Aralin 1. Komunikasyon Teknikal

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 23

FILIPINO SA PILING LARANG

(TEK-BOK)
Komunikasyon
Teknikal
Kahulugan
Elemento, Katangian at mga
Halimbawa

Inihanda ni G. Jhon Paul T. Pojas


Mga Layunin:
• Naipapaliwanag ang kahulugan, elemento at katangiang sulating
Teknikal na bokasyunal;
• Napag-iiba-iba ang mga elemento at katangiang sulating Teknikal
na bokasyunal;
• Nakakapagtukoy at nakakapagsuri ng iba’t ibang uri ng sulating
teknikal.

FPL TEK-BOK
3
Ano ang Kahalagahan ng
Mabisang Komunikasyon?

FPL TEK-BOK
Ayon sa pag-aaral ni Aristotle ng Retorika, ang panghihikayat
ay nakatuon sa kaparaanan kung paano maiaangat ang interes ng
mambabasa at tagapakinig, samantalang argumento naman ay
ang wastong pagsasalansan ng mga mapanghikayat na ideya.

FPL TEK-BOK
Ano ang kinaibahan ng Komunikasyong Teknikal
at Sulating Teknikal?

• Ayon kina Martinez et al. (2011), ang


komunikasyong teknikal ay nagtataglay ng tiyak na
anyo na nakapokus sa pagsulat at
pagsasalitang diskurso.

FPL TEK-BOK
Ano ang kinaibahan ng Komunikasyong Teknikal
at Sulating Teknikal?

• Ang sulating teknikal naman ay isa lamang


sa maraming anyo ng komunikasyong
teknikal na higit na nagtataglay ng mataas
na antas ng kasanayan mula sa isang
desiplina.

FPL TEK-BOK
Ano ang kinaibahan ng Komunikasyong Teknikal
at Sulating Teknikal?

• Ang isang mahusay na komunikasyong


teknikal ay nararapat na tiyak, malinaw,
at maikli.
• Mahalaga rin maisaalang-alang ang mga
elemento, kagaya ng awdiyens, layunin,
at konteksto tungo sa mabisang
komunikasyon.

FPL TEK-BOK
• Ang komunikasyong teknikal ay nakatuon din sa
pasulat na anyo ng komunikasyon gaya ng
mga sumusunod:

• Liham
• Memorandum
• Iba’t ibang uri ng ulat
• Mga presentasyon
• Publisidad
• Promosyon, at marami pang iba.

FPL TEK-BOK
• Ang Komunikasyong Teknikal ay isang
espesyalisadong anyo ng komunikasyon.
Karaniwan na itong naihahalintulad sa iba
pang uri ng mga sulatin bagaman ito ay may
tiyak na awdiyens, layunin, estilo,
pormat, sitwasyon, nilalaman, at gamit
na siyang pangunahing elemento ng
komunikasyon teknikal.

Kahulugan ng Komunikasyong Teknikal


FPL TEK-BOK
ANG KOMUNIKASYONG TEKNIKAL, AKADEMIKONG
PAGSULAT AT MALIKHAING PAGSULAT
• Laging isaisip na kaiba ito sa mga akademikong
sulatin na karaniwang isinasagawa sa klase gaya
ng sanaysay, pananaliksik, analitikong papel, at iba
pa.
• Iba rin ang komunikasyong teknikal sa malikhaing
pagsulat dahil ang nabanggit na sulatin ay may
dulog na personal at maaaaring hindi gaanong
nagtataglay ng katotohanan o facts.
FPL TEK-BOK
10
Teknikal na
Malikhaing Pagsulat/Sulatin Sulatin/Komunikasyong
• Tula Sulatin
• Pabula • Liham Pangnegosyo

• Parabula • Memorandum

• Sanaysay • Iba’t ibang uri ng Ulat

• Bugtong • Mga Presentasyon


• Publisidad
• Nobela
• Promosyon – Flyers, Leaflets,
• Maikling Kwento
Pamphlet, Brochure

FPL TEK-BOK
MGA ELEMENTO NG
KOMUNIKASYONG TEKNIKAL

Awdiyens - Nagsisilbing tagatanggap ng


mensahe at maaaring siya ay isang
tagapakinig, manonood, o mambabasa.

