Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Department of Education

DIVISION OF AGUSAN DEL SUR

MAPAHUHUSAY ANG AKADEMIKONG PAGGANAP NG MGA

MAG-AARAL SA GRAMATIKA SA PAMAMAGITAN

NG PEER-EDITING SA PAGSUSULAT

An Action research Proposal

Presented to the Research Committee

of Sta. Josefa, District 1

MARICEL L. MAGDATO

March 2022
I. INTRODUKSYON

Ang wika ayon kay Gleason, sa pagbanggit nina Garcia et al. (2008), ay masistemang

balangkas ng mga sinasalitang tunog na inaayos at pinipili sa paraang arbitraryo upang

magamit sa komunikasyon ng mga taong kabilang sa isang kultura. Sa depinisyon, isang

katangian ng anumang wika ang pagkakaroon ng sistema: sistema ng mga tunog at mga

kahulugan. Kapag ang sistema ng wika ay malalabag, magreresulta ito sa mali o malabong

pahayag na labis na nakakaapekto sa daloy ng komunikasyon.

Ang bawat wika ay may mga tuntuning sinusunod na tinatawag na balarila o

gramatika. Ang isang mag-aaral kung gayon ay dapat na marunong sa mga tuntuning ito

upang magamit niya nang tama ang wika sa pagpapahayag, pasalita man o pasulat.

Samakatuwid, kailangan ang paglinang sa kakayahang panggramatika ng mag-aaral dahil

mahalaga ito sa pagkakaroon ng kakayahang komunikatibo ng mag-aaral.

Sinuportahan ito ni Lachica (1999) sa pagsasabing mahalaga ang ginagampanan ng

gramatika sa pagpapahayag. Hindi sapat ang tamang pagpili ng mga salita lamang sa

pagpapahayag bagkus kailangan ding nasusunod ang wastong kaayusan ng mga salita.

Kanyang binanggit na napakahalaga ng magsama ang tamang pagpili ng mga salita na siyang

sakop ng retorika at ang tamang kaayusan ng mga salita na siya namang sakop ng gramatika.

Samakatuwid, kailangang masanay ang mga mag-aaral sa tamang pagpili at tamang

pagsasaayos tungo sa masining nilang pagpapahayag.

Ang paglinang ng kakayahang panggramatika at kakayahang komunikatibong mga

mag-aaral ay nakasaad sa Binagong Kurikulum ng Pangkalahatang Edukasyon. Ang mga

asignaturang Filipino ay dapat lumilinang sa pagkakaroon ng mga mag-aaral ng mga

kasanayan sa wika. Ang Filipino1 (Komunikasyon sa Akademikong Filipino) ay nakatuon sa

paglinang sa kakayahan ng mga mag-aaral na gamitin ang wikang Filipino sa akademikong


diskurso; ang Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik) ay nakatuon pa rin sa

pagtatamo ng higit na mataas na antas ng kakayahang komunikatibo upang magamit sa lalong

masaklaw na aspekto ng pananaliksik; at ang Filipino 3 (Masining na Pagpapahayag) ay

nakatuon sa paggamit ng kakayahan sa wika sa masining na pagpapahayag.

Pinatunayan ito ni Lachica (1999) na isa ang kasanayang panggramatika sa mga

kailangan sa mabisang pagpapahayag, pasalita man o pasulat. Kasama nito ang kakayahang

estratehikal, kakayahang sosyolinggwistika, at kakayahang magpahayag.

Sa paglinang ng kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral, dapat na gumawa ang

guro ng pagtataya upang matiyak na nalilinang sa mga mag-aaral ang mga kasanayang dapat

malinang sa kanila. Sinabi ni Madsen (1983) na magkatuwang ang pagtuturo at pagtataya sa

proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Layunin ng pagtataya na tuklasin kung gaano ang

pagkatuto ng mga mag-aaral sa anumang kasanayan o aralin pagkatapos ng ginawang

pagtuturo. Magagamit naman ng guro ang mga resulta ng pagtataya bilang batayan sa

pagsasagawa ng mga pagbabago sa kanyang pagtuturo at sa sarili. Bukod dito, malalaman ng

guro ang mga kahinaang dapat lapatan ng lunas gayundin ang mga kalakasang dapat pang

paunlarin sa mga mag-aaral. Idinagdag pa na nakatutulong ang pagtataya sa pagkatuto at

pagiging bihasa ng mga mag-aaral sa pangalawang wika sa pamamagitan ng paglikhang

positibong pananaw sa kanila.

