Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Noli Me Tangere Buod

Ang binatang si Juan Crisostomo Ibarra ay isang Pilipino ngunit siya ay pinag-aral ng ama na si
Don Rafael sa ibang bansa. Mahigit pitong taon itong tumira sa Europa bago ito muling bumalik
ng Pilipinas.
Naghanda ng malaking salu-salo sa bahay ni Kapitan Tiago upang salubungin ang binata.
Inimbitahan din ang ilang panauhin katulad nina Padre Damaso, Padre Sibyla, Tinyente
Guevarra, Donya Victorina, at ilang may impluwensya sa lipunan.
Ipinahiya ni Padre Damaso, ang dating kura ng San Diego, si Ibarra ngunit wala itong ginawa
bagkus pinagpasensyahan lang niya ang pari. Magalang itong nagpaalam at nagdahilang may
ibang pupuntahan.
Si Maria Clara ang magandang kasintahan ni Crisostomo Ibarra. Siya ang anak-anakan ni Kapitan
Tiago, mayamang taga-Tondo.
Dumalaw si Ibarra kay Maria Clara kinabukasan pagkatapos dumalo sa pagtitipon. Nagkaroon
ng pagkakataon ang magkasintahan na muling balikan ang kanilang mga ala-ala. Muling binasa
ng dalaga ang liham na binigay ng binate bago pa ito tumungo sa Europa.
Pinuntahan naman ni Ibarra si Tinyente Guevarra bago ito umalis upang ipagtapat ang
pagkamatay ng ama. Isinalaysay ng tinyente na naakusahan ang ama na erehe at pilibustero
dahil sa hindi nito pagsisimba at pangungumpisal.
Ipinakulong si Don Rafael dahil sa pagkamatay ng isang Kastila sa kasalanang di naman siya ang
may gawa. Malapit na sanang malutas ang paglilitis nang magkasakit at kalauna’y namatay ang
ama ni Ibarra.
Ipinag-utos ni Padre Damaso sa isang sepulturero na hukayin ang bangkay nito at ilipat sa
libingan ng mga Intsik. Dahil sa lakas ng ulan ay hindi kinaya na buhatin ang bangkay kung
kaya’t itinapon nalang ito sa lawa.
Sa kabila ng nangyari ay hindi hinangad ni Ibarra na makapaghiganti, sa halip ipinagpatuloy niya
ang adhikain ng ama na makapagtayo ng paaralan.
Naghanda ng isang pananghalian si Ibarra pagkatapos ng pagbabasbas. Muli na namang tinira ni
Padre Damaso ang binata.
Sa pagkakataong ito ay hindi na nakapagpigil si Ibarra. Kamuntikan na niyang saksakin ang pari
kung hindi lang siya napigilan ni Maria Clara. Dahil sa nagawa ni Ibarra ay naging
ekskumunikado siya.
Sinamantala ni Padre Damaso ang pagiging ekskomunikado ni Ibarra at inutusan si Kapitan
Tiago na itigil ang pagpapakasal ni Maria Clara kay Ibarra. Nagpasya si Padre Damaso na
ipakasal si Maria Clara kay Alfonso Linares.
Sa labis na pagdaramdam ng dalaga ay nagkasakit ito. Sa tulong ng Kapitan Heneral ay
napawalang bisa ang pagiging ekskomunikado ni Ibarra.
Subalit may mga taong sumalakay sa kwartel at si Ibarra ang pinagbintangan. Kahit walang
kasalanan ay dinakip at binilanggo ang binata. Nakatakas si Ibarra sa tulong ni Elias.
Nabigyan naman ng pagkakataon ang magkasintahan na makapag-usap bago gawin ang
planong pagtakas. Doon nalaman ni Ibarra na si Padre Damaso ang totoong ama ni Maria Clara
kung kaya’t tutol ito sa pagmamahalan at planong pagpapakasal ng dalawa.
Gamit ang bangka ay tinakas ni Elias si Ibarra. Nakalagpas man sila sa ilang gwardiya sibil
nasundan pa din ang kanilang bangkang sinasakyan. Inisip ni Elias na iligaw ang mga humahabol
sa pamamagitan ng paglusong nito sa tubig.
Sa pag-aakalang si Ibarra ang tumalon ay hinabol at pinaputukan ng mga sibil hanggang sa
magkulay dugo ang tubig. Nawalan ng pag-asawa si Maria Clara dahil pag-aakalang patay na si
Ibarra.
Napagdesisyunan nitong pumasok sa kumbento upang maging isang madre. Napilitang
pumayag si Padre Damaso sa dalaga dahil magpapakamatay daw ito pag hindi ito pumayag.
Noche Buena na nang makarating si Elias sa gubat ng mga Ibarra na sugatan at nanghihina.
Doon ay natagpuan niya si Basilio at malamig na bangkay ni Sisa.
Bago tuluyang bawian ng buhay ay nanalangin si Elias. Mamamatay siyang hindi nakikita ang
maningning na pagbukang liwayway. Ngunit para sa mga makakakita, bilin niya na batiin ito at
huwag ding makakalimot sa mga nabulid sa dilim ng gabi.
