog tulad ng ANG PLIEGONG
TAGALOG na itinayp ni Juan Atayde na ayon sa kanya at marapat
lamang na magkaroon ng pahayagang nakalathala sa wikang ito at
hindi puro sa Kastila na lang.

(1898)
LA INDEPENDENCIA
Ang La Independencia ay itinayo ni
Heneral Antonio Luna sa tulong ng
kanyang kapatid na si Joaquin noong
Setyembre 3, 1898. Isa ito sa pinaka –
importanteng pahayagan sa panahon
ng rebolusyon.

 Iba pang mahahalagang pahayagan ng taong ito ay ang LA LIBERTAD


na itinayo noong ika – 20 ng Hunyo sa patnugot ni Clemente Jose
Zulueta.

THE NEWSPAPER LA REPUBLICA FILIPINA – na itinayo


sa Mandaluyong, Rizal noong ika – 5 ng Setyembre sa patnugot ni
Pedro A. Paterno at di kalaunan noong opisyal na pahayagan ng
pamahalaan noong 1901 ng sumulat si General Douglas McArthur
bilang Sekretaryo ng Digmaan ng mga panahong ito.

EL HERALDO DE LA REVOLICION
FILIPINA
Ika – 29 ng Setyembre 1898, inilathala sa
Malolos, Bulacan sa unang pagkakataon ang
El Heraldo de la Revolicion Filipina. Ito ay
naging opisyal na publikasyong pahayagan
sa panahong may rebolusyon sina Heneral
Emilio Aguinaldo.

LA REVOLUTION
Ika – 29 ng Disyembre 1898 – inilathala sa Jaro, Iloilo na naglalayong
ipaglaban ang mga karapatan ng Pilipino.

PANAHON NG AMERIKANO

(1899)
COLUMNAS VOLANTES
Ika – 24 ng Marso 1899 – ang Columnas Volantes ay inilathala sa Lipa,
Batangas. Ito ay naglalaman ng mga artikulo ukol sa pulitika at mga
sandatahang lakas. Ito ay binuo ng mga propesyunal na nabibilang sa
samahang Club Democratico Independiente.

 Noong Nobyembre 18, 1899 – ang mga pahayagang, FILIPINAS ANTE


EUROPA at EL DEFENSOR DE FILIPINAS, ay inilathala sa Barcelona
Espanya sa patnugot ni Isabelo de los Reyes.

BOUNDING BILLOW
Inilathala rin ang kauna – unahang
pahayagang Amerikano kung saan inihayag
ang pagkapanalo ni Heneral Dewey at
pagsugpo niya sa pwersang Amerikano sa
Manila Bay. Ito ay binubuo ng apat na
pahina at may habang labindalawang pulgada na
lapad. Mabibili ito sa halagang 25
sentimong ginto kada sipi at ito’y naglathala at
gumawa ng maraming kopya bilang alaala na rin sa
nasabing tagumpay.

THE MANILA TIMES


Ang unang pang – araw – araw na pahayagan
sa panahong mga Amerikano na ang
namamahala sa bansa. Una itong isinaayos
noong ika – 11 ng Oktubre 1898 ngunit 1899
na maging istabilisado sa patnugot ni Thomas
Cowan at negosyanteng si George Sellner.

(1900)
EL GRITO DEL PUEBLO
( Ang Sigaw/ Tining ng Bayan ) itinatag ni Pascual
Poblete noong 1900
EL RENACIMIENTO (Muling Pagsilang)
itinatag ni Rafael Palma noong 1900.

MANILA DAILY BULLETIN


Isa rin sa mga pang – araw – araw na pahayagan
noong 1900 na tinangkilik natin magpahanggang
ngayon.

EL NUEVO DIA
Kahulugan nito’y ang ANG BAGONG ARAW na itinatag rin ni Sergio Osmeña
noong 1900.

PANAHON NG MGA HAPON

(1941 – 1945)
 Sa panahong ito, tatlong pahayagan lamang ang umiral. Ito ay ang
THE DAILY TRIBUNE, MANILA BULLETIN at DAILY HERALD.
 Nabuo rin ang TVT o mas kilala bilang Taliba – La Vanguardia –
Tribune at DMHM o bilang Debate – Mabuhay – Herald –
Monday Mail kasabay ng patuloy na pag – usbong na rin ng Magasin
at Komiks na Liwayway na lumutang bago pa man manakop ang mga
Hapon sa bansa.

