Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Petsa: Blg.

ng Banghay Aralin: 1
Filipino sa Piling Larangan (Akademik)

Petsa ng Epektibidad: Semestre: 1


Ang sulating Akademiko
TP2022-2023
(Kahulugan, Kalikasan at
Katangian) Blg. ng bersyon.: 1 Blg. ng Pahina.: 1

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO SA PILING LARANGAN (TEK-BOK)

I. MGA LAYUNIN SA PAGKATUTO:


Matapos ang aralin na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naipapaliwanag ang kahulugan, elemento at katangiang sulating Teknikal na
bokasyunal;
2. Napag-iiba-iba ang mga elemento at katangiang sulating Teknikal na bokasyunal;
3. Nakakapagtukoy at nakakapagsuri ng iba’t ibang uri ng sulating teknikal.

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa: Komunikasyon Teknikal
Sanggunian: Francisco, C., & Gonzales, H. (2017). FILIPINO SA PILING LARANGAN
(Tech-Voc) (Unang Edisyon). Rex Book Store, Inc. (RBSI).
Kagamitan: Presentasyon sa Powerpoint, Pag-access sa Internet

III. PAMAMARAAN:
A. Paghahanda:
Panimulang Panalangin
Pagbati
Pagtala ng liban
Pamamahala sa Silid-Aralan
Balik-aral

B. Pamukaw sigla:
Ano ang inyong paunang kaalaman tungkol sa Komunikasyon Teknikal?

C. Pagtatalakay:
Daloy ng talakayan:
1. Pagtatalakay sa Kasaysayan ng Komunikasyong Teknikal.
2. Ano ang kinaibahan ng Komunikasyong Teknikal at Sulating Teknikal?
3. Ano ang kahulugan ng Komunikasyong Teknikal?
4. Paano naging magkaiba ang Komunikasyong Teknikal, Akademikong Pagsulat At
Malikhaing Pagsulat?
Petsa: Blg. ng Banghay Aralin: 1
Filipino sa Piling Larangan (Tek-Bok)

Petsa ng Epektibidad: Semestre: 1


TP2022-2023
Komunikasyon Teknikal
Blg. ng bersyon.: 1 Blg. ng Pahina.: 2

5. Ano-ano ang mga element, katangian, patnubay at halimbawa ng Komunikasyong


Teknikal?

D. Gawaing Pagpapayaman:
Panuto: Maghanap ng mga dokumento gaya ng lihim, user manual ng cell phone o anumang
elektronic gadget, o maaari ding label ng mga produkto at dalhin ang mga ito sa susunod na
pagkikita. Gamitin ang mga halimbawa ng iba't ibang uri ng sulating teknikal upang higit na
mapatatag ang inyong kaalaman. Matapos nito, tukuyin ang sumusunod:
1. Para kanino?
2. Ano ang mga layunin kung bakit ito nalikha?
3. Ano-ano ang maitutulong nito para sa inaasahang mambabasa nito?

E. Pagsusuri:
Itatanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod:
1. Ano ang masasabi mo tungkol sa gawaing pagpapayaman na inyong ginawa? Mayroon ka
bang mga suliranin na naranasan habang ito ay isinasagawa mo?
2. Paano nakatulong sa iyo ang gawaing pagpapayaman na ito upang magkaroon ng batayang
kaalaman sa Komunikasyong Teknikal?

F. Paglalahat:
1. Ano ang kahalagahan ng Komunikasyong Teknikal para sa panlipunang katugunan?
2. Isa-isahin ang mga element, katangian at patnubay ng Komunikasyong Teknikal.
3. Magbigay ng halimbawa ng isang Komunikasyong Teknikal.

G. Aplikasyon:
Replekatibong Pagsulat:
1. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng mataas na kasanayan sa komunikasyong teknikal?
2. Isa-isahin ang kinaibahan ng komunikasyong teknikal sa akademiko at mga malikhaing
sulatin?
3. Ipaliwanag ang ibig-sabihin ng ideyang, “magsulat para sa awdiyens.”

IV. PAGTATAYA:
Pormatibong Pagtatasa: Pagsusulit (10 aytem/Identipikasyon)

V. TAKDANG ARALIN:
Paunang pagbasa patungkol sa Ang awdiyens bilang Mambabasa at ang Kahalagahan ng
Kolaboratibong Pagsulat.
VI. PAGTATAPOS:
Tanungin ang mga mag-aaral kung mayroon silang mga katanungan o alalahanin tungkol
sa paksang tinalakay.

Inihanda ni:
G. Jhon Paul T. Pojas

You might also like