Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

Araling Panlipunan Ikaapat na Markahan – Modyul

7
Aralin 7:
Ang Impormal na
Sektor
IMPORMAL NA SEKTOR

⮚ Ito ang sektor ng ekonomiya na salat o walang pormal na


dokumentong kailangan sa pagsasawa ng mga gawaing pang-
ekonomiya.
⮚ Ang Kita ng impormal na sektor ay HINDI naisasama sa
kabuuang GDP ng bansa.
⮚ Ang impormal na sektor ay nagtataglay ng malawak na
katangian. Ito ay binubuo ng mga yunit na nagsasagawa ng
pagbuo ng produkto at serbisyo na may layuning makalikha ng
empleyo o trabaho at magdulot ng kita sa taong lumalahok
dito.
⮚ Ang mga gawain dito ay naisasagawa dulot ng mababang antas
ng organisasyon, hindi pagsunod sa itinatakdang kapital at
pamantayan, at napakaliit na antas ng produksiyon.
⮚ Ang mga kasapi sa pagsasagawa ng mga gawain sa
produksiyon sa ilalim nito ay kadalasang mga kamag-anak o
malalapit na kaibigan. Ito ay walang pormal na pagsunod sa
mga patakarang itinakda ng pamahalaan.
Katangian ng Impormal na Sektor

⮚ Hindi nakarehistro sa pamahalaan.


⮚ Hindi nagbabayad ng buwis mula sa kinikita.
⮚ Hindi nakapaloob sa legal at pormal na
balangkas na inilatag ng pamahalaan para sa
pagnenegosyo.
Dahilan at Epekto ng Impormal na
Sektor sa Ekonomiya
Dahilan at Epekto ng Impormal na Sektor sa
Ekonomiya

Ang sumusunod ay ilan sa pinaniniwalaang kadahilanan kung bakit


pumapasok ang mga mamamayan sa impormal na sector ayon sa
aklat na “Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon”(2012) nina
Balitao et al.
⮚ Makaligtas sa pagbabayad ng buwis sa pamahalaan;
⮚ Makaiwas sa masyadong mahaba at masalimuot na proseso ng
pakikipagtransaksiyon sa pamahalaan o ang tinatawag na
bureucratic red tape.Sa aspektong ito ay pumapasok ang labis na
regulasyon ng pamahalaan;
⮚ Kawalan ng regulasyon mula sa pamahalaan na kung saan ang
mga batas at programa ay hindi naipapatupad nang maayos.
⮚ Makapaghanapbuhay nang hindi nangangailangan ng malaking
kapital o puhunan;at
⮚ Mapangibabawan ang matinding kahirapan.
Epekto sa Ekonomiya ng Impormal na Sektor

Pagbaba ng halaga ng nalilikom na buwis


Dahil ang mga kabilang sa impormal na sektor ay hindi nakarehistro, hindi
rin sila nagbabayad ng buwis mula sa kanilang kinikita o operasyon. Ito ay
nangangahulugan ng malaking pagbabawas sa kabuuang koleksiyon o
maaaring kitain ng pamahalaan sa pangongolekta ng buwis.

Banta sa kapakanan ng mga mamimili


Dahil ang mga bumubuo sa impormal na sektor ay hindi rehistrado at hindi
sumusunod ayon sa itinatalaga ng batas tungkol sa kanilang
operasyon,maaaring ang mga produkto o serbisyo ay hindi pasado sa
quality control o standard ayon sa itinakda ng Consumer Act of the
Philippines, kung kaya’t ang mga mamimiling tumatangkilik dito ay
maaaring mapahamak, maaabuso, o mapagsamantalahan.

Paglaganap ng mga ilegal na gawain


Dahil sa kagustuhan na kumita nang mabilisan,ang mga tao ay nauudyok
na pumasok sa impormal na sektor na kung minsan ay mga gawaing ilegal
o labag sa batas.
Mga Programa at Proyekto
ng Pamahalaan para sa mga
mamamayan na bumubuo sa
Impormal na Sektor
1. DOLE INTEGRATED LIVELIHOOD PROGRAM (DILP)
Ang programang ito ay ipinatutupad ng Department of Labor and Employmant (DOLE) na
nauukol sa pangkabuhayang pangkaunlaran sa pamamagitan ng mga pagsasanay ng mga
mamamayan partikular na para sa mga self-employed at mga walang sapat na hanapbuhay.

2. SELF-EMPLOYMENT ASSISTANCE KAUNLARAN PROGRAM(SEA-K)


Isa sa mga pangkabuhayang programa ng Department of Social Welfare and
Development(DSWD) na nagbibigay ng mga gawain at pagsasanay upang mapaunlad ng mga
mahihirap na pamilya.

