Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIKS

Posisyong papel – isang akademikong sulatin na direktang koneksyon sa isyung tinatalakay na


naglalahad ng mga matitibay na katwiran ukol sa kailangang paglatagan ng panig. Posisyong papel
pinapanigang isyu. Ito ay isang dokumento kung saan na nauukol sa lunsaran ng pinag-uukulan.
ikaw ay nagpapahayag ng iyong pananaw, perspektibo, o ● Pinagmulan – samahan, organisasyon, o grupong
opinyon sa isang paksa. kinabibilangan ng bumuo o sumulat ng posisyong
papel. Pinaninindigan ng institusyong
Ayon kay Grace Fleming, ito ay ang pagsalig o kinabibilangan.
pagsuporta sa katotohanan ng isang kontrobersyal na isyu
sa pamamagitan ng pagbuo ng isang kaso o usapin para sa 2. Katawan – sa pagsulat ng katawan mahalaga ang
iyong pananaw o posisyon. lohikal na pagkakasunod-sunod ng mga
argumento at mga ebidensya.
2 Uri ng mga Ebidensya (Ayon kina Constantino at
Zafra, (1997) sinipi mula sa aklat nina Baisan-Julian at 3. Kongklusyon – ilalahad muli ang mga argumento
Lontoc, (2016) pagkatapos tatalakayin ang magiging implikasyon
nito.
1. Mga Katunayan (o facts) – nakabatay ito sa
makatotohanang ideya mula sa mga nakita, 1. Ano ang Posisyong Papel?
narinig, naamoy, nalasahan, at nadama. 2. Ano ang Katangian ng Posisyong Papel?
2. Mga Opinyon – nakabatay sa mga ideyang 3. Ano ang Layunin nito?
pinaniniwalaang totoo o nakabase lamang sa
sariling pananaw. ADYENDA
Ang adyenda ay (1) talaan ng mga pag-uusap sa isang
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel pormal na pulong. (2) Dapat malinaw at konkreto ang
isinasaad nito. (3) Ito ay naglalaman ng mga paksa na
1. Pumili ng paksa na malapít sa iyong puso. tatalakayin sa isang pulong.
2. Magsagawa ng panimulang pananaliksik hinggil
sa napiling paksa. Ayon kay Sudaprasert (2014), ang adyenda ang
3. Bumuo ng pahayag na tesis. nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong.
4. Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong Ang pagkakaroon ng maayos at sistematikong adyenda ay
pahayag na tesis o posisyon. isa sa mga susi ng matagumpay na pulong.
5. Magpatuloy sa pangangalap ng mga
kakailanganing ebidensya. Napakahalagang maisagawa ito nang maayos at
6. Buoin ang balangkas ng posisyong papel. maipabatid sa mga taong kabahagi bago maisagawa ang
pulong.
Balangkas sa Pagsulat ng Posisyong Papel
Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Adyenda ng Pulong
1. Panimula – sa pagsulat pa lamang ng simula 1. Ito ay nagsasaad ng mga sumusunod na
kailangan mailahad na ng maayos ang paksa at impormasyon:
ang katwiran ukol sa pinapanigang isyu upang a) mga paksang tatalakayin
makumbinsi ang mga mambabasa na pumanig sa b) mga taong tatalakay o magpapaliwanag ng mga
nasabing posisyon. paksa
c) oras na itinakda para sa bawat paksa
● Pamagat – posisyong papel ng institusyong 2. Ito rin ang nagtatakda ng balangkas ng pulong
kinabibilangan hinggil sa paksa 3. Ito ay nagsisilbing talaan o tseklist
● Pahayag na Tesis – pinaninindigang panig o 4. Ito ay nagbibigay rin ng pagkakataon sa mga
posisyon. kasapi sa pulong na maging handa.
● Pinag-uukulan – batas, organisasyon, samahan,
departamento, o anumang lunsaran na may
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIKS
5. Ito ay makatutulong nang malaki upang Mahahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong
manatiling nakapokus sa mga paksang
tatalakayin sa pulong. 1. Heading
2. Mga Kalahok o dumalo
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Adyenda 3. Pagbabasa at pagpapatibay
● Magpadala ng sipi ng adyenda 4. Action items o usaping napagkasunduan
● Ilahad sa sipi ng adyenda na kailangan nilang I. Call to order
lagdaan ito. II. Panalangin
● Gumawa ng balangkas ng mga paksang III. Pananalita ng pagtanggap
tatalakayin. IV. Pagbabasa at pagpapatibay ng
● Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong nagdaang katitikan ng pagpupulong
dadalo mga dalawa o isang araw bago ang V. Pagtalakay sa adyenda ng pulong
pulong. VI. Ulat ng ingat-yaman
● Sundin ang nasabing adyenda sa pagsasagawa
ng pulong. 5. Pabalita o patalastas
6. Pagtatapos
Mga Gabay na Tanong: 7. Iskedyul ng susunod na pagpupulong
8. Lagda
1. Ano ang Adyenda?
Talaan ng mga pag-uusap sa isang pormal na Ayon kay Barbo (2014), dapat tandaan ng sinumang
pulong. sumulat ng katitikan ng pulong na hindi niya trabahong
2. Ano-ano ang layunin nito? ipaliwanag o bigyang-interpretasyon ang mga napag-
Layunin nito makapagtala ng mga paksa na may usapan sa pulong. Sa halip, ang kanyang tanging gawain
wastong pagkakasunod-sunod sa isang pulong. ay itala o iulat lamang ito. Napakahalaga na siya ay
3. Bakit mahalaga ang paggamit ng adyenda sa isang maging obhetibo at organisado sa pagsasagawa nito.
pulong?
4. Ano-ano ang bunga/resulta sa isang pagpupulong Mga Dapat Gawin ng Taong Naatasang Kumuha ng
kung walang inihandang adyenda? Katitikan ng Pulong

