Posisyong Papel NG Mga Unibersidad 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Posiyong Papel

Ng mga
Unibersidad

De La Salle University-Manila
Ang pahayag na ito ay bahagi ng pahayag ng Departamento ng Filipino ng De La Salle
University-Manila sa Paggunita sa Buwan ng Wikang Pambansa noong Agosto 2014.
Ang buwan ng Agosto ay Buwan ng Wikang Pambansa. Dahil sa pagbura sa asignaturang
Filipino sa kolehiyo bunsod ng Commission on Higher Education/CHED Memorandum Order
(CMO) No. 20, Seriesof 2013, nagpasya ang Departamento ng Filipino na gawing higit na
katangi-tangi ang paggunita sa Buwan ng Wika sa taong ito sa pamamagitan ng pagtatampok ng
mga adbokasiyang pangwika.
Dapat bigyang-diin na hindi sapat na maging opsyonalna wikang panturo lamang ang wikang
Filipinosapagkat alam naman nating mas nakakiling sa Inglesang sistemang pang-edukasyon sa
Pilipinas…
Hindi rin magiging mabisang wikang panturo ang Filipino sa Agham, Matematika, Inhenyeriya,
Komersyo, Agham Panlipunan, Humanidades, at iba pa, kung walangasignatura sa kolehiyo na
magtitiyak sa pagkakaroon ng mataas na antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit nito
sa intelektwal na diskurso, komunikasyon, at pananaliksik. Samakatuwid, ang intelektwalisasyon
ng wikang Filipino sa iba’t ibang larangan ay matitiyak lamang kung may asignaturang Filipino
na may inter/multidisiplinaring disenyo sa kolehiyo.
Ang wikang Filipino ang wika ng mga ordinaryongmamamayan sa mga komunidad na
atingpinaglilingkuran.
Ang pagbura sa espasyo ng wikang Filipino sa mgakolehiyo sa Pilipinas ay tiyak na may
negatibong epektosa espasyo nito sa ibang bansa
ang wikang Filipino ay wikang global na itinuturo bilang asignatura o kaya’y komponent ng
Philippine Studies sa mahigit 45 unibersidad at mahigit 100 hayskul sa buong mundo. Ang
pagbura sa espasyo ng wikang Filipino sa mga kolehiyo sa Pilipinas ay tiyak na may negatibong
epekto sa espasyo nito sa ibang bansa.
Malinaw na hindi simpleng usapin ng pagsasalba satrabaho ng mga guro ang adbokasiyang ito.
Angadbokasiyang ito’y pagsasalba sa kolektibongidentidad, sa salamin ng ating kultura, sa
daluyan ngdiskursong pambansa, at pagtataguyod ngnasyonalistang edukasyon…

