Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Maunlad na Wika, Maunlad na Bansa

Paano nga ba tayo uunlad sa pamamagitan ng wikang Filipino? Maraming paaran


upang makatulong sa pag-unlad ng wika at ng bansa, maliit man o hindi. Bilang ang wika
ay isa sa mga dahilan kung bakit natin naipapahayag ng Malaya ang ating mga saloobin
patungkol sa isang kaganapan, maari atin itong magamit upang makatulong sa pag-unlad
at dahil malikhain tayong mga Pilipino hindi lang ito ang tanging paraan para umunlad
gamit ang ating wika, makakaisip at makakaisip tayo ng paraan para makamit ang
kaunlaran.
Ang pag-unlad ay hindi dapat minamadali. Lagi nating isipin na ang pag-unlad ay
nag-uumpisa sa loob ng isang bansa at lahat ng bagay ay nag-uupinsang maliit. Katulad
na lamang sa istorya ng tore sa Babel, ang lahat ng tao noon ay nagkakaintindihan. Sa
kadahilanang malaya silang nakikipagpalitan ng opiniyon at impormasyon, nagkasundo
sila sa isang layunin. Bilang Filipino,katulad ng mga tao sa istoryang Malaya sa
pakikipagpalitan ng impormasyon sa ibang tao kailangan lang nating magkaisa upang
makamit ang ating mithiing umunlad.
Wikang Filipino, wika ng bawat Pilipino, ikaw, ako,tayo iisa. Sa mundong pilit
kang binabago. Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Ito ang basehan
na ginagamit ng lahat ng antas sa lipunang ginagalawan. Nagkaisa ang mga Pilipino sa
mas ikakabuti ng ating bansa. Nagkaintindihan ang bawat pangka dahil sa pagkakaroon
ng isang wika na naiintindihan ng lahat. Pinagkaisa nila ang mga nakasanayang
tradisyon. Nagbigay daan ito sa mas positibong pagbabago. At higit sa lahat napanatili
nito ang pagkakaisa ng bawat Pilipino kahit na may ibat-ibang paniniwala.
Ating masasabi naangwika ayisang tanikala nasiyang nagsasama ng mga Pilipino
sa kabila ng pagkakaroom ng ibat ibang diyalekto.
Wala ng mas tatamis pa sa makitang ang lahat ng mga pilipinong bumubuo sa
ating bansa ay ginagamit ang lahat ng anumang meron tayo upang makamit ang kahit na
anong mithiin.
Mahalga ang papel nang wikang Pambansa sa ating pambansang kaunlaran lalo
na sa buhay nating lahat dahil wala naming sigurong Pilipino ang hindi pa nakakagamit
nang wika okahit anong uri pa ito nan wika. Lath rin siguro nang tao kahit anong antas pa
ito dahil ito ang ginagamit upang maipahayag ang saloobin, mga adhikain, at mithiin.
Dahil kahit tayoy magbalik sa nakaraan malaki talaga ang naitulong nang wika sa ating
pagkatuto at mas maunawaan din natin kung bakit natin ito dapat pahalagaan lalo na sa
mga pinagdadaanan nito bago makamit bilang pambansang wika.
Ngunit hindi natin maiwasan ang realidad na ang bawat tao ay may kanya
kanyang pananaw sa mga bagay-bagay, maaring tama sa iyo ngunit mali para sa kanila.
Lagi na lamang tandan na tayoy Pilipino, tayoy iisa saan mang sulok nang mundo.

You might also like