Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

ARALIN

ARALIN 14
14

PAMAHALAANG
HAPONES SA PILIPINAS

GAWA NINA:

THERESE ANGELA SY
ALEX ROMANES Guro:
KERBY TALAMPAs Ginoong Randy Montiano
PAMAHALAANG HAPONES SA
PILIPINAS

MGA LAYUNIN:
Nasusuri ang sistema ng pamamahala sa panahon ng mga Hapones.
Nailalarawan ang sistema at balangkas ng pamahalaang kolonyal ng
mga Hapones
Naipaliliwanag ang mga patakaran at batas pang-ekonomiya tulad ng
War Economy at Economy of Survival at ang mga resulta nito
Naipaliliwanag ang ambag ng pagtatag ng Ikalawang Republika ng
Pilipinas at mga patakarang may kinalaman sa pagsasarili
PAMAHALAANG HAPONES SA
PILIPINAS
Sa pagbagsak ng Bataan at Corregidor ay tuluyan nang humina at nagapi ang
mga puwersang Pilipino at Amerikano na lumaban sa mga Hapones. Agad na
nagtatag ang mga Hapones ng administrasyong militar upang pamunuan ang
Pilipinas.
Ipinatupad ang ilang pagbabagong politikal, pang-ekonomiya, at panlipunan na
alinsunod sa layunin ng Japan sa pananakop.
Sa araling ito ay malalaman kung paano naging mailap pa rin ang kasarinlan sa
mga Pilipino. Bagama't matagal nang nais at matagal nang naghanda ang Pilipinas
na pamunuan ang sarili ay napasailalim pa rin ang bansa sa bagong mananakop.
Matututnghayan ang pagbabago ng politika, ekonomiya, at lipunang Pilipino sa
pamumuno ng mga Hapones.
PAMAHALAANG HAPONES SA
PILIPINAS
Ang pagsiklab ng ikalawang digmaang pandaigdig
Hindi pa man nagwakas ang sampung taon na ipinagkaloob ng mga Amerikano
bilang paghahanda sa ating pagsasarili ay sumiklab ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
Pinasabog ng Hapon ang malaking base militar ng US sa Pearl Harbor, Hawaii.
Matapos noon ay tumungo naman sila sa Pilipinas noong Disyembre 8, 1941 kung
saan binomba ng mga sundalong Hapones ang Pilipinas. Napasailalim tayo sa kamay
ng mga Hapones at tuluyang nasakop noong Enero 2, 1942 at pansamantalang
naunsiyami ang inaasam nating kalayaan.
PAMAHALAANG HAPONES SA
PILIPINAS
Ang pagsiklab ng ikalawang digmaang pandaigdig

DISYEMBRE 8, 1941 - Sinalakay at binomba ng puwersang Hapones ang Pilipinas


PAMAHALAANG HAPONES SA
PILIPINAS
Ang pagsiklab ng ikalawang digmaang pandaigdig

ENERO 2, 1942 - Nasakop ng mga Hapones ang Maynila at ginawa itong kabisera ng Pilipinas
PAMAHALAANG HAPONES SA
PILIPINAS
Ang mga pangunahing motibo ng pananakop ng mga hapones sa
pilipinas

Ang Pilipinas ay isang mahalagang mapagkukunang yaman ng Japan


Ang Pilipinas ay nagsisilbing koneksiyon sa iba pang bansang nasakop ng
Japan sa Timog Silangang Asya, kailangang makuha ng Japan ang linya
komunikasyon sa pagitan nito at ng mga nasakop na bansa sa Timog at
maiwasang magamit ng Estados Unidos ang Pilipinas sa operasyon ng mga
puwersa nito.
Kailangan ng Japan ng mga karagdagang pamilihan para sa mga produkto nito
at ng mga imperyo para sa lumalaki nitong populasyon.
PAMAHALAANG HAPONES SA PILIPINAS

pamamahala sa pilipinas- "Ang asya ay para sa asyano"