Created: Jun Miguel Delios


Mark Joseph Andino

Ateneo De Manila
May apatnapung taon na mula nang itatag ang Kagawaran ng Filipino kaakibat ang Patakarang
Bilingguwal ng Pamantasang Ateneo De Manila, bagay na pinanghahawakan namin upang
isulongang edukasyong multilingguwal, multidisiplinaryo, at multikultural.Sa konteksto ng mga
pagbabago sa edukasyon na kinakaharap ng bayan ngayon, naninindigan ang Kagawaran ng
Filipino na dapat ipagpatuloy ang puspusang pagpapayaman, pagpapayabong, paglinang,
intelektuwalisasyon, at propesyonalisasyon ng Filipino alinsunod sa ating Saligang Batas (Art.
XIV, Sek. 6.).Hindi lamang midyum ng pagtuturo ang Filipino. Isaitong disiplina. Lumilikha ito
ng sariling larang ngkarunungan na nagtatampok sa pagka-Filipino saanumang usapin sa loob at
labas ng akademya.Hindi lamang midyum ng pagtuturo ang Filipino. Isa itong disiplina.
Lumilikha ito ng sariling larang ng karunungan na nagtatampok sa pagka-Filipino sa anumang
usapin sa loob at labas ng akademya. Dapat patuloy itong ituro sa antas tersiyaryo at gradwado
bilang integral na bahagi ng anumang edukasyong propesyonal. Sinususugan nito ang Pahayag-
Misyon ng Kagawaran ng Filipino na itinatakda “ang propesyonal at multidisiplinaryong
pagtugon sa pangangailangan na iuwi at iugat sa sariling kultura ang pamantasan at lahat ng
pinaglilingkuran nito, hindi sa pamamagitan ng pagtatakwil sa mga kaalamang hiram kundi sa
integrasyon nito sa mga kaalamang sarili.”Ang banta na alisin ang Filipino sa akademikong
konteksto ay magdudulot ng ibayong pagsasalaylayan o marhinalisasyon ng mga wika at
kulturang panrehiyon. Kakabit ng pag-aaral ng Filipino bilangdisiplina ang pagtatanghal at
paglingap ng mga wika at kultura ng bayan. Hindi dapat mawala ang wikang panrehiyon sa
diskursong akademiko. At lalong hindi dapat pagsabungin ang mga wika. Sa halip, dapat maging
mapagmatyag laban sa mga tao at institusyongginagamit ang kasalukuyang isyung pangwika
upang itangi ang sarili at kanilang mga interes. Dapat maging mapagmatyag laban sa mga tao
atinstitusyong ginagamit ang kasalukuyang isyungpangwika upang itangi ang sarili at kanilang
mgainteres.May ilang institusyon na kinakasangkapan at binabaluktot ang diwa ng akademikong
integrasyon, globalisasyon, at pangkalahatang pagbabago ng edukasyon sa malawakang
pagtatanggal at sapilitangpaglilipat ng mga guro at programa mula sa kolehiyo patungong Senior
High School. Kailangang panagutan ng mga institusyong ito hindi lamang ang usaping
pangkabuhayan ng mga guro kundi pati na rin ang integridad ng kanilang mga disiplina at kurso
na pinagkadalubhasaan. Hindi lamang legal, kundi usaping moral at etikal ang pananagutang
ito.Hindi sapat ang pagsasabatas ng mga pagbabago sa edukasyon, wika, at kultura. Dapat
angkop ang paghahandang estruktural sa makataong pagpapatupad nito. Kailangang balikan ang
konstitusyunal na responsabilidad ng Estado na itaguyod ang “pangangalaga, pagpapayaman, at
dinamikong ebolusyon ng isang pambansang kulturang Pilipino salig sa simulaing pagkakaisa sa
pagkakaiba-iba sa kaligirang malaya, artistiko, at intelektuwal na pagpapahayag” (Art. XIV, Sek.
14).Kailangang balikan ang konstitusyunal naresponsabilidad ng Estado na itaguyod
ang“pangangalaga, pagpapayaman, at dinamikongebolusyon ng isang pambansang kulturang
Pilipino…Hindi sapat ang pagsasabatas ng mga pagbabago sa edukasyon, wika, at kultura. Dapat
angkop ang paghahandang estruktural sa makataong pagpapatupad nito.

Created : Philip Henson De Guzman

Gen Gerald Alcaraz

Jefrelyn Mae Banaag


Unibersidad ng Pilipinas (UP) – Diliman
Walang bansang umuunlad nang walang sariling wika at panitikan.
Nagkakaisa kaming tumitindig at nagpapahayag na dapat manatili – at patuloy na paunlarin – ang
Wikang Filipino at Panitikan bilang mga batayang kurso sa General Education Curriculum sa kolehiyo.
Naniniwala kami na napakahalaga ng wikang Filipino at panitikan sa pagpapalalim ng mapanuri,
malikhain, malaya, at mapagpalayang kakayahan ng mga mag-aaral at mamamayan, anuman ang kanilang
kurso, disiplina at larangan ng pagpapakadalubhasa. Hindi pag-uulit ang pag-aaral ng wika at panitikan sa
kolehiyo, bagkus ay pagpapalawig sa teorya, praktika, at silbi nito sa pamantasan, bansa, at buhay.
Mataas ang pagpapahalaga ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) – Diliman sa wikang Filipino at panitikan
bilang kapwa mga asignatura at disiplina na humuhubog sa makabayan, makatao, at demokratikong
aspirasyon ng pamantasan at bansa. Bahagi ang pagsusulong ng wikang Filipino at panitikan sa mandato
ng 1989 Patakarang Pangwika ng UP – ang pagtataguyod at pagsusulong ng wikang Filipino bilang wika
ng pagtuturo, pagsasaliksik, at talastasang-bayan.
Naninindigan kami na ang wikang Filipino ay buháy na teorya at praktikang mahalaga sa pagbubuo ng
bansa. Naninindigan kaming higit na mapaglilingkuran namin ang mas malawak na mamamayan gamit
ang wikang Filipino. Mandato ng UP, bilang pambansang pamantasan, ang paglingkuran ang
sambayanan, tulad ng nakasaad sa UP Charter (2008) o Republic Act 9500.
Ang wikang Filipino ay ang pambansang wika na itinakda ng Konstitusyon ng Pilipinas. Patuloy itong
pinayayabong ng lahat ng mga wikang ginagamit at pinauunlad ng mamamayan. Ang wikang Filipino at
panitikan ay mga sandata sa pagtataguyod ng katotohanan at katuwiran, lalo na sa panahon ng
kasinungalingan, kawalan ng katarungan, at krisis panlipunan. Kasalanan at kataksilan sa bayan ang
pagtanggal ng wikang Filipino at panitikan sa hanay ng mga aralín sa kolehiyo o anumang antas ng
paaralan. Mahigpit ang pangangailangang itanghal at ipaglaban nating lahat ang wikang Filipino at
panitikan!
Nagtipon ang mahigit 200 na mga guro, manunulat, mananaliksik at mga mag-aaral mula sa iba’t ibang
pamantasan para sa talakayang “Bantay Wikang Filipino: Ang Pagtuturo ng Filipino sa Kolehiyo” noong
Hunyo 23 upang suportahan ang pahayag na inilabas ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng
Pilipinas (DFPP) na tumututol sa pagpapatupad ng Commission on Higher Education Memorandum
Order (CMO) Blg. 20 Serye 2013.