 Lumabas na rin ang iba’t ibang mga pahayagan tulad ng FREE


PHILIPPINES sa Leyte.

MGA PERYODIKONG PATAGONG NALIMBAG AY NG LUMITAW


UPANG MAGHAYAG :

o Bagong Buhay
o Voz de Manila
o Filipino Observer
o Guerilla
o Freedom
o Philippine Press
o Balita
o Comet
o Courier

 Nanalo si Manuel Roxas bilang pangulo noong Abril 1946. Ang natalong
dating pangulo ng Commonwealth na si Sergio Osmeña ay nagtatag ng
MORNING SUN.

 Nagtatag naman si Manuel Roxas ng DAILY NEWS at BALITA bilang


pahayagan ng partidong Liberal.

 Ang MANILA TIMES na dating lingguhan ang paglathala ay naging


tabloid noong ika – 27 ng Mayo 1945.

 Naibangon naman muli ni Joaquin P. Roces ang THE TIMES.

 Nagpatuloy naman ang paglathala ng mga pahayagang pang – araw –


araw sa wikang Ingles tulad ng BUSINESS WORLD, MALAYA,
MANILA DAILY INQUIRER, PHILIPPINE STAR, THE DAILY
TRIBUNE AT MANILA TIMES.

 Gayundin ang mga tabloid na abot – kaya ng masa tulad ng ABANTE,


BALITA, BULGAR, PEOPLE’S TALIBA, TEMPO, PILIPINO STAR
NGAYON at SAKSI NGAYON

KASAYSAYAN NG PAHAYAGANG PANGKAMPUS SA


PILIPINAS

ANG PAGSISIMULA NG COLLEGE EDITORS GUILD OF THE


PHILIPPINES (1931 – 1945)
Bahagi ng pang – araw – araw na pamumuhay ng mga tao ang
pamamahayag. Mula sa paggising sa umaga, hanggang bago tuluyang
magpahinga sa gabi, mga balita sa radyo, telebisyon, at pahayagan ang
kaulayaw ng paningi’t pandining ng mga mamamayan.
Napakalawak nang naaabot ng kapangyarihan ng midya sa buhay,
mapaindibidwal o buong sambayanan. May kakayahan itong makapagbigay
ng impormasyon, makapang – impluwensiya ng pananaw o makapagmulat,
makapagkilos at makapagpalaya. Isang demokratikong karapatan ang
makapahayag sa garantiya ng Saligang Batas ng mamamayan.
Ang College Editors Guild of the Philippines (CEGP) ay tinuturing na
pangunahing institusyong nagtaguyod ng karapatan sa pamamahayag
pangkampus. Sa loob ng mahabang pitumpu’t limang taon, nagkaroon ng
mahalagag papel ang organisasyon sa kasaysayan ng pamamahayag, ng
kilusang kabataan, at ng lipunang Pilipino.
Sa pag – aaral na ito, sisipatin ang pagsilang ng CEGP sa gitna ng mga
pampulitika at panlipunang isyu sa panahon ng pananakop ng Estados Unidos
noong 1931, ang mabilis na pag – unlad bilang isang organisasyon, hanggang
sa pagsara nito noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Sa pagdiriwang ng ika – 80 taon ng College Editors Guild of the
Philippines (CEGP), mahalagang balikan ang kasaysayan nito upang
paghalawan ng inspirasyon at aral. Ang paggunita sa nakaraan ay pagtingin
din nang pagsulong.
Itinatag ang College Editors Guild of the Philippines noong Hulyo 25,
1931, mismong kaarawan ni Ernesto Rodriguez Jr., punong patnugot ng
National, publikasyon ng National University. Kabilang ang mga pahayagang
pangkampus na PHILIPPINE COLLEGIAN (UP DILIMAN),
VARSITARIAN (UNIVERSITY OF STO. TOMAS), at GUIDON (ATENEO
DE MANILA UNIVERSITY), layunin nitong pagkaisahan ang lahat ng
manunulat pangkampus at linangin ang kanilang kakayahan sa
pamamahayag. Nahalal na unang tagapangulo si Wenceslao Vinzons, punong
patnugot ng Philippine Collegian.
Tradisyunal na organisasyon ang CEGP noon. Ekslusibo ang kasapian
sa mag patnugutan ng mga publikasyon. Abala ito sa mga journalism
trainings, intercollegiate pageants, relief operations sa mga nasalanta ng
