Professional Documents
Culture Documents
7-Nobena Sa Batang Namatay
7-Nobena Sa Batang Namatay
PAGSISISI
Oh lubhang kaibig-ibig na Diyos tatlo sa pagka Personas at isa sa pagka Diyos Ama, Anak at
EspirituSanto, na sinasampalatayanan ko pinananaligan ko, at iniibig ko ng buong puso,
katawan, kaluluwa atbuong pangdamdam o buong sangkap ng katawan, at mga
ipinangyayari ng kaluluwa ko sapagkat ikawnga ang Ama kong walang hanggang kagalingan,
at dapat ibiging lalo sa lahat ng bagay.Nagsisisi ako kasantusantusang Trinidad, nagsisisi
ako lubhang maawaing Trinidad ng pagkakasala ko sa
iyo sapagkat ikaw nga lamang ang Diyos ko nagtitika naman ako at nangangako, na kalian pa
ma’y dina muli-muling magkakasala sa iyo, at mamatay na muna ako abgo magkasala,
umaasa naman ako sa iyong dakilang kagalingan at walang hanggan mong kaawaan na ako’y
patatawarin sa lahat kong kasalanan, at pagkalooban mo ako ng grasyang ipapanatili ko sa
isang tunay na pagsinta, at mataimtim na debosyon saiyo kaibig-ibig kong Trinidad.
Siya Nawa.
HIMNO
Maningas na araw ay maparam kaya at ikaw Trinidad ilaw ng aming diwa. Sa dibdib namin
mangyaringitala banal na pag-ibig lubos na dakila.
Sa umaga kami’y nagpupuri gayong sa tanghali’y nagdarasal, sa Iyo po’y aming
sinasabi isama kami sakalangitan.
Sa Ama’t Anak at sa iyong kabanalan Espiritu Santong aming kabuhayan. Ngayo’t sa
tuwina’y aming
iniaalay mga pagpupuring walang katapusan. Siya Nawa.
Dasalin ang isang AMA NAMIN at GLORIA PATRI at saka isunod ito :
Namumuno: SANTO, SANTO, SANTO, Poong Diyos ng mga hukbo, lumalaganap sa Langit at
Lupa ang Kaluwalhatian
Mo.Lahat : Luwalhati sa Ama, Luwalhati sa Anak, Luwalhati sa Espiritu Santo.
(ito’y uuliting makadawangput pito (27) at simulan ang bawat siyam na mga araw, ay
magdarasal munang isang Ama Namin at Gloria Patri, at sa katapusan ng lahat, ay ang
susunod:)