Ipinahayag ng mga Hapones ang kanilang layunin na palayain ang Pilipinas mula
sa mga Amerikano sa ilalim ng programang "Pilipinas para sa mga Pilipino"
alinsunod sa mithiin na ang Asya ay para sa mga Asyano upang mabuo ang
Greater East Asia Co-Prosperity Sphere - Ito ay propaganda ng mga Hapones
upang makuha ang suporta ng mga Pilipino at ng iba pang Asyano at upang
makamit ng mga bansa sa Silangang Asya ang kasaganahan at kaunlaran sa
pangunguna ng Japan.
Enero 3, 1942 nang pormal na inihayag ng mga Hapones ang pagkontrol sa
Maynila. Agad nagdeklara ang mga Hapones ng batas militar at itinatag ang
Japanese Military Administration (JMA).
Si Major General Yoshihide Hayashi- ang naging direktor- heneral ng
pamahalaang militar.
PAMAHALAANG HAPONES SA
PILIPINAS

pamamahala sa pilipinas

Inatasan ni Quezon ang mga pambansang pinuno tulad nina Jose Yulo,
Jose P. Laurel, at Claro M. Recto na maiwan sa Maynila.
Naniwala si Quezon na higit na mapadadali ang buhay ng mga Pilipino kung ang
mananatiling nakaupo sa pamahalaan ay mga dati nang pinuno na hindi maka-
Hapones. Walang malaking pagbabago na ipinatupad ang JMA sa pamahalaan ng
Pilipinas. Dahil mayroon nang umiiral na burukrasya sa bansa ay ipinaubaya na ng
mga Hapones sa mga dati nang umiiral na estrukturang administratibo ang mga
gawaing sibil.
PAMAHALAANG HAPONES SA
PILIPINAS

pamamahala sa pilipinas- executive commission


Itinatag ang isang probisyonal na pamahalaan na tinatawag na Executive
Commission noong Enero 23, 1942. Ang estruktura at matataas na administrador
nito ay dapat aprubahan ng mga Hapones. Si Jorge B. Vargas,
ang kalihim tagapagpaganap ni Quezon bago ang digmaan, ang itinalagang pangulo
ng komisyon. Inaasahang susunod si Vargas sa lahat ng utos ng pinuno ng Imperial
Japanese Forces. Ang komisyon ay binuo ng anim na departamentong
pinamunuan ng isang komisyoner.
PAMAHALAANG HAPONES SA
PILIPINAS

Ang anim na departamento at ang mga komisyoner na ito ang


ang sumusunod:

Interyor: Benigno S. Aquino


Pananalapi: Antonio de las Alas
Katarungan: Jose P. Laurel
Agrikultura at Komersiyo: Rafael Alunan
Edukasyon, Kalusugan at Kagalingang Pampubliko: Claro M. Recto
Pagawaing Bayan at Komunikasyon: Quintin Paredes
PAMAHALAANG HAPONES SA PILIPINAS
preparatory commission for philippine independence (pcpi)
Itinatag ang Preparatory Commission for Philippine Independence (PCPI)
bilang paghahanda sa ipinangakong kalayaan ng mga Hapones sa mga Pilipino.
Si Laurel ang nahirang na pangulo ng komisyon.
Layunin ng komisyon na bumalangkas ng saligang batas para sa itatatag na
republika.
Ang sumusunod ang mga probisyon sa nabuong saligang batas ng PCPI:
1. ) Pagtatag ng isang pamahalaang republiko na may kapangyarihang ehekutibo.
2.) Paghirang sa halip na paghalal ng mga gobernador;
3.) Pag-aalis sa posisyon ng pangalawang pangulo;
4.) Pagbibigay-diin sa mga tungkulin at pananagutan ng mamamayan sa halip na
karapatan at pribilehiyo nila; at
5.) Pagtatapos ng saligang batas sa pagwawakas ng digmaan.
PAMAHALAANG HAPONES SA
PILIPINAS
kalibapi- kapisanan sa paglingkod sa bagong pilipinas

