Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 28

10

Filipino
Unang Markahan – Modyul 1
Mga Akdang
Pampanitikan sa
Mediterranean
( Mitolohiya)

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan–Modyul 1: Mga Akdang Pampanitikan ng Mediterranean
( Mitolohiya)
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones,PhD
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio,PhD
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul
Manunulat: Karen. G. Dargantes, Rhoda C. Autentico
Editor: Rhea S. Taboada, Nenita M. Aboniawan, Elena G. Madria, Delaila G. Cabahug
Tagasuri: Amelia L. Tortola, EdD, EPS-Filipino
Tagaguhit: Artemio A. Algabre Jr.
Punong Tagapamahala: Arturo B. Bayocot, Ph.D,CESO III
Rehiyunal na Direktor
Ikalawang Tagapamahala: Victor G. De Gracia Jr. PhD, CESO V
Pangalawang Rehiyunal na Direrktor
Randolph B. Tortola, PhD, CESO IV
Tagapamanihalang Pansangay
Shambaeh A. Usman, PhD
Pangalawang Tagapamanihalang Pansangay
Mga Kasapi: Mala Epra B. Magnaong, Chief ,CLMD
Neil A. Improgo, PhD, EPS-LRMS
Bienvinido U. Tagolimot, Jr. PhD, EPS-ADM
Elbert R. Francisco, PhD, Chief CID
Amelia L. Tortola, EdD, EPS-Filipino
Rejynne Mary L. Ruiz, PhD, LRMDS
Jeny B. Timbal, PDO II
Shella O. Bolasco, Division Librarian II
Inilimbag sa Pilipinas ng : Department of Education- Region X
Office Address: Fortich Street, Sumpong, Malaybalay City
Telefax: : Victor G. De(088)
Gracia813-3634
Jr.Ph.D CESO V
E-mail Address: Mala Epra B.Bukidnon@deped.gov.ph
Magnaog,Ph.D, Chief-CLMD
Neil A. Improgo,Ph.D EPS-LRMS
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Website: www.Depedbukidnon.net.ph
Randolph B. Tortola, Ph.D. CESO IV ii
Shambaeh A. Usman, Ph.D
Elbert R. Francisco, Ph.D, Chief CID
Amelia L. Tortola, EdD, EPS-Filipino
10

Filipino
Unang Markahan
Modyul 1
Mitolohiya

KAHON NG KATUGUNAN
Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng
mga edukador mula sa mga pampublikong paaralan ng Sangay ng
Bukidnon, Rehiyon x.
Hinihikayat namin ang mga guro at ibang larangan ng
edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa
Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph.
Pinapahalagahan namin ang inyong mga tugon at mga
rekomendasyon

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

iii
Talaan ng Nilalaman
Pahina

Takip ng Pahina
Pahina ng Karapatang-Ari
Pahina ng Pamagat
Talaan ng Nilalaman

Aralin 1. Mitolohiya ng Rome: Katangian at Kahalagahan

a.Pangkalahatang Ideya 1
 Layunin 1
 Panimulang Pagtatasa 1
 Dating Kaalaman 2
b. Paglalahad 2
 Pagbuo ng Konsepto 2
 Mga Gawain 3
c. Paglalapat 4
d. Paglalahat/Pagbubuo 4
e. Panapos na Pagtatasa 5

Aralin 2. Cupid at Psyche: Mitolohiya ng Rome

a.Pangkalahatang Ideya 5
 Layunin 5
 Panimulang Pagtatasa 5
 Dating Kaalaman 6
b. Paglalahad 7
 Pagbuo ng Konsepto 7
 Mga Gawain 7
c. Paglalapat 8
d. Paglalahat/Pagbubuo 8
e. Panapos na Pagtatasa 8

Aralin 3. Nagkaroon ng Anak sina Bugan at Wigan: Mito ng Ifugao


a.Pangkalahatang Ideya 9
 Layunin 10
 Panimulang Pagtatasa 10
 Dating Kaalaman 11
b. Paglalahad 11
 Pagbuo ng Konsepto 12
 Mga Gawain 13
c. Paglalapat 13
d. Paglalahat/Pagbubuo 14
e. Panapos na Pagtatasa 14

iv
Aralin 4 : Mga Pandiwang Ginagamit sa Pagpapahayag ng Aksiyon,
Karanasan at Pangyayari
a.Pangkalahatang Ideya 15

 Layunin 15
 Panimulang Pagtatasa 15

 Dating Kaalaman 15
b. Paglalahad 17
 Pagbuo ng Konsepto 18
 Mga Gawain 18
 Pagtatasa 19
c. Paglalapat 20
d. Paglalahat/Pagbuo 20
e. Panapos na Pagtataya

Susi sa Pagwawasto 21
Sanggunian 22

v
Aralin Mitolohiya ng Rome: Katangian at
1 Kahalagahan
a. Pangkalahatang Ideya
Saklaw ng araling ito ang makilala ang mga diyos at diyosa sa mitolohiya ng
Rome na pinaghuhugutan ng inspirasyon ng iba’t ibang manunulat ng panitikan sa
buong daigdig. Sinasaklaw rin dito ang pagpapahayag ng mahahalagang kaisipan sa
akdang binasa, pagbibigay kahulugan at kahalagahan ng mitolohiya.

• Layunin
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
1. naipahahayag ang mahalagang kaisipan sa napakinggan.(F10PN-Ia-b-62);
2. natutukoy ang kahulugan, katangian at kahalagahan ng mitolohiya; at.
3. nakikilala at nailalarawan ang mga diyos at diyosa.

