Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pangkat 4

Grumal, Jethro
Ilao , Rechelle
Javier, Shaira Michaela

“WALANG PANGINOON NI DIOGRACIAS A. ROSARIO”

TAUHAN
✓ Marcos
-isang Binatang magsasaka na namatayan ng ama, mga kapatid at kasintahan ni
Anita. Siya ay may sama ng loob kay Don Teong.
✓Don Teong
-isang Mayamang asendero nagkamkam at nagpalayas sa lupain nila Marcos. Siya
ang naging sanhi ng pagkagalit ni Marcos.
✓ Anita
- Anak ni Don Teong, kasintahan ni Marcos, namatay dahil sa pananakit Ng
Ama.
✓ Ina ni Marcos
- Nag iisang kasama nalang ni Marcos, at ang palaging nagpapakalma Kay
Marcos sa tuwing nakakaramdam sya Ng poot sa kanyang anak.
TAGPUAN
✓ Lupang Sakahan
- Dito sila marcos kumukuha ng pang-kabuhayan na inaangkin na ni Don
Teong.

✓ Ilog
- Dito nagsimula maghayag ng nararamdaman si anita kay Marcos dahil sa
pagliligtas nito sa kaniya sa pagkalunod.

✓Hasyenda
- Dito ang bahay ng mayamang si don teong na siyang pinuntahan ni marcos
noong nalaman nitong may sakit ang kaniyang kasintahan.

Banghay
SIMULA
Nang Makita ni Marcos ang kanilang lumang orasan na ang mahabang
hintuturo ay nakapako na sa ika-8 ng gabi tinakpan niya ang kanyang tainga upang
hindi marinig ang animas sa simabahan sa kadahilanang ito ay nagpapaala lamang
sa kanya sa pumanaw niyang ama, dalawang kapatid at sa kanyang kasintahang si
Anita.

GITNA
Sa gitnang bahagi ng kwento dumating ang kasulatan na galing sa pamahalaan
na sila ay binigyan nalang ng isang buwan palugid sa pagtira sa kanilang bahay sa
bukiran. Dito na nag isip si Marcos kung paano nya masusulosyonan ang
problemang ito.

WAKAS
Dito na namatay sa Don Teong dahil sa pagkasuwag sa kanya ng kalabaw.
Paksang- Diwa
✓ Kahirapan, dahil sa naging karanasan ng mga tauhan napakadami nilang naging
problema pero Hindi nila ito iniasa sa panginoon bagkus ginawa ni Marcos na
gumawa sya ng isang gawain kung paano nya nalagpasan ang malaking pagsubok
sa kanilang Buhay.

Bisa
✓Bisang Pangkaisipan
- Ang kuwento na ito ang nagpamulat sa atin na ang tao ay may sukdulan.
Lahat ay may damdaming dapat maramdaman, at ang tao ay hindi gagawa
ng hakbangin kung hindi na tama ang ginagawa sa kanila at puro
pagmamalabis na lamang.

✓ Bisang Pandamdamin
- Naramdaman ko sa kwento na ito ang galit,awa at kalungkutan. Galit dahil
ang mga nakatataasan ay hindi nagiging makatarungan athindi pantay-
pantay ang tingin sa kapwa niya. Awa at kalungkutan dahil ang mundo ay
waring tatsulok dahil ang mga mayayaman lamang ang nasa tuktok at ang
mga nasa baba ay hindi napapahalagahan sa lipunan.

You might also like