Script Draft 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

OPERATIONS MANAGEMENT

STORYLINE
SCENE 1
*** Interview***
Senti mood (video, medium shot)
Hi! Ako si Hannah, isa akong single mom and business owner

Interviewer: Anong pong business niyo?

Hannah: Baking, nagbebenta ako ng homemade banana and carrot cake

Interviewer: Ilan po anak niyo?

Hannah: Bale, dalawa,

(VOICE OVER)
si Bea yung panganay, masipag mag aral, achiever sa school, at talagang maasahan

(ADD LAYER)
*shot ni bea na nag aaral habang VO ni Hannah, then clips ni Bea na may sinasabi siyang kung ano ano
after

(BALIK INTERVIEW)
Hannah: Tapos yung isa naman,

(VO)
si Jecelyn yung bunso, ayun magaling, magaling din mag tiktok pero mabait naman kapag tulog

(ADD LAYER)
*tiktok ni jecelyn, habang nag VO , tas sa ending, behind the scene na ginagaya niya yung trend ni Anne
Curtis tas videographer niya si Camille
Mahirap po bang magpalaki ng dalawang anak?

Nako, mahirap talga lalo na at mag isa ko lang silang pinalaki, minsan sabay sabay ang mga gastusin

Pano niyo po yun nakaya?

Siguro gagawin mo talaga ang lahat para sa mga anak mo , magsasakripisyo ka ng oras, totoo yung
sinasabi nilang isusubo mo na pero ibibigay mo pa sa anak mo, lagi mo nag uunahin ang pangangailangan
ng anak mo bago sarili mo.

Kaya nag nagisip ako ng way para sa konting paraan man lang mabigay ko yung mga pangangailangan
nila, kaya ko rin naisip na gamitin lahat ng natutunan ko nung college about business lalong lalo na yung
Operations Management

END SCENE 1

SCENE 2

Setting: Bahay, nagka 1k followers si jecelyn

Jecelyn: OMG! MA! Naka 1k follower na ako sa Tiktok! Nag trending na mga videos ko

Hannah: Ganun ba anak, oh sakto nag luto ako ng favorite Ninyo na banana cake

Bea: Ayun, thank you ma

Jecelyn: Eto lang ma, banana cake lang talaga?

Hannah: Pasensya ka na anak ah, eto lang kaya natin ngayon, petsaa de peligro kasi eh
BEA/ JECELYN:
Ma, kailangan na po nating mag bayad ng ilaw sa Sabado

Ma, yung tuition din po namin

Si Ate Mirna rin po nasingil na rin po ng utang natin, dalawang buwan na raw po tayong di naghuhulog

Tsaka ma, may shoppee pala akong darating

*shot na stress na si Hannah tapos huminga ng malalim tas biglang napatingin sa banana cake tas camera
focus dun sa banana cake
Bea: Ma ansarap tlaga ng banana cake mo

Tas si jecelyn kasla nag tetake ng picture

Hannah: Ano kaya kung magbenta tayo ng banana cake, kahit sa bahay bahay lang

Jecelyn: Ay go lang ma! Perfect yan! Ako na bahala sa social engagement mo

Bea: Tulungan din kita sa paggawa at pagplano ng business ma

Jecelyn: Tatawagin natin siyang * name nung business , oh diba perfect

Bea: Ay maganda yan

*shot na tumatango lang si Hannah tas ngumingiti sa mga anak

END SCENE 2
SCENE 3

Hannah: kakayanin ko ba?

*shot na tinatype sa internet how to start a business tas may mga libro din siya tas some scene sa mga
video na pinapanood niya *montage na nagsuslat siya ng kahit ano, kunwari business plan

Tas vid effect sa clock na nag stay up siya ng late for that.

