Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

St. Rita’s College of Balingasag, Inc.

Balingasag, Misamis Oriental 9005


Email: ritarian@srcb.edu.ph Website: srcb.edu.ph
Tel. (088)323-7159/ Mobile: +63-929-734-0012 (SMART); +63-953-260-2090 (TM)
PAASCU Level II Re-Accredited: Junior High School
(Philippine Accrediting Association of Schools, Colleges and Universities )
A.Y. 2022-2023

BUWAN NG WIKA

TINIG NG SRCB
(Mga Alituntunin/Mekaniks)
1. Ang mga kalahok ay kinakailangang mag-aaral ng St. Rita’s College of
Balingasag mula sa baitang K hanggang baitang 12.
2. Isang kinatawan lamang ang maaaring lumahok sa kada seksyon.
3. Ang piyesa o awitin ay kinakailangang:
a) OPM o “Original Pilipino Music” na gumagamit ng wikang Filipino lamang
ang maaaring gamiting piyesa sa patimpalak.
b) Ang mensahe ng awit ay kinakailangang tungkol sa pagmamahal sa ating
bayan o kaya naman tungkol sa kalikasan.
c) Hindi lalampas sa limang (5) minuto kapag inawit sa paligsahan.
4. Ang tugtog o akompaniment ay kinakailangang minus 1/CD. Pinahihintulutan
sa paligsahan ang aktwal na pagtugtog ng anumang instrumentong
pangmusika.
5. Magaganap ang paligsahan sa AVR sa Agosto 26, 2022 na magsisimula sa alas
otso (8) ng umaga.

TINIG NG SRCB
(Pamantayan)

A. Kalidad ng boses 30%

B. Pagsasaulo at Timing (Mastery) 25%

C. Tono at Bigkas 20%

D. Postura 15%

E. Dating sa Madla 10%

Kabuuan: 100%
St. Rita’s College of Balingasag, Inc.
Balingasag, Misamis Oriental 9005
Email: ritarian@srcb.edu.ph Website: srcb.edu.ph
Tel. (088)323-7159/ Mobile: +63-929-734-0012 (SMART); +63-953-260-2090 (TM)
PAASCU Level II Re-Accredited: Junior High School
(Philippine Accrediting Association of Schools, Colleges and Universities )
A.Y. 2022-2023

BUWAN NG WIKA

DAGLIANG TALUMPATI
MEKANIKS:
1. Bukas ang paligsahan sa lahat ng mag-aaral sa Junior High School
Department o Kategorya D at E.
2. Ang bawat kalahok ay inaasahang darating sa takdang lugar at 5
minuto bago magsimula upang isagawa ang palabunutan ng
pagkakasunod-sunod ng magtatalalumpati.
3. Unipormeng pampasok sa paaralan ang inaasahang kasuotan ng
bawat kalahok.
4. Sa takdang oras ng patimpalak ang bawat kalahok ay pabubunutin ng
paksa. Siya ay bibigyan lamang ng tatlong minuto upang mag-isip ng
mga kaisipan hinggil sa paksang napili habang nagtatalumpati ang
ibang kalahok.
5. Ang bawat kalahok ay bibigyan ng 3-5 minuto upang magtalumpati.
6. Ang hindi tumalima sa nabanggit ay may kabawasang puntos sa bawat
panuntunan.
7. Ang desisyon ng mga hurado ay pinal.

KRAYTERYA:
 Nilalaman/Kaugnayan sa paksa - 35%
 Pagbigkas (diin,tono) - 30%
 Paraan ng pagkakalahad
(kumpas,kilos,pang-akit at istilo) - 25%
 Pagkakatanghal(dating sa manonood) - 10%
KABUUAN =100%

St. Rita’s College of Balingasag, Inc.


Balingasag, Misamis Oriental 9005
Email: ritarian@srcb.edu.ph Website: srcb.edu.ph
Tel. (088)323-7159/ Mobile: +63-929-734-0012 (SMART); +63-953-260-2090 (TM)
PAASCU Level II Re-Accredited: Junior High School
(Philippine Accrediting Association of Schools, Colleges and Universities )
A.Y. 2022-2023

BUWAN NG WIKA

INFOGRAPHICS
MEKANIKS:
1. Bukas ang paligsahan sa lahat ng mag-aaral sa Junior High School
Department o Kategorya D.
2. Ang lahat ng isusumiteng artwork ay dapat gawa mula sa digital na
teknolohiya lamang (digital artwork). Ang format ay maaaring:
a. Graphic Poster
b. Vector Art
c. 2D/3D Digital Painting
d. 2D/3D Computer Graphics
3. Ang bawat isusumite ay orihinal na gawa. Ang artwork ay dapat
nakabase sa temang “Filipino at mga Katutubong Wika: Kasangkapan
sa Pagtuklas at Paglikha”
4. Inaasahan ang lahat na walang magsusumite ng bulgar, rasista,
diskriminasyon, hindi nakakasakit ng anumang paniniwala sa relihiyon,
kultura at dapat maging sensitibo sa kasarian.
5. Ang isusumiteng artwork ay dapat naka-high resolution JPEG/PNG
format. Ito ay dapat naka-portrait.
6. Maaaring i-sumite ang artwork kay joycebernat@srcb.edu.ph o di
kaya’y kay karendelegencia@gmail.com.
7. Hindi pinapayagan ang bawat kalahok na i-post ang kanilang
naisumiteng artwork sa mga social media platforms hangga’t wala
pang resulta ang palatuntunan na ito.
8. Ang mga mananalo ay pipiliin ng mga judges at magiging pinal na
desisyon.
KRAYTERYA:
 Orihinal na Konsepto - 40%
 Kaugnayan sa Tema - 35%
 Kakayahang Teknikal at Malikhaing Paggamit
 Ng Digital Media - 25%
KABUUAN = 100%

You might also like