kalamidad.
Gayunpaman, sa maagang bahagi pa lamag ng kasaysayan, makikita
na ang potensyal na papel nito sa lipunan. Noong Disymebre 9, 1932, sa
pangunguna ni Rodriguez at Vinzons, tinutulan ng mga kabataang manunulat
ang panukalang dagdagan ang sweldo ng mga mambabatas sa mababang
kapulungan. Mabilis na lumawak ang kaisipan ng CEGP. Kinilala ito bilang isa
sa mga pinakaprestihiyosong organisasyon ng kabataan. Nagsilbi itong
tuntungan ng mga kabataang nagnanais makilala sa larangan ng poliitika at
pamamahayag.
Noong 1941, pansamantalang tumigil ang operasyon ng Guild dulot ng
Ikalawang Giyerang Mundyal. Si Vinzons ay sumapi sa HUKBALAHAP at
namatay na bayani. Nanumbalik ang CEGP pagkatapos ng giyera. Nitala
noong 1948 ang pakikiisa ng Guild sa mga mamamahayag sa mainstream
media. Sinuportahan ng manunulat pangkampus ang strike ng mga
empleyado ng Evening News bilang protesta sa pagpapatalsik kay Cipriano
Cid at panawagang kilalanin ang Philippine Newspapers ng Guild.
Pagsapit ng dekada singkwenta, malaki ang naging impluwensiya ng
makabayang ideya ni Claro M. Recto sa maraming kabataan. Pagsapit ng
dekada sisenta, bunsod ng matinding krisis pampolitika at pang – ekonomiya
sa panahon ni Marcos lumabas na kilusang kabataang estudyante, nagkaroon
ng malaking puwang ang progresibong ideya sa loob ng organisasyon. Hindi
naging banayad ang transpormasyon ng CEGP mula sa isang tradisyonal na
organisasyon patungo sa pagiging progresibo. Sa katunayan, naging maigting
ang pagtatalo sa hanay ng kasapian. “Mananatili bang nyutral ang
pamamahayag pangkampus sa panahon ng maigting na paglaban sa
mamamayan? Mananatili bang tagapagtala na lamang ng kasaysayan ang
mga manunulat o kailangan nang pumanig at makilahok? Ano ang papel ng
kabataang mamamahayag sa lipunan?” Sa mga katanungan ito uminog ang
debate. Naglathala rin ang rebolusyonaryong artikulo ang mga publikasyong
pang – estudyante. Unang lumabas ang Lipunan at Rebolusyong artikulo mula
sa Ang Bayan, opisyal na pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas, The
Bedan (San Beda College), Guidon, Philippine Collegian, Ang Malaya at iba pa.
Pagsapit ng 1970, lalong tumitimbang ang progresibong oryentasyon
ng Guild. Dumaluyong ang kilos protesta sa lansangan. Maraming manunulat
pangkampus ang lumahok ang nagpakilos sa mga malikhaing mobilisasyon sa
panahon ng First Quarter Storm. Hindi iilang Guilders ang naging kasapi ng
Kabataang Makabayan. Tumining ang papel ng pamamahayag pangkampus
bilang alternatibong pamamahayag para sa mamamayan. Sa panahon ng
paghahari ng crony press, maraming publikasyonng pang – estudyante ang
nagpalaganap ng katotohanan sa labas ng kani – kanilang pamantasan. Ang
kabulukan ng gobyernong Marcos na hindi nababasa sa mainstream ay
isiniwalat ng mga pahayagang pangkampus. Dahil dito, binansagan ni Marcos
na mosquito press ang publikasyon. Sa Visayas, inilathala ang mga sulatin ni
Jose Maria Sison, Renato Constantino Sr., Gary Olivvar (lider ng Samahan ng
Demokratikong Kabataan) sa Weekly Silimanian (Siliman University), Weekly
Carolinian (University of San Carlos), Sambayanan (Western Institute of
Technology), Quill (Southwestern University) at marami pang iba. Sa
pagkakahalal ni Antonio Tagamolila bilang pambansang tagapangulo noong
