Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

St. Joseph College–Olongapo Inc.

CHIST IS THE CENTER

Pangalan: MEJOS, JEOVEN DAVE T. Guro: JONAT


Seksyon at (B-2) Iskedyul: TUWING MARTES
Block: BLOCK B 8PM TO 5PM

ISIPIN
Maituturing bang wika ang tunog na maririnig sa mga hayop?

Totoo nga ba na ang huni o tunog ng mga hayop ay maituturing na wika? Para po sa akin ang
sagot ko’y, oo, maituturing na ang mag tunog na galing sa hayop ay nakabubuo ng isang makabuluhang
wika, mula sa kanilang mga huni, kilos, galaw o ano mang mga aktibidad na kanilang ginagawa. Marahil
ang mga huni ng hayop ay may iba’t ibang ibig sabihin. Ngunit hindi naman ibig sabihin nito na hindi na
maituturing na wika ang mga naririnig sa mga hayop. Ginagawa ito ng mga hayop, na naayon sa kanilan
pakikipag-usap sa kapwa nila hayop, o maging sa kanilang sariling uri, o pangkat kabilang ang hayop na
nakabubuo ng makabuluhang tunog.

TASAHIN

Panuto: Maghanap ng nathalang saliksik na artikulo hinggil sa wikang Filipino. Kopyahin ang
abstrak nito at sumulat ng papel paninindigan na ito ay gawaing panlingguwistika.

Pamagat:
KAKAYAHAN SA PANGGRAMATIKANG FILIPINO NG MGA MAG-AARAL NG GRADE
9 LABORATORY HIGH SCHOOL NG PRESIDENT RAMON MAGSAYSAY STATE UNIVERSITY

May Akda: Rex M. Misa

Abstrak:
ABSTRACT: Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa kakayahan sa panggramatikang filipino og mga
mag-aaral na nasa Grade 9 ng Laboratory High School sa President Ramon Magsaysay State University
taong panuruan 2018- 2019, at natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod; Ang antas ng
kakayahan ng mga tagatugon sa panggramatikang Filipino ay nakapagtamo ng "Beginning" sa pagpili ng
wastong salita, kayarian ng pangungusap at lohikal na organisasyon. Ang antas ng kakayahan ng
tagatugon sa panggramatikang Filipino ay nakatamo ng "Developing" sa wastong gamit ng salita, ayos ng
pangungusap, pagbuo ng pangungusap at mekaniks. Ang mungkahing modyul ay kailangan bilang
kagamitang pampagtuturo. Ang pagtataya sa mungkahing modyul ayon sa kabiston ay lubusang
sumasang-ayon. Lumalabas na walang makabuluhang kaugnayan angakademikong performans sa
Vz I S I O N MISSION CORE
St. Joseph College envisions a Christ-
To prepare self-directed,
VA L U E S
centered, dynamic and effective school Responsible, humane, God-
community that adheres to the Catholic Loving and environment- Competence
Philosophy of Education and national Caring citizens and leaders who are
academically and vocationally equipped to
Moral Uprightness
development goals.
cope with life and to be ready to serve others Service
St. Joseph College–Olongapo Inc.
CHIST IS THE CENTER

kakayahan sa pagsusuri ng gramatikong Filipino ng mga mag-aaral. Matapos malaman ang resulta ng
pag-aaral, nabuo ang mga sumusunod na mungkahi: Higit na pag-ibayuhin ng mga guro sa Filipino na
maging mapamaraan at malikhain pagtuturo ng wasto at angkop na gamit ng salita sa loob ng
pangungusap upang malinang sa kanila ang kawastuhan sa gramatikang Filipino nang magamit nila ito ng
maayos sa kanilang kasanayang pasalita at pasulat. Paunlarin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa
pagbibigay ng maraming halimbawa sa mga tiyak na sitwasyon at sa iba pang pagkakataon. Paunlarin ang
kakayahan ng mag-aaral sa pagsulat ng artikulong may lohikal na organisasyon ng bawat kaisipan at
maging ang paggamit ng angkop sa tuntuning ng pagbabantas, pagbabaybay at kapitalisasyon. Ang
binuong modyul ng mananaliksik ay maaring gamitin ng mga guro sa Filipino upang mapaunlad nang
husto ang kanilang kagalingan sa wasto at angkop sa paggamit at pagpili ng mga salita at maging sa
pagsulat ng isang artikulo. Ang mga mananliksik at mga guro ng wika ay nararapat na magsagawa ng
higit na mas malalim na katulad na pag-aaral na magpapakita ng kaugnayan sa resultang natamo sa pag-
aaral na ito sa pamamagitan ng malalim pag-aaral tungkol sa kakayahan sa panggramatikang Filipino ng
mga mag-aaral.

