Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PANALANGING PAMBUNGAD

Ama naming makapangyarihan, ginawa mong kami'y mapalaya't masagip.

Dinggin mo ang aming nagmamakaawang tinig at gawin mong kaming iniligtas ng dugong dumanak sa
mahal mong Anak ay makapamuhay sa iyong pamamagitan at makasapit sa iyong maligaya at matiwasay
sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

Ama naming Lumikha,

tanggapin mo at kalugdan ang mga alay ng iyong angkan upang sa tulong ng iyong paglingap at
pagsubaybay ang bigay mo sa aming puhunan ay hindi masayang kundi tumubo pa ng mga kaloob mong
walang katapusan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

Ama naming mapagmahal,

ipagpatuloy mo ang iyong matapat na pagsubaybay sa iyong mga dinudulutan ng kaligtasan

upang ang mga ipinagpakasakit na sagipin ng iyong Anak ay makinabang sa pagkabuhay niyang
nagbibigay-galak sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

You might also like