Ayon sa nakasaad sa CMO Blg. 20 Seksyon 3 o ang Revised Core Courses, “As proposed, the GEC will
be reduced to a minimum of 36 units, distributed as follows: 24 units of core courses; 9 units of elective
courses; and 3 units on the life and works of Rizal (as mandated by law). The general courses maybe
taught in English or Filipino.” “Hindi dapat mabalewala o masayang ang ambag at mga napagtagumpayan
na ng mga guro, manunulat at iskolar na nagbuhos ng kanilang lakas, talino at buhay para isulong ang
sarili nating wika at ang makabayang edukasyon. Ayon naman kay Guillermo, “hindi tama ang lohika ng
CHED” na tanggalin ang pagtuturo ng wika at panitikang Filipino sa kolehiyo kung pagbabatayan ang
karanasan ng mga unibersidad sa Indonesia at Malaysia, na karamihan pa nga ay mataas ang university
ranking kumpara sa Pilipinas, bilang mga bansang matagal nang nagpapatupad ng K to 12 ngunit patuloy
pa ring isinusulong ang pag-aaral ng sariling wika bilang kursong kahingian sa kolehiyo.

Ang posisyon ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) sa patakaran ng Commission on Higher


Education (CHED) ay maaaring maging epekto ng kanilang matagal nang kasaysayan at papel sa
edukasyon sa Pilipinas. UP ay kilala bilang isang prestihiyosong institusyon ng tertiaryong
edukasyon na nagbibigay ng mataas na kalidad na edukasyon, pananaliksik, at serbisyong
publiko.
Posible rin na ang UP ay sumasang-ayon sa mga patakaran ng CHED dahil ito ay isang
pampublikong unibersidad na itinatag ng gobyerno. Bilang isang pampublikong institusyon,
dapat itong sumunod sa mga regulasyon at mga patakaran na itinatakda ng CHED, na siyang
ahensya ng gobyerno na may tungkuling magpahusay at mag-regulate ng edukasyon sa bansa.
Gayunpaman, ang konkretong posisyon ng UP sa mga partikular na patakaran o isyu ay
maaaring mag-iba-iba depende sa mga konteksto at panahon. Ang UP ay may sariling sistema ng
pamamahala at mga board na may kapangyarihan sa pagpapasya sa mga bagay na may
kinalaman sa unibersidad.
Ang posisyon ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) sa ilalim ng CHED Memorandum Order Bilang
20, Serye ng 2013 ay itinuturing na kritikal sa pagpapahayag ng mga ideya at pagsasagawa ng
malayang pamumuno sa loob ng pamantasan. Ang UP ay isang institusyong pang-edukasyon na
itinataguyod ang prinsipyo ng academic freedom, na nagbibigay sa mga miyembro ng
akademikong komunidad ng UP ang kalayaan na magpahayag, mangatuwiran, at magkaruon ng
malayang diskusyon ukol sa iba't ibang mga isyu na may kinalaman sa lipunan, politika, at
kultura.
Sa ilalim ng CHED Memorandum Order Bilang 20, Serye ng 2013, inaatasan ang mga
unibersidad at kolehiyo na panatilihin ang kalayaan ng pamumuno at malayang pamumuno ng
ideya. Ito ay dahil sa mahalagang bahagi ng demokrasya at pagpapalakas ng kamalayan sa
lipunan. Ang UP, bilang isang prestihiyosong institusyon ng edukasyon, ay nagtutulungan sa
layunin na ito sa pamamagitan ng pagpapahayag ng kanilang sariling posisyon at paninindigan
ukol sa mga mahahalagang isyu sa lipunan. Ang UP ay kinikilala bilang tagapagtaguyod ng
intelehensiyal na pag-aaral at pagtuturo, na naglalayong mapanatili ang kalayaan ng malayang
pamumuno at pagpapahayag ng mga ideya sa Pilipinas.

