September 6, 2023 Juan Dela Cruz CEO ng DND Company
Dear Mr. Dela Cruz,
Ito ay aking sinusulat upang ipabatid na natanggap ng board of directors ng
kompanyang JGH Company ang iyong report patungkol sa iyong nais na proyekto kasama ang aming kompanya. Pinapangako namin na susuriin at lilitisin namin ito nang mabuti at kung mayroon mang problema ay agad din naming ipapaalam at kung ito naman ay ma-aprubahan ay agad din naming sasabihin sa pamamagitan ng pagpapadala ng liham. Ang liham na nagsasaad kung in-aprubahan ba o hindi ang iyong suhestyon ay maipadadala sa iyo sa loob ng tatlong (3) araw.
Maraming salamat sa inyong tiwala at patuloy na suporta sa aming kompanya at
inaasahan namin ang pagtratrabaho kasama kayo sa hinaharap.
Lubos na gumagalang, Joseph Pangilinan CEO ng JGH Company