Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

“PAARALAN NG UNIBERSIDAD NG LA SALETTE”

Ating libutin at pagmasdan ang mga nakakantig at nakakamanghang na lugar na nakadestino sa Syudad
ng Santiago at ito ay ang loob ng prestihiyosong paaralan ng Unibersidad ng La Salette na kung saan ang
lahat ay antig, namangha, at higit sa lahat ay pinaglaanan ng segundo upang ito’y mapuntahan, minuto
upang pagmasdan, oras upang masiyahan, at taon upang maramdaman ang mga legasiya nito sa Unibersidad
ng La Salette.

Sa anim na taon kong nag-aral at nanirahan dito sa aming paaralan anim na taon kudin nasisilayan ang
mga lugar na ito na nakapagbibigay ng aral, ngiti at saya sa aking buhay mag-aaral, mula sa malaking
espasyo na may malaking mahalagang kaganapan, hagdang patungo sa payapang ninanais ng lahat na
paroroonan, at pahingaan na may magandang tanawin na aming pagmamasdan, dito nabuo ang aming
pagka-tao bilang isang Saletino at Pilipino. Tayo’y magsisimulan muna sa ating unang destinasyon na kung
saan mayroong bukas at malaking espasyo na kung aming tawagin ay “Covered Court” isang malaking
espasyo para sa mga malalaking entablado at selebrasyon na aming isinasagawa, daan-daang katao ang
tinataglay nitong paupuin upang harapin at silayan kung saan ipinamamalas ng buong kumonidad ng
saletino ang kanilang talento sa lahat ng larangan tulad ng pag-sayaw, pagiging manlalaro, at talino, at
matatanaw morin dito ang napaka laking high ceiling fan na syang nakapagbibigay presko sa mga tao.
Tayo’y dadako naman sa isang yapak na patungo sa kapayapaan, narito, masisislayan natin ang isang
nakamamanghang simbahan na syang matagal nang itinayos sa loob ng paaralan, at sa loob nito isinasagawa
ang isinasapusong misa naming mga saletino, sa loob nito’y inyong masisislayan ang magandang struktura
at kagamitan na syang kaylangan sa simbahan, maganda at mahabang upuan para sa maayos, panatag, at
payapang kaganapan, ito ang nararapat nyong puntahan upang mapagaan ang inyong pakiramdam,
magagandang legasiya ang syang naisagawa na dito sa loob nang simbahan, tanaw mo rito sa mga bintana
ang mga paaralan at mga espasyong pwedeng paghingaan. Tayo’y hahantong na sa huling paroroonan, yun
ay ang “Quadrangle” na mayroong mayroong mahabang linyahang mga upuan na syang maaring puntahan,
pasyalan, at maaring kainan, tanaw mo rito ang magaganda at matataas na puno kasabay ng sariwang hangin
na iyong lalanghapin, tila ika’y masasabik at nanaisin mong pumarito sapagkat iyo ring masisislayan ang
napaka luwang na grass field na syang maaring gamitin para sainyo bonding, picnic, palaro at anumang
aktibidades, nakapalibot dito ang daan na maari mong lakaran o iyong takbuhan kung nanaisin mong mag
ensayo at mayroong kasamang maglakad kasabay ng malakas na tawanan, at walang sawang kwentuhan, ito
ang nais puntahan ng nakararami dahil ito ang pinaka malaki espasyo sa loob ng paaralan, mga masisispag
na magaaral at mga manlalarong mag-aaral ang kadalasan mong masisilayan dito, marami din akong ala-ala
dito na syang hindi malilimutan na aking binabalik-balikan.

Anim na taon ko itong nasilayan at naramdaman, napakaraming kaganapan na kasiyahan at


kalungkutan, ngunit kung ikaw ay paparito ay iyong matututunan at malalaman ang naiambag nito sa aming
kalooban, nakapagbigay luwag sa aming puso, ginawang espasyo para mahanap ang sarili, ito’y bago sa
mata ng masa na hindi nyo makikita sa ibang lugar, hindi ko malilimutan ang anim na tao kong ibinuhos
dahil punong-puno ito ng memorya ng saya, dahil kasama ko sa anim na taon ang aking matatawag na
pamilya sa pagtira sa paaralang ito na talaga namang nakamamangha at nakapagbibigay ning-ning sa ating
mga mata.

RAMOS, STEVEN HANS A. | 12 HUMSS-1

You might also like