KATITIKAN NG PULONG Ayon kay Sudaprasert sa kanyang aklat ng English for


● Opisyal na tala ng pagpupulong the Workplace 3 (2014), ang kumukuha ng katitikan ng
● Kalimitang isinasagawa nang pormal, obhetibo, pulong ay kinakailangang: (1) hangga't maaari ay hindi
organisado, sistematiko, at komprehensibo participant sa nasabing pulong, (2) umupo malapit sa
● Nagsisilbing prima facie evidence tagapanguna o president ng pulong, (3) may sipi ng mga
pangalan ng mga taong dumalo sa pulong, (4) handa sa
Tatlong Uri o Estilo ng Pagsulat ng Katitikan ng mga sipi ng adyenda at katitikan ng nakaraang pulong, (5)
Pulong nakapokus o nakatuon lamang sa nakatalang adyenda ng
1. Ulat ng Katitikan – lahat ng detalyeng napag- pangkat, (6) tiyaking ang katitikan ng pulong na ginagawa
usapan sa pulong ay nakatala ay nagtataglay ng tumpak at kompletong heading, (7)
2. Salaysay ng Katitikan – isinasalaysay lamang gumamit ng recorder (kahit ano) kung kinakailangan, (8)
ang mahahalagang detalye sa pulong itala ang mga mosyon o pormal na suhestisyon nang
3. Resolusyon ng Katitikan – nakasaad lamang sa maayos, (9) itala ang lahat ng paksa at isyung
katitikan na ito ang lahat ng isyung napagdesisyunan ng koponan, at (10) isulat o isaayos agad
napagkasunduan ang mga datos ng katitikan ng pulong pagkatapos ng
pulong.
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIKS
NAKALARAWANG SANAYSAY Mga Iba't-ibang Uri ng Anggulo sa Pagkuha ng mga
Larawan para sa Nakalarawang Sanaysay (7)
Ang nakalarawang sanaysay o tinatawag ding photo essay
ay isang koleksiyon ng mga larawang maingat na ❖ Bird's eye view
inaayos upang makapaglahad ng mga pangyayari ayon ❖ High angle shot
sa wastong pagkakasunod-sunod nito, ❖ Over head shot
makapagpaliwanag ng isang konsepto, at ❖ Eye level
makapagpahayag ng damdamin sa mga babasa nito. ❖ Point of view
Ang mensahe nito ay pangunahing makikita sa larawan. ❖ Low angle shot
❖ Worm's eye view
Halaga ng Pagkukwento sa Nakalarawang Sanaysay
Elemento ng Nakalarawang Sanaysay
● Pagkukwento sa isang bagay na napapanahon at
kontrobersyal sa lipunan ● Kwento
● Isaisip ang motibo at layunin ● Uri ng larawan
● Dapat may "drama" ● Pagkakaayos ng mga larawan
● May suliranin o tunggalian ● Impormasyon at emosyon
● Paglalarawan o caption
Mga Katangian ng isang Mahusay na Photo Essay (7)
Mga Uri ng Larawan
● Malinaw na Paksa 1. Pangunahing Larawan (Lead Photo)
● Pokus – tumatalakay sa mahahalagang impormasyon na
● Orihinalidad sino, saan, kailan, at bakit.
● Lohikal na Estruktura
● Kawilihan 2. Eksena (Scene)
● Komposisyon – pangalawang litrato na naglalarawan ng eksena
● Mahusay na Paggamit ng Wika sa isang nakalarawang sanaysay.