1971, buong pagmamalaki niyang ipinahayag, “Ang pagkapanalo ng mga
progresibo ay magbubunsod ng isang bago, mulat at matatag at militanteng
CEGP sa isyu ng mamamayan. Hindi lamang isyu ng kalayaan sa
pamamahayag ang itinaguyod ng Guild bagkus pati patriyotiko at
demokratikong interes ng malawak na mamamayan. Kinondena ang
pagpapapain ni Marcos ng mga sundalong Pilipino sa giyera sa Vietnam.
Tinutulan ang pakanang Constitutional Convention ni Marcos. Nilabanan ang
pandarahas sa mga piketlayn at militarisasyon sa kanayunan.
Masigla ang paglulunsad ng teaching o study circles, social
investigation at pakikipamuhay sa mga magsasaka at mangagawa. Sa
ganitong konteksto, inangkin ng mga kasapi ng CEGP ang pakikibaka ng mga
aping sektor ng lipunan.
Nang ipataw ang Batas Militar, ideneklarang ilegal ang CEGP.
Naipasara ang halos lahat ng publikasyon sa kampus. Sa militanteng paglaban
ng kabataang estudyante, nabuksang muli ang Philippine Collegian, Guidon at
UPLB Perspective (UP Los Baños). Sumailalim ang mga ito sa pagmamatyag
ng militar. Sa panahon ding ito, nagsulputan ang mga underground student
publications sa buong bansa. Naging tanyag ang pasabilis. Palihim na
binabasa at pinagpasa – pasahan ang limitadong kopya ng mga publikasyong
naka – mimeographed. Matapang na tinuligsa ng mga ito ang lagim ng Batas
Militar. Maraming manunulat pangkampus ang dinampot, ikinulong, tinortyur
at pinaslang. Kabilang sa kanila si Liliosa Hilao at Ditto Sarmineto. Sa
lantarang pasistang paghahari ni Marcos, marami ring nagtungo sa
kanayunan upang lumahok sa armadong pakikibaka. Ilan sa kanila sina
Emmanuel Lacaba (Guidon), Evelyn Pacheco (Torch, PNU) at Lorena Barros
(Advocate, FEU).
Sa ikalawang bahagi ng dekada sisetenta, muling sumigla ang legal na
pakikibakang masa sa pangunguna ng uring mangagawa. Pumutok ang La
Tondeña strike na sinundan ng serye ng welga, boykot at protestang
lansangan. Naging inspirasyon ito ng muling pagtatatag ng CEGP. Itinayo ang
Mendiola Association of College Editors (MACE) na nagpasimuno ng First
Metro Manila Student Press Congress. Sa sumunod na mga buwan, tumugon
din nang buong sigasig ang ibang rehiyon sa buong kapuluan. Naganap ito
mula 1977 hanggang mailunsad ang 16th National Congress na dinaluhan ng
125 patnugot mula sa 43 publikasyon noong Mayo 1981.
Ang tagumpay ng ito ay bunga ng walang humpay na pag – oorganisa
sa hanay ng manunulat pangkampus. Ibayo ring sumigla ang kilusang
kabataang estudyante. Puspusang itinaguyod ang mga lehitimong kahilingan
ng estudyante. Pinamunuan ng CEGP, kasama ang Youth for National
Democracy (YND) at Alyansa Laban sa Pagtaas ng Matrikula ( League of
Students ngayon ), ang kampanya sa pagpapabukas ng mga pahayagang
pangkampus at konseho ng mga mag – aaral at pagtatangal ng military
detachments sa mga kampus. Tinaguriang Democratic Reform Movement ang
pagkilos na ito. Sa mga punong lungsod at lalawigan, kumilos ang mahigit sa
200, 000 kabataan. Hindi natinag ang mga estudyante kahit pa karahasan
ang isinagot ng gobyerno.
Ilang buwang walang pasok dahil nasa lansangan ang mga estudyante.
Napalitan ang gobyernong harapin ang isyu at kilalanin ang mga lehitimong
panawagan ng kabataan. Dumagundong ang tagumpay na ito sa buong
kapuluan. Napatunayang sa kolektibong pagkilos at paggigiit ng