Layunin - Ito ang dahilan kung bakit


kinakailangang maganap ang pagpapadala
ng mensahe.

FPL TEK-BOK
MGA ELEMENTO NG
KOMUNIKASYONG TEKNIKAL

Estilo - Kinapalolooban ito ng tono, boses,


pananaw, at iba pang paraan kung
paaanong mahusay na maipadadala ang
mensahe.

Pormat - Tumutukoy ito sa ginabayang


estruktura ng mensaheng ipadadala.

FPL TEK-BOK
MGA ELEMENTO NG
KOMUNIKASYONG TEKNIKAL

Sitwasyon – Pagtukoy ito sa estado kaugnay


sa layuning nais iparating ng mensahe.

Nilalaman – Dito nakasaad ang daloy ng


ideya ng kabuuang mensahe ng komunikasyon.

Gamit – Ito ang pagpapakita ng halaga kung


bakit kinakailangan na maipadala ang
mensahe.

FPL TEK-BOK
Mga Katangian ng
Komunikasyong Teknikal
1. Oryentasyong nakabatay sa awdiyens
• Ang pangunahing prinsipyo sa pagbuo ng
komunikasyong teknikal ay ang pagsulat
para sa awdiyens. Sa katangiang ito, ang
mensahe ay kinabibilangang mula sa
pananaw ng awdiyens at hindi sa
manunulat. Ito ang malaking kaibahan nito
sa iba pang uri ng sulatin na nakasentro
ang himig at damdamin sa sumulat.

FPL TEK-BOK
2. Nakapokus sa subject
• sa pagsulat ng komunikasyong teknikal,
higit na binibigyang-pansin ang
pangunahing paksa ng usapan dahil dito
ibinabatay ang lahat ng impormasyong
sangkot sa pagtatalakay. Layunin nitong
puspusang matalakay at maisa-isa ang
inaasahang proseso na tutulong sa
awdiyens na maisagawa ang inaasahan sa
kaniya.

FPL TEK-BOK
3. Kumakatawan sa manunulat
• Ang katangiang ito ang nagpapakilala kung
ano at sino ang sumulat o ang kultura ng
organisasyong kaniyang kinabibilangan.
Tumutukoy rin ito sa kung anong imahe ang
nais ipakita ng manunulat na sumasalamin
sa samahang kabahagi siya. Tinatawag din
itong branding na nagsisilbing
pagkakakilanlan o identipikasyon.

FPL TEK-BOK
4. Kolaborasyon
• maituturing itong proseso tungo sa mahusay na pagbuo ng

anumang uri ng komunikasyon teknikal. Dito nagsasama-

sama ang iba’t ibang indibidwal na may magkakaibang

kasanayan sa pagbuo ng komunikasyon inaasahan.

Halimbawa na lamang, sa pagbuo ng mobile phone manual,

nangangailangan ng paglahok ng maraming eksperto tulad

ng system analyst, layout artist, graphics specialist,

technical communicator, at iba pa. Bawat isa sa kanila ay

nagtataglay ng kasanayang lubos na inaasahan upang

makabuo ng mabisang manwal.

FPL TEK-BOK
Mga Patnubay sa Interaktibo at Angkop
Komunikasyong Teknikal
Pokus sa Mambabasa

Nakabatay sa Kolektibong Gawain


Komunikasyong
Teknikal Biswal

Etikal, Legal, at Politikal na Katanggap-tanggap

Pandaigdigan at Tawid-Kultural

FPL TEK-BOK
20
PAGBATI!
Palaging isaisip na ang pagiging mabuti at mahusay na mag-aaral ay
hindi lamang para sa ngayon, kundi para sa mas magandang bukas.
Sanggunian:
Francisco, C., & Gonzales, H. (2017). FILIPINO SA PILING LARANGAN
(Tech-Voc) (Unang Edisyon). Rex Book Store, Inc. (RBSI).

You might also like