Fil Essay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

“Filipino at Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha”

Ang bawat tao ay iba’t-iba ang pinanggalingan lugar, kinalakihan kultura, tradisyon,
rehiliyon o maging paniniwala. Sa kabila nito ay may isang natatanging bagay pa rin ang
nakapagbubuklod sa atin… ito ang wika. Ang wika ay siyang nagsisilbing instrumento sa
pakikipagkomunikasyon at pakikipag-ugnayan sa ibang kapwa. Ito ang ginagamit natin sa pang
araw-araw na pakikipagkomunikasyon, sa pagbabahagi ng ating mga kaisipan o emosyon sa
bawat isa. Nang dahil sa wika, ang bawat mamamayan sa isang lipunan ay nakilala at nagkaroon
ng pagkakaisa.
Sa isang daan at siyam na pu’t limang bansa sa buong mundo, lahat ay may kanya-
kanyang wikang ginagamit, minamahal, at ipinagmamalaki. Sa isang daan at limampu na wika sa
bansang Pilipinas, isa lamang ang naging opisyal, ang wikang Filipino. Napakaraming dinaraan
na proseso, binuhos na oras, maging buhay na isinakripisyo bago naging opisyal na pambansang
wika ang wikang Filipino. Sa kabila ng pag-iingat ng wikang Filipino, unti-unti naman naglalaho
ang mga katutubong wika. Kung kaya’t dapat natin mas ingatan, panatiliin, at paunlarin, hindi
lamang ang wikang Filipino maging ang mga katutubong wika.
Sa modernong panahon, kakaunti na lamang ang nakikita natin mga tao na gumagamit at
pinapahalagahan ang katutubong wika. Sa mga isipan nila, hindi naman mahalaga ang
katutubong wika dahil mas mahalaga sa kanila ay ang pagsanay ng wikang Filipino at Ingles.
Ngunit ang katutubong wika ay may malaking ambag sa pagdiskubre ng mga bagong bagay. Sa
pamamagitan ng katutubong wika, nalalaman natin kung anong grupo ng mamamayan ang
gumagamit nito maging ang kanilang mga kultura, tradisyon, at paniniwala. Nakabubuo rin tayo
ng bagong relasyon, nakakapag-ugnayan at nakikiisa rin tayo sa kanila. Hindi lamang ang
wikang Filipino ang dapat natin ingatan at paunlarin, maging ang katutubong wika rin.
Ang wikang Filipino at katutubong wika ay isang kasangkapan sa pagtuklas ng iba’t-
ibang kultura at tradisyon maging grupo ng mga mamamayan. Ito ay isa rin kasangkapan sa
paglikha ng bagong relasyon at mga sining. Ang wikang Filipino at katutubong wika ay dapat
pang mas ingatan, panatiliin ang kanilang kahalagan, at paunlarin pa sa iba’t-ibang aspeto.

You might also like