 Panimulang Pagtatasa
Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
1. Ito ay kuwento tungkol sa diyos at diyosa.
A. alamat B. epiko
C. mitolohiya D. parabula
2. Mabuti bang taglayin ng Diyos ang katangian ng tao?
A. Hindi, dahil ang Diyos ay nasa langit samantalang ang tao ay nasa lupa.
B. Hindi, sapagkat banal ang Diyos at nakasalanan ang tao.
C. Oo, upang madaling magkaunawaan ang tao at Diyos.
D. Oo, upang maunawaan ng Diyos ang kahinaan ng tao.
3. Hari ng mga diyos, diyos ng kalawakan at ng panahon.
A. Diana B. Juno C. Jupiter D. mitolohiya
4. Ang itinuturing na diyosa ng kagandahan.
A. Athena B. Hera C. Hestia D. Venus
5. Ang mga sumusunod ay kinabibilangan ng mga mito ng Pilipinas MALIBAN sa
_____
A. anito B. diyos at diyosa
C. drakula D.kakaibang nilalang
6. Ang mga sumusunod ay gamit ng mitolohiya MALIBAN sa _____
A. ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig
B. maipaliwanag ang kasaysayan
C. magturo ng mabuting aral
D. walang matinding damdamin sa kuwento
7. Diyos ng propesiya, liwanag, araw, musika at panulaan
A. Apollo B. Artemis
vi
C. Athena D. Poseidon
8. Ang mito/ myth ay galing sa salitang Latin na _____
A. mi B. mu
C. muthos D. mythos

9. Diyosa ng kagandahan at kalapati ang sagisag niya.


A. Cupid B. Mercury
C. Pluto D. Venus
10. Paano ipinakilala ang mga unang Panitikan sa Pilipinas?
A. pasalin-bayan B. pasalin-dila
C. pasalin-tukso D. pasalin-tula
 Dating Kaalaman
Balikan natin ang nakaraang talakayan sa ikasiyam na baitang. Magbigay ng
mahalagang kaisipan/konsepto na natutuhan mo sa mga akdang natalakay. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

b. Paglalahad
Basahin Mo!
Panitikang Pandaigdig, DepEd Modyul para sa Mag-aaral pahina 12-13 at Teacher’s
Guide page 3-10.
http://www.youtube.com/watch?v=WP_NeirFlkM&list=PL42F4EF50A1D70AA&index
=2 o basahin “Ang mga Diyos at Diyosa ng Olympus”

 Pagbuo ng Konsepto
Alam mo ba na…
Ang salitang mitolohiya ay nangangahulugang agham o pag-aaral ng mga
mito/myth at alamat. Tumutukoy sa kalipunan ng mga mito mula sa isang pangkat ng
tao sa isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-diyosan noong unang
panahon na sinasamba at dinarakila ng mga sinaunang tao.
Ang mitolohiya ay salitang mito/myth ay galing sa salitang latin na mythos at
mula sa Greeks na muthos na ang kahulugan ay kuwento. Ang muthos ay halaw pa
sa mu, na ang ibig sabihin ay paglikha ng tunog sa bibig. Sa klasikal na mitolohiya
ang mito/myth ay representasyon ng marubdob na pangarap at takot ng mga
sinaunang tao. Nakatutulong ito upang maunawaan ng mga katangian ng iba pang
mga nilalang. Ipinaliliwanag din dito ang nakatatakot na puwersa ng kalikasan sa
daigdig. Karaniwang may kaugnayan ito sa teolohiya at ritwal.
Sa Pilipinas naman, ang mito ay kinabibilangan ng mga kuwentong-bayang
naglalahad ng tungkol sa mga anito, diyos at diyosa, mga kakaibang nilalang at mga
pagkakagunaw ng daigdig noon. Maaaring matagpuan ang mga mitong ito sa mga
kuwentong-bayan at epiko ng mga pangkat-etniko sa kasalukuyan.
Ito ang mga gamit ng mitolohiya
 Ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig
 Ipaliwanag ang puwersa ng kalikasan.
2
 Maikuwento ang mga sinaunang gawaing panrelihiyon
 Magturo ng mabuting aral
 Maipaliwanag ang kasaysayan
 Maipahayag ang marubdob na pangarap, matinding takot at pag-asa ng
sangkatauhan.

 Mga Gawain
Gawain 1: Pagtapat-tapatin
Panuto: Iugnay sa Kolum B ang bawat pahayag na naglalarawan ng katangian ng
mga diyos na nakatala sa Kolum A. Isulat ang letra ng angkop na sagot sa
kuwaderno.

Kolum A Kolum B
A. Diyosa ng kagandahan at kalapati ang sagisag
___ 1. Venus niya
B. Diyos ng propesiya, araw,
___ 2. Cupid at musika
C. Kapatid ni Jupiter at panginoon ng kaharian sa ilalim ng
__ 3. Mercury lupa
__ 4. Pluto D. hari ng mga diyos at kalawakan
E. Diyos ng pagmamahal at sinasabing anak ni Venus
___ 5. Jupiter

c. Paglalapat
Gawain 2: Magmina ng Kaalaman
Panuto: Isulat sa mapa ang mga pamahiin ng mga sinaunang Pilipino na hanggang
ngayon ay pinaniniwalaan pa ng nakararami.

Pamahiin ng
sinaunang
Pilipino

c. Paglalapat/Pagbuo
Gawain 3: Alam-Nais-Natutuhan
Panuto: Gayahin ang pormat ng talahanayan sa sagutang papel at punan ang
hinihingi ng bawat kolum batay sa mga tanong sa ibaba.
Alam: Ano ang iyong nalalaman tungkol sa mitolohiya?
Nais Malaman: Ano ang gusto mong malaman tungkol sa mitolohiya?
3
Natutuhan: Ano ang inyong natutuhan sa mitolohiya?

A. Alam B. Nais Malaman C. Natutuhan


a. Mitolohiya: a. Mitolohiya a. Mitolohiya

e. Panapos na Pagtatasa
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel..
1. Ito ay kuwento tungkol sa diyos at diyosa.
A. alamat B. epiko
C. mitolohiya D. parabula
2. Mabuti bang taglayin ng Diyos ang katangian ng tao?
A. Hindi, dahil ang Diyos ay nasa langit samantalang ang tao ay nasa lupa.
B. Hindi, sapagkat banal ang Diyos at nakasalanan ang tao.
C. Oo, upang madaling magkaunawaan ang tao at Diyos.
D. Oo, upang maunawaan ng Diyos ang kahinaan ng tao.
3. Hari ng mga diyos, diyos ng kalawakan at ng panahon.
A. Diana B. Juno
C. Jupiter D. mitolohiya
4. Ang itinuturing na diyosa ng kagandahan.
A. Athena B. Hera
C. Hestia D. Venus
5. Ang sumusunod ay kinabibilangan ng mga mito ng Pilipinas MALIBAN sa __
A. anito B. diyos at diyosa
C. drakula D.kakaibang nilalang
6. Ang sumusunod ay gamit ng mitolohiya MALIBAN sa ___
A. ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig
B. maipaliwanag ang kasaysayan
C. magturo ng mabuting aral
D. walang matinding damdamin sa kuwento
7. Diyos ng propesiya, liwanag, araw, musika at panulaan.
A. Apollo B. Artemis
C. Athena D. Poseidon
8. Diyosa ng karunungan, digmaan at katusuhan.
A. Apollo B. Artemis
C. Athena D. Poseidon
9. Hari ng Karagatan at lindol
A. Apollo B. Artemis
C. Athena D. Poseidon
10. Ang tahanan ng mga Diyos
A. langit B. lupa C. Olympus D. Homer

