Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Angel Organic Fruit's Farm

I.Ehekutibong buod

Ang Angel Organic Fruit's Farm ay isang malawak na lugar kung saan nagtatanim at nagbebenta ng iba't
ibang uri ng prutas gaya ng mangga, rambutan, pinya at iba pa na mayayaman sa iba't ibang uri ng
bitamina. Dahil ito ay ginamitan lamang ng mga organikong pataba tulad ng manure, coco coir, at
carbonize rice hull kaya dito sa aming produkto ay makakasiguradong ligtas ka at dito rin kayo makakabili
ng prutas na fresh nanga mura pa kaya san kapa diba? dito kana sa Angel Organic Fruit's Farm bukod sa
ginamitan lang ng orkanikong mga pataba dito mo rin naman malalasap ang tunay na sarap na sa bawat
pagkagat ay talaga namang makatas.

Ang aming mga magiging kostumer ay ang mga taong mahilig bumili/kumain ng sariwang prutas at ang
mga taong gusto rin namang mag angkat ng aming mga produkto.

II.Produkto/Serbisyo/Deskripsyon

Ang produkto ng Angel Organic Fruit's Farm ay nag aalok ng iba't ibang uri ng prutas na sariwang sariwa at
ang pagtatanim dito ay sinamahan ng pagmamahal kaya talaga namang masarap at ikaw ay siguradong
ligtas.

III.Presyo/Posibleng Kita

Mga produktong prutas na inihahandog ng Angel Organic Fruit's Farm.

Presyo perbox:

Mangga -550
Rambutan -700
Suha -300
Citrus -600
Guyabano -400
Dragon fruit's -800
Pinya -350
Avocado -400

Saging iba't ibang uri:


*Lakatan -400
*Tordan -350
*Saba -250

Posibleng Kita

Ang posibleng kita sa loob ng isang buwan ay 210,000 - 220,000pesos dahil nagbabago naman ang presyo
ng mga prutas.

IV.Plano

A.Ideya

Ang Angel Organic Fruit's Farm ay nagkaroon ng ideya kung paano mas makilala at mapalawak ang aming
negosyo nang sa gayon ay makapagsuplay ng sariwang mga prutas sa iba't ibang dako ng Aurora.
B.Mahahalagang Tao

Ang magiging mahahalagang tao dito ay walang iba kundi ako at ang aking magiging partner kaming
dalawa ang magiging tagapamahala ng negosyong Angel Organic Fruit's Farm at kami rin ay mangunguha
ng trabahador na lima upang sila ang maging tagapangala sa aming mga pananim.

C.Layunin

Ang layunin ng Angel Organic Fruit's Farm ay upang makapagsuplay sa mga tindahan na nagbebenta rin ng
prutas na gusto nilang makamura at sa mga taong gustong mag angkat ng aming produkto. At makatulong
rin naman sa mga taong mahihina ang resistensya lalong lalo na sa mga taong maysakit dahil ang prutas ay
ang pangunahin ding kelangan ng ating katawan upang masigurado natin ang ating mga kalusugan.

Kalamangan sa Kakompitensya

*Unang una organic fruit's


*Fresh
*Kayang kaya sa bulsa
*May pa free fruit's sa unang pagbili at may discount pa kapag marami ang iyong binili.
*May free delivery din sa opening ng aming negosyo.
*At higit sa lahat mapagkakatiwalaan ang aming produkto.

V.Pangkalahatang Pagtingin sa Negosyo

A.Lokasyon
Ang Angel Organic Fruit's Farm ay matatagpuan sa Sitio, Agues, Barangay, Cozo, Casiguran, Aurora dahil
dito ay malawak na lupain na mapagtataniman ng iba't ibang uri ng prutas at mapagtatayuan ng malaking
negosyo.

VI.Puhunan/Kapital
Sapat na sa Angel Organic Fruit's Farm ang 100,000 upang makapagsimula sa aming negosyo. Shempre
bago magsimula ay kinakaylangan munang bumili ng mga kagamitan sa pagtatanim at unang una ay ang
mga seedlings ng bawat prutas.

A.Perspektibo ng Kita

Mangga -550x10 =5,500


Rambutan -700x10 =7,000
Suha -300x10 =3,000
Citrus - 600x10 =6,000
Guyabano -400x10 =4,000
Dragon fruit's -800x10 =8,000
Pinya -350x10 =3,500
Avocado -450x10 =4,500

Iba't ibang uri ng saging:


Lakatan -500x10 =5,000
Tordan -350x10 =3,500
Saba -250x20 =2,500

Total: 52,500
52,500x 4 =210,000 posibleng kita sa isang buwan.
B.Mga gastusin sa Negosyo

Seedlings -20pcs sa bawat prutas.


7 uri ng prutas
20x7x100 = 14,000

Mga kagamitan:
Pala, Gabyon, Bolo, Asarol, Rake at iba pa. Mga 10pcs na materials tapos 2pcs bawat isa.
20x 200 =4,000
Regadera, Timba, Sprinklers, at iba pa. Mga 10pcs na implements tapos 2pcs bawat isa.
20 x 150 =3,000
Handtractor, Waterpump, at iba pa. Mga 3pcs na equipment tapos 2pcs bawat isa.
6 x 1,500 =9,000

Total: 30,000.

Iba pang gastos


Sweldo:
400x 5 x 26 =52,000 sweldo ng limang tao sa isang buwan.
30,000 + 52,000 = 82,000 kabuuang gastos sa pagsisimula ng aming negosyo.

210,000 - 82,000 - 100,000 =28,000 pesos.


Kaya ang kabuuang kita ng aming negosyo sa unang harvest ay 28,000 pesos sa loob ng isang buwan.

VII.Rekomendasyon

Mas magsikap pa sa pagtatanim ng iba't ibang uri ng prutas at pagbebenta para mas lumaki ang kita sa
susunod na pag haharvest. At upang makatulong sa pamilya, at sa ibang mamamayan na nangangailangan
ng prutas lalo na sa mga malnourished.

You might also like