Gayundin ang tao, kailangan niya ng gabay sa pagpapasya upang
hindi siya magkamali; nang sa gayon, magkaroon ng tamang direksiyon sa pagkamit ng mga layunin.
Ano nga ba ang kahulugan ng Personal na Misyon sa Buhay?
Ito ay katulad ng isang personal na Kredo o isang motto na nagsasalaysay kung paano mo ninanais na dumaloy ang iyong buhay. Ito ay magiging batayan mo sa iyong gagawin na mga pagpapasya sa araw-araw. Isang magandang paraan ito upang higit mong makilala ang iyong sarili at kung saan ka patutungo. Nagsisilbi itong simula ng matatag na pundasyon sa pagkakaroon mo ng sariling kamalayan at mataas na pagpapahalaga sa iyong mga layunin sa buhay. Hindi madali ang paglikha nito, dahil nangangailangan ito ng panahon, inspirasyon, at pagbabalik- tanaw.
Ayon din kay Covey, ang paggawa ng personal na misyon ay
nararapat na iugnay sa pag-uugali at paniniwala sa buhay. Sa paglikha ng Personal na Misyon sa Buhay, makatutulong na magkaroon ka ng pansariling pagtataya o personal assesment sa iyong kasalukuyang buhay. Ang resulta nito ay magiging kapakipakinabang sa iyong mapanagutang pasya at kilos Bakit nga ba mahalaga na magkaroon ng direksiyon ang buhay ng tao? Una, sa iyong paglalakbay sa buhay mo ngayon, ikaw ay nasa kritikal na yugto ng buhay. Anuman ang piliin mong tahakin ay makaaapekto sa iyong buhay sa hinaharap. Kung kaya't mahalagang maging mapanuri at sigurado sa iyong gagawin na mga pagpapasya Ikalawa, kung hindi ka magpapasya ngayon para sa iyong kinabukasan, gagawin ito ng iba para sa iyo, halimbawa ng iyong magulang, kaibigan, o ng media. Kung kaya't dapat na maging malinaw sa iyo ang iyong tunguhin sapagkat kung hindi, magiging mabilis para sa iyo na basta na lamang sumunod sa idinidikta ng iba sa mga bagay na iyong gagawin.
Narito ang mga dapat mong isaalang-alang sa pansariling
pagtataya.
1.Suriin ang iyong ugali at katangian
Ang pangunahin mong katangian ang magpapakilala sa iyo kung sino ka, paano ka naapektuhan ng mundo na iyong ginagalawan, ano ang mahalaga sa iyo at paano ka kumikilos para sa iyong gagawin na pagpapasya. Anong limang katangian ang maglalarawan sa iyo? Ano ang gusto mong sabihin ng ibang tao sa iyo?
2. Tukuyin ang iyong mga pinahahalagahan.
Kailangang maging maliwanag sa iyo kung saan nakabatay ang iyong mga pagpapahalaga. Kung saan nakatuon ang iyong lakas, oras at panahon. Ang iyong mga pinahahalagahan ang magiging pundasyon mo sa pagbuo ng personal na misyon sa buhay. Sandali lang: Natukoy mo na ba ang iyong mga pinahahalagahan sa iyong buhay? Ano-ano ang mga ito? 3. Tipunin ang mga impormasyon. Sa iyong mga naitalang impormasyon, laging isaisip na ang layunin ng paggawa ng personal na misyon sa buhay ay mayroong malaking magagawa sa kabuuan ng iyong pagkatao. Ito ang magbibigay sa iyo ng tamang direksiyon sa landas na iyong tatahakin.
Q4 ESP 9 M6 Ang Isang Barkong Naglalayag Sa Dagat Sa Gabi o Sa Panahon NG Bagyo Ay Maaaring Mahirapan Sa Pagtahak NG Tamang Direksyon Tungo Sa Kanyang Destinasyon