Ang mga nabanggit ang nag-udyok sa mananaliksik upang pag-aralan ang

kakayahang panggramatika sa Filipino ng mga mag-aaral sa Sta Josefa National High School-

Senior High School. Nilayon ng mananaliksik na tukuyin ang antas ng kakayahang

panggramatika sa Filipino ng mga mag-aaral; makilala ang pagkakaiba ng kakayahang

panggramatika sa mga bahagi ng panalita; at panghuli, maihambing ang kakayahang

panggramatika ng mga mag-aaral ayon sa kanilang unang wika at kolehiyong kinabibilangan.


Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, mabibigyan ang mga mananaliksik at mga guro

ng Filipino ng mga kaalaman tungkol sa kasanayang panggramatika ng mga mag-aaral lalo

na ang mga dapat bigyang-diin sa pagtuturo. Magagabayan ang mga guro sa kung ano-ano

ang mga magiging layunin sa pagtuturo ng wika, mga angkop na gawaing lalong lilinang sa

kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral pati na ang mga angkop na kagamitan sa

pagtuturo upang mapataas ang kasanayang pangwika ng mga mag-aaral.

Makatutulong din ang pag-aaral sa mga mag-aaral dahil mababatid nilaang mga

kahinaan na dapat pa nilang pagsikapang pag-aralan gayundin ang mga kalakasan na dapat

nilang pag-ibayuhin.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pangunahing layunin sa pananaliksik na ito ay upang mapapahusay ang

kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa gramatika gamit ang peer-editing na pamamaraan sa

pagsusulat. Malaki ang maiambag ng bawat guro sa Asignaturang Filipino sa katotohanang

ang guro ang nagsisilbing susi ng tagumpay na daluyan ng naimbak na kaalaman.

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Pangkalahatang Suliranin at Layunin

Paano matutugunan ang pangangailangan ng mg mag-aaral sa kakayahang

panggramatika gamit ang peer-editing?

Mga Tiyak na Suliranin

1. Ano ang antas na kakayahan ng mga mag-aaral sa Asignaturang Filpino batay sa

Morpolohiya at Sintaks?

2. Ano ang suliranin ng mga mag-aaral sa larangan ng gramatika sa Filipino batay sa

Morpolohiya at Sintaks?
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

1. Ang pag-aaral na ito ay maging kapaki-pakinabang at nagsisilbing gabay sa pag-

aaral ng mga mag-aaral ng Senior High School upang patuloy ang kasanayang

dapat malinang sa pagkatuto.

2. Makahihikayat ang pag-aaral na ito upang maging masigasig ang mga mag-aaral

sa pagtuklas ng mga kaalamang panggramatika na gamit ang peer-editing sa

pagsusulat.

3. Malaking tulong ang pag-aaral na ito sa mga resipyent ng mga kaalaman at ang

mga mag-aaral ay maging mulat at bihasa sa paggamit ng tamang salita at

paggawa ng istruktura ng pangungusap.

4. Magiging batayan sa pag-aaral na ito ang panibago pang pag-aaral hinggil sa

pagtuturo ng gramatika upang higit na mapagtibay ang kabihasaan nito.

5. Magiging salalayan ang pag-aaral na ito ay ang mga guro sa Filipino na kung

saan ay magpapakita nga kabisaan sa pagsulat at pasalita.

II. KAUGNAY NA LITERATURA

Ang pag-aaral na ito ay upang matulungan ang mga mag-aaral na

nagpapakadalubhasa sa Wikang Filipino maging ang mga mag-aaral na nais matuto ng Wika.

Ayon kay Jasareno (2012), ang asignaturang Filipino ay lumilinang sa mga kasanayan sa

pakikinig, pasasalita, pagbasa , pagsulat at pag-iisip sa Filipino. Ang nagsasalita ay hindi

sapat na magkaroon ng kakayahang linggwistika upang epektibong makipagtalastasan gamit

ang wika. Nararapat din na alam niya ang paraan ng paggamit nito. Kaugnay nito, tinatawag

din ito na estruktura ng mga salita at ng relasyon nito sa iba pang wika. (Paz, 2003)

Batay sa mga kahulugan ng morpolohiya, iisa lamang ang kinahantungan nito.