4
Aralin
Cupid at Psyche: Mito mula sa
2 Rome,Italy
a. Pangkalahatang Ideya
Madalas marinig ang matalinghagang pahayag na “ Kung ikaw ay nasa
Rome, gawin mo kung ano ang ginagawa ng mga taga-Rome.” Sumasalamin
lamang ito sa kultura ng mga taga-Rome kung saan pinakikinabangan at
pinagyayaman ang mga kaisipan, kabihasnan, sining at panitikang hinalaw nila mula
sa mga lugar na kanilang sinakop. Sa kasalukuyan, ang mga mitolohiyang ito ang
pinagbatayan ng mga kaisipan sa iba’t ibang larangan tulad ng medisina, pilosopiya,
astrolohiya, sining at panitikan sa buong daigdig.

Ang Aralin 2 ay tungkol sa klasikong mitolohiya mula sa Rome at Italy.


Itatampok ang “Cupid at Pysche” na isa sa mga pinagmulan ng iba pang mito mula
sa Roma. Ito’y bahagi lamang ng mitolohiyang Metamorphoses na kilala rin sa tawag
na The Golden Ass (donkey).

 Layunin
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang naiuugnay ang mga
kaisipang nakapaloob sa akda sa nangyayari sa: sarili,pamilya,pamayanan, lipunan
at daigdig.(F10PB-Ia-b-62)

 Panimulang Pagtataya
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Pagkain ng mga diyos-diyosan
A. ambrosia B. momma
C. pag-ibig D. rosas
2. Ang maling ginawa ni Psyche na nagdulot ng mabigat na suliranin sa
kanyang buhay.
A. Ang di pagtupad sa utos ng kanyang magulang
B. Iniwasan niya ang kaniyang mga kapatid
C. Kawalan ng tiwala sa kaniyang iniibig
D. Pagsunod sa utos ni Venus
3. Bakit gayon na lamang ang inggit at galit ni Venus kay Psyche?
A. Hindi siya pinapansin ng kanyang asawa at anak.
B. May ibang nagmamay-ari na ng kanyang puso.
C. Nagkaroon ng kapantay ang kanyang kagandahan.
D. Walang tumutugon sa kanyang mga utos.

5
4. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng tunay na pagmamahal batay sa
mitong Psyche at Cupid?
A. Ginawa ni Venus ang lahat para sa pagmamahal niya kay Cupid.
B. Hinarap ni Psyche ang pagsubok ni Venus para sa pagmamahal niya kay
Cupid.
C. Nang nagkasala si Psyche kay Cupid binalak niyang magpakamatay sa
labis na pagsisisi.
D. Pinayuhan si Psyche ng kanyang mga kapatid kung paano makaligtas sa
halimaw na asawa.
5. Alin sa sumusunod ang hindi kaugnay sa pahayag ni Cupid na: “Hindi
mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala.”
A. Ang pag-ibig at tiwala ay hindi mapaghihiwalay.
B. Hindi wagas ang pag-ibig na ipinagkatiwalaan.
C. Titibay ang pag-ibig kung may pagtitiwala.
D. Walang pag-ibig kung walang tiwala.
6. Sino ang iniibig ni Cupid na labis na nagpahirap sa kanyang puso dahil sa
kawalan nito ng tiwala?
A. Athena B. Mercury
C. Psyche D. Venus
7. Ang ibig sabihin ng Cupid ay ________.
A. gulo B. kaluluwa
C. masayahin D. pag-ibig
8. Ang naramdaman ni Venus nang makita niya ang labis na paghanga ng mga tao
sa kagandahan ni Psyche.
A. galit B. inggit
D. suliranin D. Tuwa
9. Ang sumusunod ay mga pangyayari sa “Cupid at Psyche” maliban sa isa. Alin
dito?
A. Nagbabala si Cupid ng kapahamakan niya pag magkita sila ng kanyang
kapatid.
B. Nalibang si Psyche sa mansiyon, kumain ng masasarap na pagkain.
C. Umuwi si Cupid sa kanyang ina upang pagalingin ang sugat.
D. Walang naging problema sa pagsasama ng mag-asawa.
10. Ang isinakripisyo ni Psyche kay Cupid.
A. Ayaw niyang umuwi sa pamilya kaya umalis siya at di nagpakita.
B. Hinarap ni Pysche ang lahat na pagsubok ni Venus para sa pagmamahal
niya kay Cupid.
C. Naging masunuring katulong.
D. Umalis sa kanilang kaharian.

 Dating Kaalaman
Panuto: Ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga titik upang mabuo ang
konseptong natalakay na. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ang paksang tinalakay na natin.

