Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

BSN3F2

Malikhaing Komunikasyon
M1-Panghuling Gawain

Hindi maitatangging nabahiran na ng Liberalismo ang kasalukuyang panahon. Marami nang


bagay ang hayagang naipapakita sa lipunan at marami na ring paksang lantaran nang
napag-uusapan. Ilan sa mga ito ay ang hayagang pagladladlad ng mga taong nasa ikatlong
kasarian kasaba’y ang mga mahahalay na salitang kanilang binibitawan. Gayunpaman,
bagama’t nagbago ang antas ng kanilang kumpyansa at kalayaang ipahayag ang sarili, hindi
ganon kaganda ang naging pananaw ng lipunan sa liberalismong ito. Kabilang sa mga gawi na
hindi nagugustuhan ng karamihan ay ang pagiging garapal ng ilan sa kanila, pagbibitaw ng mga
malalaswang pananalita, lantarang pagsagot sa tawag ng laman, inaakalang maling uri ng
relasyon at kagaslawan ng kanilang mga kilos. Sa kabila nito, hindi nito sinasalamin ang lahat
ng kabilang sa ganitong kasarian at lalong-lalong hindi ito maaaring pagbasehan ng kanilang
buong pagkatao. Marahil na ang pagpapakita ng katotohanang ito ang naging inspirasyon ni
Jun Robles Lana upang buuin ang isang pelikula na sumasalamin sa kapighatian, kabiguan,
pagkakamali, gawi, kaligayahan at tunay na pagkatao ng mga bakla na karaniwang hindi
nalalaman ng mga taong humuhusga sa kanila.Ginamitan ng teoryang Eksistensyalismo ang
ilang eksena dahil makikita natin dito ang kakayahan nilang magdesisyon para sa kanyang sarili
sa kabila ng mga maaaring sabihin o isipin ng ibang tao at kalayaang patakbuhin ang sariling
buhay kabilang na ang pagsasakatuparan ng kanyang mga personal na kagustuhan ng walang
pag-aalinlangan. Ginamit din dito ang Realismo dahil nakita natin na pinilit nitong takasan ang
mga mabababaw na paksa sa halip ay gumamit ng mga makatotohanan at liberal na pananalita
upang higit na maging makatotohanan ang pagtalakay saisyung panlipunan. At ginamit din dito
ang teoryang Queer dahil malaki ang gampanin ni Barbs sa kabuang daloy ng kwento, sya ay
nagpakita hindi lamang nang pagiging binabae bagkus ay inihayag nya sa kanyang mga kilos
ang matatag na relasyon ng mga taong nasa ikatlong kasarian. Dito niya inilarawan ang isa sa
mga pinakamagandang katangian ng mga taong katulad nila. Ito ang siyang naging dahilan
kung bakit nauugnay ang Teoryang Queer sa kanyang katauhan.

You might also like