Proseso ng Paglikha ng isang Nakalarawang Sanaysay 3. Larawan ng Tao (Portrait)


– ipinapakita nito ang tauhan sa isang kwento.
1. Pagpili ng paksa na malapít sa iyong puso.
2. Pagsasaliksik/paghahalughog ng mga 4. Detalyadong Larawan (Detailed Photo)
impormasyon may kaugnayan sa napiling paksa. – nakatuon sa isang elemento gaya ng gusali,
3. Dapat ay sari-sari o may barayti ang mga larawan tahanan, mukha, o mahalagang bagay.
at nagsasaad ng kuwento o nakasaad sa naratibong
paraan. 5. Larawang Close-up
4. Dapat ay may sapat na ilaw o liwanag sa paligid at – nakatutok sa ilang bagay, naglalaan ng
maayos na komposisyon (rule of thirds) ang karagdagang impormasyon sa paglalarawan o
kukuhaning mga larawan para sa n.s. caption.
5. Piliin ang mga angkop na imahen.
6. Isaayos ang mga napiling larawan. Sikaping 6. Signature Photo
huwag gamitin muli ang mga larawang – larawang nagbubuod sa sitwasyong inilahad sa
magkakaparehas. nakalarawang sanaysay.
7. Isulat ang teksto.
8. Iwasan ang labis na pagsusulat. Hayaang 7. Panghuling Larawan (Clincher Photo)
mangusap ang mga litrato. – panapos na larawan na magbibigay emosyon o
impak sa mga mambabasa na nais ipabatid ng may
akda.
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIKS
Travel Essay o Travelogue Antonio Pigafetta
Isang anyo ng akademikong pagsulat na maaaring – isang Venetian scholar
gawing propesyon o hanapbuhay. Ito rin ay isang uri ng – tumungo sa Pilipinas kasama si Ferdinand Magellan
lathalain kung saan ang pangunahing layunin nito ay
maitala ang mga naging karanasan ng isang Marco Polo
manlalakbay sa kanyang paglalakbay. – mangangalakal na Venetian
– may akda ng libro na "The Travels of Marco"
Ayon kay Nonon Carandang, tinawag itong sanaylakbay
na binubuo ng tatlong konsepto: sanaysay, sanay, at Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Lakbay–Sanaysay
lakbay.
● Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na
Dalawang Uri ng Lakbay Sanaysay kaisipan lamang ng isang turista.
Pormal – nagtataglay ng masusi at masusuri na ● Tukuyin ang pokus ng bubuuing lakbay–sanaysay.
pananaliksik ng taong sumulat. Nagbibigay ng ● Ilahad ang mga realisasyon o mga natutunan sa
impormasyon ukol sa isang tao, hayop, bagay, lugar, o ginawang paglalakbay.
pangyayari. Halimbawa nito ay ang pahayagang editoryal. ● Sumulat sa unang panauhang punto de vista.
● Magtala ng mahahalagang detalye at kumuha ng
Di-pormal – tumatalakay sa mga paksang karaniwan, mga larawan para sa dokumentasyon habang
personal, at pang-araw-araw na kaaliwan para sa mga naglalakbay.
mambabasa. ● Gamitin ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay.

Mga Katangian ng Lakbay–Sanaysay REPLEKTIBONG SANAYSAY

● Personal at kalimitang nakakapang-akit ng Ayon kay Bernales et al. (2017), ito ay isang pagsulat na
mga mambabasa presentasyon ng kritikal na repleksyon o pagbabalik-tanaw
● Mas nakakalamang naman ang teksto kaysa sa tungkol sa isang tiyak na paksa.
mga larawan 'di tulad sa nakalarawang
sanaysay Mga Gabay sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay
● Naglalaman ng mga larawan at mga paksa nito Ayon kay Maggie Mertens