Ang bagong saligang batas ay pinagtibay ng mga kasapi ng PCPI sa


Arroceros, Maynila. Pinagtibay ito ng pangkalahatang asamblea sa Kapisanan sa
Paglilingkod sa Bagong Pilipinas (KALIBAPI)- ang tanging partido politikal na
pinahintulutan sa panahong iyon kung saan isinulong ng partido ang
pakikipagmabutihan o kolaborasyon sa mga Hapones.
Sa utos ni Vargas, nagkaroon ng halalan ng mga kasapi ng Pambansang
Asamblea. Nahalal na speaker si Benigno Aquino, Sr. samantalang si Laurel ang
nahalal na pangulo ng IKalawang Republika.
PAMAHALAANG HAPONES SA
PILIPINAS
kalibapi- kapisanan sa paglingkod sa bagong pilipinas

JORGE VARGAS
Ang nasa larawan ay ang pagbibigay
talumpati ng bagong talaga na si
Jorge Vargas bilang Chairman ng
Philippine Executive Commision sa
harap ng mga kasapi ng KALIBAPI
PAMAHALAANG HAPONES SA PILIPINAS
ikalawang republika
Pinasinayaan ang Ikalawang Republika noong Oktubre 14, 1943 sa
pangunguna ni Laurel bilang pangulo. Ayon sa punong ministro ng Japan na si
Hideki Tojo, igagawad ang kasarinlan sa Pilipinas kung nauunawaan na ng mga
Pilipino ang layunin ng Japan sa pananakop at kung makikiisa ang Pilipinas sa
Greater East Asia Co-Properity Sphere.
Pagkatapos ng proklamasyon sa Ikalawang Republika ay agad pinalagda si
Laurel sa isang kasunduang nagtatakda na pahihintulutan ng Pilipinas ang mga
puwersang Hapones na manatili sa PIlipinas at pakinabangan ang mga likas-yaman
nito. Masasabing bagamat maganda ang plano ng pamumuno ni Laurel sa Pilipinas
ay gayunpaman, kulang ang pamunuan niya upang matupad ang lahat ng kanyang
layunin. Nanatiling makapangyarihan ang mga Hapones sa Pilipinas higit sa mga
lalawigan bagama't iginiit ni Laurel ang kanyang pamumuno sa Maynila.
PAMAHALAANG HAPONES SA PILIPINAS

ikalawang republika

JOSE P. LAUREL
Ang nasa larawan ay ang
Pangulong Jose P. Laurel kung saan
siya ay hinirang bilang Pangulo ng
bagong Republika ng Pilipinas.

PANGULONG JOSE P. LAUREL


PAMAHALAANG HAPONES SA PILIPINAS
ikalawang republika
Maraming problemang kinakaharap ang Ikalawang Republika.
kasama na rito ang mga sumsusunod:
Ang kakulangan sa suplay ng pagkain at damit
Pagtaas ng presyo ng mga bilihin
Pagbaba ng halaga ng pera
Pagbaba ng produksiyong agrikultural
At sira-sirang mga impraestruktura.

Dahil sa kinaharap na mga problema ay naging mahirap ang buhay ng mga


Pilipino. Naragdagan pa ang hirap na ito ng takot dahil sa mahihigpit na Kempeitai
at sa pagkakaroon ng mga Makapili.
PAMAHALAANG HAPONES SA
PILIPINAS

ikalawang republika- pamahalaang papet

Kahit idineklara ng Japan ang kalayaan ng Pilipinas ay tiniyak nito ang


pananatili ng mga Hapones sa bansa.
Tinawag na pamahalaang papet o Puppet Government ang Ikalawang Republika
sapagkat wala itong ganap na kalayaang pamahalaan ang mga Pilipino.
Ang kagustuhan lamang ng mga Hapones ang nananaig sa panahong ito.
PAMAHALAANG HAPONES SA PILIPINAS

