Pambansang Utang

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

I. ANO ANG PAMBANSANG UTANG?

- 'Ito ang kabuuang utang ng gobyerno na tinatawag ding public debt.


Binubuo ito ng mga utang ng:
- national government;
- local government units (LGUs);
- mga pampublikong korporasyon o tinatawag na Government-Owned and Controlled
Corporations (GOCCs) gaya ng Small Business Corporation at RT Administration.

II. BAKIT TAYO UMUUTANG:


1. MABABA ANG REVENUE
Dahil mas mababa ang nakokolektang buwis para sa mga iilang rason, katulad ng
kasalukuyang pandemya, ang pangungutang ay isang paraan para matustusan ang mga
bayarin.

2. TUMAAS ANG GOVERNMENT SPENDING


Ang ilang mga bayarin ng gobyerno, gaya ng pension at unemployment benefits, ay hindi
nakatdepende sa eligible na beneficiaries. Kung bigla itong tumaas, isang paraan ang
pangungutang para mapunan ang kulang na pondo para sa mga na-commit a programa.
3. PARA SA INVESTMENTS
May mga naitalang programa ang gobyerno, na tinatawag a investments, na kinakailangang
utangin ang pondo nito para maisagawa, lilan dito ay ang ang pagtayo ng mga eskwelahan at
kalsada. Itong investments ay isinigawa para makatulong sa kaunlaran ng taumbayan at g
bansa.
4. DAHIL SA NATURAL DISASTERS/CRISIS
Ang mpa sakuna at krisis gaya ng kinakaharap nating pandemya ay kadalasang, hindi
inaasahang mangyari ng ninuman,. Dahil dito, nangungutang ang pamahalaan bilang last resort
kung naubos na ang revenue sa "wallet" ng pamahalaan.

III. KANINO TAYO UMUUTANG?


- Ito ang mga utang ng pamahalaan ng Pilipinas sa mga bangko, gobyerno ng ibang
bansa o ng multilateral institusyon gaya ng World Bank at Asian Development Bank.
- "Promissory note" ng mga gobyerno sa mga investor/ indibidwal na nangangako na
bayaran ang inutang at interest pagdating ng maturity date.
Halimbawa: bonds,bills.
Domestic o Internal Debt Foreign o External Debt

LOANS Domestic Loans Foreign Loans


PHP 0.30 Trillion PHP 1.14 Trillion

DEBT SECURITIES Domestic securities Foreign Security


PHP 5.56 Trillion PHP 1.60 Trillion
KAILAN OKAY UMUTANG?
1. KAPAG PARA SA PUBLIC INVESTMENTS
Mainam ang pangungutang (debt financing) para sa mga public investments tulad ng
pagpapagawa ng mga imprastraktura dahil mas matagal mong pwedeng bayaran ang
malalaking gastos na ito. Pabor ito sa mga mamamayan kaysa sa pagpataw isang
bagsak na mataas na singil ng buwis (tax financing).

2. KAPAG MAY ECONOMIC CRISIS


Sa panahon ng recession, mababa ang kinikitang buwis ng gobyerno. Ang
pangungutang ang nagiging paraan para mapondohan ang fiscal policy para tulungan
ang mga businesses at mga mamamayan na makaahon sa krisis. Ito ay pang-'kickstart'
para makapag produce at consume muli ang ekonomiya na siyang pagkukunan ng
revenue.

KAILAN NAMAN HINDI?


1. KUNG HINAHATAK NITO PABABA ANG EKONOMIYA
Kung patuloy ang paglagay ng perang inutang sa mga hindi produktibong (o hindi
kumikita) investment, ang utang ay maaahing makapagpabagal o tuluyang magpahinto
sa paglago ng ekonomiya.
TANDAAN: Ang pagiging permanente o pansamantala ng mga inutang para sa krisis
ay nakadepende sa mga magiging political choices kapag bumalik na ang ekonomiya sa
normal.

2. KUNG ANG IBANG PRAYORIDAD AY DI MAPOPONDOMAN


Ang pag-utang ay may epekto sa national budget. Nababawasan nito ang discretionary portion
ng ating kaban, o yung mga pag-papasyahan pa lang sana kung saan gagamitin. Hindi ito
mabuti kung masasagasaan nito ang mga programang para sa development ng bansa gaya ng
edukasyon, healthcare, at iba pang importanteng sector.