A I Y M O O L I H T
2. Tumutukoy sa tradisyon, ugali, paniniwala, pamahiin ng mga tao sa
partikular na lugar.
U K L U T A R

6
b. Paglalahad
Basahin ang Mitolohiya ng Rome

Panitikang Pandaigdig, DepEd Modyul para sa Mag-aaral pahina 14-20 at Teacher’s Guide
page 3-10,
https://brainly.ph/question/122204#readmore
https://www.youtube.com/watch?v=fTtK3TTWbjc
brainly.ph/question/122335
brainly.ph/question/125984Aral sa Kuwento ni Cupid at Psyche:
brainly.ph/question/127574
http://www.youtube.com/watch?v=iMzNPEHNxcc&list=PL42F4E0F50A1D70AA&index=1
https://www.youtube.com/watch?v=u6WnjqnETTQ
youtube. Sa sumusunod na links:
http://www.youtube.com/watch?v=iMzNPEHNxcc&list=PL42F4E0F50A1D70AA&ind
ex=1http://www.youtube.com/watch?v=WP_NeirFIkM&lis

 Pagbuo ng Konsepto
Alam mo ba na….
Ang mitolohiya na “Cupid at Psyche” ng Rome ay tungkol sa politika, ritwal at
moralidad na ayon sa batas ng kanilang mga diyos at diyosa mula sa sinaunang
Taga-Rome hanggang sa katutubong relihiyon, ang Kristiyanismo. Kabayanihan ang
isang mahalagang tema sa mga kuwentong ito. Itinuring ng mga sinaunang taga-
Rome na nangyari sa kanilang kasaysayan ang nilalaman ng mga mitong ito kahit
na ito ay mahimala at may elementong supernatural.
Tulad ng mitong “Cupid at Psyche” binigyan ng bagong pangalan ang
karamihan sa mga diyos at diyosa. Ang ilan ay binihisan nila ang ibang katangian.
Lumikha sila ng mga diyos at diyosa ayon sa kanilang paniniwala at kultura.

 Mga Gawain
Gawain 1: Gamit ang concept map, iugnay ang kaisipan sa iyong sarili at pamilya
ang kaisipang “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala”. Kopyahin sa
kuwaderno.
Sarili
“Hindi mabubuhay
ang pag-ibig kung
walang tiwala”
7 pamilya
c. Paglalapat
Pag-uugnay: Batay sa naunawaan mong mensahe sa mitolohiyang “Cupid at
Pysche”, paano mo ito maiuugnay sa iyong sarili, pamilya, pamayanan at lipunan.
Gamitin ang grapikong representasyon sa pagpapahayag ng iyong kaisipan.

sarili
pamayanan

pamilya
lipunan

d. Paglalapat/Pagbuo
Anong katangian ng mga tauhan sa mitong Cupid at Psyche ang nais mong
tularan/ayaw mong tularan at bakit? Isulat ang sagot sa talaan na inilaan.

Tauhan katangian Bakit tularan/Bakit di


tularan

1.

e. Panapos na Pagtatasa
Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

1. Pagkain ng mga diyos-diyosan


A. ambrosia B. momma
C. pag-ibig D. rosas
2. Ang maling ginawa ni Psyche na nagdulot ng mabigat na suliranin sa
kanyang buhay.
A. Ang di pagtupad sa utos ng kanyang magulang.
B. Iniwasan niya ang kanyang mga kapatid
C. Kawalan ng tiwala sa kaniyang iniibig.
D. Pagsunod sa utos ni Venus.
3. Bakit gayon na lamang ang inggit at galit ni Venus kay Psyche?
A. Hindi siya pinapansin ng kanyang asawa at anak.
B. May ibang nagmamay-ari na ng kanyang puso.
C. Nagkaroon ng kapantay ang kanyang kagandahan.
D. Walang tumutugon sa kanyang mga utos.
4. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng tunay na pagmamahal batay sa
mitong Psyche at Cupid?
A. Ginawa ni Venus ang lahat para sa pagmamahal niya kay Cupid.

8
B. Hinarap ni Psyche ang pagsubok ni Venus para sa pagmamahal niya kay
Cupid.
C. Nang nagkasala si Psyche kay Cupid binalak niyang magpakamatay sa
labis na pagsisisi.
D. Pinayuhan si Psyche ng kanyang mga kapatid kung paano makaligtas sa
halimaw na asawa.
5. Alin sa sumusunod ang hindi kaugnay sa pahayag ni Cupid na: “Hindi
mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala.”
A. Ang pag-ibig at tiwala ay hindi mapaghihiwalay
B. Hindi wagas ang pag-ibig na ipinagkatiwalaan
C. Titibay ang pag-ibig kung may pagtitiwala
D. Walang pag-ibig kung walang tiwala
6. Ang iniibig ni Cupid na labis na nagpahirap sa kanyang puso dahil sa kawalan
nito ng tiwala.
A. Athena B. Mercury
C. Psyche D. Venus
7. Ang ibig sabihin ng Cupid ay ________.
A. gulo B. kaluluwa
C. masayahin D. pag-ibig
8. Ang naramdaman ni Venus nang makita niya ang labis na paghanga ng mga tao
sa kagandahan ni Psyche.
A. galit B. inggit
D. suliranin D. Tuwa
9. Ang sumusunod ay mga pangyayari sa “Cupid at Psyche” maliban sa isa. Alin
dito?
A. Nagbabala si Cupid ng kapahamakan niya pagmagkita sila ng kaniyang
kapatid.
B. Nalibang si Psyche sa mansiyon, kumain ng masasarap na pagkain.
C. Umuwi si Cupid sa kaniyang ina upang pagalingin ang sugat.
D. Walang naging problema sa pagsasama ng mag-asawa.

10. Ang isinakripisyo ni Psyche kay Cupid.


A. Ayaw niyang umuwi sa pamilya kaya umalis siya at di nagpakita.
B. Hinarap ni Pysche ang lahat na pagsubok ni Venus para sa pagmamahal
niya kay Cupid.
C. Naging masunuring katulong.
D. Umalis sa kanilang kaharian.

Aralin Nagkaroon ng Anak sina Wigan at


3 Bugan: Mito ng Ifugao
a, Pangkalahatang Ideya
Ang mito ng Ifugao na “Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan” ay
sumasalamin sa kultura ng mga Pilipino. Ang paniniwala sa mga diyos at diyosa ay
ipinapahiwatig dito kasama ang pagtitiwala at pananalig. Isinalaysay ito sa Ingles ni

9
Maria Luisa B. Aguilar- Cariño at isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat. Saklaw ng
araling ito ang pagkuha ng mensahe at layunin ng mitong “Nagkaroon ng Anak sina
Wigan at Bugan”.

 Layunin

Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:


1. natutukoy ang mensahe at layunin ng napanood na cartoon ng isang
mitolohiya. (F10PD-Ia-b-61); at
2. naisusulat ang sariling mitolohiya batay sa paksang binasa. (F10PU-Ia-b-6).

