Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

FILIPINO RADIO DRAMA

CHARACTERS:
CARLA: Rosmar
ISABELA: Yvonne
MARIAH: Jove
CARMELA: Angelica
ROBERT: Miguel
JOSEPH: Rhevin
JUANITO: Ernesto
ANGELO: Alex
FELIP: Noel

(bell rings)
Ernesto: Sige, maaari na kayo maglunch.

Isabela: Oh my gosh, grabe. Sobrang boring talaga ng math


Carla: Oo nga eh
Carmela: (insert typing sounds) #ayokonamag-aral (tweet sound)
Mariah: Selpon kayo nang selpon diyan, basta ako mag-aaral muna ako sa library
Isabela: Whatever, weird mo talaga. Tara na nga, Carla at Carmela, at magpicture tayo so
that may pictures tayo na mapopost.

(bell rings)
Robert: Okay, class. Sagutan at kopyahin ninyo ang nakasulat sa blackboard.
Felip: (pabulong) Uy guys tara ml.
Juanito: Sige, tara!
Joseph: Felip, huwag ka nanaman sumali kung cancer ka lang nanaman. Lagi mo nalang
tayo pinapatalo. Dapat kasi hindi ka gumagamit ng hindi mo alam gamitin, lalo na ang build
ng gamit mo. Pumupunta ka pa sa mismong tower put-(censored)
Juanito: Oo na gagalingan ko na, ang galing galing ko nga. 1v1 pa tayo eh.
Felip: Laro na tayo habang hindi pa napapansin ni ‘cher. Tumigil na kayo mag trashtalkan
diyan. Next time nalang.
Joseph: Sige na nga. G na, online na ako.

(ml sounds)
Robert: Kayo diyan, anong pinaggagawa niyo ha?! Akin na iyang mga cellphone niyo.
Makukuha niyo ito mamayang hapon pagkatapos ng klase. Ngayon, sagutan niyo lahat ng
mga tanong. Isolve ninyo ang value ng x at y. Go!
Juanito: Okay po…

Rosmar: Pagkatapos ng kanilang klase

Isabela: Guys, may naisip ako na magandang prank


Carmela: Ay sige, I’m in dito
Carla: Anong prank naman yan?
Isabela: Lokohin natin si Mariah at sabihin natin na kailangan natin magpost everyday para sa
grades.
Carmela: Maniniwala kaya siya diyan?
Isabela: Sis, kahit masipag yun she’s still very naïve pagdating sa mga ganyan. Siguradong
sigurado ako na maniniwala yan sa atin.
Carla: Mariah, may kailangan kami sabihin sa iyo
Mariah: Ano naman iyan?
Isabela: Sabi ng teacher natin kanina kailangan daw natin magpost everyday para sa grades. Mt
daw siya. Maaga ka kasi umalis kaya sinabi nalang namin sayo.
Mariah: Ay sige sige. Salamat!

Rosmar: Nakauwi na si Mariah sa kanilang bahay at nagiisip na siya kung ano ang kanyang
ipopost ngayon.

Mariah: Ano kaya ipopost ko ngayon? Parang ang dami naman nagpopost ngayon ng mga
selfies nila. Try ko nga rin.
(clicking for a pic sound)
Mariah: Ayan, pwede na siguro ito ipost.
(post sound)

Yvonne: Nakalipas na ng ilang oras, at marami siya natanggap na hate comments sa kanyang
post. Ilan sa mga ito ay
Alex: Ang pangit naman niyan!
Rhevin: Huwag ka nalang magpost sa susunod. Nakakasira ng araw!
Miguel: Akala ko may nagpost ng unggoy na nakita nila HAHHAHA.

Yvonne: Habang binabasa ito ni Mariah, naiiyak na siya.


Mariah: (umiiyak) B-bakit ba? Ano bang mali sa pinost ko? Ganon na ba ako kapangit?... Hindi
naman pala maganda magpost, ayaw ko na nga ulitin ito. Kailangan ko magreklamo sa teacher
namin.

Carmela: Tara video call tayo tinatamad ako magchat dito sa messenger.
(call sound, joining sounds)
Isabela: HAHAHA, sabi ko sa inyo maniniwala siya eh. Ang funny naman ng pinost niya.
Carla: Akala ko talaga hindi siya maniniwala, pero ginawa naman pala talaga niya.
Carmela: Galing mo talaga, sis HAHAHA. Siguradong pagtatawanan na siya bukas sa school.
Isabela: Narinig niyo na ba?
Carla: Hindi pa naman, ano yun?
Carmela: Yung tungkol ba yan sa lilipat? Sabi nila gwapo raw siya. Omg kiliggg. Guys dibs na ako
ha akin na siyaa.
Isabela: Whatever, Carmela. Kailangan ko muna tignan facebook niya or Instagram kung pwede
ba natin siya makasama. Malay niyo weirdo pala siya. Who knows? Dapat may facebook siya.
Carla: Oo nga noh.
Carmela: Whatever, basta gwapo oks na sa akin.
(alarm ringing)
Isabela: (sighs) 6 am nanaman, makapagcheck nga muna ng mga notifications ko at ng
messenger ko.
(time ticking)
(call sound)
Carmela: Isabela, nasaan ka na?! Magkapair pa tayo sa gagawin natin na activity ngayon, bakit
hindi ka pa pumapasok?
Isabela: Huh? Ang aga aga pa nga lang. 6 palang.
Carmela: Okay ka lang ba? Check again sis omg.
Isabela: Hala! 8 na pala shi-(censored). Bye na maliligo pa ako gosh.
Carmela: Bilisan mo ha.
(End call)

