Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Division of Ilocos Sur

SARILING LINANGAN KIT


7
PAMAGAT NG ARALIN:

MGA PARAAN NG PAGPAPAKAHULUGAN SA


MGA SALITA
Kuwarter: 3 MELC Bilang: 3

MELC:
Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng
pagpapangkat, batay sa konteksto ng pangungusap, denotasyon at
konotasyon, batay sa kasingkahulugan at kasalungat nito.
(F7PT-IIIa-c-13; F7PT-IIIh-i-16; F7PT-Iii-11)

Pangalan ng Guro: FORTUNATA R. PATI


Paaralan: San Emilio National High School
Distrito: San Emilio

1
KUWARTER 3
SARILING LINANGAN
KIT 3
BILANG (MELC) #

Ang Sariling Linangan Kit na ito ay para sa iyo, para sa mag-aaral ng


TUNGKOL SA SARILING LINANGAN
ikapitong baitang. Binuo ito para makaagapay sa pagbabago na ipinatutupad ng
KIT
Kagawaran ng Edukasyon sa asignaturang Filipino. Sa umiiral na “New Normal” na
kalagayan ng buhay ngayon bunga ng paglaganap ng COVID 19, malaki ang
maitutulong nito sa iyo na kahit nasa bahay ka ay natututo ka.
Sa pag-aaral, pagbabasa, pakikinig o pagpapahayag ng saloobin may mga
salita o lipon ng mga salita na nagagamit, mahirap maunawaan at kailangang
malaman ang kahulugan. Maaaring ang mga ito ay may kahulugang batay sa
konteksto ng pangungusap, denotasyon at konotasyon, kasingkahulugan o
kasalungat.
Sikapin mong matutunan ang araling ito.
Pagkatapos ng talakayan, may mga nakahandang gawain na kailangan mong
sagutin.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pagpapangkat, bat


Layunin:

A. Nabibigyang-kahulugan ang salita gamit ang


pagpapangkat, konteksto ng pangungusap, denotasyon at konotasyon, kasi
Nagagamit nang wasto ang salita sa pagbibigay ng kahulugan.
Nasasagot ang mga naihandang gawain.

2
PAGTALAKAY SA ARALIN

MAIKLING PAGTALAKAY

Ngayong nalaman mo, na sa pagbibigay kahulugan sa mga salita ay maaaring nakabatay sa konteks
Kailangang maging mapanuri sa mga ito.

A. PAHIWATIG NA KONTEKSTWAL (Context Clues)


Hindi lamang iisa ang kahulugan ng isang salita. Mangyaring ang kahulugan
ay nakabatay rin sa konteksto o gamit nito sa pahayag.
a) Depinisyon – mababasa ang kahulugan sa bahagi ng pangungusap.

b) Karanasan – nahango ang kahulugan batay sa mismong karanasang nabanggit


sa pangungusap.

c) Salungatan – maliban sa kasingkahulugan, mabuting malaman ang kasalungat


nito.

d) Pahiwatig – kahulugan batay sa sanhi at bunga ng pahayag

e) Pagsusuri – lubhang kailangan sa paraang ito ang kakayahang panglinggwistika


upang ganap na masuri ang salitang binabasa.

B. DENOTASYON AT KONOTASYON

DENOTASYON
Ito ay ang literal na kahulugan ng isang salita na matatagpuan sa diksyunaryo.
Teknikal o literal ang kahulugan ng mga salita.

KONOTASYON
Ito ay pansariling kahulugan ng isa o grupo ng tao sa isang salita. Ang kahulugan
ay iba sa pangkaraniwang kahulugan.

C. KASINGKAHULUGAN AT

KASALUNGAT KASINGKAHULUGAN
Ito ay kagaya, katulad o kapareho ng ibig sabihin at implikasyon ng isang salita.

KASALUNGAT
Ang kahulugan ay kabaligtaran ng salita.

3
a) Karanasan – nahango ang kahulugan batay sa mismong karanasang nabanggit
sa pangungusap.

b) Salungatan – maliban sa kasingkahulugan, mabuting malaman ang kasalungat


nito.

c) Pahiwatig – kahulugan batay sa sanhi at bunga ng pahayag

d) Pagsusuri – lubhang kailangan sa paraang ito ang kakayahang panglinggwistika


upang ganap na masuri ang salitang binabasa.

D. DENOTASYON AT KONOTASYON

DENOTASYON
Ito ay ang literal na kahulugan ng isang salita na matatagpuan sa diksyunaryo.
Teknikal o literal ang kahulugan ng mga salita.

KONOTASYON
Ito ay pansariling kahulugan ng isa o grupo ng tao sa isang salita. Ang kahulugan
ay iba sa pangkaraniwang kahulugan.

