Gr10 - Aralin - 1 - Isip - at - Kilos - Loob 2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Aralin 1 – Isip

at Kilos – loob:
Itaas ang
Antas ng
Paggamit
Masdan mo ang mga sumusunod na larawan. Sagutin
ang mga tanong at nakatakdang gawain pagkatapos
nito.

1. Ano ang pagkakatulad ng


tatlong (3) nasa larawan?

2. Ano ang pagkakaiba ng


tatlong ito?

3. Alin sa tatlo (3) ang


nakakahigit sa lahat?
Ipaliwanag.
Mayroong tatlong uri ng nilikhang may buhay sa mundo
1. Halaman
2. Tao
3. Hayop
❑ Katulad sa HALAMAN, ang tao ay nangangailangang
alagaan upang lumaki, kumilos at dumami. Kumukuha
siya ng sapat na sustansiya upang makaya niya ang
kanyang sarili.
❑Katulad sa HAYOP, ang tao ay may damdamin kayat
siyay nasasaktan marahil sa kapabayaan o
pagpapahirap.
❑ Natatakot siya sa kalamidad o sa epekto
ng pangyayari na hindi inaasahan.
Nagagalit siya kapag pinakutunguhan
nang hindi tama subalit kumakalma sa
tuwing pinakitaan ng pagkalinga.
❑ Subalit higit pa sa mga ito ang kayang
gawin ng mga tao sapagkat ang tao ay
nilikha ayon sa “WANGIS NG DIYOS” kaya
nga ang tao tinawag na kanyang obra
maestra.
o Ito ay may kapangyarihan na
MAGHUSGA, MANGATWIRAN,
MAGSURI, MAG – ALAALA at
UMUNAWA ng kahulugan ng mga
ISIP
bagay.
o May kakayahan itong matuklasan
ang katotohanan.
o Ayon sa paliwanag ni De Torre (1980),
ang kaalaman o impormasyong
nakalap ng pandama ng tao ay
pinalalawak at inihahatid sa ISIP
upang magkaroon ito ng mas
malalim na kahulugan
Paano naiiba ang tao sa
ibang nilikha?
Ang bawat indibidwal ay biniyayaan ng ibat
– ibang kakayahan na nagpapadakila sa
kanya. Ang mga katangiang ito ay
nagpapatingkad sa kanya, katangiang
taglay lamang ng tao na nagpapabukod –
tangi sa kanya sa iba pang nilikha.
Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr. ang tao ay may
tatlong (3) mahahalagang sangkap: ang ISIP,
ang PUSO at ang KAMAY o KATAWAN.
1. ISIP – Ang isip ay ang kakayahang mag – isip, alamin
ang diwa at buod ng isang bagay.
2. PUSO – ito ay maliit na bahagi ng katawan na
bumabalot sa buong pagkatao ng tao.
3. KAMAY O KATAWAN – sumasagisag sa
pandama, panghawak, paggalaw, paggawa at
pagsasalita (sa bibig o pagsusulat)
HALIMBAWA
❑ Ang tao ay nag – iisip sa tuwing siya ay gumagawa
ng desisyon.
❑ Ang tao ay nag – iisip sa umaga kung ano ang
gagawin niya sa kanyang paggising
❑ Ang tao ay nag – iisip sa tuwina ng pagkain na
kanyang kakainin.
❑ Ang tao ay nag – iisip sa tuwing siya ay nagsasagot
ng mga bagay o hindi naman kaya ay sa kanyang
pakikipagtalastasan sa kapwa.
KILOS – LOOB
o ito ay tumutukoy sa kapangyarihan mong
gumawa ng pasya o pumili ng mga bagay na
gagawin.
o Ang kilos – loob sa isip sapagkat
ibinibigay lamang ng isip ang
mga katuwiran bilang isang
kakayahan upang ang isang kilos
loob ay maimpluwensiyahan.
PARAAN NG PAGSASANAY AT
PAGGANYAK NG KILOS - LOOB
1. Kailangan may disiplina ka sa iyong sarili mas mainam din
kung marunong kang mag – control ng iyong emosyon.
2. Kailangan din na mayroon kang pagsusumikap, pagtitiis at
pagtitiwala
3. Kailangan na mayroon kang pagmamahal sa Diyos at sa
iyong kapwa.
4. Kailangan mayroon kang masusing pagsusuri at
pagpapasiya sa iyong mga desisyon bago o ito isagawa.
HALIMBAWA
o pagpili ng kursong kukunin sa kolehiyo
o pagpili ng mas babagay na damit sa iyo.
o pagpili ng mga pagkaing gusto mong kainin
o pagpili ng sasakyang gusto mong bilihin
o pagpili
ng disenyo ng bahay na gusto mong
ipatayo
#WeCare
#WeCollaborate
#WeCreate

Stay FOCUSed Ananians!

You might also like