IV. MASAMA BA ANG SOBRANG TAAS NA PUBLIC DEBT NATIN?


HINDI. Dapat lamang responsable ang pag-gamit nitong inutang.

Hindi masama ang mangutang dahil kasama ito sa financing mechanism ng gobyerno.
Nabanggit kanina na minsan, mas mainam ito sa kaysa sa pagpataw ng buwis. Nasa wastong
paggamit nakasalalay kung ang ipapasa natin sa mga susunod na henerasyon ay net benefit
(kung magbunga ang mga investments na pinaggamitan ng utang) o net loss (kung sakaling
mapunta ito sa hindi produktibong polisiya o di kaya naman ay sa bulsa ng mga kurakot).

Kung ang pag-utang ay para sa makabagong makinarya na gagamitin ng ating mga


mangingisda at magsasaka, maging ang dahilan man ay nasira ang ginagamit ngayon (Crisis) o
dahil gusto mong mas marami ang kanilang ma-produce (Investment), siguraduhing ito ay
de-kalidad at magtatagal.
Kung produktibo ang pinag-gamitan ng pambansang utang, ang kinita mo ay
puwede nang pambayad sa inutang; hindi mo kakailanganing mangutang na
naman o magtaas ng tax na pambayad.

V. ANO ANG ISINASAALANG-ALANG BAGO UMUTANG ANG GOBYERNO


1. COST: Mas mababa ba ang interest rate kumpara sa ibang options na ating
natalakay?(eg. securities / loan dito at sa labas ng bansa) May iba bang fees na
kailangan bayaran?
2. DURATION: Gaano katagal bago ito kailangan bayaran? Mahaba ba ang grace period?
Kung mas matagal, mas mainam para hindi kailangan ng agresibong pagpataw ng
buwis
3. COLLATERAL: Ano ang kapalit kung sakaling hindi makabayad?
'TIED-AID': Kung ang loan ay parte ng opisyal na development assistance ng ibang foreign a
gobyerno, kailangan ba na ang mga supplier ay galing sa bansang inutangan?

VI. ANO ANG COST NG PANGUNGUTANG?


- Interest ang cost/presyo ng pagpapahiram ng pera. Ganito rin ang
iniisip ng mga nagpapautang o Creditors sa mga bansa.
*Pag malaki ang risk na hindi sila mabayaran, malaki rin ang ipapatong na interest na
sisingilin nila para pautangin ito.

VII. CREDIT RATING AT PARA SAAN ITO?


1. Investment grade: kapag ang pagpapautang ay maituturing na safe
2. Junk grade: kapag ang pagpapautang ay maituturing na speculative o pagsugal sa
perang pinapautang.

VIII. ANO ANG CREDIT AT PARA SAAN ITO?


Para sa mga bansang nangungutang, gaya ng Pilipinas, ang tiwala ng mga
nagpapa-utang sa atin ay nakapaloob sa tinatawag na CREDIT RATING. Ito ay "score" na
sumasalamin sa reputasyon ng isang borrower. Kinakalkula ito ng mga organisasyon katulad ng
Moody's.
Halimbawa: Kung pinautang mo si Jenna tapos hindi siya nakapagbayad, hindi ba
parang wala ka nang tiwala na magpautang muli?
Kung mataas ang credit rating mo, mas posibleng mapa-utang ka muli kung
sakaling gipitin.
Dahil napanatili ng Pilipinas ang mataas na Investment-Grade rating (Baa / BBB) na
natanggap noong 2013 sa kabila ng pandemya, nakakahiram tayo sa mga international lenders
gaya ng World Bank at ADB.
TANDAAN: Bago pa dumating ang pangangailangan, kailangang siguraduhin na ng
pamahalaan na ito ay may kakayahang mangutang nang sapat at may manageable na interest
rate at schedule ng pagbabayad.
Magagawa ito sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga polisiya na nagpapatatag sa
fiscal buffers at kalagayan ng kabuuang ekonomiya.

You might also like