Professional Documents
Culture Documents
vt59.2708-21170175807 2660515840913711 7473723542329585096 n.pdfAP8 Q4 M6 Ang-United-Nations-at-Iba-Pan
vt59.2708-21170175807 2660515840913711 7473723542329585096 n.pdfAP8 Q4 M6 Ang-United-Nations-at-Iba-Pan
Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan - Modyul 6
Ang United Nations at Iba Pang
Pandaigdigang Organisasyon,
Pangkat, at Alyansa
AIRs - LM
8. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga pandaigdigang
organisasyong nabuo upang pangalagaan ang kapayaan at kaunlaran ng mga
bansa pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. Association of Southeast Asian Nation B. European Union
C. League of Nations D. United Nation
9. Ito ay samahan ng mga Muslim na naglalayong siguruhin at protektahan ang
interes mula sa pamamagitan ng pagsulong ng kapayapaang pandaigdig at
pagkakaunawaan.
A. Association of Southeast Asian Nation
B. European Union
C. Organization of American States
D. Organization of Islamic Cooperation
10. Bakit mahalaga ang gampanin ng bawat pandaigdigang organisasyon na
naitatag ?
A. Tumaas ang kita ng bawat bansa kaya nagkaroon ng magandang buhay.
B. Dumarami na ang populasyon ng mundo at kailangan ng mga
organisasyong ito
C. Pinapangalagaan ang kapayapaan, kalayaan at katarungan ng daigdig.
D. Maraming bansa ang hindi pa umuunlad.
II. Tama o Mali. Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung di wasto.
1. Ang European Union ay ang pinakamalaking kompederasyon ng mga
malalayang estado na itinatag sa ilalim ng pangalang iyon noong 1992.
2. Ang APEC ay isang ekonomikong organisasyon sa Europe.
3. Nagbibigay tulong-pananalapi at teknikal sa mga bansang umuunlad ang
World Bank.
4. Ang World Trade Organization ay nabuo noong Enero 1, 1996 kahalili ng
GATT.
5. Ang Samahan ng mga Estadong Amerikano ay isang pandaigdigang
samahang nakabase sa Washington, D.C na 35 kasaping nagsasariling
estado ng Amerika.
Lakbayin
Matapos matiyak ang iyong inisyal na kaalaman tungkol sa aralin, ngayon naman
ay lilinangin at palalawakin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto na
inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin
ng bahaging ito ay matutuhan mo ang mahalagang papel na ginampanan ng mga
organisasyong pandaigdig sa mga hakbang tungo sa kapayapaan at kaunlaran ng
mga bansang kasapi nito.
3
Simulan mo na ang paglalakbay tungo sa iyong pagkatuto! Patunayan ang
iyong kahusayan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gawaing inilaan para sa iyo.
World Bank
Ang World Bank ay isang pandaigdigang
bangko na nagbibigay ng tulong-pananalapi
at teknikal sa mga bansang umuunlad para
sa programang pangkaunlaran tulad ng
mga tulay, kalsada, paaralaan at iba pa na
may layunin ng pagpapababa ng antas ng
kahirapan.
Pinagkuhanan:https://en.wikipedia.org/wik
i/World_Bank
https://en.wikipedia.org/wiki/World_Tra
de_Organization