Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Mahiwagang Buslo

Sa isang Sitio ng Pine Tree, may nakatira na isang dalagita na nagngangalang Olivia. Siya ay
ulila na sa ama at naninirahan kasama ang kaniyang ina at dalawang nakababatang kapatid na
sina Oliver at Oscar. Bilang nakatatandang kapatid responsibilidad ni Olivia na pangalagaan
sila at tulungan ang ina sa kanilang pang-araw-araw. Hinahangaan si Olivia sa kanilang lugar
dahil sa kaniyang angking ganda at kabutihan ng puso. Isang araw napagdesisyunan ni Olivia
na pumunta sa bayan para maghanap ng trabaho. Ayaw sana pumayag ng kanyang ina pero
mapilit si Olivia kaya wala nang nagawa pa ang kanyang ina at ito’y pumayag din.

Isang umaga nagising si Olivia sa isang maningning na awit ng ibon, hudyat na para siya ay
bumangon at maghanda para sa mahabang paglalakbay patungo sa bayan. “Inay, mga kapatid
ko ako’y aalis na para maghanap ng trabaho. Mag-iingat kayo dito at ako din ay babalik
kapag nakapag-ipon na ako.” Ang sabi ni Olivia na mangiyak-ngiyak pa. “Mag-iingat ka
anak at sana’y gabayan ka ng Diyos sa iyong paglalakbay.” saad din ng kanyang ina. At
sila’y mahigpit na nagyakapan.

Bitbit ang buslo niya na pinaglagyan niya ng mga gamit, may ngiti sa labi na umalis si Olivia.
Sa kanyang paglalakbay siya ay natutulala sa kanyang mga nakikita, magaganda at
mahalimuyak na mga bulaklak, magagarang mga sasakyan at naglalakihang mga gusali. Siya
ay tuwang-tuwa at manghang-mangha. Sa kanyang paglalakad may nakita siyang nakapaskil
sa bakuran ng isang napakagarang bahay, naghahanap raw sila ng kasambahay. Agad na
kumatok si Olivia. “Mamasukan po sana ako bilang isang kasambahay, nakita kop

S
“Twit, twit, twit,” awit ng mga ibon sa umagang kayganda.
“Nena, handa na ang agahan at kumain kana.” wika ng kanyang ina.
Inaantok pa po ako inay! Bigyan nyo pa po ako ng sampung minuto para makaidlip pa.
Hinayaan na lamang ng ina si Nena sa kanyang mahimbing na pagtulog.
“Brooom, broom, broom,” malakas na huni ng motorsiklo ng kanilang kapitbahay.
Napabalikwas ng bangon si Nena. Naku! Mahuhuli na ako sa klase. Dali-dali siyang naligo,
nagsipilyo at kumain ng kaniyang agahan. Paalam po inay, ako’y aalis na. Tumango na
lamang ang ina na may pagtataka.

“Piiiip, piiip, piiip,” busina ng mga sasakyan sa kalsada. Hindi na tumitingin si Nena sa mga
nakakasalubong niyang mga sasakyan dahil sa kanyang pagmamadali. Hindi na din siya
sumusunod sa batas trapiko. Pagkakita niya sa pampasaherong jeep na may bakante, agad na
umakyat si Nena.

“Mamang drayber, sa eskwelahan po ako ng J. Hector Lacson Elementary School” ang sabi
ni Nena.
Pagdating sa paaralan, nagulat si Nena kung bakit walang mga tao at sirado pa ang gate.
Nakita siya ng kaibigang si Mara. “Nena, anong ginagawa mo dito sa paaralan?” “Mara, wala
ba tayong pasok ngayon?” Hindi mo ba alam na ideneklara na walang pasok ngayon sa buong
bansa dahil ipinagdiriwang natin ngayon ang araw ng mga bayani.
“Naku! Nakalimutan ko ngayong araw pala ‘yun.” Salamat Sara at ako’y uuwi na lamang.
Pangiti-ngiti si Nena habang naglalakad pauwi. Habang naglalakad naisip ni Nena na,
“muntik na akong masagasaan kanina at hindi pa ako sumunod sa batas trapiko dahil sa aking
pagmamadali”. Sa susunod dapat gumising ng maaga para makapaghanda ng maayos at hindi
nagmamadali para maiwasan ang mga sakuna sa kalsada.

You might also like