Mga patunay:

1. 1. Pagpili ng wastong salita. Ito ay ang wasto at angkop ng pagkakagamit ng salita sa isang
pahayag. May mga salita tayong ginagamit na ang akala natin ay tama o wasto at maari
itong magpalitan o malayang magpalitan ayon sa pagkakagamit, ngunit hindi naman,
kung ibabatay natin ito sa istriktong tuntuning pambalarila tulad ng paggamit ng
eupemismong pahayag o paglulumay na pahayag upang mas maganda at kaaya-ayang
pakinggan kaysa sa orihinal nitong kahulugan
2. 2. Wastong paggamit ng salita. Ito ay kaangkupan ng paggamit ng salita na makatutulong
upang maging maayos, malinaw at mabisa ang pagpapahayag. Ito ang sangkap upang
mas maging maganda at kaakitakit ang pahayag. Ilang halimbawa nito ay ang mga
sumusunod. Paggamit ng NANG at NG, Mayroon at May, Pahirin at Pahiran, Subukin at
Subukan, Kung at Kung at iba pa. Ayon kay Lomtong hinalaw ni Heramia (2017),
pinakabiktima ng maling paggamit ng mga balarila ay ang nang at ng. ginagamit ang nang
bilang kasing kahulugan ng noong, para at upang. Samantalang ang ng naman ay
ginagamit tuwing sinusundan ito ng pangngalan (noun). Ang ilan sa nasabing halimbawa
kung tutuusin ay maliliit na salita lamang. Bagkus, pinuna nito ang maling paggamit ng
mga karaniwang parirala na aklat ng nakararami ay wasto.
3. ami ay wasto. 3. Ayos ng Pangungusap. Ito ay ang tamang pagkaka-ayos ng pangungusap
sa pahayg. Karaniwang binubuo ng Karaniwang Ayos at Di-Karaniwang Ayos. Karaniwang
Ayos kung ito ay pinangungunahan ng Panaguri at susundan ng Paksa o Simuno at Hindi

Vz I S I O N MISSION CORE
St. Joseph College envisions a Christ-
To prepare self-directed,
VA L U E S
centered, dynamic and effective school Responsible, humane, God-
community that adheres to the Catholic Loving and environment- Competence
Philosophy of Education and national Caring citizens and leaders who are
academically and vocationally equipped to
Moral Uprightness
development goals.
cope with life and to be ready to serve others Service
St. Joseph College–Olongapo Inc.
CHIST IS THE CENTER

lantad ang “ay”. Di-Karaniwang ayos kung ito ay pinangungunahan ng Paksa/Simuno at


sinusundan ng Panaguri ay lantad ang “ay” Tanawan, S., Lartec, J. at Nacin, A. (2008).

TASAHIN
Panuto : Gumawa ng posisyong papel hinggil sa mahalagang ambag ng mga Criminology
Student sa gawaing panlingguwistika.

Maraming mga bagay sa lipunan ang nag-uudyok sa atin upang kumilos sa buhay, kaya naman
tayong mga Pilipino ang ating pangunahing kalakasan ay ang paghubog ng ating mga kaisipan,
katalinuhan, na siyang nagbibigay sa atin ng lakas upang magpatuloy sa buhay. Bilang isang mag-aaral ng
St. Joseph College, na kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Criminology paano nga ba tayo
nakatutulong sa pag ambag sa mga gawaing panlingguwistika?
Marahil mayroon tayong iba’t ibang kakayanan upang tayo at magkaroon ng silbi, o ganap na
mayroong pakinabang bilang isang ganap na tagapagsalita sa lipunan na kung saan ay nagkakaroon tayo
ng kagandahang pananalita pagdating sa ating komunidad. Ginagamit natin ang ating mga natutunan sa
nakalipas na mga taon na ginugol natin sa pag-aaral upang malinang natin ang ating mga kakayanan
bilang isang Mabuti o maging ganap na prodaktibong mag-aaral pagdating sa larangan ng pakikipag-
talastasan. Halimbawa nito, kung tayo ay isang ganap at mapagkakatiwalaang pulis, ay masasalamin sa
ating sarili ang kaugalian ng isang linggwistikang tao, gaya ng pagbibigay ng direksyon sa mga taong
hindi alam o pamilyar sa isang lugar.
Sa paglalahad, ang mga pangunahing kaganapan sa ating buhay ay nakatutulong upang higit
nating mapaunlad ang pakikipag-usap sa iba’t ibang tao na siyang nagbibigay sa atin ng kalakasan sa
hinaharap. Magiging ganap na epektibong lingguwistika ang isang tao, kung patuloy itong nagiging
maalam sa iba’t ibang uri ng salita, at ito ay mabibigyan ng kaukulang impormasyon, at maibabahagi ng
ibang tao, sa mga taong gusto namang matuto.

SANGGUNIAN

https://www.ajhssr.com/wp-content/uploads/2021/10/I215105868.pdf
https://www.slideshare.net/jaszh12/pananaliksik-sa-filipino-11-final
https://www.academia.edu/1362358/Katayuan_at_ambag_ng_linggwistiks_sa_Pilipinas_1898_1998_

Vz I S I O N MISSION CORE
St. Joseph College envisions a Christ-
To prepare self-directed,
VA L U E S
centered, dynamic and effective school Responsible, humane, God-
community that adheres to the Catholic Loving and environment- Competence
Philosophy of Education and national Caring citizens and leaders who are
academically and vocationally equipped to
Moral Uprightness
development goals.
cope with life and to be ready to serve others Service

You might also like