Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ito ang mga halimbawa ng elemento ng tula

1. anyo
2. kariktan
3. persona
4. saknong
5. sukat
6. talinhaga
7. tono o indayog
8. tugma

Ang anyong tradisyonal ay may sukat, tugma, at mga matalinhagang salita. Ang
ilan sa mga halimbawa ng tulang nasa anyong tradisyonal ay ang mga tulang
isinulat ni Dr. Jose Rizal.

Anyo-Ang anyong walang sukat na may tugma ay mga tulang walang tiyak na bilang ang
pantig sa bawat taludtod ngunit ang huling pantig ay magkakasintunog o magkakatugma.

Kariktan-Ang kariktan ay elemento ng tula na tumutukoy sa pagtataglay ng mga salitang


umaakit o pumupukaw sa damdamin ng mga bumabasa.
Persona-Ang persona ng tula ay tumutukoy sa nagsasalita sa tula. Kung minsan, ang persona
at ang makata ay iisa. Maari rin naman na magkaiba ang kasarian ng persona at makata.
Maaari rin na isang bata, matanda, pusa, aso, o iba pang nilalang.

Saknong-Ang saknong ay ang element ng tula na tumutukoy sa mga grupo ng mga taludtod ng
tula. Ito ay maaring magsimula sa dalawa o higit pang taludtod.

Sukat-Ang sukat ng tula ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat linya o taludtod ng tula.
Ang pangkaraniwang tula ay may walo hanggang labindalawang pantig sa bawat taludtod.
Hal. Isda- is da -ito ay may dalawang pantig

Is da ko sa Ma ri ve les- 8 pantig

Talinhaga-Ang talinhaga ng tula ay tumutukoy sa paggamit ng mga tayutay at matalinhagang


pananalita upang pukawin ang damdamin ng mga mambabasa.

Tono o indayog-Ang tono o indayog ng tula ay tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng bawat


taludtod ng tula. Ito ay karaniwang pataas o pababa.
Tugma-Ang tugma ang elemento ng tula na tumutukoy sa pagkakapareho ng tunog ng mga
huling pantig sa bawat taludtod ng tula. Ito ay isang element ng tula na nagbibigay dito ng himig
at indayog.
Tula-ISANG AKDANG PAMPANITIKAN NAGLALARTAWAN NG BUHAY,HINAHANGO SA GUNI GUNI
PINARATING SA ATING DAMDAMIN AT IPANAHAHAYAG SA PANANLITANG MAY AKING ALIW ALIW

You might also like