mga patakarang pinatupad ng mga hapones sa pilipinas

PHILIPPINE FIAT PESO/ MICKEY MOUSE MONEY


Noong 1942 ipinagbawal ang dolyar at ang sirkulasyon ng piso. Ang sino
mang mahuling mayroon o gumamit nito ay pinaparusahan. Nag-imprenta ang
pamahalaang Hapones ng tinatawag na Philippine Fiat Peso isang uri ng fiat
money na walang intrinsic na halaga bilang isang pisikal na kalakal. Nagkaroon
lamang ng halaga ito kapag idineklara itong legal ng isang pamahalaan.
Tinawag ng maraming Pilipino ang fiat peso na Mickey Mouse Money dahil sa
napakababa nitong halaga na tila isang laruang pera lamang.
Dahil dito, marami ang bumalik sa barter o kaya
ay nagsasagawa ng buy and sell kung saan ipinapalit ang
mga alahas, mahahalagang gamit, muwebles, at iba pa
para sa pagkain o damit.
PAMAHALAANG HAPONES SA PILIPINAS
mga patakarang pinatupad ng mga hapones sa
pilipinas
Pinalaganap din ng mga Hapones ang kanilang wika at kultura, kinontrol nila
ang mga pahayagan at radyo sa pamamagitan ng censorship at pamimili ng
mga istasyon na maaari lamang magbroadcast at nagpamahagi ng maraming
poster, leaflet, at pamphlet. Binuksan ng mga Hapones ang mga paaralang
elementarya at sekondarya ngunit tinanggal nila mula sa mga batayang aklat
ang mga kaisipang may kaugnayan sa mga Amerikano.
Iniutos na ituro ang wikang Nihongo sa mga paaralan kasabay ng pag-utos ng
paggamit nito sa mga tanggapan ng pamahalaan dahil itinalaga itong
pambansang wika maliban sa tagalog.
PAMAHALAANG HAPONES SA PILIPINAS
mga patakarang pinatupad ng mga hapones sa
pilipinas
kempeitai- pulis militar
Laganap din ang mga Kempeitai sa bansa. Sila ay mga pulis-militar na Hapones
na karaniwang nagbabantay at nagpapatrol sa mga kalsada. Malupit ang mga
Kempeitai sa pagdidisiplina sa mga Pilipino. Maliit na pagkakamali ay maaaring
humantong sa pananampal, paghuli, at pagkulong at pagpapahirap.
Nagtayo rin ang mga Hapones ng mga comfort house kung saan pilit
pinagtrabaho ang mga comfort women. Doon pinilit magbigay ng serbisyong
seksuwal ang mga babaeng Pilipino sa mga sundalong Hapones.
Dagdag sa kanilang pangamba ang maituro ng mga Makapili bilang gerilya.
Ang Makapili ay ang mga espiyang naglilingkod sa mga Hapones.
PAMAHALAANG HAPONES SA PILIPINAS
epekto ng mga patakaran at batas-pangkabuhayan
ng pamahalaang kolonyal
Ang Pilipinas ay nakaranas ng matinding kahirapan sa panahon ng pananakop
ng mga Hapones dahil limitado ang mga gawaing pang-ekonomiya. Mabagal ang
komersiyo, kalakalan at industriya.
Maraming pagawaan ang nagsara kaya marami ang nawalan ng trabaho.
Nawalan ng interes ang mga magsasaka kaya iniwan nila ang mga sakahan at
nagtungo na lamang sa mga siyudad at sa mga kabundokan
Naapektuhan ang mga produksiyong pang-agrikultural kaya nagkulang ang
mga pang araw-araw na pangangailangan
Tumaas ang halaga ng mga bilihin
Lumaganap ang ibat-ibang uri ng sakit
Dumanas ang Pilipinas ng implasyon sa pagbaba ng halaga ng salaping Japan.
PAMAHALAANG HAPONES SA PILIPINAS
ang kontribusyon ng ikalawang republika

Ipinag-utos ang pagkaroon ng lisensiya ng mga guro


Naglungsad ang KALIBAPI ng mga programa para sa mga manggagawa. Dahil
dito naitaas ang pagmamahal sa paggawa.

Sa kabila ng napakaraming paghihirap sa panahon ng Ikalawang Republika,


ipinamalas ng mga Pilipino na hindi sila susuko sa halip ay ipinamalas nila ang
matinding pagnanais na makamit ang tunay na kalayaan.

PAGTATAPOS!
PAMAHALAANG HAPONES SA
PILIPINAS

MARAMING
SALAMAT PO!

THERESE ANGELA SY
ALEX ROMANES Guro:
kerby talampas Ginoong Randy Montiano

You might also like