Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Ikaanim na Aralin: Ang Mahinang Pundasyon

26 Ang bawat nakikinig ng aking salita ngunit hindi naman nagsasagawa ng mga ito ay
maitutulad naman sa isang taong hangal na nagtayo ng kanyang bahay sa buhanginan.

27 Umulan ng malakas, bumaha at binayo ng malakas na hangin ang bahay. Ito ay bumagsak at
lubusang nawasak.

(Mateo 7:26-27 Basahin din ang Deuteronomio 31:9-12)

Taong Agosto 2, 1968, sa oras na 4:19 ng umaga; ang lindol sa Casiguran na may 7.3-magnitude
ang nagpabagsak sa Ruby Tower. Ang layo ng Casiguran sa Ruby Tower ng Maynila ay 200 km
(120 mi). Ang building ay parang pancake na bumagsak. Ang dahilan: “poor construction
including insufficient reinforcement in columns, and joints not built to specifications."

Hindi maari na maghiwalay ang pakikinig at pagsasagawa. Ang nakikinig ngunit hindi
nagsasagawa ay “taong hangal” ayon kay Cristo (tal. 26). Mahalaga ang pagtuturo na dapat
gawin ng magulang, pastor, at mga guro. Narito ang isang eye-opener nakataga:

“They, then, who knowingly withhold sustenance from a newborn child, and he dies, are guilty
of infanticide. And, by the same reasoning, they who refuse to enlighten the intellect of a rising
generations, are guilty of degrading the human race! They, who refuse to train up children in the
way they should go, are training up incendiaries and madmen to destroy property and life, and to
invade and pollute the sanctuaries of society.”

Horace Mann, 1846

Mapapansin ninyo na ang pakikinig na lamang ang ginamit sa talinghaga at hindi pagtingin. May
halaga naman ang katagang ito, “What you are speak so loudly I cannot hear what you say.”
Ngunit ang diin ng mga talata ay nagsasaad na ang pandinig ay sa loob at ang role model na
titingnan lamang dito ay si Cristo at hindi ang sinumang tao. Ating tandaan na iisa lang ang guro
na dapat pakinggan at ang nag-aaral ay ikaw. Ito ay singular sa teksto. It's between you and
Christ kaya sa pagkaunawa ng sumulat nito ay walang dapat sisihin kapag nasira ang iyong
buhay.

Narito ang pagkakawangki at pagkakaiba ng dalawang tao sa talinghaga.


+ Hangal (moros) + Nakikinig + Matalino (sophos)

+ Hindi nagsasagawa + Nagtayo ng bahay + Nagsasagawa

+Nagtayo ng bahay sa +Umulan, bumagyo, binayo +Nagtayo ng bahay sa


ibabaw ng buhanginan ng malakas na hangin ang ibabaw ng bato
bahay
+Nagiba at lubos na nawasak + Hindi nagiba dahil matibay
ang pundasyon

Pagkakaiba Pagkakapareo Pagkakaiba

TANDAAN ang sinabi ni Cristo sa Lukas 6:49, “Ngunit ang nakikinig naman ng aking salita at
hindi tumutupad nito ay katulad ng isang taong nagtayo ng bahay nang walang pundasyon. Nang
bumaha at bumugso ang tubig sa bahay na iyon, kaagad itong bumagsak at lubusang nawasak.”
Limiin natin na ang sinasabi ng talata ay “nakikinig ng akingsalita” at hindi ang salita ni pastor,
ng diakonesa, si tatay at si nanay, o si lolo at si lola. Ang mga payo at turo nila ay mahalaga
ngunit iisa lang ang guro na nagsabing “nakikinig ng aking salita” Ito ay walang iba kundi si
Cristo.

Si Whitney Elizabeth Houston ay isang sikat na singer na nahasa ang boses sa pagiging miembro
ng korista ng Baptist Church. Nakabenta ng 100 million na album, “top-selling female R&B
artist ng ika-20 siglo.”at Grammy Award winner.
Noong ika-11 ng Pebrero, 2012, si Whitney Elizabeth ay namatay sa isang hotel bathtub. Siya ay
inatake sa puso at nalunod. Nagkaroon siya ng sakit na atherosclerotic heart disease. Nalulong
siya sa paggamit ng cocaine.

Binanggit natin ang buhay ni Whitney Houston sa aral ngunit huwag ipakahulugan na ang
sumulat ay mapanghatol. Siya ay nakapundasyon sa Salita ng Diyos ngunit malinaw na kayang
sirain ng drug abuse ang buhay ng isang tao. Mag-ingat tayo sa pang-aabuso ng drugs dahil ang
utak ang sinisira nito! May paalala si Apostol San Pablo sa Roma 12:2, “Huwag kayong
makiayon sa takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang inyong pag-
iisip upang maunawaan ninyo ang Kanyang kalooban”

Mga Katanungan:
Ano ang kalagayan ng pundasyon ng iyong buhay spiritual?
a) Madaling yugyugin at gibain?
a) Matibay?
b) Papasira na at nangangailangang magtayo uli?

Ang guro ay iisa (singular) at ang kanyang disipulo ay iisa lang din ayon sa talinghaga. Bakit
walang dapat sisihin kapag nasira ang buhay mo kundi ikaw lang?

You might also like