Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

IKATLONG YUGTO: TAGUMPAY LABAN SA MGA KOMUNISTA, TERORISTA SA

PALAWAN
From the Philippine Information Agency (Dec 17, 2019): Ikatlong yugto: Tagumpay
laban sa mga komunista, terorista sa Palawan (By Orlan C. Jabagat)

Ang dating miyembro ng NPA na nagbalik-loob na sa pamahalaan habang tinatanggap


ang tulong pinansiyal mula kay Palawan Gov. Jose Ch. Alvarez. Ang tulong pinansiyal
na ito ay sa pamamagitan ng Social Local Integration Program na ipinatutupad ng
Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan.

Noon pa man ay tinutulungan na ng gobyerno ang mga rebelde na kusang magbalik-


loob sa pamahalaan sa pamamagitan ng iba't-ibang programa ng mga ahensiya ng
pamahalaan.

Tutulungan ng Palawan Task Force-ELCAC na sumailalim sa repormasyon upang


makabalik sa kanilang mga komunidad at magkaroon ng payapa at tahimik na
pamumuhay kasama ng kanilang mga mahal sa buhay ang mga miyembro ng
Communist Party of the Philippines-New Peoples Army (CPP-NPA) na boluntaryong
nagbalik-loob sa pamahalaan.

Isinasailalim din ang mga ito sa mga pagsasanay sa pamamagitan ng Technical


Education and Skills Development Authority (TESDA) para mahasa ang kanilang
angking talento sa iba’t-ibang larangan.

Binibigyan din sila ng mga pagsasanay sa pangkabuhayan mula sa Department of


Agriculture (DA), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pang
ahensiya at tanggapan ng pamahalaan. Nariyan din ang Enhanced Comprehensive
Local Integration Program (E-CLIP) na ipinatutupad ng Department of Interior and Local
Government kung saan binibigyan ang bawat isa sa mga ito ng tig-P65,000 bilang
tulong pinansiyal ng pamahalaan para sa kanilang pagbabagong buhay.

Maliban sa E-CLIP mula sa DILG ay may karagdagang tulong din na ibinibigay ang
Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan. Ito ay sa pamamagitan ng Social Local
Integration Program (SLIP) sa ilalim ng pamamahala ng Provincial Social Welfare and
Development Office (PSWDO) kung saan ay nakakatanggap ang mga dating rebelde
ng P25,000 bawat isa bilang karagdagang tulong pinansyal ng pamahalaan.

Patuloy din na susubaybayan ng pamahalaan ang mga ito hanggang sa tuluyan na


silang makabalik sa kanilang mga komunidad. Nananawagan ang Palawan Task Force-
ELCAC sa iba pang mga nasa 'wanted list' na magbalik-loob na sa pamahalaan upang
magkaroon ng payapa at tahimik na buhay kasama ang kanilang mga mahal sa buhay
lalo na ngayong Pasko at Bagong Taon.

Isinapubliko na rin ng PTF-ELCAC ang Hotline Number nito na 0917-680-2278 upang


hikayatin ang lahat na iparating sa nasabing numero ang mga impormasyon sa
lokasyon at kahina-hinalang mga aktibidad ng mga ‘communist terrorist group’ sa
lalawigan. Sinisiguro naman ng PTF-ELCAC na mananatiling siktreto ang mga
impormasyong ipinararating sa kanila. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan).

You might also like