 Panimulang Pagtatasa

Panuto: Pilin ang titik ng wastong sagot at isulat ang napiling sagot sa sagutang
papel.
1. Sino ang nakita ni Bumabbaker na nakaupo sa lusong na parang may
hinihintay?
A. Bugan B. buwaya
C. Igat D. Wigan
2. Ang nagsalin sa Filipino ng mitolohiya “ Nagkaroon ng Anak sina Bugan at
Wigan.
A. Edgardo Flores B. Florentino Collantes
C. Maria Luisa Aguilar- Carino D. Vilma C. Ambat
3. Ang itinuro ng mga diyos kay Bugan sa kanyang paglalakbay.
A. pag-aayuno B. pag-uusap
C. pangangaso D. ritwal
4. Ang ibig sabihin ng “momma” sa salitang Igorot.
A. imahe B. ina
C. pagkaing nginunguya ng matatanda D. tabako
5. Sinimulan ni Bugan ang kanyang paglalakbay. Ano ang kasingkahulugan ng
sinimulan?
A. inumpisahan B. katuturan
C. may simula D. pinanggalingan
6. “Pupunta ako ng silangan para maghanap ng lalamon sa akin”, sabi ni Bugan.
Ano ang kahulugan ng salitang sinalungguhitan?
A. kakain B. masiba
C. pagkain D. takam
7. Humikab ang buwaya at nagsabing “Hindi kita maaring kainin sapagkat
napakaganda mo.” Ano ang kasalungat ng salitang hikab?
A. antok B. gising
C. mulat D. tulog

10
8. Tinuruan nila ang mag-asawa ng panalanging dapat nilang sambitin sa
pagsasagawa ng ritwal. Anong bahagi ng pananalita ang salitang sambitin?
A. pandiwa B. pangngalan
C. panghalip D. pang-uri
9. Ano ang natutunan mo sa mitolohiyang pinag-aralan?
A. kahalagahan ng alay at ritwal
B. kahalagahan ng pananalig at ritwal
C. Kahalagahan ng diyos at diyosa
D. Kahalagahan ng sariling sikap at sariling diskarte
10. Ano ang mga regalong ibinigay kay Bugan?
A. anak na babae B. baboy, manok, kalabaw
C. anak, masaganang ani at pamumuhay D. kambing, pusa, usa

 Dating Kaalaman
Panuto: Para mapatunayang naintindihan mo ang mitolohiya, ibigay ang hinihiling ng
bawat bilang at isulat sa sagutang papel ang sagot.
1. Ilarawan ang mga pangunahing tauhan sa mitong “ Cupid at Psyche”.

2. Ano ang mahalagang kaisipang napaloob sa mitong nabanggit?

b. Paglalahad
Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan
Muling isinalaysay sa Ingles ni: Maria Luisa B. Aguilar-Cariño
Isinalin ni: Vilma C. Ambat
“Hay, ano ang saysay ng buhay?” naibulalas ni Bugan sa kaniyang asawang
si Wigan. “Hindi man lang tayo magkaroon ng anak; mukhang hindi pinakikinggan ng
mga diyos ang ating mga panalangin!”
Sumang-ayon naman si Wigan, “Oo, tama ka! Pero halika muna, mag-
momma tayo at saka natin isipin kung ano ang dapat nating gawin.”
Matagal na nag-isip ang mag-asawa hanggang nakapagdesiyon si Bugan na
magtungo sa tahanan ng mga diyos sa silangan. “Dito ka lang, Wigan, pupuntahan
ko ang mga diyos na sina Ngilin, Bumakker, Bolang at ang diyos ng mga hayop.”
Sinimulan ni Bugan ang kanyang paglalakbay. Pumunta siya sa Ibyong,
dumaan sa Poitan, nagtungo siya sa silangan papuntang Nahbah, Baninan.
Tumawid siya sa ilog ng Kinakin at narating niya ang lawa sa Ayangan. Nakakita
siya ng igat sa lawa. Tinanong siya nito, “Saan ka pupunta Bugan?” Sumagot si
Bugan, “Pupunta ako ng Silangan para maghanap ng lalamon sa akin, sapagkat
hindi kami magkaroon ng anak ni Wigan.” Tumawa ang igat. “Huwag kang
malungkot, Bugan,” wika lang nito. “Sige magtungo ka sa silangan at makipagkita ka
sa mga diyos.”

11
Ipinagpatuloy ni Bugan ang kanyang paglalakbay patungo sa lugar ng mga
diyos. Narating niya ang lawa sa Lagud. Nakita niya roon ang isang buwaya. “Tao,
bakit ka naririto?”, pag-uusisa ng buwaya. “Ako si Bugan ng Kiyangan, at
naghahanap ako ng lalamon sa akin. Wala kaming anak ng aking asawa,” sagot ni
Bugan. Humikab ang buwaya at nagsabing, “Hindi kita maaaring kainin sapagka’t
napakaganda mo.” Ipinagpatuloy muli ni Bugan ang kanyang paglalakbay at
nakarating sa tahanan ng kinatatakutang pating. Nilabanan niya ang pangangatog
ng kanyang tuhod. Hinarap niya ang pating at nagwika “Pakiusap, kainin mo na ako.
Kaming mag-asawa ay walang anak. Ayaw ko nang mabuhay pa kung hindi ako
magkakaroon ng anak”. Sumagot ang pating, “Isang malaking kahihiyan kapag
kinain kita. Napakaganda mo. Halika muna sa aking tahanan at kumain; bago mo
ipagpatuloy ang iyong paglalakbay.”
Pagkatapos saluhan ang pating sa hapag-kainan, muling naglakad patungong
silangan si Bugan. Sa wakas ay narating niya ang tahanan ng mga diyos na sina
Ngilin, Bumabakker, at iba pang mga diyos. Labis siyang napagod kaya humiga siya
sa lusong na nasa labas ng bahay. Doon hinintay ang mga diyos. Lingid sa kanyang
kaalaman, nasa loob lamang ng bahay si Bumabbaker.
“May naamoy akong tao,” sabi ni Bumabbaker. Lumabas siya ng bahay
upang hanapin ang pinanggagalingan ng amoy. Nakita niya ang isang magandang
babae na nakaupo sa kanyang lusong. “Ano’ng ginagawa mo rito, Bugan?” tanong
niya habang kinikilala kung si Bugan nga iyon.
Naku, nagpunta ako rito upang mamatay, sapagkat hindi pa rin kami
nagkakaroon ng anak ni Wigan pagkalipas ng ilang taon,” wika ni Bugan.
“Kahibangan,” wika ni Bumabbaker habang tumatawa. “Halika, hanapin natin
si Ngilin at kung nasaan pa ang iba,” wika ni Bumabbaker.
Natuwa ang mga diyos nang makita si Bugan. Nagbigay sila ng regalong
baboy, manok at kalabaw. “Sasama kami sa iyo pabalik kay Kiyangan. Doon ka
namin tuturuan ng ritwal na Bu-ad upang mabiyayaan ka ng mga anak, masaganang
ani at pamumuhay.” Inihatid ng mga diyos si Bugan kay Wigan.
Tinuruan nila ang mag-asawa ng panalanging dapat nilang sambitin sa
pagsasagawa ng ritwal na Bu-ad. Isinagawa ni Wigan at Bugan ang ritwal at
pinasalamatan ang kanilang mga diyos. Pagkalipas ng ilang buwan, walang
mapagsidlan ng kaligayahan ang mag-asawa dahil sa buhay na tumitibok sa
sinapupunan ni Bugan.