Tas yung song eh medj pang Kdrama Start up ost, pang motivate kimi ganon

Tapos kakatok siya sa kwarto ng anak niya

Hannah: Samahan niyo ako Anak, magpapayaman tayo

END SCENE 3

SCENE 4

Bea: Ma sight mo tong balita, bumaba daw yung presyo ng mga saging ngayon (ECONOMIC
FORECAST)

Hannah: Maganda yan anak, saktong sakto para pag kasyahin budget natin

Jecelyn: Tsaka Ma, marami rin akong Nakita sa internet na naghahanap ng mga pastries (DEMAND
FORECAST)

Hannah: Kapag nag benta tayo, alukin mo sila anak ah


Bea; Tsaka ma, may bagong labas na appliances ngayon oh, mura lang pwede mong magamit sa baking
(TECHNOLOGICAL FORECAST)

Hannah: Nako may mga gamit pa naman tayo diyan anak, pwede pa yun, pero kung lalago tong Negosyo
natin, tsaka tayo bibili niyan

Hannah: Oh siya, aalis lang ako at pupunta akong palengke para tumingin ng mga kakailanganin

Bea: Ma, pwedeng sumama?

Hannah: Nako wag na anak, siya pang dagdag sa pamasahe kapag sumama ka, sandali lang ako

Jecelyn: Pwedeng magpabili ng milk tea ma?

Hannah: Anak, nagtitipid tayo, oh siya alis na ako, bantayan niyong Mabuti ang bahay

Bea: Sigi po ma, baka magisip din mo pa kami ng mga kailangan pa natin pagplanuhin

Jecelyn: kami na gagawa ng mga logo, branding, tagline ma (MARKETING)

Bea: Tsaka kung san tayo pwedeng magbenta (LOCATION STRATEGY) tsaka mag research din kami
ng mga pwede natin mgaing problemkapag nag benta na tayo (FORECASTING)

Hannah: Salamat talaga mga anak ah, kakayanin natin to

END SCENE 4

SCENE 5
Procurement / Palengke Scene
Monatage nalang kasi mahirap magshoot sa public
*basta scene na naglalakad sa palengke
*bumibili
*nagchecheck ng quality ng product tas prices
*random scene nalang na bumibili

Habang VOICE OVER NG “KAILANGAN MURA PERO QUALITY THINGY BASTA ADLIB
NALANG" “TAS NAGCOCOMPARE NG PRESYO, TAS DITO NALANG AKO BIBILI MAS
MAKAKAMURA AKO” (SUPPLY CHAIN MANAGEMENT)
Location: Public Market/ Shop and bakes
END SCENE 5
SCENE 6
Hannah: Tama nga ang sinabi mo Bea, nagmura ang bilihin ngayon, bumaba na rin prseyo ng asukal at
itlog, kaya sinobrahan ko na rin ang binili ko kasama na mga packaging.

Bea: Mabuti naman ma, yung sobra gawin mo na ma, para mag pa free taste tayo jan sa mga kapit bahay
para may customer na tayo

Hannah: Kaso kamahal naman ng pamasahe ko, Mabuti nalang at hindi na kayo sumama (FINANCE)

Jecelyn: Tama yan, para pa picturan na natin at mapost sa kakagawa kong Facebook page ng business
natin,

Hannah: Sige, maliligo lang ako at pahanda na yung mga kakailanganan natin.\
END SCENE 6

SCENE 7
Bake scene

Naka mise and plus na

Bea: Ma, turuan mo kaming gumawa para alam na rin namin kahit sino sa atin ang gumawa may Quality
Control na tayo
Hannah: Sige anak, ikaw Jecelyn ano naman ginagawa mo puro ka cellphone

Jecelyn: vinivideo ko ma para pwedeng balikbalikan bawat steps

Hannah: Ay ganun ba, sige

Tas nagtuturo na siya keme adlib nalang, tas montage keme

Hannah: ilagay na natin sa oven, then mag wait tayo ng 45mins sa pagalsa

Tas bake scene lang ulit,

Tas pang ting ng oven back to interview scene

END SCENE 7

SCENE 8
Hannah: Dun nag start yung *name ng business, tapos sa awa ng DIyos at tulong ng mga anak ko, medyo
lumago lago. Kaya laking pasasalamat ko talaga sa mga loyal customers ko sa pagtangkilik ng banana
cake ko. Talagang nasa sarili natin ang pagunlad ng buhay.

Interviewer: Naging madali na po ba ang pag unlad?

