Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Philippine medical team sa Turkey nakatulong

na sa 603 quake victims

Umabot na sa 603 Turkish na mga pasyente na


biktima ng lindol ang natulungan ng Philippine
Emergency Medical Assistance Team (PEMAT) sa
Turkey.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Office of
Civil Defense Assistant Secretary Raffy Alejandro na
tumatayo ring spokesperson ng National Disaster
Risk Reduction and Management Council
(NDRRMC), mahigit sa dalawang linggo na ang
medical team sa Turkey at tuluy-tuloy ang kanilang
pagbibigay ng tulong.
“Iyong ating urban search and rescue (USAR) team
naman ay nakatambay na siya at waiting for
instruction doon sa local authorities kung mayroon
pa silang kailangang ma-search na area,” ani
Alejandro.
Nasa 38 buildings na ang na-search ng Phl USAR
team kung saan apat na katawan ang kanilang
nakita.
Naghahanda na rin aniya ang grupo sa kanilang
pagbabalik sa bansa dahil hanggang Pebrero 24 na
lamang ang kanilang misyon at inaasahang babalik
na sa Pilipinas sa Marso 1.
Hindi naman aniya nag-request ang Turkey na i-
extend ang pananatili ng team ng Pilipinas.

You might also like