Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ANNEX A

REPUBLIKA NG PILIPINAS) S.S.


LUNGSOD NG QUEZON )

SALAYSAY NG PAGPAPATUNAY AT PAGPAPATIBAY

Ako, si ________________________________________________nasa hustong gulang, kasal/walang


asawa, Pilipino na kasalukuyang naninirahan sa ___________________________________________
bilang magulang / guardian ni __________________________________ na kasalukuyang nakaenrol
sa___________________________________ sa Grade ___________ matapos makapanumpa ng sang-
ayon sa batas ay nagpapatunay at nagpapatibay na: AT HINDI NAKAENROLL SA IBANG PAARALAN.

1. Ako ay nakatanggap ng isang (1) Tablet (Samsung t295) mula sa lokal na pamahalaan ng Quezon
City para magamit sa distance learning ng mag-aaral na nakasaad. Na base sa aking pagsusuri, ito
ay natanggap ko nang maayos, gumagana at may kumpletong accessories na: Quick Start Guide,
Ejector tool, Micro USB cable, at Charger.
2. Na ako at ang aking anak/ward ay pansamantalang tagapangalaga lamang ng nasabing Tablet at
ito ay pagaari parin ng lokal na pamahalaan ng Quezon City, kaugnay nito ay hindi maaaring
baguhin, alisin, o sirain ang property stickers ng Tablet.
3. Na ang Tablet at data allowance ay gagamitin lamang ng aking anak/ward para sa mga gawain na
may kaugnayan sa kanyang pag-aaral. Na maliban sa kanya, ang Tablet ay hindi maaaring gamitin
ng iba.
4. Naiintindihan ko na hindi maaari ang pag-modify, pag-uninstall, o pag-disable ng mga software
applications na nasa Tablet pati ang pagdownload ng mga files, games, o applications na walang
kaugnayan sa pag-aaral at walang pahintulot mula sa aming paaralan.
5. Na responsibilidad ko at ng aking anak/ward na panatilihing maayos at gumagana ang Tablet at
kaagad kong ipaaalam sa punong guro kung ito ay depektibo/nasira/nawala. Kaugnay nito,
naiintindihan ko na hindi maaaring ilabas ng bahay ang Tablet maliban na lang kung ito ay ipinayo
ng guro o ng kinauukulan.
6. Kaakibat ng standard, limited warranty ng Tablet, ang anumang pagkasira sa Tablet ay maaari
lamang ipagawa sa mga authorized service centers. Ang anumang halaga ng pagkasira sa Tablet o
pagkawala nito na hindi sakop ng warranty ay aking babayaran.
7. Na hindi ko isasanla, ibebenta, ibibigay, o ipapahiram ang nasabing Tablet. Naiintindihan ko na ako
ay mananagot sakaling ito ay mawala o masira liban na lamang kung ito ay bunsod ng kadahilanan
na wala sa aking control.
8. Kung sakaling mawala o manakaw ang Tablet, responsibilidad ko at ng aking anak/ward na
ipaalam ito sa gurong tagapayo. Kaakibat nito ang pagkuha at pagsumite ang mga dokumentong
magpapatunay sa pagkawala tulad ng police blotter at Certification and Sworn Affidavit.
9. Na aking ibabalik sa aming paaralan sa huling araw ng ika-4 na markahang pagsusulit o sa
tinakdang oras ang Tablet kasama ang mga accessories at data SIM na nasa mabuti at
gumaganang kalagayan.
10. Na sa anumang paglabag sa kasulatang ito ay nauunawaan ko ang aking pananagutan sa
ilalim ng SP-2953, s.2020 at ang kaniyang IRR at sa ilalim ng mga umiiral na batas.

Ang paglagda ko sa dokumentong ito ay nangangahulugang nabasa, naintindihan at sumasang-ayon ako sa


nakasaad sa Salaysay ng Pagpapatunay at Pagpapatibay.

SINUMPAAN AT NILAGDAAN SA HARAP ko ngayong _______________________, sa Lungsod ng


Quezon.

_________________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang/Guardian

Mga Saksi:

________________________________ ___________________________________
Pangalan at Lagda ng Gurong Tagapayo Pangalan at Lagda ng Property Custodian

You might also like