Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Magandang Umaga sainyong lahat, Ako po si Roland Andrew T.

Estabillo, ang mag


bibigay ng talumpati sainyo tungkol sa Konsepto ng Wika.

Wika, Ito ay instrumentong ginagamit ng mga tao upang makipagusap o pakikipag-


ugnayan sa kanilang kapwa. Hindi lang para makausap o para makaugnayan, ito rin ang
ginagamit upang mapahayag ang naiisip o nadarama ng isang tao.

At ang wika ay may dalawang antas, ito ang pormal at di-pormal. Ang pormal ay mga
salitang istandard dahil ito ay kinikilala, tinatanggap, at ginagamit ng mga
karaniwang nakapag-aral ng wika.
At ang di-pormal ay mga salitang karaniwan at palasak na ginagamit sa pang-araw-
araw na pakikipagusap natin.

Pampanitikan, ito naman ay isang uri ng wika na nakapaloob sa pormal. Ang


pampanitikan ay mga salitang malalalim, makukulay, at sadyang matataas ang uri. Ito
ang mga salitang ginagamit ng mga manunulat upang mapalawak nila ang kanilang
sulatin, at para mapahulaan nila sa kanilang mambabasa kung ano ang nilalaman ng
kanilang mga akda, kung ito ay tula, kwento, nobela at iba pa.

At dalubwika na mga dalubhasa na nag aral ng wika, alam nilang laruin ang mga
salita sa iba't ibang paraan. Ang pampanitikan ay ginagamitan ng mga idyoma at mga
tayutay sa pagpapahayag ng idea.

Ang halimbawa ay... Magbanat ng buto, ang kahulugan nito ay Magtrabaho. Bukas
palad, Handang tumulong. Balat sibuyas, Iyakin. Subalit ang mga salitang ito'y
minsan nalang nagagamit sa pakikipag komunikasyon, dahil habang lumilipas ang
panahon. Ang wika ay nag babago dahil sa pagiging malikhain ng mga tao. Maraming
salita ang nadaragdag, kaya naman marami salita rin ang nag babago.

Yun lamang po at salamat sa pakikinig

ma'am kahit po minsan lang ito nagagamit sa pakikipag komunikasyon, marami pa rin
namang manunulat ang gumagamit nito sa kanilang akda

isa pa rin itong antas ng wika na madalas ginagamit ng manunulat sa kanilang akda

You might also like