 Pagbuo ng Konsepto
Ngayong tapos mo nang matuklasan ang mito ng Ifugao, Ang mitolohiyang
“Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan, ikaw ay handa na sa talakayan.
Ang mitolohiya ay kuwento ng mga diyos at diyosa. Isa sa mga mitolohiya ng
Panitikang Pilipino ay ang mitong “Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan”.
Upang mas maunawaan pa ang mito, paghambingin ang tauhan, pangyayari
at mensahe sa mitolohiyang “ Cupid at Psyche” at “Nagkaroon ng Anak sina Wigan
at Bugan”.

12
Panuto: Punan ang tsart ayon sa hinihingi ng bawat kolum.

Mito Mga Tauhan Pangyayari Mensahe


1. Cupid at Psyche
2. Nagkaroon ng Anak
sina Wigan at Bugan

 Mga Gawain
Gawain 1. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Tigdalawang puntos bawat
bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang nais ng mag-asawang Wigan at Bugan? Ipaliwanag.
________________________________________________________________
2. Ano-ano ang paraan upang magkaroon sila ng anak?
___________________________________________________________________
3. Bakit ninais ni Bugan na mamatay?
_________________________________________________________________

c. Paglalapat
Gawain 3. ANN TAYO. Susuriin natin ngayon ang iyong natutuhan sa aralin sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga hinihingi ng kahon gamit ang Alam- Nais-
Malaman, Natutuhan. Kopyahin ang talaan at isulat sa sagutang papel.

Alam: Ano ang iyong nalalaman tungkol sa mitolohiyang “Nagkaroon ng anak sina
Bugan at Wigan”?

Nais- Malaman: Ano ang gusto mong malaman tungkol sa mitolohiyang “Nagkaroon
ng anak sina Bugan at Wigan”.

Natutuhan: Batay sa talakayan, ano ang natutuhan mo tungkol sa mitolohiyang


“Nagkaroon ng anak sina Bugan at Wigan”?

ALAM NAIS MALAMAN NATUTUHAN

13
d. Paglalahat/Pagbubuo
Gawain 4. Gumawa ng isang Komik Istrip tungkol sa mahalagang pangyayari sa
akda na iyong nabasa. Pagkatapos ay isulat ang mensahe nito.
Pamantayan sa Paggawa
Mga 1
5 4 3 2
Pamantayan
Nilalaman Naipakikita Naipakikita Naipakikita Naipakikita di- Walang
ang ang mahusay ang masyadong kahusayan at
(content)
kahusayan na katamtamang kahusayan sa organisayon
sa pagkakabuo kahusayan pagkakabuo at sa paksa.
pagkakabuo at sa organisasyon
at organisasyon pagkakabuo ng paksa sa
organisayon ng paksa sa at pamamagitann
ng paksa sa pamamagitan organisasyon g awtput.
pamamagit ng awtput. ng paksa sa
an ng pamamagitan
awtput. ng awtput.
Kahusayan Napaka Mahusay sa May Di-masyadong Walang
sa pagguhit pagguhit katamtamang mahusay sa iginuhit. o
husay sa
husay sa pagkakaguhit organisasyon
pagguhit
pagguhit sa
pagkakaguhit
Pagkakaayos Pinaka Maayos ang Katamtaman Di-masyadong Hindi maayos
maayos ang pagkakabuo lang ang maayos ang at kumplikado
(organization)
pagkakabuo ng ayos ng pagkakabuo ang
ng impor- impormasyon impormasyon ng pagkabuo.
at at impormasyon
masyon at
maintindihan maintindihan
madaling
ang ayos
maintin-
nito.
dihan

e. Panapos na Pagtatasa

Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot at Isulat ang sa sagutang papel.
1. Ang nakita ni Bumabbaker na nakaupo sa lusong na parang may hinihintay.
A. Bugan B. buwaya
C. Igat D. Wigan
2. Ang nagsalin sa Filipino ng mitolohiyang “ Nagkaroon ng Anak sina Bugan at
Wigan”.
A. Edgardo Flores B. Florentino Collantes

14
C. Maria Luisa Aguilar- Carino D. Vilma C. Ambat
3. Ang itinuro ng mga diyos kay Bugan sa kanyang paglalakbay.
A. pag-aayuno C. pag-aayuno
B. pangangaso D. ritwal

