Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

TALASALITAAN:

• Mauulinigan – maririnig
• Nakasupalpal – nakasubo sa bibig
• Kandirit – pagtayo gamit ang isang paa at gagamiting panlakad
• Paniniil – kalupitan
• Nakapangaw – nakasilip o nakalabas sa bintana

MGA MAHALAGANG PANGYAYARI SA MGA KABANATA:

• Sa prusisyon, labis na humanga ang Kapitan Heneral sa naririnig niyang kundiman.


• Sa araw ng Pista ay piniling magbayad ng halagang dalawangdaan at limampiso para sa
misa.
• Kapuna-puna sa prusisyon ang mga nagagayakang karosa ng mga santo.
• Nakatanggap si Ibarra ng telegrama na naglalaman na pinapayagan siyang magtayo ng
paaralan.
• Ibinida ng taong dilaw ang napakahusay na pagkakagawa ng maestro de obras sa
itinatayong paaralan.
• Ang panghugos ang batong nasa loob ng maestro de obras at nakaakmang ibababa ng
taong nakatalaga rito.
• Pinagkaguluhan ng mga taga-San Diego ang palabas na komedya dahil sa ito ay mura
lang.
• Si Ibarra ay pinarusahan ng kasong ekskomunyon dahil sa ginawa niya kay Padre
Damaso.
• Natuwa ang mga prayle dahil sa ginawa ni P. Salvi kaya’t inaasahan na puputungan ito ng
mitra.
• Binanggit ni Elias na ang kaniyang nuno ay isang tenedor de libros sa isang mayamang
mangangalakal ngunit dahil sa isang paniniil ay naghirap ang kaniyang ninuno na naging
dahilan upang sumapi ang kaniyang lola sa grupo ng tulisan at kinilala itong si Balat.
• Nagplano si Padre Salvi ng himagsikan at sinabing si Ibarra dapat ang isigaw kapag
nagkahulihan. Si Lucas ang humanap ng mga taong magsisimula ng himagsikan.
• Tahimik lamang na nasa paltok habang nagmamasid si Pilosopo Tasyo sa mga
nakakulong.
• Nang makita si Lucas na patay sa bakuran ay napagtagpi-tagpi ni Elias na ang sakristan
mayor ang pumatay rito dahil sa dahon ng Amorseko.
• Bago tumakas ay dumaan muna sila Ibarra sa bahay ni Maria Clara upang ipahayag ang
kapatawaran at pagmamahal sa dalaga at doon niya inamin ang tunay niyang pagkatao na
si Padre Damaso ang tunay niyang ama.
• Habang sakay ng bangka sina Elias at Ibarra, natanaw nilang papalapit sa kanila ang
isang palwa kaya naman ay nagdesisyon na magkita sa libingan ng nuno ni Ibarra sa
darating na Noche Buena.
• Maririnig ang pahimakas ng isang bayaning tulad ni Elias.
• Makalipas ng ilang buwan na pag-iwas at paglayo ay nakita na lamang na walang buhay
si Padre Damaso dahil sa inatake ng puso.
• Sa sobrang pagmamahal niya kay Ibarra ay hindi na nito nagawang magpakasal kay
Linares at pinili na lang na magmongha ngunit naging kalunos-lunos ang kaniyang
sinapit nang pagsamantalahan siya ni Padre Salvi na naging dahilan upang siya ay
maging sawimpalad.

TAUHAN:
• Tarsilo – nahuling buhay mula sa mga gumawa ng kaguluhan
• Kapitan Pablo – pinuno ng tulisan
• Kapitan-heneral – siya ay isa sa labis na humanga sa ginawang pagtatanggol ni Ibarra sa
kaniyang ama
• Don Filipo – ang pinayuhan ni Pilosopo Tasyo na magbitiw sa kaniyang tungkulin bilang
tanda nang hindi pagpayag sa gusto ng kura.
• Lucas – ang Binatang mayroong pilat sa kaliwang pisngi na natagpuang patay

Kabisaduhin ang linyang ito mula kay Elias:

“Mamamatay akong hindi mamamalas ang pagsikat ng araw sa aking bayan!


Kayong makakakita sa pagbubukang-liwayway malugod ninyo siyang tanggapin
at inyong gunitain ang mga nabuwal sa dilim ng gabi.”

You might also like