Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

CERENO, Leonard Plazaras Polytechnic University of the Philippines

BS Chemistry 1-1 Readings in Philippine History

Paupo-Upo Na Lang?: Isang Replektibong Sanaysay Sa Musikang Upuan Ni


Gloc 9
ISINULAT NI: LEONARD CERENO

“Kayo po na naka upo, subukan nyo namang tumayo.


At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko…”
- Upuan

Sa mga nagdaang dekada, milyong mga pilipino na ang naging biktima ng korapsyon sa
bansa. Libo-libong pamilya ang nalugmok sa kahirapan dahil sa problemang ito. Ito ang
problemang kailanman ay hindi masolusyunan ng gobyerno ng ating bansa. Ang mga public
servants na dapat tumutulong sa kanilang mga nasasakupan ay sila pang nagpapahirap sa
buhay ng mga pilipino. Kaugnay nito, ang musikang isinulat ni Gloc 9 na pinamagatang “Upuan”
ang siyang magandang paglalarawan sa mga isyung nangyayari sa ating bansa, partikular na
ang korapsyon na nagaganap na noon magpahanggang sa ngayon.

Mga bata pa lamang tayo ang naririnig at napapa-sabay na tayo sa mga musika na
gawa ni Gloc 9. Si Gloc 9 ay nakilala sa kanyang mga musika at raps. Ang ilan sa kanyang mga
kantang isinulat ay nagsilbing daan upang mabuksan ang isip ng mga pilipino sa tunay na
nangyayari sa Pilipinas. Ilan sa kanyang mga tanyag na musika ay ang “Sirena”, “Hari ng
Tondo”, “Lando”, at marami pang iba. Ngunit sa kanyang mga nagawang kanta, isa ang “Upuan”
sa mga naging usap-usapan dahil sa nakakubli nitong mensahe na nais nitong ibigay sa mga
nakikinig.

Sa unang taludtod ng kanta, inilarawan ang mga taong nakaupo sa upuan o ang mga
taong may posisyon sa pamahalaan. Inilahad dito na sila ang may kapangyarihan dahil
nabanggit sa kanta na taglay nila ang marangyang buhay. Kung titingnang mabuti ang
konteksto ng saknong na ito, ating magpagtatanto na patuloy na yumayaman ang mga may
kapangyarihan at patuloy na naghihirap ang mga nasa laylayan. Dito rin natin makikita na
walang pakialam ang mga nasa taas at pansariling interes lamang ang kanilang pinagtutuunan
ng pansin. Kayamanan lamang nila ang kanilang binibigyang pansin at hindi ang
kahirapan ng libo-libong pamilya sa bansa.
Pagdating naman sa pangalawang taludtod, dito na inilarawan ang buhay ng mga
dukhang biktima ng sistema. Mga salat sa yaman na nais lamang magkaroon ng magandang
buhay ngunit pinagkakaitan pa ng mga gahamang opisyal. “Di ko alam kung talagang maraming
harang o mataas lang ang bakod o nagbubulag-bulagan”. Sa bahagi ng kantang ito ay inilahad
ang isa sa mga katangian ng isang kurap at ito ay ang pagiging bingi sa mga daing at hinaing
ng mga pilipino. Ang mga nasa upuan ang sila pang umaabuso ng kapangyarihan at wala
namang ambag sa pagunlad ng bansa. Kung sino pa tuloy ang mga mayayaman ay sila pa
ang patuloy na yumayaman.

Sa koro naman ng musikang ito, “Kayo po na naka upo, subukan nyo namang
tumayo.At baka matanaw at baka matanaw ninyo, ang tunay na kalagayan ko.” pinakita na
walang pakialam ang mga nasa upuan sa kanyang mga nasasakupan. Dito pinatunayan ng
kantang ito na baliko talaga ang sistema sa ating bansa. Nagmamakaawa na ang mga dukha
na bigyan sila ng pansin na hindi naman talaga dapat nagmamakaawa sapagkat trabaho ng
mga nasa upuan na tugunan ang mga problemang hinaharap ng nila; ang kahirapan, gutom,
kawalan ng edukasyon, at kawalan ng trabaho.

Bato-bato nga naman sa langit, ang tamaan ay ‘wag magagalit. Napakaganda hindi
lamang ng ritmo at tono ng musikang ito kundi pati mensahe nito. Noong bata pa lamang ako ay
madalas ko itong kantahin at nasisiyahan ako at napapasabay sa bawat pagbitaw ng
kumakanta ng mga salita. Lingid pa noon sa aking isipan na ang musika pala na ito ay siyang
larawan ng Pilipinas, partikular ng ating pamahalaan. Ang korapsyon hindi mawala-wala sa
ating gobyerno ang siyang nagpapalugmok sa mga mga pilipino. Sa aking pananaw, ang
musikang ito ang nagbigay linaw sa akin sa bansang aking ginagalawan. Ang dalawang mukha
ng Pilipinas. Ang mga nasa tuktok at ang mga taong salat sa yaman. Kung ginagawa lamang
ng mga nasa upuan ang kanilang mga tungkulin, wala sanang pamilyang nagugutom at
wala sanang mga batang hindi nakapag-aral.
Para rin sa akin, ang nais ipahatid sa atin ng kantang ito na dapat kung may mali tayong
nakikita sa ating bansa ay dapat hindi tayo mahihiya at maduduwag na ipaglaban ang tama.
Dapat baliin ang mga paa ng upuan ng mga kurap na opisyal at magagawa natin ito kung
ang bawat isa ay magtutulungan at magkakaisa. Nakatira tayo sa demokratikong bansa kaya
tayo rin ang may kapangyarihan na tanggalan ng upuan ang mga gahamang mapangabuso at
iluklok ang mga lider na handang pagsilibihan at handang solusyunan ang mga problema ng
ating bansa.

Sanggunian:

Gloc 9 - Upuan ft. Jeazell Grutas. (2011, December 20). [Video]. Youtube. Retrieved February
05, 2021 from https://www.youtube.com/watch?v=yvWVfYwpMD0.

You might also like