Ito ay ang pag-aaral o pagsisiyasat kung paano nabubuo ang mga salita mula sa iba’t ibang
morpema, gayundin ang estruktura’t ugnayan nito sa iba pang salita. Sa pamanahong papel

naman ni De Castro (2017), inalam niya angmga antas ng kaalaman sa gramatika ng mga

mag-aaral nanagpakakadalubhasa sa Filipino ng The National Teachers College.Gumamit

ang mananaliksik ng paraang deskribtib-analitik. Napatunayan niya na lubos na kasiya-siya

ang antas ng kaalaman ng mga respondente sa Pangngalan, Panghalip, Pandiwa, Pang-uri,

Pang-abay, Pangatnig,Pang-angkop, Pang-ukol, Pantukoy at Pangawing. Natuklasan din ng

mananaliksik ang mga pamamaraan upang maitaas ang kaalaman sa gramatika ng mga mag-

aaral sa Filipino ng The National Teachers College tulad ng pagdaragdag ng mga asignatura

sa gramatika, ikalawa pagsasaliksik kaugnay ng gramatika sa mga aklatan, at peer-teaching

tungkol sa gramatika.

Sa pananaliksik ni Cornejo (2001), inalam niya kung ano-ano ang mga

pamamaraan at estratehiya na ginagamit ng mga guro sa pagtuturong Filipino sa mataas na

paaralan. Minabuti ng mananaliksik na gumamit ng paraang normatib sarbey. Ayon kina

Bernales, et al. (2009), napakahalaga ng wika sasangkatauhan. Kung walang wika, maaaring

matagal nang pumanawang sangkatauhan at ang sibilisasyong ating tinatamasa sa

ngayon.Ayon namankay Tompkins (1990; sa Badayos, 2008), angpagsulong at pag-unlad sa

pagsulat ng mga bata ay maoobserbahanhabang unti-unti nilang naipapahayag ang kanilang

mga kompleks naideya o kaisipan sa kanilang sulatin.

Ika naman ni Badayos (2008), ang pagkatuto ng wika ay isang prosesong

dinamikong pag-aaral ng wika na palagingnangangailangang mag-isip at gawing may saysay

ang mga bagongtanggap na impormasyon, alamin ang pumapailalim na tuntunin atmailapat

ang mga ito upang makabuo ng orihinal na pangungusap.Habang isinasagawa ang prosesong

ito. Malimit na nagkakamali sapagpapakahulugan ng mga tuntunin ang mga mag-aaral ng

wika o di kaya nama’y nailalapat nang mali ang mga ito. Dagdag pa niya:Hindi

mapasusubalian ang naging papel ng pag-aaral sa sikolohiya hinggil sa proseso ng


pagkatuto.Malaki ang naging impluwensya ng mga teoryangbehaviorist, innative at kognitb

hinggil sa mga kinaga Binigyang-diin naman ni Skinner, isang pangunahing behaviorist,na

kailangang alagaan ang pag-unlad na intelektwal sa pamamagitan ng pagganyak at

pagbibigay-sigla at pagpapatibay sa anumang mabuting kilos o gawi. May paniniwala rin si

Skinner na maaaring isagawa ng mag-aaral ang anumang gawain kung tuturuan at bibigyan

siya ng tamang direksyon ang paraan sa pagtuturo ng wika tungo sa kahusayan sa gramtika.

III. METODOLOHIYA

DISENYO NG PAG-AARAL

Pagpapasagot sa Sarbey

Malawakang
Implementasyon Pagbibigay ng mga
(Pag-uupload ng sulating out pagsasanay/babasahin na
ng mga mag-aaral gamit ang uri ng teksto

Field Testing ng mga mag- Magsulat ng reaksyong papel


aaral sa pamamagitan ng
pasalita na paraan Ang mga mag-aaral

Pagrerebisa/Pag-eedit ng mga
sinulat na reaksyong papel

(Peer-Editing)

Inilalarawan ng bahaging ito ang pagpili ng mga kalahok, ang mga paraan pangangalap ng

mga datos, at ang plano para sa pagsusuri ng datos.

A. PAGPILI NG KALAHOK
Sa pag-aaral na ito, ang mga kalahok na pipiliin ay mga mag-aaral ng ikalabing

isang baitang at labing dalawang baiting. Sa ikalabing isang baitang sa strand na

Accountancy Business Management (ABM), General Academic Strand (GAS), Humanities

and Social Sciences (HUMSS), Science, Technology, Engineering and Mathematics

(STEM), Agriculture and Fishery Arts, Automotive Servicing, Home Economics (H.E. 1),

Home Economics (H. E.2), Information Computer Technology (ICT) at Shielded Metal Arc

Welding (SMAW). Sa ikalabing dalawang baitang lahat ng academic strand: Accountancy

Business Management (ABM), General Academic Strand (GAS), Humanities and Social

Sciences (HUMSS), Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM).