Hindi rin eh, may mga problema rin kasi kaming mga hinarap, at grabeng pagod nadarama namin araw
araw, pero mas maganda na rin yun kaysa walang ginagawa at naghihirap.

END OF SCENE 8
SCENE 9

Hannah: Oh mga anak, eto pala sila Jane at Jed, anak ng ninang niyo, gusto raw nilang mag trabaho, eh
sakto medyo kinukulang tayo sa tao at medyo dumadami na order natin. Sana matulungan niyo kaming
maging successful tong business namin

Bea: Nako tamang tama, kailangan ko ng tulong sa paggawa ng mga financial reports natin, tsaka mag
asikaso ng mga legal documents katulad ng mga business permits at mag assist sa mga Gawain dito.
(GOVERNMENT REQUIREMENTS)

Jane: Nako Sakto, may background kami sa accountancy, may mga inputs kami na pwedeng makatulong
sa business niyo tita

Hannah: Mabuti kung ganon, oh siya Jane diyan ka muna kay Bea, tas Jed sumama sa akin sa kusina at
tuturuan kita pano yung proseso ng pag bake natin.

Jed: Sige po tita

END SCENE 9

SCENE 10
TRAINING SCENE
Hannah: Oh eto yung mga ingidients natin Jed, meron tayo blah blah blah
Jecelyn: Tapos Jed, eto dapat mga isusuot blah blah blah
Tas adlibs nalang about procedures

Jed; marami talaga kayong customer ano?

Jecelyn: SInabi mo pa, marami ng dumadayo at nagoorder sa fb page naming, mga umaabot ng 100
pieces nagagawa namin sa isang araw

Jed: Karami naman non, pano niyo yun nagagawang icater


Jecelyn: Tulong tulong, laging minamakesure ni mama na kompleto na ingredients umaga palang, then
nag start na kami magtutulong tulong para gumawa, bumili na rin kami ng malaking over para mas
mabilis yung trabaho, tsaka tsayagaan talaga. Mostly open na kami by 6:00 AM tas dun yung mga first
batch ng order para sa breakfast. Minsan pinipick up, yung iba naman nag rerequest ng deliver sa food
panda.

Jecelyn: tas Batch 2 naman Is hapon, pang meryenda gumagawa ulit kami. Pero hanggan 5:30 PM lang
kami nag ooperate, yun kasi nakikita namin para sumakto sa demand ng customers. (SCHEDULING)

Jecelyn: Ang hirap pa dati, isa lang yung oven namin non, bale 3 lang kaya sa isang sala sa oven, pero
ngayon, medyo nakaluwag nakabili na ng equipments na kaya mag cater ng 50 pieces per batch, kaya lagi
naming din linilinis tsaka chinecheck kung may sira na kasi gusto naming imaintain (MAINTAINANCE)

Jed: Maganda yan at namemaintain natin yung facility capacity, production demands, and personnel
necessary to maintain a reliable and stable process.

Jed: Gusto niyo ba dagdagan yung product natin, para kasing may nag tretrend ngayon na Carrot cake
(INVENTION)

Jecelyn: Ay Nakita ko rin yan, actually parang katulad lang din siya ng ginawa ng procedure ng banana
cake

Jed: Tama, sakto may carrot kayo diyan, gusto mo gawin natin

Jecelyn; Sige tsaka ipatikim natin sa kanila, para mahingi opinion nila kung pwede ibenta

END SCENE 10

SCENE 11

Tas scene nato ng finance about sa profit, habang nakain ng carrot cake tas decide na nilang iadd
then add nlang tayo ng ibang scene sa mismong shoot na hehe
Plottiwist: Nasa mental hospital pala si Hannah, baliw, tas yung nagiinterview doctor parang
assessment lang

Hannah: Yun lang ang kwento ko, doc

Interviewer: Salamat sa pagbabahagi ng kwento mo Hannah, sige Nurse pakibalik na siya sa


room niya

Tas ngingiti lang ng weird si Hannah sa cam

Tas mag VVO si interviewer: Malala na lagay niya (keme, basta ganon)

TAS open ended yung story.

Tas last after yung credits ng name, may sisigaw ng guard, may baliw dito. Tas the end

You might also like