Dahilan ng Pagsulat ng Lakbay–Sanaysay 1. Kaisipan at Reaksyon – sa pagsulat ng


repleksyong papel tungkol sa panitikan o
Ayon kay Dr. Lilia Antonio, et al., sa kanilang aklat na karanasan, mahalagang isama ang iyong mga
"Malikhaing Sanaysay" (2013), may apat na saloobin at reaksyon sa binasa o karanasan.
pangunahing dahilan ng pagsulat ng lakbay–sanaysay. 2. Buod – paglalarawan sa iyong reaksyon at
pagsusuri sa iyong nabasa o naranasan.
1. Upang itaguyod ang isang lugar at kumita sa 3. Organisasyon – kailangang maayos ang
pagsulat –travel blog pagkakalatag ng mga ideya mula sa panimula
2. Makapagbigay ng patnubay sa iba pang mga hanggang sa konklusyon ng sanaysay upang
kapwa-manlalakbay –travelogue maiparating ng malinaw ang mensahe sa mga
3. Maitala ang pansariling kasaysayan sa mambabasa.
paglalakbay tulad ng espiritwalidad, pagtuklas sa
sarili, atbp. –daily journaling o diary Mga Bahagi ng Replektibong Sanaysay
4. Maidokumento ang kasaysayan, kultura, at
heograpiya ng lugar sa malikhaing paraan. ● Panimula – nakapaloob dito ang pagpapakilala sa
paksa at mahalagang mapukaw kaagad ang interes
ng mambabasa.
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIKS
● Katawan – naglalaman ng pagtalakay sa 8. Ang katawan ng replektibong sanaysay ay
obserbasyon, reyalisasyon, at pagkatuto mula sa naglalaman ng pagpapakilala ng paksa mula sa
dating karanasan o nabasang akda. binasang akda o dating karanasan. Mali,
● Konklusyon – nag-iiwan ng kakintalan o kaisipan sapagkat sa panimulang bahagi ito nagaganap
sa mga mambabasa. Tinatalakay rin dito ang mga o inilalahad.
magiging ambag ng sanaysay, pagpapabuti ng 9. Ang konklusyon na bahagi ng replektibong
katauhan, at kaalaman para sa lahat. sanaysay ay kinapapalooban ng kakintalan o
kaisipan sa mga mambabasa. Tama
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng 10. Ang konklusyon na bahagi ng replektibong
Replektibong Sanaysay (Julian at Lontoc, 2017) sanaysay ay kinapapalooban ng isang tiyak na
paksang iikutan ng sanaysay. Mali, muli sa
1. Magkaroon ng isang tiyak na paksa na iikutan ng panimulang bahagi lamang ito nagaganap o
nilalaman ng sanaysay. inilalahad.
2. Isulat ito sa unang panauhan. 11. Ang konklusyon na bahagi ng replektibong
3. Mahalagang magtaglay ng patunay batay sa iyong sanaysay ay tumatalakay sa magiging ambag ng
mga naobserbahan o katotohanang nabasa. sanaysay sa pagpapabuti ng katauhan ng
4. Gumamit ng pormal na pananalita. mambabasa. Tama
5. Gumamit ng tekstong naglalahad sa pagsulat. 12. Ang konklusyon na bahagi ng replektibong
6. Sundin ang tamang estruktura o mga bahagi sa sanaysay ay nagbibigay kaalaman para sa lahat
pagsulat ng sanaysay. ng mambabasa. Tama
7. Gawing lohikal at organisado ang pagkakasulat ng 13. Mahalagang maipakita ang iba't-ibang
replektibong sanaysay. persepsyon ng mga taong nakapaligid sa
manunulat. Mali
Pagtatasa 14. Mahalagang magkaroon ng isang tiyak na paksa
na iikutan ng nilalaman ng sanaysay. Tama
Panuto: Tama o Mali (Modified) 15. Mahalagang gamitin ang unang panauhan sa
replektibong sanaysay. Tama
1. Mahalaga sa pagsulat ng replektibong sanaysay 16. Mahalagang magtaglay ng patunay batay sa
ang kaisipan at reaksyon. Tama iyong mga naobserbahan at katotohanang
2. Mahalaga sa pagsulat ng replektibong sanaysay nabasa. Tama
ang simpleng pagbubuod. Tama 17. Mahalagang gumamit ng pormal na pananalita
3. Mahalaga sa pagsulat ng replektibong sanaysay sa paggawa ng replektibong sanaysay. Tama
ang opinyon ng ibang tao. Tama, subalit dapat 18. Mahalagang sundin ang estruktura sa pagbuo ng
ang opinyon mo o ng may akda ang mas tula upang maging matagumpay ang paglalahad.
nangingibabaw sa kaniyang replektibong Mali, sapagkat hindi iyon pagbuo ng tula kundi
sanaysay at hindi ang opinyon ng ibang tao. pagbuo ng replektibong sanaysay.
4. Mahalaga sa pagsulat ng replektibong sanaysay 19. Mahalagang gumamit ng tekstong naglalahad sa
ang pagiging organisado. Tama pagsulat ng replektibong sanaysay. Tama
5. Ang katawan ng replektibong sanaysay ay 20. Mahalagang gawing lohikal at organisado ang
naglalaman ng obserbasyon mula sa binasang pagkakasulat ng mga bahagi ng replektibong
akda o dating karanasan. Tama sanaysay. Tama
6. Ang katawan ng replektibong sanaysay ay
naglalaman ng reyalisasyon mula sa binasang
akda o dating karanasan. Tama
7. Ang katawan ng replektibong sanaysay ay
naglalaman ng pagkatuto mula sa binasang akda
o karanasan. Tama

You might also like