3. INTEGRATED SERVICES FOR LIVELIHOOD ADVANCEMENT OF THE


FISHERFOLKS.(ISLA)
Ang proyektong ito ay para sa mga munisipalidad o bayan na ang pangunahing ikinabubuhay
ay pangingisda.Tinutulungan ng pamahalaan ang mga mangingisda sa pamamagitan ng
pagkakaloob ng mga pagsasanay upang mas mapahusay pa nila ang kanilang hanapbuhay.

4. CASH-FOR-WORK PROGRAM(CWP)
Ito ay programa ng Department of Social Welfare and Development(DSWD),na kung saan sa
ilalim nito,ang mga biktima ng kalamidad o mga evacuee ay bibigyan ng kabayaran kapalit ng
serbisyong kanilang isasagawa o pagtulong sa panahon ng rehabilitasyon at rekonstruksiyon
ng mga nasalantang lugar.
Mga Batas, Programa, at Patakarang
Pang-Ekonomiya Kauugnay sa
Impormal Sektor
1. REPUBLIC ACT 8425 Ang batas na ito kilala din bilang Social Reform and Poverty Alleviation
Act of 1997. Ito ay nilagdaan noong Disyembre 11,1997 at pormal na ipinatupad noong Hunyo
3,1998. Itinatadhana ng batas na ito ang pagkilala sa impormal na sektor bilang isa sa mga
disadvantaged sector ng lipunang Pilipino na nangangailangan ng tulong sa pamahalaan sa
aspektong panlipunan, pang-ekonomiko, pamamahala, at maging ekolohikal. Isinulong ng
batas na ito ang tinatawag na Social Reform Agenda(SPA) na naglalayong iahon sa kahirapan
ang mga Pilipinong kabilang sa impormal na sector.

1. REPUBLIC ACT 9710 Ang batas na ito ay nilagdaan noong Agosto 14,2009 at kinilala bilang
Magna Carta of Women. Ayon sa batas na ito, ang National Commission on the Role of Filipino
women(NCRFW) ay naging Philippine Commission on Women (PCW).Ito ay isinabatas bilang
pandaigdigang pakikiisa ng ating bansa para sa layunin ng United Nations (UN) para sa
Convention on the Elimination of all Forms of Discrimination Against Women’s
(CEDAW),Kumikilala ito sa ambag at kakayahan ng kababaihan para itaguyod ang
pambansang kaunlaran. Sa ilalim ng batas na ito ay inaalis ang lahat o anumang uri ng
diskriminasyon laban sa kababaihan, kinikilala at pinangangalagaan ang kanilang karapatang
sibil, politikal, at pang-ekonomiya gaya na lamang ng karapatan para makapaghanapbuhay at
maging bahagi ng lakas-paggawa, katiyakan para kasapatan ng pagkain at mga
pinagkukunang-yaman, abot-kayang pabahay, pagpapanatili ng kaugalian at pagkakakilanlang
kultural (cultural identy) at iba pang panlipunang aspekto.
3. PRESIDENTIAL DECREE 442 Ito ay mas kilala bilang Philippine Labor Code na naisabatas
noong Mayo 1,1974. Itinuturing ito bilang pangunahing batas ng bansa para sa mga
manggagawa.

4. REPUBLIC ACT 7796 Ito ay ang Technical Education and Skills Development Act of 1994
na nilagdaan bilang batas noong Agosto 25,1994. Layunin ng batas na ito na hikayatin ang
kabuuang partisipasyon at pakikiisa ng iba’t ibang sektor ng lipunan gaya ng industriya,
paggawa, lokal na pamahalaan, teknikal, at bokasyon na mga institusyon upang mapaghusay
ang mga kasanayan para sa pagpapataas o pagpapaibayo ng kalidad ng yamang tao ng ating
bansa.

5. REPUBLIC ACT 8282 Ito ay tinatawag din bilang Social Security Act of 1997. Itinatadhana
ng batas na ito na tungkulin ng estado na paunlarin, pangalagaan, at itaguyod ang
kagalingang panlipunan at seguridad ng mga manggagawa.

6. REPUBLIC ACT 7875 Ito ay naging batas noong Pebrero 7,1995 at kinilala bilang National
Health Insurance Act of 1995. Sa pamamagitan nito ay naitatag ang Philippine Health
Insurance Corporation (Philhealth) na naglalayong mapagkalooban ang lahat ng mga
mamamayang Pilipino ng isang maayos at sistematikong kaseguruhang pangkalusugan.

You might also like