Created : Dan Mark Name

Vohn Nold Torio

Arlene Tenorio
Polytechnic University of the Philippines
Posisyong papel ng kagawaran ng filipinolohiya ng pup hinggil sa pagtatangal ng Filipino sa
mga kolehiyo at unibersidad
Dahil sa pag tatangal ng Filipino sa kolehiyo ay maraming guro Ang magtatalo at mawawalan ng
trabaho kaya Hindi pumayag Ang kagawaran ng Filipino ng pup sapagkat nakaSaad sa 1987
kunstitusyon ng pilipinas artikulo 14 na itinakda ng Filipino Ang wikang pambansang pilipinas.
Ang pup Ang tinaguriang largest state university in the country na binubuo ng 70.000 na mga
mag aaral na nag mula pa sa ibat ibang bansa at matatag na pinapanatili Ang Filipino bilang
asignatura sa kurikulum ng education at kolehiyo.
Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggil sa Pagtatanggal ng Filipino sa
mga Kolehiyo atUnibersidadPANATILIHIN ANG ASIGNATURANG FILIPINO SA
KOLEHIYO: HUWAG PATAYIN ANG PAMBANSANG KARAPATAN NG
WIKANGFILIPINO, MGA GURO NG FILIPINO, KABATAANG PILIPINO AT
MAMAMAYANG PILIPINO Posisyong Papel na nauukol sa CHED Memorandum Order No.
20 Series of 2013Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad
ng Pilipinas (PUP), Samahan ng mga Dalubguro sa Filipino(SADAFIL), Samahan ng mga
Batang Edukador ng Wikang Filipino at mga Sining sa Pilipinas, PUP Sentro sa Malikhaing
Pagsulat, atPUP Ugnayan ng Talino at Kagalingan Peligrosong hakbang ang ginawa ng
Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED) nang alisin ang asignaturang Filipino sa
inilabasnilang Memorandum Order Blg. 20 na may petsang hunyo 28 serye 2013.Bagaman
sinasabi ng komisyong nabanggit na maaaringmaituro sa Ingles o Filipino ang mga
asignaturangbinalangakas nila, bilang halimbawa ay ang Purposive Communication na
nakapaloob sa nilikha nilang bagong kurikulum, nababatid namin na pag-aagaw-agawan pa ito
ng napakaraming guro sa Filipino at Ingles sa mgakolehiyo at unibersidad, at magdudulot pa ito
ng hindi pagkakaunawaan, pagtatalo at ang masaklap pa pa'y aangkinin lamang ito ngmga
Departamento ng Ingles sa mga unibersidad at kolehiyong mabuway ang Filipino dahil halata
namang nakakiling ang PurposiveCommunication sa Ingles. Sa hakbang na ito, tila unti-unting
nilulusaw ang mga natatag na Kagawaran/Departamento ng Filipino samga kolehiyo at
unibersidad sa Pilipinas.
Ang pagpapalakas sa ugnayan ng ating pamantasan at ng mga ordinaryong mamamayan ay
alinsunod sa bokasyon ni San Juan Bautista De La Salle na nagsikhay sa paggamit ng wika ng
mga ordinaryong mamamayan sa edukasyon.Ang pagbura sa espasyo ng wikang Filipino sa mga
kolehiyo sa Pilipinas ay tiyak na may negatibong epekto sa espasyo nito sa ibangbansa.Ang
wikang Filipino ay wikang global na itinuturo bilang asignatura o kaya'y komponent ng
Philippine Studies sa mahigit 45 unibersidad at mahigit 100 hayskul sa buong mundo