4. Ang ibig sabihin ng “momma” sa salitang Igorot.


A. imahe B. ina
C. pagkaing nginunguya ng matatanda D. tabako
5. Sinimulan ni Bugan ang kanyang paglalakbay. Ano ang kasingkahulugan ng
sinimulan?
A. inumpisahan B. katuturan
C. may simula D. pinanggalingan
6. “Pupunta ako ng silangan para maghanap ng lalamon sa akin”, sabi ni Bugan.
Ano ang kahulugan ng salitang sinalungguhitan?
A. kakain B. masiba
C. pagkain D. takam
7. Humikab ang buwaya at nagsabing “Hindi kita maaring kainin sapagkat
napakaganda mo.” Ano ang kasalungat ng salitang hikab?
A. antok B. gising
C. mulat D. tulog
8. Tinuruan nila ang mag-asawa ng panalanging dapat nilang sambitin sa
pagsasagawa ng ritwal. Anong bahagi ng pananalita ang salitang sambitin?
A. pandiwa B. pangngalan
C. panghalip D. pang-uri
9. Ang natutunan mo sa mitolohiyang pinag-aralan.
A. kahalagahan ng alay at ritwal
B. kahalagahan ng pananalig at ritwal
C. Kahalagahan ng diyos at diyosa
D. Kahalagahan ng sariling sikap at sariling diskarte
10. Ano ang ibinigay na mga regalo kay Bugan?
A. anak na babae B. baboy, manok, kalabaw
C. anak, masaganang ani at pamumuhay D. kambing, pusa, usa

Aralin Mga Pandiwang Ginagamit sa


4 Pagpapahayag ng Aksiyon,
Karanasan at Pangyayari
a. Pangkalahatang Ideya

Sa araling ito ay matututuhan mo ang mabisang paggamit ng pandiwa sa


pagpapahayag at pagsasalaysay ng mga karanasan at pangyayari. Saklaw rin dito
ang paglalahad ng wastong gamit ng pandiwa sa pagpapahayag ng aksiyon,

15
karanasan at pangyayari. Ipagpatuloy rin natin ang pagsasanib ng gramatika sa
retorika.
 Layunin

Pagkatapos ng araling ito ikaw ay inaasahang:


1. nagagamit ang angkop na pandiwa bilang aksiyon, karanasan at
pangyayari (F10WG-Ia-b-57); at
2. naisasagawa ang sistematikong pananaliksik sa iba’t ibang
pagkukunan ng impormasyon ( inter,silid-aklatan atbp.).
( F10EP-Ia-b-27)

 Panimulang Pagtatasa
Panuto: Suriin kung ang pandiwang may salungguhit ay ginamit bilang aksiyon,
karanasan, o pangyayari. Isulat ang A kung aksiyon, K kung karanasan, at P kung
pangyayari. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
___1. Hinahanap ni Psyche si Cupid sa buong kaharian.
___2. Ginawa ni Psyche ang lahat upang maipaglaban ang pagmamahal niya kay

Cupid.
___3. Lumindol na naman sa Davao kahapon.
___4.Labis na nanibugho si Venus sa kagandahan ni Psyche.

___5. Nalungkot si Bantugan sa utos ng hari kaya minabuti niyang lumayo na


lamang.
___6. Umibig ang lahat na mga babae kay Bantugan.

___7. Hindi nasiyahan si Jupiter sa ginawang pagpapahirap ni Venus kay Psyche.


___8. Patuloy na naglakbay si Psyche at pinipilit na makuha ang panig ng mga
diyos.

___9. Lalong sumidhi ang pagseselos niya kay Psyche.


___10. Ibinuhos niya sa harap ni Psyche ang isang malaking lalagyan ng puno.

 Dating Kaalaman
Sa nakaraang talakayan, nalaman mo na, ang mito ng Ifugao na “Nagkaroon
ng Anak sina Wigan at Bugan” ay sumasalamin sa kultura ng mga Pilipino. Ang
paniniwala sa mga diyos at diyosa ay ipinapahiwatig dito kasama ang pagtitiwala at
pananalig. Isinalaysay ito sa Ingles ni Maria Luisa B. Aguilar- Cariño at isinalin sa
Filipino ni Vilma C. Ambat.

16
Pabuto: Upang masukat ang iyong kaalaman sa nasabing paksa, Sagutin ang mga
sumusunod na katanungan.
1. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan ng mitong “Nagkaroon ng Anak sina
Wigan at Bugan”? Ibigay ang kani-kanilang katangian.
2. Ano-ano ang paniniwalang Pilipino na masasalamin sa mitong “Nagkaroon ng
Anak sina Wigan at Bugan”?

b. Paglalahad
Ang pandiwa o berbo ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o
galaw. Ito ay tinatawag na “verb” sa wikang Ingles. Iba- iba ang gamit ng pandiwa,
ginagamit ito sa pagpapahayag ng aksiyon, karanasan, at pangyayari. Tunghayan
natin kung paano gagamitin.
Gamit ng Pandiwa:
1. Aksiyon

May aksiyon ang pandiwa kapag may aktor o tagaganap ng aksiyon/kilos.


Mabubuo ang mga pandiwang ito sa tulong ng mga panlaping: -um, mag-, ma-,
mang-, maki-, mag-an. Maaaring tao o bagay ang aktor.

Halimbawa:
a. Naglakbay si Bugan patungo sa tahanan ng mga diyos.
Pandiwa → Naglakbay
Aktor → si Bugan
2. Karanasan
Nagpapahayag ng karanasan ang pandiwa kapag may damdamin. Dahil dito,
may nakararanas ng damdamin na inihuhudyat ng pandiwa. Maaaring magpahayag
ang pandiwa ng karanasan o damdamin/emosyon. Sa ganitong sitwasyon may
tagaranas ng damdamin o saloobin.
Halimbawa:
a. Tumawa si Bumabbaker sa paliwanag ni Bugan.
Karanasan → Tumawa
Aktor → si Bumabbaker
3. Pangyayari
Ang pandiwa ay resulta ng isang pangyayari.
Halimbawa:
a. Nalunod ang mga tao sa matinding baha.

17
Pandiwa → Nalunod
Pangyayari → isang matinding baha

 Pagbuo ng Konsepto
Natutuhan mo ang pagpapalawak ng pangungusap sa pamamagitan ng gamit
ng pandiwa. Ang gamit ng pandiwa ay sa pamamagitan ng a) aksiyon, b) karanasan
at c) pangyayari. Ating suriin ngayon ang mga pangungusap na aking ilalahad
upang mapalawak pa ang gamit nito. May tigdalawang tanong ang bawat
pangungusap.. Sagutin ang mga tanong sa sagutang papel.
Pangungusap : Tumalima si Psyche sa lahat ng gusto ni Venus.
Tanong : a. Ano ang gamit ng salitang tumalima?
Sagot : ____________________________________
Tanong : b. Sino ang aktor sa pangungusap?
Sagot : ____________________________________
Pangungusap : Nalungkot ang lahat nang mabalitaan ang pangyayari.
Tanong : a. Ano ang gamit ng salitang nalungkot?.
Sagot :______________________________________
Tanong: b. Sino ang aktor sa pangungusap?
Sagot : ______________________________________

Pangungusap : Namatay si Kael dahil sa nainom niyang lason.


