Department of Education: Matapos Ang Aralin, Ang Mga Mag-Aaral Ay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OFFICE-MALABON CITY
POTRERO ELEMENTARY SCHOOL 1
DUNWOODY ST., UNIVERSITY HILLS, POTRERO, MALABON CITY

Pangalan ng Guro Niño Raphael Pablo Cruz, LPT


Asignatura Araling Panlipunan 4 Petsa Agosto 31, 2023

I. MGA LAYUNIN SA PAGKATUTO


Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay:
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pang-unawa sa pagkakakilanlan ng bansa ayon sa mga
katangiang heograpikal gamit ang mapa.
B. Pamantayan sa Pagganap
Naipamamalas ang kasanayan sa paggamit ng mapa sa pagtukoy ng iba’t ibang
lalawigan at rehiyon ng bansa.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
Natatalakay ang konsepto ng bansa. AP4AAB-Ia-1 (Nakapagbubuo ng kahulugan ng
bansa.)
II. NILALAMAN
Natatalakay ang Konsepto ng Bansa
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
a. Mga pahina sa gabay sa pagtuturo:
b. Mga pahina sa kagamitang pang mag-aaral:
c. Mga pahina sa teksbuk:
d. Karagdagang kagamitan sa LRMDS:
 modyul
B. Iba pang Kagamitang Panturo:
Audio Visual Presentation, Powerpoint, Laptop, Projector/LCD Monitor, Mapa
IV. PAMAMARAAN
Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng mga Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
Balik-Aral sa Nakaraang Aralin o
Pasimula sa Bagong Aralin
(Drill/Review/Unlocking of Difficulties)

Magandang araw sa inyo!

Bago tayo magsimula, magkakaroon


muna tayo ng pagsasanay upang
maihanda ang ating isip.

Itanong:
1. Ano ang ngalan ng ating bansa? 1. Pilipinas
2. Ano ang mga katangiang mayroon 2. Ito ay mayroong tao, teritoryo,
ang Pilipinas upang masabi itong pamahalaan at soberanya.
bansa?
B. Panlinang na Gawain
1. Paghahabi sa layunin ng aralin
(Pagganyak)

Suriin ang lupon ng mga salita. Mga sagot:


Bilugan ang mga salitang sa
palagay mo ay may kaugnayan sa 1. Watawat
Pilipinas. 2. Agila
3. Mayon
4. Kalabaw
5. Bulkan

POTRERO ELEMENTARY SCHOOL-1


Dunwoody St., University Hills, Potrero, Malabon City
(02) 89906368
potreroes1.malaboncity@deped.gov.ph http:// potreroes1.depedmalaboncity.ph
2. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa
bagong aralin

Ang isang lugar ay matatawag na


bansa kung ito ay nagtataglay ng
apat na elemento ng pagkabansa,
ang tao, teritoryo, pamahalaan, at
ganap na kalayaan o soberanya.
3. Pagtalakay ng bagong konsepto at
paglalahad ng bagong kasanayan

May apat na elemento ang bansa.


Ito ang tao, teritoryo, pamahalaan,
at soberanya o ganap na kalayaan.

1. Tao – Ang tao ay tumutukoy sa


grupong naninirahan sa loob ng
teritoryo na bumubuo ng
populasyon ng bansa.

2. Teritoryo – Ang teritoryo ay


tumutukoy sa lawak ng lupain at
katubigan kasama na ang
himpapawid at kalawakan sa
itaas nito. Ito rin ang tinitirhan
ng mga tao at pinamumunuan
ng pamahalaan.

3. Pamahalaan – Ang pamahalaan


ay isang samahan o
organisasyong politikal na
itinataguyod ng mga grupo ng
taong naglalayong magtatag ng
kaayusan at magpanatili ng
isang sibilisadong lipunan.

4. Soberanya – Ang soberanya o


ganap na kalayaan ay
tumutukoy sa kapangyarihan ng
pamahalaang mamahala sa
kanyang nasasakupan.
Tumutukoy rin ito sa
kakayahang magpatupad ng
mga programa nang hindi
pinakikialaman ng ibang bansa.