E. KASINGKAHULUGAN AT

KASALUNGAT KASINGKAHULUGAN
Ito ay kagaya, katulad o kapareho ng ibig sabihin at implikasyon ng isang salita.

KASALUNGAT
Ang kahulugan ay kabaligtaran ng salita.

MGA HALIMBAWA

PAHIWATIG NA KONTEKSTWAL (Context Clues)


a. Depinisyon
Halimbawa: Hindi niya masikmura ang mahahayap na salitang binigkas ng
kanyang kaaway.
b. Karanasan
Halimbawa: Labis ang kanyang pamimighati sanhi ng walang paalam na pag-alis
ng kanyang minamahal.
c. Salungatan
Halimbawa: Ang kabuktutan ay hindi dapat na magkubli sa anino ng
kabayanihan.
d. Pahiwatig
Halimbawa: Ang pagsulong ng isang bayan ay makakamit matapos ang mahusay
na pagtutulungan ng mamamayan at pamahalaan.
e. Pagsusuri
Halimbawa: karimlan ka- + dilim + -an

4
DENOTASYON AT KONOTASYON
SALITA DENOTASYON KONOTASYON
1. ahas makamandag na hayop taong traydor
na gumagapang
2. basang sisiw sisiw na basa batang kalye
3. balitang kutsero balita ng kutsero gawa-gawang istorya
4. nagpantay ang pantay ang paa patay na
paa
5. pusang itim uri ng hayop na nagbabadya ng
nangangalmot, kulay itim kamalasan
at ngumingiyaw

KASINGKAHULUGAN AT KASALUNGAT
SALITA KASINGKAHULUGAN KASALUNGAT
1. maliit munti malaki
2. tangis luha halakhak
3. tuso tapat mandaraya
4. sigurado tiyak alanganin
5. tumpak tama mali

PAGSASANAY

Para maunawaang mabuti ang aralin, gawin mo ang mga gawain sa ibaba. Higit na
unawa at sundin mo ang mga panuto.

GAWAIN 1
PANUTO: Basahin ang bawat pangungusap. Pagkatapos, piliin sa kahon ang
kasingkahulugan ng salitang may salungguhit at isulat ang gamit nito sa
pahayag. Kung depinisyon, karanasan, salungatan, pahiwatig, o pagsusuri.

1. Maraming konserbatibo o yaong mga taong may pagkiling sa tradisyon ang


namayani bago ang rebolusyon.
Kasingkahulugan:
Gamit:

2. Isang huwad na paglilitis ang naganap sapagkat ang mga hinarap na testigo,
binayaran upang idiin ang tatlong paring martir.
Kasingkahulugan:
Gamit:

5
3. Nagdurugo ang puso ng ina sa pagkawala ng kanyang anak.
Kasingkahulugan:
Gamit:

4. Ang pagpapatugtog ng plegaria ay simbolo ng pagdadalamhati ng sambayanan.


Kasingkahulugan:
Gamit:

5. Ang tinuligsa ng mga manunulat ang di- makataong pamamalakad sa bansa sa


paraang pinapurihan nito ang mga Pilipinong nagpamalas ng kadakilaan.
Kasingkahulugan:
Gamit:

tugtog sa patay pinupuna makaluma

nagdadalamhati hindi totoo

GAWAIN 2
PANUTO: Isulat ang kahulugang denotasyon at konotasyon ng mga
nasalungguhitan sa mga sumusunod na pangungusap.
1. Di maliparang uwak ang kanilang bukiring tinatamnan ng ibat ibang uri ng palay.
Denotasyon: Konotasyon:
2. Dumami ang mga nagbibilang ng poste dahil sa COVID-19.
Denotasyon: Konotasyon:
3. Bunga ng COVID-19, isang kahig – isang tuka na ngayon ang mga nawalan ng
trabaho.
Denotasyon: Konotasyon:
4. Dati, di mahulugang karayom ang mga pook-dausan ng mga magsisipagtapos na
mag-aaral.
Denotasyon: Konotasyon:
5. Huwag tayong umasa sa mga buwaya na nagpapayaman ng sarili para makamit ang
karangyaan sa buhay.
Denotasyon: Konotasyon:

GAWAIN 3
Panuto: Isulat sa kahon ang kasalungat at kasingkahulugan ng salitang nasa gitna.

