Kasanayan Sa Kontekstwalisadong Komunikasyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Kasanayan sa Kontekstwalisadong Komunikasyon

Ang Kontekstwalisadong komunikasyon sa Filipino ay isang

paraan na nagpapalawak at nagpapalalim sa paggamit ng wikang

Filipino ng mga mamamayang Pilipino sa kani-kanilang mga

particular na komunidad, at sa buong lipunang Pilipino sa

pangkalahatan. Nakatuon dito ang kasanayang pakikinig sa tao

gamit ang wika natin, pagsasalita at pagsusulat gamit ang wikang

Filipino.Gayundin ang paggamit ng iba’t ibang tradisyunal at

modernong midya na makabuluhan sa kontekstong Pilipino (Zapico,

2018).

Ang kontekstwalisasyon ay kasalukuyang isinusulong at

ipinapatupad ng Kagawaran ng Edukasyon. Hangarin nito na mas

mapadali ang pagtuturo ng mga abstraktong konsepto at proseso sa

pamamagitan ng pag-angkla sa mga araling magtatalakay nito sa mga

bagay na pamilyar at makabuluhan sa mag-aaral. Layunin din nito

na paigtingin pa ang pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa mga

sagisag-kultura ng kanilang komunidad. Bukod pa dito, maraming

pananaliksik ang nagpapakita na ang paggamit ng

kontekstwalisadong komunikasyon ay mabisang paraan upang padaliin

ang pag-aaral ng mga kaisipan (Gadong, 2017).

Sa pagtuturo ng wika nararapat lamang na ilantad sa mga mag-

aaral ang iba’t ibang makatotohanang gawain upang iparanas sa

kanila ang tunay na gamit ng wika. Maaaring bigyan sila ng


maraming babasahing aklat, palikhain ng tula at pasulatin ng

maikling dula, paguhitin ng magagandang tanawin na maaaring

ilalarawan nila gamit ang wikang pinag-aaralan. Lahat ng mga

kasanayanng ito ay magsisilbing matibay na pundasyon sa

pagkakaroon ng mga mag-aaral ng isang maunlad na wika (Bautista,

2018).

Ayon kay Halliday na binanggit sa pag-aaral ni Agilathala

(2016), ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na

ginagamit araw araw. Sa pamamagitan ng tunog at simbolo ay

ating naipapahayag ang nais sabihin ng ating isipan. May gamit na

instrumental ang wika. Tumutulong ito sa mga tao upang maisagawa

ang mga bagay na gusto niyang gawin. Nagagamit ang wika sa

pagpapangalan, berbal na pagpapahayag, pagmumungkahi, paghingi,

pag-uutos at pakikipag-usap.

Ang wika ayon kay Henry Gleason ay masistemang balangkas ng

sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo

upang magamit ng mga taong kabilang sa iisang kultura”.

Sinasabing ang wika ang pangunahing behikulo ng diwa ng bawat

tao, marami sa ating mga pangunahing pangangailangan ay ating

nakukuha sa pamamagitan ng wika, at gayundin sa pamamagitan ng

wika ay naisasakatuparan natin ang ating mga tungkulin o

gampanin. Ang wika ang unang instrumento ng ating isipan at

damdamin, dahil sa pamamagitan ng wika ay naisisiwalat natin ang

mga ideya, talino o kaisipan natin. At sa pamamagitan rin ng wika


ating naipararating ang ating nadarama, emosyon o saloobin

(Bernales, 2012).

Sa pakikipagkomunikasyon ng tao, sa anyong berbal man o sa

anyong di-berbal, ang kaniyang kakayahan sa larangan ng

pagpapahayag ay lagi ng nasasangkot. Sa kahusayan niya sa

pagpapahayag nakasalalay ang linaw ng mensaheng nais niyang

iparating sa kaniyang kapwa. Upang ang tao ay mag-angkin ng isang

mabisa at maayos na paraan ng pagpapahayag tungo sa isang

matagumpay na pakikipagkomunikasyon, nararapat na paunlarin niya

ang kasanayang pangwika. Ang kasanayang pangwikang ito ang

magiging tuntungang kaalaman ng isang tao upang mabisa niyang

maipahayag ang mensaheng nais niyang ipaabot (Bautista, 2018).

You might also like