demokratikong karapatan, makakamtan ang mga makatarungang kahilingan
ng kabataan at mamamayan. Sa pagkakahalal ni Antonio Tagamolila bilang
pambansang tagapangulo noong 1971, buong pagmamalaki niyang
ipinahayag, “Ang pagkapanalo ng mga progresibo ay magbubunsod ng isang
bago, mulat, matatag at militanteng CEGP.” Tuloy – tuloy na ang naging
pagkiling nf CEGP sa isyu ng mamamayan. Hindi lamang isyu ng kalayaan sa
pamamahayag ang itinaguyod ng Guild bagkus pati patriyotiko at
demokratikong interes ng malawak na mamamayan.
Pagsapit ng 1983, ibayong militansya ang ipinamalas ng kabataan mula
nang paslangin si Ninoy Aquino hanggang sa pagbagsak ng diktaturyang
Marcos. Ang pag – aalsa noong 1986 ay nagluklok kay Corazon Aquino bilang
bagong pangulo. Tiningnan si Aquino bilang isang pinunong liberal burges.
Pinuri ang Republic Act 7079 o Campus Journalism Act bilang “milestone in
the history of the campus press.”
Kabaligtaran ang naganap sa aktwal. Naging epektibong instrument
ang CJA ng mga kaaway ng kalayaan sa pamamahayag sa pagsupil sa mga
pahayagang pangkampus. Matapos ilabas ang implementing guidelines,
naipasara ang Quezonian, White and Blue, Ang Pamantasan, Blue and Silver,
at iba pa. Kung susundin ang probisyong nagsasaad na hindi mandatory ang
pangongolekta ng publication fee, maipapasara ang halos lahat ng
publikasyon kung nanaisin ng administrasyon ng mga pamantasan.
Nakaligtaan ng CEGP ang mga aral ng DRM. Ang kalayaan sa
pamamahayag ay isang demokratikong karapatan. Iginigiit ito at ipinaglaban,
hindi ikinukupot sa batas. Iwinasto ang kamaliang ito sa 1996 National
Council Meeting. Ditto rin nabuo tatlong makatwirang panawagan ng CEGP :
(1) Buksan ang lahat ng nakasaradong pahayagan; (2) Magtatag ng mga
publikasyon sa mga pamantasan; at (3) Wakasan ang lahat ng porma ng
panunupil sa kalayaan sa pamamahayag.
Layunin daw ng ACP na hanapin ng pamamahayag pangkampus ang
kanyang sarili bago ito makapag – ambag sa pagbabago ng lipunan.
Ipinagkamali nitong maaaring makamtan ang tunay at ganap na kalayaan sa
konteksto ng bulok na sistemang panlipunan. Paglaon nakitang mali ang
mismong paghahanap ng bagong oryentasyon. Nasagot na ang mga
batayang tanong hinggil sa tamang ugnayan ng pamamahayag pangkampus
sa lipunan noon pa lamang 1970.
Nang mailatag nang lubusan ang mga naging kahinaan, puspusan din
naman ang naging pagwawasto ng Guild. Nagpanibagong sigla ito sa lahat ng
aspeto. Sa ilalim ng gobyerno ni Ramos, aktibo ang CEGP sa paglahok sa mga
isyu ng mamamayan. Tinugunan nito mula sa pagtaas ng matrikula.
Ang pinakahuling matagumpay na kampanyang sinuong ng Guild ay
ang pagpapatalsik sa korao, kontra – mayaman at kaaway ng kalayaan sa
pamamahayag na si Joseph Estrada. Isa nag CEGP sa mga unang
progresibong organisasyong nanawagan ng pagpapatalsik kay Estrada.
Sa tagal nang itinagal ng CEGP, itinuturing na itong institusyon ng
marami. Nanatili itong isa sa mga pinakamalawak at pinkamatatag na
organisasyon ng kabataan sa bansa. Magpahanggang ngayon, hindi pa rin ito
natitinag dahil sa pagyakap nito sa patriyotiko at demokratikong interes ng
kabataan at mamamayan. Lagi’t lagi itong matatagpuan sa pakikibaka ng
mamamayan sapagkat paglilingkod ang nasa ubod ng nakaraan at
kasalukuyang CEGP.