1. PAYAPA

KASALUNGAT: KASINGKAHULUGAN:

6
2. KATITING

KASALUNGAT: KASINGKAHULUGAN:

3. KALUGOD-LUGOD

KASALUNGAT: KASINGKAHULUGAN:

4. SINSERO

KASALUNGAT: KASINGKAHULUGAN:

5. PRIBADO

KASALUNGAT: KASINGKAHULUGAN:

PAGLALAGOM

Mahusay ang ipinakita mong tiyaga upang matutuhan at maunawaan ang aralin
ang pagbibigay- kahulugan sa mga salita ay nakabatay sa konteksto ng pangun

APLIKASYON

Ngayon ang iyong kaalaman ay napagyaman sa tulong ng mga sinagutan mong

7
Ano ang iyong natutuhan tungkol sa kahulugan ng mga salita batay sa
konteksto ng pangungusap, denotasyon at konotasyon, at sa salitang
magkasingkahulugan at magkasalungat?

Natutunan ko po sa araling ito na

Bakit mahalagang matutunan ang kahulugan ng mga saita sa pamamagitan


ng konteksto ng pangungusap, denotasyon at konotasyon, at kasingkahulugan at
kasalungat nito?

Napagtanto ko na mahalagang matutunan

PAGTATAYA

A. PANUTO: Piliin ang angkop na sagot sa mga sumusunod. Bilugan lamang


ang titik.
1. Mababasa sa loob ng pangungusap ang kahulugan nito.
a. salungatan b. pahiwatig c. depinisyon d. pagsusuri
2. Ito ang literal na kahulugan ng mga salita na makikita sa diksyunaryo.
a. kasingkahulugan b. denotasyon c. kasalungat d. konotasyon
3. Ang kahulugan ng isang salita na iba sa pangkaraniwang kahulugan.
a. denotasyon b. konotasyon c. kasingkahulugan d. kasalungat
4. Ang lampa at makisig ay kabilang sa
a. kasingkahulugan b. kasalungat c. denotasyon d. konotasyon
5. Ang denotasyon ng pusong bato ay
a. puso na kasinghugis ng bato c. walang puso
b. bato na parang puso d. matigas ang kalooban

B. PANUTO: Gumuhit ng bola sa linya kung ang pares ng salita ay


magkasalungat at kung magkasingkahulugan iguhit naman ang puso.
1. aksidente – sakuna 6. makitid – malapad
2. presko – sariwa 7. bughaw – asul
3. araw – gabi 8. sarado – bukas
4. basa – tuyo 9. masipag – tamad
5. matayog – mataas 10.silid - kuwarto

8
C. PANUTO: Piliin at itambal ang kahulugan ng mga salitang nasa HANAY A sa
HANAY B, gumamit ng palaso ( → ). Pagkatapos isulat kung denotasyon o
konotasyon ang kahulugan..

HANAY A HANAY B denotasyon/konotasyon


1. gintong kutsara walang kabuluhan
2. buhay-alamang maunawain
3. maliwanag husto sa oras
4. kawayan nagbabadya ng kamalasan
5. walang kabagay-bagay batid
6. talastas pagsisikap
7. bukas ang isip malinaw
8. pusang-itim mahirap
9. maagap matayog
10. punyagi mayaman na angkan

 Failano, Alice. n.d. Filipino 6 dlp 4 "Magkasingkahulugan o Magkasalungat.”


SANGGUNIAN
https://www.slideshare.net/mobile/alicetejero9/filipino-6-dlp-4-magkasingkahulugan-
o-magkasalungat.
 Fortes, Dona A. 2014. “Pagkuha ng Kahulugan sa Pagbasa Fil 102”.. Scribd. Feb.
16,2014.
 https://www.scribd.com/doc/207358578/Pagkuha-Ng-Kahulugan-Sa-Pagbasa-Fil-
102.
 Guinoo, Jenita D. n.d. “Konotasyon at Denotasyon. Slideshare.
https://www.slideshare.net/mobile/JenitaGuinoo/konotasyonatdenotasyon.
 Juane,Kirsten Jade. n.d. “Mga Halimbawa ng Denotasyon at Konotasyon. Quizlet.
https://quizlet.com/146294748/mga-halimbawa-ng-denotasyon-at-konotasyon-flash-
cards.
 Manalastas, Jeaninay. n.d. Filipino 6–Aralin 6. “Pagkilala sa Salitang
Magkasingkahulugan at Magkasalungat.”
https://www.scribd.com/doc/99051862/Filipino-6-Aralin-6Pagkilala-Sa-Salitang-
Magkasingkahulugan-at-Maagkasalungat.
 Palero, Juan M. n.d. Filipino 9 “Konotasyon at Denotasyon.”
https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-9-konotasyon-at-denotasyon
 http://lrmds.depedldn.com/DOWNLOAD/MODYUL_22_PANGUNGUSAP_NA_NAGP
AP.PDF

9
Susi sa Pagwawasto

10

You might also like