Kabanata 4 Kabesang Tales

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Kabanata 4; Kabesang Tales

(Narrator 1 )
Si Kabesang Tales ay dating nakikisaka sa isang mayamang tao na may-ari ng lupain.
Ngunit nang magkaroon ng dalawang kalabaw at daang-daang piso ay nagsarili na
kasama ang kaniyang ama,asawa,at tatlong anak na sina Lucia, Tano, at Juliana o si
Juli.

Nagkaingin sila sa dulong bayan sa isang lupaing walang nagmamay-ari. Sa


kasamaang palad, sa panahon ng pagkakaingin ay nagkasakit ang buong pamilya ng
Malarya hanggang sa namatay ang asawa at panganay na anak nito na si Lucia.

Sa panahon ng pag-aani, isang korporasyon na pag-aari ng mga pari ang umangkin


ng lupain at pinagbayad sila ng buwis sa halagang tatlumpung piso. Bilang isang
tahimik at masunurin na tao, siya ay naging sunud-sunuran sa payo ng kaniyang
ama na si Selo.

(Narrator 1 )
Naging masagana ang kanilang ani at naipagbili ito sa mataas na halaga. Binalak ni
Kabesang Tales na magtayo ng bahay na kahoy sa baryo ng Sagpang at pag-aralin
ang mga anak nito lalo na ang babaeng anak na si Juli. Nang mga sumunod pang taon
ay naging masagana pa ang kanilang ani kaya’t tinaasan na ito ng buwis ng mga
prayle.

Dahil sa pag-asenso ng pamilya ni Tales, inihal siya bilang kabesa de baranggay at


mula noon ay tinawag na Kabesang Tales. Upang maiwasan ang hindi
pagkakaunawaan sa mga prayle at gobyerno ay pinaluluwalan niya ang mga taong
nakatala na hindi nakakapagbayad ng buwis.

(Narrator 2 )
Hindi pa dumarating ang susunod na taon ay muling dumating ang araw ng
pagbabayad ng buwis na higit na mataas kaysa dati. Nang umabot sa dalawang
daang piso ang buwis ay naging sukdulan na ang lahat kay Kabesang Tales at
tahasan na itong tumutol.
Pinagbantaan siya ng tagapangasiwa ng mga prayle na kung hindi s’ya magbabayad
ng buwis ay palalayasin sila sa lupain upang ipasaka ito sa iba. Dahil dito’y
nagkasakit si Kabesang Tales at nangayayat. Nakita niya ang sarili na kaawa-awang
nagsasaka sa gitna ng matinding sikat mg araw sa bukirin at napapaltos ang mga
paa sa pagtapak sa mga bato’t ugat.

Nagsawa na si Kabesang Tales sa pagbabanta ng mga pari at kahit kalahati ay ayaw


na niyang mag buwis. Nagbanta rin siyang ipagkakaloob lamang ang lupain sa
sinumang makakapagdilig ng dugong magmumula sa kanyang ugat.

(Narrator 2 )
Nakipagmatigasan si Kabesang Tales na hindi niya ibibigay ang kaniyang lupain
kaninuman hangga’t walang naipakikitang kasulatan ng pagmamay-ari. Tinanggap
ni Kabesang Tales ang asuntong iniharap sakanya ng mga prayle sa paniniwalang
mananaig ang katarungan.

(Narrator 2 )
Nagpatuloy si Kabesang Tales sa paggugol ng panahon at salapi upang maipanalo
ang asunto. Pabalik balik siya sa Kabisera at sa mga araw na hindi siya umaalis ay
nagpupunta siya sa kaniyang lupain, may dala siyang baril bilang proteksiyon sa
mga gumagalang tulisan upang maipagpatuloy ang paglaban sa asunto.

Ang mga hukom ay hindi makapanig sakaniya dahil mga takot na maalis sa
tungkulin. Wala silang maisip na paraan kundi ang himukin si Kabesang Tales na
magbayad ng buwis upang hindi makuha ang lupain nito. Ngunit tumutol si
Kabesang Tales. Walang nakapagpabago ng kaniyang pasya maging ang gobernador
na pinuntahan na siya para takutin.

(Narrator 3 )
Ipinatawag sa hukbo ang lalaking anak ni Kabesang Tales na si Tano,masyado itong
mabait upang maging isang guwardiya sibil. Hindi ipinagbayad ni Kabesang Tales
ng anumang halaga ang anak upang hindi kunin ng hukbo, sa halip ay pinayagan
niya itong umalis. Maraming hindi makapaniwala sa pangyayaring ito.
(Narrator 3 )
Pinagbintangan at pinaghinalaan si Kabesang Tales na may balak siyang patayin ang
sinumang nagtatangkang pasukin ang kaniyang lupain. Dahilan para matakot ang
mga pari at magbaba ng kautusan ang Kapitan Heneral na samsamin ang lahat ng
mga baril.

Pinagpatuloy parin ni Kabesang Tales ang pagbabantay sa kaniyang lupain at


nagdala ng gulok na kalauna’y pinalitan din ng palakol upang magsilbing kaniyang
proteksiyon.

Nakuha ng mga tulisan si Kabesang Tales at hiningan ng tubos na limang daang piso,
kung hindi ay papatayin ito matapos ang dalawang araw na palugit.

(Narrator )
Pumayag si Juli na ipagbili ang lahat ng kaniyang alahas,suklay,hikaw at maging ang
kaniyang rosaryo. Ngunit itinabi nito ang isang laket o agnos na may brilyante at
esmeralda na ibinigay sakanya ng kaniyang nobyo na si Basilio.

(Narrator 3 )
Sinubok nilang isanla ang kanilang bahay ngunit walang may gustong bumili rito,
hanggang sa may taong nagpahiram sakanila ng kailangang halaga kapalit ang
paninilbihan dito ni Juli.

(Narrator 3 )
Napakalungkot ng gabi. Balisa si Juli at sa guni guni’y nakikinitang ikakasal na sa
isang maganda at mayamang babae si Basilio, habang siya’y may hawak na
pamaypay para sa amo.

(Narrator 3 )
Magdamag na lumuha si Juli at umasa ng himala sa kinabukasan. Gumulo nang
gumulo ang kaniyang isip hanggang sa siya’y mapagal at dalawin ng antok.

You might also like