Tanong : a. Ano ang pandiwa sa pangungusap?
Sagot : ______________________________________
Tanong : b. Ano ang pangyayari sa pangungusap?
Sagot : _______________________________________

 Mga Gawain
Gawain 1. Isulat ang A kung ang isinasaad na pandiwa ay aksiyon, K kung
karanasan, P kung pangyayari. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. tumula _______________________________
2. gumapang ____________________________
3. nahihiya ______________________________
4. nahimatay ____________________________
5. nagiba _______________________________
Gawain 2. Gamitin ang mga pandiwa sa pangungusap.

18
PANDIWA PANGUNGUSAP
1. tumula
2. gumapang
3. nahihiya
4. hinimatay
5. nagiba

c. Paglalapat
Panuto: Malikhaing Pagsulat. Sumulat ng Spoken Poetry tungkol sa Covid 19 (2-3
saknong lamang). Salungguhitan ang pandiwa na nagsasaad ng aksiyon, karanasan
at pangyayari.

Rubrik sa Malikhaing Pagsulat ng Mito


Mga Kailangan pang
Napakahusay Mahusay Katamtaman
Pamantayan pagbutihin
20-16 15-11 10-6
5-1

Nilalaman/ Angkop ang Angkop ang Angkop ang Hindi angkop


Paksa napiling paksa o napiling paksa o napiling paksa o ang paksa, hindi
tema ng mito. tema at tema, hindi maayos at
Napakahusay ang mahusay ang masyadong malinaw ang
pagkakabuo at pagkakabuo ng maayos at pagkakabuo at
wasto ang gamit mito at wasto malinaw ang gamit ng
ng pandiwa. ang gamit ng pagkakabuo at pandiwa.
pandiwa gamit ng
pandiwa.

Pagkakalahad Pinakamalinaw Malinaw ang Hindi gaanong Hindi angkop


ng ideya ang pagkakalahad pagkakalahad angkop ang ang
ng ideya at ng ideya at pagkakalahad at pagkakalahad at
angkop ang angkop ang ideya sa gamit ideya sa gamit
ginamit na ginamit na ng pandiwa ng pandiwa.
pandiwa. pandiwa.

Gamit ng mga Napakahusay ang Mahusay ang Di-masyadong Kakikitaan ng


salita gamit ng mga gamit ng mga mahusay ang maraming mali
salita sa salita sa paggamit ng sa paggamit ng
pangungusap pangungusap mga salita sa mga salita sa
pangungusap pangungusap.

19
d. Paglalahat/Pagbubuo
Gawain 3. Punan ang patlang ng wastong impormasyon o salita sa ipinapahayag ng
talata tungkol sa pandiwa. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Ang 1._____________ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng
2._____________. Ito ay tinatawag na 3.___________ sa wikang Ingles. Tatlo ang
gamit ng pandiwa, ito ay4.____________,5.______________at 6. _____________.
May aksiyon ang pandiwa kapag may 7.___________ o 8._____________ng
aksiyon / kilos. Mabubuo ang mga pandiwang ito sa tulong ng mga panlaping: um,
mag-ma,maki,mag-an.Maaaring 9.____________o 10._______________ang aktor.
Nagpapahayag ng 11._____________ ang pandiwa kapag may damdamin.
Maaaring magpahayag ang pandiwa ng karanasan o 12.____________. Sa ganitong
sitwasyon may tagaranas ng damdamin o saloobin.
Ang pandiwa ay 13.___________ ng isang pangyayari..

e. Panapos na Pagtatasa

Panuto: Suriiin ang pandiwang may salungguhit kung ito ay ginamit bilang aksiyon,
karanasan, o pangyayari. Isulat sa sagutang papel ang A kung aksiyon, K kung
karanasan, P kung pangyayari.

____1. Ginawa ni Psyche ang lahat upang maipaglaban ang pagmamahal niya kay
Cupid.
____2. Labis na nanibugho si Venus sa kagandahan ni Psyche.

____3. Umibig ang lahat na babae kay Bantugan.


____4. Hindi nasiyahan si Jupiter sa ginawang pagpapahirap ni Venus kay Psyche.
____5. Patuloy na naglakbay si Psyche at pinipilit na makuha ang panig ng mga
diyos.
____6. Lalong sumidhi ang pagseselos niya kay Psyche.
____7. Ibinuhos niya sa harap ni Psyche ang isang malaking lalagyan ng puno.

____8. Umuwi siya sa kaharian ni Venus.


____9. .Nagalit ang nanay ni Christian dahil pasaway ito.
____10. Dahil sa paghihirap napilitan siyang tumalon.

20
Susi sa Pagwawasto

21
22
Sanggunian
Panitikang Pandaigdig, DepEd Modyul para sa Mag-aaral pahina 12-13 at Teacher’s
Guide page 3-10.
Panitikang Pandaigdig, DepEd Modyul para sa Mag-aaral pahina 14-20 at
Teacher’s Guide page 3-10,
https://brainly.ph/question/122204#readmore
https://www.youtube.com/watch?v=fTtK3TTWbjc
brainly.ph/question/122335
brainly.ph/question/125984Aral sa Kuwento ni Cupid at Psyche:
brainly.ph/question/127574
http://www.youtube.com/watch?v=iMzNPEHNxcc&list=PL42F4E0F50A1D70AA&ind
ex=1
http://www.youtube.com/watch?v=WP_NeirFlkM&list=PL42F4EF50A1D70AA&index
=2 o basahin “Ang mga Diyos at Diyosa ng Olympus”
https://www.youtube.com/watch?v=u6WnjqnETTQ
youtube. Sa sumusunod na links:
http://www.youtube.com/watch?v=iMzNPEHNxcc&list=PL42F4E0F50A1D70AA&ind
ex=1http://www.youtube.com/watch?v=WP_NeirFIkM&lis

23

You might also like