Kahulugan NG Social Media

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

KAHULUGAN NG SOCIAL MEDIA- ang social media ay may interaktibong teknolohiya na

kung saan ang isang indibidwal at mga komunidad ay maaaring magbahagi, lumikha, tumalakay
at baguhin ang nilalamang binuo ng gumagamit. Ito ang nagbibigay daan sa isang matibay at
malaganap na pagbabago sa komunikasyon sa pagitan ng mga organisasyon, mga komunidad at
mga indibidwal.

PROS- Ang pangunahing benepisyo ng social media ay nagagamit ito ng nakakarami para sa
komunikasyon, tulad ng mga nagtratrabaho bilang OFW. Kahit nasa ibang bansa sila, maaari
nilang kausapin ang kanilang mga pamilya. Nakatutulong ito dahil maraming impormasyon
tayong makukuha at mas malawak pa na kaalaman. May iba't ibang uri ng social media, ang
sinasabing pinakakilala ay ang "Facebook" na kung saan ang gumagamit ay maaaring magpadala
ng mensahe, mag upload ng mga larawan, videos, makipagchat o makipagtalastasan sa iba't-
ibang parte ng mundo.

CONS- Ang social media ay mayroon ring mga negatibong epekto kagaya ng pagkabalisa at
depresyon para sa karamihan ng mga tao. Maaari rin itong maging sanhi ng disorder sa pagtulog,
kawalan ng oras sa pamilya, scams, o cheating na nagdudulot sa pagkasira ng isang relasyon.

Ang masasamang epekto nito ay maiiwasan kung may sapat na patnubay ng mga magulang ang
mga kabataan na gumagamit nito, at gayun na din dapat may sapat na self-control.

You might also like