Isabela: Hi y’all. Here na me.


Carla: Buti nakarating ka pa bago si ‘Cher Robert. Kung hindi mapapa-office ka pa.
Isabela: Oo nga eh.
Robert: Class please take your seats. Let’s take your attendance. Carla?
Carla: Present
R: Carmela?
Carmela: Here
R: Isabela?
Isabela: Present po.
R: Mariah?
Felip: Sir, absent po siya.
R: Why? What did you do to Mariah? Bakit mo alam? Crush mo siya noh?
Felip: Hindi ko po alam bakit siya absent, at hindi ko po siya gusto
Isabela: Sir, maybe sobrang nahiya siya dahil sa pinost niya kahapon haha.
Joseph: Siguro nga, nakakahiya naman kasi talaga yung post niya.
Robert: Tell her to catch up with the lessons nalang.
Carmela: Sige po.
(time ticks, bell rings)

Isabela: Check niyo nga post ni Mariah. Let’s comment


Carla: Saan ka galing?
Mariah: Nagpa-checkup lang ako.
Carmela: Ay, kala ko dahil sa pinost mo kagabi na, btw, so not maganda HAHAHA.
Mariah: Nakita niyo yun? Nakakahiya naman… ang dami pa nagcomment ng hate about me.
Isabela: Gusto mo malaman bakit? It’s simple lang naman eh. Mukha kang ewan sa pinost mo.
No wonder no one likes you.

Angelo: Habang binabasa ito ni Mariah. Umiiyak siya. Hindi naman talaga totoo na nagpa-
checkup siya eh. Hindi lang niya kaya na pumasok pa kasi iyak siya ng iyak.
Mariah: (sobbing) Ayaw ko na. Hindi na ako papasok. Lagi lagi nalang nila ako binubully, lalo na
sa mga pinopost ko sa facebook at Instagram. Hindi ko na kaya mabuhay. Wala rin naman
nagmamahal sa akin eh. Ulila nalang ako, patay na mga magulang ko. Nabubuhay nalang ako
ngayon dahil sa malaking pera na iniwan nila. Wala naman nagmamahal sa akin. Huling na araw
ko na bukas dito, at magpapaalam na ako sa lahat…

Rhevin: Kinabukasan, nasa labas silang lahat para sa kanilang seremonya ng umaga. Si Mariah
ang dapat na magsasalita para sa kanilang pagdasal.

Robert: Isabela, nakita niyo ba si Mariah? Kailangan na kasi bumaba ng mga magsasalita eh.
Isabela: ‘Cher hindi pa po naming siya nakikita. Pero andito naman na po mga gamit niya.
Robert: Sige, pero kailangan niyo siya hanapin. Magpatulong ka.
Isabela: Ok po ‘cher. Guys hanapin daw natin si Mariah!

Rhevin: Pagkatapos ng mga ilang minute…


Carla: AHHH!!!
(running sounds)
Carla: Si Mariah, nakahiga sa sahig, ang daming dugo!!
Robert: Bilis, tumawag kayo ng ambulansya!
(ambulance sounds)
(sound effects in a hospital, static going dead)

Rhevin: Namatay si Mariah dahil hindi na niya kinaya ang pagtukso sa kanya at nagpakamatay
na siya.
(memorial sound)

Carla: Mariah, pasensya na, akala namin malakas ka.


Carmela: Hindi naman totoo ang mga yun eh
Joseph: Sa totoo, maganda ka naman.
Juanito: Mariah, sana tinulungan kita.
Angelo: Alam ko na linoko kita noon dahil pinagpalit kita sa malapit, pero malungkot pa rin ako
sa pangyayari.
Isabela: May you rest in peace, Mariah. Tama nga ang sabi nila, nasa huli ang pagsisisi.

(sound)

Yvonne: Ang aral ng kwentong ito ay: Itigil ang cyberbullying, hindi ginawa ang social media
upang maging isang entablado na magbaba ng mga ibang tao. Ito ay dapat isang positibo na
kapaligiran para sa ating lahat. Salamat sa pakikinig.

You might also like