Professional Documents
Culture Documents
Ikalawang Grupo
Ikalawang Grupo
Galvez
Bahagi ito ng larang ng linggwistika na may kinalaman sa lugar ng wika sa mas malawak na
konteksto ng lipunan at kultura nito, at ang papel nito sa paggawa at pagpapanatili ng mga kultural
na kasanayan at mga panlipunang kaayusan. Tinitingnan sa antropolohikal na linggwistika ang wika
sa pamamagitan ng lente ng antropolohikal na konsepto,–kultura–upang makita ang kahulugan sa
likod ng paggamit, maling paggamit o hindi paggamit ng wika, ng iba’t ibang anyo nito, mga rehistro
at estilo. Interpretatibong larang ito ng paghihimay-himay sa wika upang makahanap ng kultural na
pag-unawa. Katulad ng sosyolohiya ng wika, ito ay may kaugnayan din sa sosyolinggwistika. Kung
ang hanap ng larang na ito ay makahanap ng kultural na pag-unawa sa likod ng pag-uugali sa wika,
ang sosyolinggwistika naman at tumitingin sa wika bilang panlipunang institusyon na nagdadala ng
panlipunang interaksyon (Foley, 1997).
2.7 ETNOLINGGWISTIKA
Ugnayan ng wika at kultura ang tunon ng larang na ito sa pag-aaral ng wika. Ayon kay
Underhill (2012) pag-aaral ito sa relasyon sa pagitan ng wika at komunidad. May konotasyon ang
larang na ito kung pagbabatayan ang kasamang salita nitong etnik/o na maaaring tumukoy sa mga
marhinal na grupo – mga Lumad, Igorot, Meranao, at iba pa. Paliwanag ni Underhill, may dalang
konotasyon ang pang-uri na etnik (sa etnolinggwistika) na iba dahil sa mga marhinal na grupo.
Habang ito naman ay maaaring mangangahulugang karaniwang grupo gaya ng imigrant na grupo, at
mayoryang grupo. Gayunpaman, sa lente nito higit ang pagtingin sa pag-aaral ng wika sapagkat ito
ay isang larang ng lingguwistika na pag-aaral ng ugnayan sa pagitan ng wika at kultura, at ang paraan
ng iba’t ibang grupo ng etniko na nakikita ang mundo. Ito ang kumbinasyon sa pagitan ng etnolohiya
at lingguwistika. Kinikilala rin ito bilang kultural na linggwistika. Halimbawa, mauunawaan lamang
ng mga kapatid nating Meranao ang konsepto at pagpapakahulugan ng rido ngunit kahit
maiintindinhan ito ng mga Kristiyano, hindi pa rin lubos itong maramdaman sapagkat wala sa
kanilang kultura.
May maraming mga posibleng relasyon sa pagitan ng wika at lipunan. Isa na rito ang
panlipunang istruktura na maaaring makaimpluwensya o kumilala ng linggwistikong istruktura at/o
pag-uugali. Halimbawa rito ang ating bansang Pilipinas na may iba- ibang wika na sinasalita dahil sa
anyo nito na pulo-pulo. Ang mga barayti ng wika na ginagamit rito ay sumasalamin sa kanilang
kinabibilangang rehiyon, sosyal o etnikong pinagmulan at maaaring kasarian rin. Gayundin, ang
Pilipinas bilang bansang sinakop ng ilang taon ay naging dahilan rin para makabuo ng wika o
makapagpaunlad ng wikang pinaghalo ng wika ng mananakop (halimbawa Kastila) at wikang
bernakular – gaya ng Chavacano sa Lungsod ng Zamboanga. Ang mga nabuong wika rito ay wika ng
lipunan na higit na ipinapaliwanag sa mga salik na tinalakay sa ibaba.
3.2 DIYALEKTO
Batay sa laki, ang wika ay mas malaki kaysa dayalekto. Ang varayti na tinatawag na wika ay
may mas maraming aytem kaysa dayalekto. Kaya ang Filipino ay isang wika na bumubuo sa lahat ng
dayalekto nito tulad ng Filipino sa Metro Manila, Filipino sa Baguio o Filipino sa iba pang lugar sa
Pilipinas. Iba pang halimbawa ay Cebuano- Iligan, Cebuano-Cagayan de Oro, Cebuano-Bohol atbp.