SANGGUNIAN:
http://quod.lib.umich.edu/p/philamer/ACR6448.0001?rgn=main;view=fulltext
http://newspaper.philippinecentral.com/
http://cegpst.wordpress.com/about-the-guild/history
https://www.google.com.ph/search?
q=Yank+Philippines&tbm=isch&ei=KavZU6iZHpSMuATWy4CoAg#q=guerilla+
newspaper&tbm=isch&imgdii=
https://sites.google.com/a/upou.edu.ph/mms-100-final-project=topic-2-old-
news-new-news/home-page-1/Newspaper-in-the-Philippines/History-of-
newspaper-in-the-Philippines
http://ejournals.ph/index.php?journal=malay&page=article&op=view&path
%5B%5D=62

SUBUKIN NATIN !
Punan ang talahanayan ng impormasyong hinihingi mula sa unang
pahayagang lumabas hanggang sa kasalukuyan.

PANGALAN TAGAPATNUGOT/ TAON TAON DATOS


NG NAGTATAG SINIMULAN NATAPOS
PAHAYAGAN
EBALWASYON
Tukuyin ang isinasaad ng pangungusap.
1. Pahayagang itinatag noong Enero 18, 1896, ang kauna – unahang
rebolusyonaryong pahayagan.
2. Pahayagang tungkol sa mga katutubo sa patnugot ni Isabelo delos
Reyes.
3. Unang Tagalog na publikasyon na itinatag noong Abril 1890 sa
patnugot ni Pascual Poblete.
4. Peryodikong ibenenta at inilako sa kalsada na may halagang 2 sentimo
ngunit tumagal lamang ng tatlong buwan.
5. Ang pahayagang ito ay nabuo noong ika – 3 ng Hulyo 1889 sa
patnugot ni Jose Moreno de Lacalle, isang may – kayang abogadong
Espanyol na naglathala ng mga sulating sining, agham at sosyal na
interes.
6. Ang peryodikong ito ay hayagang naglathala ng pagsalungat sa mga
prayle, pagpapaalis sa mga arsobispo at paghihingi ng reporma.
7. Ito ang pang – apat na pahayagang lumabas sa taong 1882 na may
islogang “ It is possible to love the Philippines without hating Spain ang
to love Spain without hating the Philippines.”
8. Ang pahayagang ito ay nakadisenyo para sa sirkulasyon ng mga
abogado at patnubay para sa mga hustisya at kapayapaan.
9. Ang unang pahayagang pamprobinsya na nailathala sa labas ng
Maynila at nahinto rin.
10. Ang pahayagang pumalit sa El Povenir at nagpatuloy hanggang 1899.
11. Ang unang lathala ng sipi ng pahayagang ito ay noong ika – 1 ng
Pebrero 1868.
12. Ito ay lingguhang peryodikong pangkomersyo sa pangunguna ni
Joaquin de Loyzaga.
13. Isang pahayagang Kastila na nahahaluan ng mga artikulong Tagalog
upang magbigay kaalaman sa mambabasa.
14. Ang pokus na pahayagang ito ay ang sandatahang lakas na hindi
gaanong nabigyan ng interes ng publiko.
15. Ang patnugot ng pahayagang ito ay si Felipe del Pan at tumagal
hanggang 1852.
16. Kinilalang unang pahayagang pang – araw – araw maliban sa araw ng
Lunes, ito ay pinamatnugutan ni Felipe Lacorte at Evarisco Calderon.
17. Ang pahayagang ito ay tungkol sa kampanya laban sa Muslim at
pagkabihag ng mga pirata sa Sulu nang mga hukbong Kastila na
pinangunahan ni Jose Gomez.
18. Ang pahayagang ito ito ay mula sa dating Boletin de Oficial.
19. Ang pahayagang ito ay nakipagsapalaran ng labindalawang taon na
laging muntik – muntikanan nang bumagsak dahil sa hindi
pagkakasundo ng mga patnugot.
20. Ang kahulugan ng pahayagang ito ay “Ang Bagong Araw” na itinatag ni
Sergio Osmeña noong 1900.

You might also like