May dalawang anyo ng soberanya


ang bawat bansa:

 Soberanyang Panloob – Ito ay


ang kapangyarihang
pangalagaan ang sariling
kalayaan na maipatupad ang
mga batas sa loob ng sariling
teritoryo.
 Soberanyang Panlabas – Ito ay
ang kapangyarihan ng bansa na
maging malaya sa pakikialam o
panghihimasok ng ibang bansa
sa kanyang nasasakupan.

Humanap ng kapareha. Gawin ang


sumusunod na gawain.

Panuto: Punan ang crossword


puzzle.

POTRERO ELEMENTARY SCHOOL-1


Dunwoody St., University Hills, Potrero, Malabon City
(02) 89906368
potreroes1.malaboncity@deped.gov.ph http:// potreroes1.depedmalaboncity.ph
Pababa

1. Ito ay ang mga naninirahan sa 1. tao


loob ng isang teritoryo.

2. Tumutukoy ito sa isang samahan 2. pamahalaan


o organisasyong politikal na
itinataguyod ng mga grupo ng tao.

4. Tumutukoy sa lawak ng lupain at 4. teritoryo


katubigan kasama ng himpapawid
at kalawakang nasa itaas nito.

Pahalang

3. Ito ay lugar o teritoryo na may 3. bansa


naninirahang mga grupong tao na
may iisa o pare-parehong wika,
pamana, relihiyon at lahi.

5. Ito ay ganap na kalayaan na 5. soberanya


tunutukoy sa kapangyarihan ng
pamahalaang mamahala sa
kanyang nasasakupan

5. Paglilinang sa Kabihasan
6. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-
araw na buhay

Bilang mag-aaral, bakit kailangang Ang ganap na kalayaan ay mahalaga sa


magkaroon ng ganap na kalayaan pagpapalakas ng soberanya, pagsusulong
ang isang bansa? ng makatarungan, at pag-usbong ng isang
bansa. Ito ay hindi lamang isang kaisipan,
kundi isang pangunahing haligi ng pag-
unlad at tagumpay ng isang bansa.
7. Paglalahat ng aralin

Itanong ang mga sagot: Tamang sagot:


Anu-ano ang mga katangian/ Matatawag na isang bansa ang isang lugar
elemento ng isang bansa? kung ito ay nagtataglay ng mga katangian
o element tulad ng tao, teritoryo,
pamahalaan, at soberanya.
8. Pagtataya ng aralin

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang Tamang sagot:


bilang ng pangungusap na
nagsasaad ng katangian ng isang 1. X
bansa at ekis (x) ang hindi. 2. /
3. /
1. Ang isang bansa ay 4. X
pinapakialaman ng ibang bansa. 5. /

2. Katangian ng isang bansa ang

POTRERO ELEMENTARY SCHOOL-1


Dunwoody St., University Hills, Potrero, Malabon City
(02) 89906368
potreroes1.malaboncity@deped.gov.ph http:// potreroes1.depedmalaboncity.ph
magkaroon ng pamahalaan.

3. Ito ay isang lugar na may


naninirahang mga tao na may
magkakatulad na kulturang
pinanggalingan.

4. Taglay ng bansa ang lupain na


sakop ng iba pang bansa.

5. May samahan o organisasyong


politikal na itinataguyod ng mga
grupo ng tao na naglalayong
magtatag ng kaayusan at
magpapanatili ng sibilisadong
lipunan.

9. Takdang aralin

V. MGA TALA
J. Rizal
A. Mabini
A. Bonifacio
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan
ng iba pang gawaing remediation
C. Nakakatulong ba ang remediaL? Bilang
ng mag aaral na nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mag aaral na magpapatuloy sa
remediation.
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturoang
nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking nararanasan
sulusyunan sa tulong ang aking
punongguro at supervisor?
G. Anong gagamitang panturo ang aking
nadibuho nan ais kung ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

Inihanda ni: Iniwasto ni:

NIÑO RAPHAEL PABLO CRUZ, L.P.T. MARIA CRISTINA A. FRONDOZO, L.P.T., Ed. D.
Guro 1 Dalub-Guro 1

Binigyang-pansin ni:

ANNA GRACE V. VERGARA, L.P.T., Ed. D.


Punongguro

POTRERO ELEMENTARY SCHOOL-1


Dunwoody St., University Hills, Potrero, Malabon City
(02) 89906368
potreroes1.malaboncity@deped.gov.ph http:// potreroes1.depedmalaboncity.ph

You might also like