B. PROSESO NG PANGANGALAP NG DATOS

Ang mananaliksik ay gagamit ng internet kung saan makakuha ng mga mabisang

impormasyon sa kabuuang pag-aaral ng pananaliksik. Didiskubre ang mga mananaliksik ng

iba’t ibang mga datos ukol sa paksa na magagamit sap ag-aaral na ito. Dito rinnakapangalap

ng mga literature at iba’t ibang pananaliksik na may kaugnayan sap ag-aaral na gagawin.Sa

pamamagitan nito, malalaman ng mga mananaliksik ang mga salik at maaaring epekto nito.

Ang mananaliksik ay gagamit ng kwantitabong paraan sa pangangalap ng datos.

1. KWANTITATIBONG PARAAN SA PANGANGALAP NG DATOS

Ang mananaliksik ay gagamit ng talatanungan o Questionnaire. (See Appendix

A).Naniniwala ang mga mananaliksik na ang pinakamabisang kagamitan sa pagkalap ng

mga tiyan na impormasyon. Ayon kay McLeod (2014), ang questionnaire ay tinatawag ding

pasulat na panayam kung saan mas mabisa at mas madaling makapangalap ng datos sa

maramihang bilang ng mga tao. Ang talatanungan ay binubuo ng isang seksyon lamang.

Ang mga tanong ay tumatalakay ukol sa paksa ng pag-aaral.


C. PLANO SA PAGSUSURI NG DATOS

Upang mapadali ang pagsusuri ng datos, gagamitin ng mananaliksik ang

paglalarawan ng iskala sa pagmarka.

BAHAGDAN BERBAL NA PAGLALARAWAN

1 Matinding antas ng kahirapan

2 Mataas na antas ng kahirapan

3 Katamtamang antas ng kahirapan

4 Mababang antas ng kahirapan

5 Walang kahirapan

IV. PLANO SA GAWAIN

Takdang Panahon Gawain Taga Pokus

March - 4th Week Pag-aanalisa Mag-aaral

April-whole Month Pagsusulat Mag-aaral

May- Whole Month Peer- Editing Mag-aaral

June-Whole Month Final Output Mag-aaral

V. MGA PAGTATANTYA NG GASTOS

Materials Quantity Unit Price Amount


1. Bond paper (short) 30 reams 150.00 4 500.00
2. Epson L210 CISS ink ( Black) 8 bottles 290.00 2 320.00
3. Epson L210 CISS ink (Magenta) 3 bot. 290.00 870.00
4. Epson L210 CISS ink (Yellow) 3 bot. 290.00 870.00
5. Epson L210 CISS ink ( Cyan ) 3 bot. 290.00 870.00
8. Scissors & Glue and scotch Tape 100 pcs. 40.00 5,450.00
9. pen 2 boxes 60.00 120.00
10. Stapler wires 30 pcs. 10.00 300.00
TOTAL 15,000.00
VI. PLANO SA PAGPAPALAGANAP

Ang resulta ng pag-aaral na ito ay ipapasa sa school principals and district

supervisor para sa pagsusuri.

VII. SANGGUNIAN

 Jasareno, L.J.(20212,Penrero 5), Filipino bilang asignatura. Nakuha noong Marso 1,

2017 sa http://www.scrib.com/doc/80540825/Filipino-bilang asignatura

 Tipones, Flora (2013).Asignaturang Filipino(Filipino subject):Its implications,

Nakuha noong Pebrero 28,2017 sa http://www.bicolnail.com/2012/?p=9629

 https://filipino101-blog.tumblr.com/post/71638166527/ang-morpolohiya-at-ang-
morpema
 https://www.academia.edu/38842037/THESIS_SA_FILIPINO
 McLeod, P.(2014). Questionnaires. Nakuha noong Marso 8, 2017, mula sa
httttp://www.simplypsychology.org/questionnaires.html
 https://www.academia.edu/4125450/
ang_liggwistang_si_GLEASON_ay_nagbigay_ng_kahulugan_ng_wika_ayon_sa_kan
ya_ANG_WIKA_AY_BINUBUO_NG_MGA_TUNOG_NA_PINILI_AT_INIAYOS
_SA_PAMARAANG_ARBITRARYO_NG_MGA_TAONG_NABIBILANG_SA_IS
ANG_KULTURA
 https://www.academia.edu/34737551/
Kakayahang_Panggramatika_sa_Filipino_ng_mga_Mag_aaral_sa_University_of_the_
Cordilleras

You might also like