El Filibusterismo Buod
Sa liku-likong daan ng Ilog Pasig ay may isang Bapor Tabo na naglalakbay. Lulan nito ang
maraming taong papunta sa Laguna. Ilan sa mga sakay ng bapor ay sina Simoun, Basilio, Isagani,
at ilang mga pari.
Unang pinuntahan ni Basilio ang puntod ng kaniyang ina nang ito’y makarating sa San Diego.
Doon ay nakita niya ang mag-aalahas na si Simoun. Nang magtanggal ito ng salamin ay nakilala
niyang iyon si Juan Crisostomo Ibarra.
Tinangkang patayin ni Simoun si Basilio upang hindi lumabas ang lihim nito. Ngunit naisip
niyang parehas sila ng kinahinatnan nito kaya hinimok nalang niyang makiisa si Basilio sa
planong paghihiganti sa Pamahalaang Kastila.
Ngunit ito ay tinanggihan ni Basilio. Naghain ng kahilingan sa Kapitan Heneral ang mga mag-
aaral na Pilipino upang makapagtayo ng isang akademya ng wikang Kastila. Ngunit hindi ito
pinagtibay dahil mga pari ang namamahala dito.
Nang muling magkanaig ni Simoun si Basilio ay muli niyang kinumbinsi na umanib ang binata sa
gagawing paghihigmasik.
Plano ni Simoun na gumawa ng isang pulutong na sapilitang papasok sa kumbento upang
agawin si Maria Clara. Sa kasawiang palad ay hindi ito nangyari dahil binawian din ng buhay ang
dalaga kinahapunan.
Samantala, nagkaroon ng pagtitipon ang mga mag-aaral, sa Panciteria na pagmamay-ari ng
Intsik na si Quiroga, dahil sa masama ang kanilang loob dala ng pagkabigo ng kanilang
kahilingan patungkol sa pagpapatayo ng akademya ng wikang Kastila.
Nalaman ng mga pari ang tahasang pagtuligsa sa kanila ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng
talumpatian sa loob din ng Panciteria. Kinaumagahan ay makikita ang mga paskin sa pinto ng
Pamantasan na naglalaman ng mga paghihimagsik.
Pinagbintangan ang mga mag-aaral na kasali sa kapisanan at dinakip ang mga ito kasama si
Basilio. Labis ang pagdaramdam ng kasintahan ni Basilio na si Huli.
Hinimok ni Hermana Bali na lapitan ni Huli si Padre Camorra upang humingi ng tulong sa
pagpapalaya kay Basilio. Napalaya ng mga kamag-anak nila ang mga mag-aaral maliban kay
Basilio.
Hinalay ni Padre Camorra si Huli dahilan kung bakit tumalon sa bintana ang dalaga at agad
namatay.
Sa kabilang dako, patuloy parin si Simoun sa kanyang plano na paghihiganti. Upang maisagawa
iyon, sumanib siya sa negosyo ni Don Timoteo Pelaez na ama ni Juanito. Ipinagkasundo niyang
ipakasal si Paulita kay Juanito.
Inanyayahan niya sa piging ang mga taong may mataas na posisyon sa pamahalaan. Lumipas
ang dalawang buwan, nakalaya na si Basilio sa tulong ni Simoun dahilan kung bakit tuluyan na
siyang nakiisa sa paghihimagsik na balak ni Simoun.
Sinamantala ni Simoun ang mangyayaring piging upang maisagawa ang paghihimagsik.
Naghandog siya ng magarang lampara para sa ikakasal.
Di-lingid sa kanilang kaalaman, ang lamparang iyon ay may lamang nitrogliserina. Sa oras na
itaas ang mitsa ay sasabog ito ng malakas.
Habang nagsasaya ang lahat ay palakad-lakad naman si Basilio sa labas. Hindi siya mapakali
dahil alam niya ang mangyayaring pagsabog.
Nakita niyang lumabas na rin si Simoun sa bahay dahil sa nalalapit na pagsabog ng lampara.
Nakita din niya si Isagani at sinabihan umalis na sa bahay na iyon.
Unti-unti nang lumalamlam ang ilaw ng lampara. Iniutos ng Kapitan Heneral kay Padre Irene na
itaas ang mitsa nito ngunit mabilis itong inagaw ni Isagani at itinapon sa ilog.
Hindi natuloy ang plano ni Simoun kaya tumakas ito at nagtungo sa bahay ni Padre Florentino.
Uminom si Simoun ng lason dahil ayaw niyang mahuli siya ng mga sibil na buhay.
Nagtapat siya kay Padre Florentino ng kaniyang buhay at ang balak niyang paghihiganti.
Noong oras din na iyon ay binawian ng buhay si Simoun.
Tumungo si Padre Florentino sa bato na laging inuupuan ni Isagani malapit sa dagat at itinapon
ang lahat ng kayamanan ni Simoun.

You might also like