Created: Joshou Corido

Jerico Noche

Roi Raven
Cavite State University-Imus
Noong 2013, ipinatupad ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III ang K-12Basic Education
Program na naglalayong dagdagan ng 3 taon ang datingsampung taon na basic
education. Ipinatupad ito ng Pangulo upangmakasabay sa global na pamantayan ang
kalidad ng ating edukasyon.Kasabay ng K-12, ibinaba naman ng CHED ang Memorandum
Order No. 20,series of 2013 na naglalayong i-angkop ang kurikulum sa pamamagitan
ngpagtatangal ng Filipino at Panitikan bilang core subject sa kolehiyo.

Isang mag-aaral mula sa Cavite State University-Imus ang nagbigay ng pahayag ukol sa batas ng
ched na alisin ang asignaturang filipino. Ayon sakanya, siya'y parang ninanakawan ng karapatan
na mas malinang ang kaalaman at kakayahan sa kaniyang sariling wika. Sabi pa nya at para na
ring nilabag ng CHED ang 1987 constitution.

Bakit nya nasabing nilabag ng CHED ang 1987 constitution?

Ayon sakanya, nilabag ng CHED Memo na ito ang Artikulo XIV, seksyon 6 ng
Konstitusyon ng Pilipinas noong 1987. Nakapaloob sa parte ng konstitusyongito na ang ating
pambansa wika na Filipino ay nararapat pagyamanin atitaguyod bilang midyum ng
komukasyon at pagtuturo. Dahil sa pagtanggalng Filipino at Panitikan sa kolehiyo bilang core
subject, hindi naisakatuparanng memo na ito ang layunin na mapayabong at mapagayaman ang
wikangFilipino at ang layunin na magsagawa ng hakbangin upang puspusan itongmaitaguyod
bilang opisyal na midyum ng komunikasyon at pagtuturo. Sapamamagitan ng patuloy
na pag-aaral at pagsasagawa ng mga diskusyon sawikang Filipino sa mas mataas na antas,
lalong lumalago ang ating wika. Masmagiging epektibo rin ang paggamit ng Filipino bilang
wikang pangturo kungang mga gagamit nito ay lubos na mahahasa sa pamamagitan ng patuloy
napag-aaral nito.

Pangalawa, taliwas sa argumento ng CHED na hindi na kailangan ituro ang Filipino at Panitikan
sa kolehiyo sapagkat naituro na ito sa elementarya athigh school at nauulit lamang ang
pagtuturo nito, kung ihahambing ang mgabagong core subject ng Senior High at core subject na
naiwan sa kolehiyo,Filipino at Panitikan lamang ang tinanggal habang ang ibang
subject saSenior High ay may katumbas sa kolehiyo. Ilan sa mga halimbawa nito, ayonsa
iprinisintang talahanayan ng Tanggol Wika na nagkukumpara ng mgaasignatura sa
Senior High at kolehiyo, ay ang Oral Communication atReading and Writing sa
Senior High ay may katumbas na PurposiveCommunication sa kolehiyo at ang General
Mathematics ay may katumbasna Mathematics in the Modern World. Ipinapakita nito na hindi
makabuluhanang pagpapatanggal Filipino at Panitikan sa kolehiyo sapagkat tulad ng ibang
subject, mas nadadagdagan ito ng pag-aaralang mga paksa na maaaring talakayin sa
kolehiyo.

Sa kabuuan, Ang hakbang na ginawa ng CHED na tanggalin ang Filipino at Panitikan bilang core
subject sa kolehiyo ay ang simula ng pagpatay sa ating sariling wika. Malaking rason ng hakbang
na ito ay ang globalisasyon na pilit kinakamtam ng ating gobyerno. Tahasang tinatanggalan ng
pagkakakilanlan sa sariling kultura at wika ang mga Pilipino upang sila ay mahubog bilang mga
manggagawa na kinakailangan ng ibang bansa.Masisimulan ang pag-unlad ng ating bansa
kung ang una natingpayayamanin at aalagaan ay ang ating kultura at wika.

Created by : Jessabel Pinedo

Leleth Lopez

Bobby Diosanta

You might also like