Mapanuring Salaysay - Prinzess Jimenez

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Mapanuring Salaysay sa

“"Maalaala Mo Kaya: Kwintas"


Prinzess Nemadeth F. Jimenez

Ang episode nito ay tungkol sa kwento ng pag-ibig ng dalawang tao. Nag simula ang
pelikula sa point of view ni Jason, siya ay isa sa mga promodiser sa isang Supermarket. Sa sunod
na mga eksena nalaman nating; si Jason ay gwapo at habulinng mga babae, isa shang babaero at
wla pang babae or relasyon na kanyang sineseryoso, at iniwan siya at ang kanyang nakakabatang
kapatid ng kanilang Ina para sa ibang lalaki. At dahil sa lungkot ay ikinamatay nito sa kanilang
Tatay.

Sa una palang nakita ni Jason si Rose siya ay agad na kurioso. Hindi na sya nag aksaya
pa ng oras at agad na tinanong and dalaga kung pwede ba silang lumabas. Nanibago si Jason ng
tumanggi si Rose sa kanyang alok, na para bang isa itong banta sa kanyang ego. Lumipas ang iba
pang mga eksena na silang dalawa ay nag-babangayan, na isipan ni Jason at kanyang mg
katrabahon na pag pustahan si Rose.

Isang araw nung naligtas ni Rose si Jason mula sa isang mananakaw, ay nag-iba ang pag
tingin nito sa dalaga. Mas lalong nakilala ni Jason ang dalaga at sa puntong iyon ay talaga nang
nahulog ang binata kay Rose, dahil nito na isipan ni Jason na seryosohin ang pag ligaw kay
Rose. Naglipas ang panahon at sa kalaunan ay natanto ni Rose na nahulog na pala sha para kay
Jason.

Pinakita tayo sa kaunlaran ng kanilang relasyon, maraming nangyari at talagang


sinubukan ang kanilang relasyon. Mula sa mga ekspektasyon na hindi nagkatugma, sa
pagsisunungaling ni Rose ukol sa kanyang Tatay, at sa nung nalaman ni Rose ang pustahan.
Naghiwalay sila at sa panahong ito dumating ang anak ng nag-mamayari ng mall. Dito ipinakata
na ang babae ay may gusto kay Jason at halatang galit kay Rose dahil ito ay pinaggalitan.

Halos sa lahat ng eksena akong nakatawa. Hindi ko nga lang alam kung dahil ba ito sa
script ng pelikula mismo o sa mga acting ng mga artista. Ngunit sa kabilang banda, talgang
napahanga ako sa walang dudang pag sabi ni Rose sa kung ano ang nararamdaman niya sa 1 st
monthsary nila. Nakakamangha rin ang dedikasyon ni Jason na suyuin si Rose. Kahit na parang
ang bilis ng pag pace ng salaysay ay nakakatuwa parin at may iba’t ibang mga leksyon na
maaring matutunan mula rito.

Sa aking pagkaka-unawa ang episode ng pelikulang ito ay pinamagatang “Kwintas” ay


dahil ito ang marka nung kalian talagang ang dalawa ay nagkaintindihan. At yung panahon
nayun din sila napanatag sa kanilang pagmamahal sa isa’t isa.

You might also like